Mula ng lumabas si Julz sa condo ni Andrew ay tumuloy na siya sa kanyang sasakyan. Wala siyang alam na pupuntahan. Ayaw niyang umuwi ng bahay. Ayaw din niyang abalahin si Jelly. Nahihiya siyang baka tanungin siya ni Jelly kung bakit ngayon lang siya nalagi sa apartment nito ng mga oras na iyon. Lalo na at may inom pa siya. Kaya mas pinili na lang niyang magmaneho ng walang direktang pupuntahan. Gusto niyang mapag-isa. Iyon lang ang nais niya ngayon.
Patuloy lang siya sa pagmamaneho, kahit hindi niya alam kung saan siya tutungo. Makalipas ang ilang minuto ay nakatanggap siya ng tawag kay Andrew. Hindi na lang niya pinansin ito. Pero sa paulit-ulit ang ginagawa nitong pagtawag. Kaya naman nakaramdam siya ng inis at hiya. Inis dahil sinabi kinukulit pa rin siya ni Andrew. At hiya, dahil hindi na niya nagawang itago pa ang pagmamahal na naramdaman niya para dito. Kaya naman pinatay muna niya ang cellphone niya ng hindi na ito makatawag pa.
Patuloy lang siya sa pagmamaneho. Ramdam niya ang lamig sa labas kahit pa sabihing naka-on ang aircon ng sasakyan niya. Natigilan pa siya ng mapansing ang lugar na narating niya ay isang makitid na daan, na puro puno ang paligid. Hindi siya pamilyar sa lugar, kaya kahit papaano ay nakaramdam siya ng takot. Masyadong malayo na siya ng Maynila. Lalo na at nasa ilang oras na rin siyang nagmamaneho. Nang may isang lalaking biglang sumulpot sa kanyang harapan. Mabuti na lang at mahina ang takbo ng kotse niya. Kaya hindi niya ito nasagasaan. Pawisan ito at mukhang pagod na pagod. Nakikita din sa mga mata nito ang takot, pag-aalala. Kahit madilim ang paligid. Maliwanag naman ang ilaw ng kanyang sasakyan. Kinatok pa nito ang windshield ng kotse niya kaya naman lalong umahon ang kanyang kaba.
"P-please help me. Tulungan mo ako parang awa mo na. Pakiusap. Ang asawa ko." Pagmamakaawa ng lalaki, na hindi na pinansin ang mataas nitong pagsasalita ng ingles. Kaya naman walang pag-aalinlanagan na pinagbuksan ito ni Julz ng pintuan.
"Anong nangyari? Anong nangyari sayo?" Nag-aalalang tanong ni Julz.
"Manganganak na ang asawa ko. Kahit hindi pa naman talaga niya kabuwanan. Alam namin ay dalawang buwan pa dapat. Pero nabasag na ang panubigin niya. Isa pa wala kaming pera. Dapat ay dinala ko na siya sa ospital noong may liwanag pa. Dahil medyo sumasama na ang kanyang pakiramdam. Pero ayaw ng aking asawa. Lalo na at wala nga kaming pera. Ngayon, nahihirapan na siya. Wala akong mahingan ng tulong. Madami akong nilapitan, pero ni isa walang tumugon. Pakiusap tulungan mo ako. Hindi ko kayang mawala ang asawa ko." Hagulhol ng lalaking na sa tingin naman ni Julz ay hindi nagsisinungaling. Ramdam niya ang hinagpis sa boses nito at ang takot sa pwedeng mangyari sa asawa at anak nito.
"Nasaan ba ang asawa mo?"
"Nasa bahay miss. Please help us. Gagawin ko ang lahat, maligtas lang ang mag-ina ko. May umaagos ng dugo sa binti niya kanina. Kaya pinili kong iwan muna siya para makahingi ng tulong, pero walang nagtangkang tumulong kahit isa. Ikaw na lang ang pag-asa ko. Pakiusap tulungan mo ako. Tulungan mo ang asawa ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko."
Nasa limang minuto lang ang tinakbo ng kotse ni Julz ng makarating sila sa maliit na bahay. Walang kuryente at tanging ilaw lang na nagmumula sa gasera ang gamit. Narinig niya ang maliit na boses ng umiiyak na babae. Kaya naman mabilis siyang bumaba ng sasakyan. Doon lang niya napansin na nakapaa lang ang lalaking humarang sa kanya, at wala man lang sapin sa paa.
"Mahal. May kasama ako. Nakita ko sa may daanan sa labasan. Nakiusap ako na baka matulungan niya tayo. Wag kang mag-alala. Magiging okey kayo ng anak natin. Tatagan mo lang mahal. Laban lang ha." Dinig ni Julz na pag-aalo ng lalaki sa babaeng tahimik na umiiyak.
"Kaya mo ba siyang buhatin? Isakay mo dito sa loob ng kotse ko. May malapit pa ditong ospital? Ako na ang bahala. Ituro mo lang ang daan." Wika ni Julz na mabilis namang ikinabuhat ng lalaki sa asawa nito.
Habang nagmamaneho ay nawala na sa isipan ni Julz na uminom nga pala siya. Nawala ang pagkalasing niya sa labis na pag-aalala. Mabilis niyang pinatakbo ang kotse niya. Lalo na at sa tingin niya. Kailangan na talaga ng babae ang atensyong medical. Dapat ng mailabas ang bata na nasa sinapupunan nito. Lalo na at premature ang baby, ayon sa asawa nito na nasa pitong buwan pa lang, ang sanggol sa sinapupunan ng asawa nito.
Pagdating nila ng ospital, ay unang bumaba ang lalaki buhat ang asawa nito. Si Julz naman ay naiwang sandali, sa kotse niya. Nagbuhos muna siya ng tubig sa mukha para mawala ang amoy ng alak. Nagpolbo din siya at inayos ang sarili. Pasalamat na lang siya at may dala palagi siyang mouthwash. Matapos maayos ang sarili ay sumunod na siya sa mag-asawa. Laking pagtataka ni Julz dahil hindi man lang pinapansin sa ospital na iyon ang nag-aagaw buhay na buntis at ang nanlulumong asawa nito.
"Bakit hindi pa nila kayo inaasikaso?" May inis na tanong ni Julz.
"Tinanong agad nila kami kung may dala kaming pera, para sa downpayment. Kita mo naman ang ayos ko di ba. Kaya naman noong sinabi kong wala akong dalang pera, hindi na nila kami pinansin pa. Hindi ko alam na ganito ang patakaran ng mga matataas sa ospital. Pribado man o pampubliko. Pag wala kang pera. Baliwala ka lang." Umiiyak na wika ng lalaki dahil sa kawalan ng pag-asa. Nang biglang sumigaw si Julz.
"Ganyan na ba kayo sa mahihirap! Mga wala kayong kwenta! Hindi n'yo ba nakikita ang kalagayan nila. Dapat kayong maseminar na mas mahalaga ang buhay kaysa sa pera!" Nanggigigil na wika ni Julz, ng mawalan ng malay ang babaeng buntis na hawak ng asawa nito.
"FVCK YOU ALL! MGA WALA KAYONG KWENTA! PAG MAY NANGYARING MASAMA SA MAG-INA! HINDI AKO MAG-AATUBILING ILABAN ANG TAMA KAPALIT MAN AY ANG PROPESYON KO! MGA G*GO KAYONG LAHAT!" Pagwawala pa ni Julz, lapitan sila ng isang nurse sa maliit na ospital na iyon.
Kita naman ni Julz ang pagkagulat sa mukha nito, kaya naman bigla na lang itong tumawag ng doktor sa loob at iba pang nurse na mag-aasikaso sa walang malay na asawa ng lalaking ngayon ay hindi namakakilos, sa sobrang pag-aalala sa asawa at anak nito.
Mabilis ang kilos at dinala sa delivery room ang babae. Pero bago makapasok ng ang mga ito ay nagsalita pa si Julz. "Siguraduhin ninyong magiging ligtas ang mag-ina, dahil kung hindi. Kapalit man ang propesyon ko. Sisiguraduhin kong pare-pareho tayong mawawalan ng lisensya. Pag hindi ninyo inayos ang trabaho ninyo!" Pagbabanta pa ni Julz, at nakita pa niya ang takot sa mga mata ng doktor sa maliit na ospital na iyon. Bago tuluyang maisara ang pintuan ng delivery room.
Binalikan naman ni Julz ang lalaking asawa ng babaeng buntis. Nakasalampak pa rin ito sa harap ng emergency room at tahimik na umiiyak.
"Wag kang mag-alala. Gagawin nila ang lahat para mailigtas ang mag-ina mo. Wag kang panghinaan ng loob. Maniwala ka. Magtiwala ka." Wika ni Julz na ikinatingala sa kanya ng lalaking nakasalampak pa rin sa sahig.
"Miss, salamat. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Mahirap maging mahirap. Pero masaya ako sa pinili ko. Masaya akong kasama ko ang babaeng mahal ko. Kaysa sa pera, o ano mang yaman." Wika ng lalaki na inalalayan ni Julz na makatayo.
"Doon tayo sa harap ng delivery room. Nandoon na ang asawa mo."
"Salamat talaga miss. Hindi ko alam kung paano po ako makakabayad, sayo sa ngayon Pero magpapasalamat muna ako ngayon sayo. Ako nga pala si Marco. Hindi ko na nagawang magpakilala kanina. Sa labis na pag-aalala." Magalang na pakilala ni Marco kay Julz.
"I'm Dra. Julian Zusainne De Vega. Tawagin mo na lang akong Julz. Maalala ko lang di ba sabi mo kanina. Madami ka ng hiningan ng tulong pero ano ang naging dahilan at walang tumulong sa inyo. Ang isa pa. Bakit nagtitiis kayo sa isang liblib na lugar. Lalo na at buntis pa naman ang asawa mo, dapat hindi doon kayo nakatira." Saad ni Julz na biglang ikinayuko ng lalaking nasa tabi niya.
Pinagmasdan naman ni Julz ang kabuoan ng lalaki. Maganda ang katawan nito at masasabi niyang hindi ito mukhang mahirap. Maputi ang balat nito, maganda din ang mga paa. Iyon nga lamang at wala itong suot na sapin. Medyo may sira din ang suot nitong damit. Gwapo din ito, tulad ng asawa nito na masasabi niyang may angking kagandahan, kahit buntis.
"Walang gustong tumanggap sa relasyon namin." Panimulang wika ni Marco habang hinihintay ni Julz ang sunod nitong sasabihin.
"Magkapatid ang tatay ko at ang nanay ni Mira. Lahat sila tutol sa relasyon namin. Alam kong mali pero hindi namin napigilan ang umusbong na pagmamahal na naramdaman namin para sa isa't isa. Ginawa ko ang lahat para makaiwas at iwasan siya. Iyon nga lamang, kahit si Mira, hindi napigilan ang aming nararamdaman. Mandidiri ka ba sa akin kung sasabihin kong kadugo ko ang babaeng minamahal ko?" Malungkot na wika ng lalaki. Hindi naman pagkasuya ang naramdaman ni Julz kundi pagkamangha, lalo na at napakatapang ng dalawang ito, para ipaglaban ang kanilang nararamdaman.
"Hindi ako mandidiri sayo, at hindi talaga ako nandidiri sa inyo. Ang masasabi ko lang ay humahanga ako, dahil sa tapang ninyong dalawa para ipaglaban ang pagmamahalan ninyo. Oo mali, at hindi katanggap-tanggap sa paningin iba. Pero darating ang panahon na magiging ayos din ang lahat at matatanggap din kayo ng lahat. Wag kang mag-alala, humahanga talaga ako sa relasyon na meron kayo ni Mira." Sagot ni Julz habang ang nasa isip ay ang sitwasyon nila ni Andrew.
'Sana dumating din ang pagkakataon, na mahalin ako ni Andrew. Kahit masakit kahit mahirap, ipaglalaban din namin ang isa't isa.' Mapait na wika ni Julz sa kanyang isipan. Nang bumukas ang delivery room at lumabas ang babaeng doktor na siyang nagpaanak kay Mira na asawa ni Marco.
"I'm sorry dok, dahil sa hindi pag-intindi ng staff ng ospital na ito sa pasyente. Sorry po talaga. Nasa maayos na kalagayan na po ang pasyente. Maayos po naming nailabas ang sanggol tru cesarean. Hindi kasi kakayanin ng katawan ni misis na mag normal delivery pa, lalo na at nawalan na siya ng malay. Dahil premature si baby. Inilagay po muna namin siya sa incubator. Again sorry ulit dok. Ililipat po namin mamaya ang pasyente sa private room. Once nakarecover na po ang katawan niya." Paliwanag ng doktor bago ito tuluyang umalis sa harapan nila.
"Narinig mo maayos ang mag-ina mo. Wag ka ng mag-alala." Saad ni Julz kay Marco na nakatingin sa kanya.
"Thank you dok. Hindi ko alam kung paano ako makakabayad sayo. Sa kabutihan mo sa akin. Sa amin ng pamilya ko."
"Mahalin mo lang ang asawa mo, at ang anak mo. Pag pwede na silang magbyahe, ililipat ko kayo ng Maynila. Doon na lang kayo sa apartment ko. Para mabantayan ko din ang kalusugan ni Mira, pati ng baby ninyo. Masaya ako sa ipinaglalaban ninyong pagmamahal. Alam kong matatanggap din kayo ng pamilya ninyo. Lalo na sa tingin ko hindi ka talaga sanay sa hirap." Natawa naman si Julz ng mapagtantong totoo ang kanyang hinala.
"Sorry kung sa ganitong sitwasyon mo nakita ang anak ng may-ari ng Benitez Hospital." Saad ni Marco na ikinagulat ni Julz.
"Wala akong kalaban-laban kanina, wala akong masabi at wala akong magawa. Lalo na ng makita kong nanghihina na ang babaeng mahal ko, na akala ko iiwan na ako. Pasensya na talaga." Hinging paumanhin pa ni Marco.
"I'm Marco Benitez dok. Nag-iisang anak ni Dr. Claro Benitez. Isang surgeon sa kilalang ospital sa Maynila. Kapatid ni daddy ang mommy ni Mira na si Dra. Clemente Lazaro, isang optometrist. Dahil nalaman ng pamilya namin ang lihim naming pagtitinginan. Inalisan ako ni daddy ng mana. Lahat ng pera ko naka hold. Hindi din ako makapagtrabaho, dahil naka ban ako sa mga kompanya. Katulad din ni Mira. Pinili naming manirahan dito. Para walang makakilala sa amin. Hanggang sa dumating ang pagkakataon na ito. Wala talaga akong pera. Wala kaming pera. Gusto kong sumuko pero ayaw kong iwan ang pamilya ko. Kaya kahit mahirap, tiis lang. Alam kong hindi pa rin kami pinabayaan ng Maykapal, lalo na at nandito ka, tinulungan mo kami. Kahit hindi mo kami kilala. At isang mahirap lang. Napansin kong kanina ka pang nakatingin sa paa ko. Nawala na sa isip kong magsuot ng kahit na anong sapin sa paa sa sobrang pagkataranta. Nakakahiya man ang ayos ko. Pasensya na at maraming salamat talaga." Mahabang paliwanag ni Marco na hindi naman napigilan ni Julz ang maluha.
"Mamaya lalabas ako, may mga tindahan pa naman sigurong bukas dito. Bibili ako ang mga kailangan ninyo at gamit mo. Naiintindihan ko ang paggiging aligaga mo kanina. Kung iisipin mo ang pambayad. Maging masaya lang kayong dalawa ng asawa mo, sapat na iyon sa akin." Mahabang paliwanag ni Julz na ikinatutok nila ang paningin, sa nurse na bagong labas at sinabihan sila na inilipat na ang asawa ni Marco sa recovery room.
Sa lahat ng sinabi ni Marco, at sa ipinakitang tapang ng dalawa para ipaglaban ang pagmamahal ng mga ito kahit bawal. Ay si Andrew at si Andrew pa rin ang lama ng kanyang nasa isipan. Piping hiling lang niya na sana dumating ang pagkakataon na kahit mali ang sitwasyon. Maging pareho sila ng nararamdaman, at pareho nilang ipaglaban ang pagmamahal na mabubuo sa kanila, kung mayroon man.