Mabilis ang takbo ng kotse ni Andrew. Kailangan niyang maabutan si Julz. Hindi niya kayang malayo ito sa kanya. Mabuti na lang at nagawa niyang takasan ang mga bantay na itinalaga ng daddy niya sa kanya. Nasa opisina siya ng biglang pumasok ang maintenance na siyang maglilinis sa opisina niya. Mabuti na lang at gabi na ng mga oras na iyon. Kung makakatakas siya ngayon. Maaabutan niya ang flight ni Julz lalo na at alas nueve pa ang flight nito ayon sa narinig niya sa bantay niya. Nakita niya ang malaking lagayan nito ng mga gamit panglinis. Naisip niyang kahit medyo masikip, kaya naman niyang isiksik ang katawan niya sa loob noon. Kaya naman pagkakataon na niya iyon para makatakas. Ipinaalis niya lahat ng gamit na nakalagay sa trolley nito, saka siya pumasok sa loob. Medyo masikip ang kina

