Mabilis ang pagmamaneho sa sobrang pagmamadali at wari mo hinahabol ni kamatayan ang takbo ng kotse, lulan ang mag-anak. Kasunod nila ang dalawa pang kotse na lahat ay hindi maipinta ang gulat, at takot na nararamdaman. Gabi na ng mga oras na iyon ng makatanggap sila ng tawag. Hindi naman nila inaasahan na ang masayang biruan sa hapag ay hahatong sa isang masalimuot na balita. Ramdam nilang lima noon una pa lang ang kakaibang kinikilos ng dalawa. Lalo na noong isa, na habang ang kapatid niya noon ay hinahanap ang mahal nito. Pero hindi siya nagsalita, ni hindi siya nakaramdam ng panghuhusga. Bagkus ay sinarili lang niya ang pagsuporta sa mga ito. Habang ang tatlo ay nakasama ng isa noong panahon na ipinagkasundo ang mga ito. Ang alam nilang lahat hindi nakapunta ng kasal ni Dimitri at L

