Madaling araw pa lang, at iyon pa lang ang sinasabing oras ng kasarapan sa pagtulog. Nang magulat si Julz at Andrew. Isang malakas na kalabog ng pagbukas ng pintuan ang nagpagising sa kamalayan nilang dalawa na natutulog sa kama. Sa ilalim ng kumot ay ang kanilang mga hubad na katawan, na halos walang lakas dahil sa nangyari sa kanila sa nagdaang gabi. Halos hindi nakapagsalita si Julz at Andrew ng tumambad sa kanilang harapan ang dahilan ng malakas na kalabog na pagbukas ng pituan ng kwarto niya. Ang Daddy Ariston niya kasama ang mommy Ariana niya. Kasama din ng mga ito ang Tito Amando niya at ang asawa nito na si Tita Zusana. "Andrew!/ Julian Zusainne!" Halos sabay na sigaw ng mga ito ng makita sila sa ganoong ayos. Walang pagkukunwari. Walang pangtatanggi. Huling-huli sila sa pagkakat

