Nakatingin lang si Andrew sa nakasaradong pintuan, kung saan lumabas si Julz. Hindi pa rin magsink-in sa isipan niya ang mga sinabi sa kanya ng pinsan niya. Nakatayo lang siya, na halos parang wala sa huwesyo at mariing iniisip ang sinabi ni Julz. Halos nasa limang minuto din ang nakalipas, bago pa mapagtanto at pumasok sa kanyang isipan ang lahat-lahat.
"M-mahal, mahal ako ni Julz? The feeling is mutual? Tama di ba? Hindi naman ako nagkariringgan lang. Malinaw na malinaw niyang sinabi na mahal niya ako. Mahal ako ni Julz. Oh Jesus!" Bulalas ni Andrew na hindi niya malaman kung gaano kasaya ang nararamdaman niya. Masaya siya sa kaalamang mahal siya ni Julz. Pero hanggang ngayon hindi pa rin niya alam kung paano niya ipapaalam ang nararamdaman niya para dito.
"Napakatapang ni Julz, para umamin sa nararamdaman niya para sa akin. Samantalang ako itong lalaki, hindi ko man lang masabi sa kanya ang tunay kong nararamdaman. Mahal kita Julz. Mahal na mahal. Pero paano? Paano ko ba iyon sasabihin sa iyo? Haist!" Napaupo na lang muna si Andrew sa couch at hindi niya malaman kung ano ang tama at dapat munang gawin.
Napatingin din siya sa kwarto niyang inuukupa ni Anna. "Ngayon mas masasabi kong napakalaki ng papel mo sa buhay ko. Hindi pala kita napiling ligawan dahil mahal kita. Napili pala kita dahil ikaw ang daan para malaman ko ang nararamdaman ni Julz. Hay, babawi ako sayo sa pamamagitan ng pag-aalaga sayo. Salamat Anna." Wika ni Andrew sa sarili, na wari mo ay nakikita si Anna na nasa loob ng kwarto niya.
Napabaling namang muli ang atensyon ni Andrew sa kwartong inuukupa ni Julz.
"Sh*t! Bakit ba hinayaan ko iyong makalabas? Lasing iyon eh!" Singhal ni Andrew sa sarili. Bigla naman siyang tumayo para puntahan si Anna sa kwarto niya. Sa pagbukas ng kwarto niya, ay sumimoy kaagad ang amoy ni Lucas.
"Pasalamat ka De La Costa ako ang nakakuha sa babaeng mahal mo. Pero hindi kita mapapatawad sa ginawa mo kay Anna. Magkaibigan tayo pero hindi ko kukunsintehin ang pagkakamali mo." Saad lang ni Andrew habang nakatingin sa natutulog pa ring si Anna.
Mabilis siyang lumabas ng condo niya, lalo na at medyo madilim na rin. Gusto niyang sundan si Julz kung saan man ito nagtungo. Tumawag siya sa bahay nina Julz at si Manang Letty lang ang sumagot. Sinabi din sa kanya ng matanda na wala doon si Julz, kaya naman mabilis na rin siyang nagpaalam. Sinubukan niyang tawagan si Jelly, pero hindi nito kasama si Julz. Napahilamos na lang ng mukha si Andrew dahil hindi malaman kung nasaan si Julz. Tinawagan din niya ang cellphone nito, pero out of coverage na. Noong una, nagriring pa. Pero nitong nakakailang tawag siya. Pinagpatayan na rin siya ng tawag ni Julz.
Lahat ng pwedeng puntahan ni Julz ay pinuntahan niya. Kahit ang mga ospital. Pero walang bakas ni Julz na nagpunta ito sa lugar na iyon.
"Julz nasaan ka na ba? Wag ka namang ganyan. Bumalik ka na. Sobra na akong nag-aalala sayo." Wika pa ni Andrew sa sarili. Na walang ibang nasa isipan sa mga oras na iyon, kundi ang malaman kung nasaan si Julz.
Nanlulumo namang bumalik si Andrew sa condo niya. Lalo na at lumalalim na ang gabi. Kahit sobra ang pag-aalala niya kay Julz. Nag-aalala din siya kay Anna na naiwang mag-isa sa condo niya. Pagbukas ni Andrew ng pintuan ng kwarto niya ay nakita niyang gising na si Anna. Nakaupo ito sa kama at nakasandal sa headboard.
"Kumusta ang pakiramdam mo? Okey ka lang Anna?" Tanong dito ni Andrew na tango lang ang naging sagot.
"Nagugutom ka ba? Ipagluluto kita. Umalis si Julz kaya ako lang ang makakasama mo dito. Nagkaroon kasi kami ng hindi pagkakaunawaan. Kaya ako na lang muna ang bahala sayo dito. Okey lang ba sayo?" Malambing na tanong ni Andrew kay Anna.
"Hindi ako nagugutom. Salamat. Nakakaabala na ba ako sa inyong dalawa?" Malumanay na tanong ni Anna.
"Hindi ka nakakaabala. At kahit kailan hindi iyon mangyayari. Besides gusto kong magpasalamat sayo. Iyon nga lang biglang umalis si Julz at hindi ko naman mahanap. Ipaghahanda na lang kita ng pagkain mo. Para pag nagutom ka. May makain ka. Pag need mo ako. Tawagan mo lang ako. Matulog ka na ulit mamaya pag nakakain ka na ha. Wag mong i-stress ang sarili mo. Makakasama iyan sa baby mo. Maliwanag." Wika ni Andrew at ngiti lang ang isinagot ni Anna sa kanya. Napahugot naman ng malalim na paghinga si Andrew sa mga nakikitang kilos ni Anna. Pinagmasdan muna ni Andrew si Anna ng mga ilang minuto pa. Hindi naman siya pinapansin ni Anna kahit matagal siyang nakatitig dito. Tinulungan naman ni Andrew na makahiga ng maayos si Anna bago siya tuluyang lumabas ng kwartong iyon.
Nagtungo muna siya sa kusina para makapagluto. Pero pagbalik ni Andrew ng kwarto ay natutulog na si Anna. Nakita na naman niya, ang mga natuyong luha sa pisngi nito. Gusto man niyang hawakan ang mukha ni Anna, natatakot naman siyang baka magising at magulat pa ito sa kanya. Nag-aalala din siya na baka makadagdag pa iyon sa nararamdaman takot nito. Kaya naman matapos niyang mailagay ang mga pagkaing niluto niya sa bedside table ay lumabas na rin siyang muli.
Kinaumagahan ay, binisita muli ni Andrew si Anna at tulad pa rin ng dati, hindi nito ginalaw ang pagkaing niluto niya, kagabi para dito. Nagluto lang muna ulit siya ng para sa umagahan. Nakatingin lang si Anna sa pagkain pero hindi naman ginagalaw. Ininom lang nito ang gatas na tinimpla niya at nagpaalam na lang ito na matutulog na lang muli. Wala na ulit siyang magawa, lalo na at wala si Julz sa tabi niya, na kahit papaano sinusunod ni Anna.
Nang makita niyang nakahiga na si Anna sa kama ay nilapitan niya ito at nagpa-alam na lalabas muna siya. Tinanguan lang siya ni Anna, kaya naman wala na rin siyang nagawa kundi lumabas na lang. Nag-aalala man siya kay Anna. Pero mas nag-aalala siya kay Julz. Lalo na at kagabi pa siyang walang balita kung nasaan man ito.
Muli niya itong tinawagan si Julz at nagring naman ang cellphone nito pero hindi talaga siya nito sinasagot.
Mabilis namang pinasibad ni Andrew ang kotse niya, para hanapin ang dalaga. Hindi talaga siya matatahimik pag may nangyaring hindi maganda kay Julz. Kagabi pa itong nawawala at hindi niya malaman kung saan ito nagpunta.
Binalikan niyang muli ang ospital na palaging nagsasagawa ng medical missions at ang mga nakakasama nitong doktor pero hindi talaga alam ng mga ito kung nasaan si Julz.
Kinulit naman ni Andrew si Jelly kung may nalalaman ito kung nasaan si Julz, pero wala din siyang napala sa dalaga. Alam niyang hindi naman magsisinungaling si Jelly sa kanya. Kaya naman mas lalo siyang nanlumo sa kaalamang wala din itong alam kung nasaan si Julz.
Nagtungo na lang si Andrew sa opisina niya. At umaasang tatagawan siya ni Jelly, kung sakali man na tumawag dito si Julz. Hindi naman siya makapagfocus sa trabaho niya, kahit na anong gawin niya.
"Haist! Kasalanan kong lahat ito eh. Kung hindi ko siya hinayaang umalis, hindi naman siya mawawala ng ganito. Kahit wala pang twenty four hours siyang nawawala. Hindi pa rin ako matatahimik, hanggat hindi kita nakikita Julz." Napasabunot pa si Andrew sa sobrang inis sa sarili.
Gusto niyang tawagan ang Tito Amando niya, pero hindi naman niya masasabi dito ang dahilan kung bakit umalis si Julz. Na ngayon nga ay nawawala. Kaya sinarili na lang muna niya ang pag-aalala dito. Napatingala na lang si Andrew sa itaas ng kisame ng kisame na wari mo ay doon makikita si Julz, ng biglang tumunog ang cellphone niya.
Nakita niya sa screen ang pangalan ni Jelly. Si Jelly man ang tumatawag pero nagkaroon pa rin siya ng pag-asa na baka alam na nito kung nasaan man si Julz.
"H-hello. Hello, Jelly. May balita ka na ba kung nasaan si Julz. Tumawag na ba s'ya sayo? Nag-aalala na ako talaga sa kanya. Hindi ko naman inaasahan na ang pag-alis niya kagabi, ay aalis siya para hindi ko makita. Kung alam ko lang pinigilan ko na sana si Julz kaagad." Pambungad agad ni Andrew kay Jelly. Lalo na at sobra na talaga siyang nag-aalala dito.
(Sir Andrew, alam mo namang mahal na mahal ko si doktora, lalo na at siya na ang kumalinga sa akin mula ng magcollege ako at ngayon nga ay kinuha pa niya ako bilang sekretarya niya. Halos parang kapatid na ang turing ko sa kanya. Sir, kung ano man po ang nalalaman ko, sa nararamdaman ni doktora para sa inyo, sana po iwasan na lang po ninyo kung wala kayong nararamdaman para sa kanya. Kung meron naman, ay nagpapasalamat po ako na minahal mo si dok. Payo lang Sir Andrew kahit wala po akong karapatang magsalita. Wag po sana ninyong pigilan kung ano man ang nararamdaman ninyo. Dahil darating ang panahon matatanggap din po ng mga nasa paligid ninyo ang mga pinili ninyong desisyon.) Mahabang wika ni Jelly sa kanya.
"Salamat Jelly, tatandaan ko yan. Pero may balita ka na ba kay Julz?" Ulit pa niyang muli.
(Sir Andrew, nasa ospital po ng Santa Dolores si dok. Sa Santa Dolores Hospital. Maliit lang pong ospital iyon. Pero iyon na ang pinakamalaking ospital sa lugar na iyon. Katatawag lang po ni dokto--.) Hindi na napatapos ni Andrew na magsalita si Jelly ng, pagpatayan niya ito ng tawag. Bigla namang umahon ang kaba sa puso niya.
Mabilis siyang lumabas ng opisina, para puntahan si Julz. Hindi niya mapapatawad ang sarili kung may masamang mangyayari dito.
"Sir! Saan po kayo pupunta? May meeting po kayo mamayang eleven sa---." Hindi na natapos ni Sunshine ang sasabihin ng putulin ni Andrew ang pagsasalita niya.
"Cancel all my meetings Sun. Wag mo muna akong tatawagan. Mas importante ang lakad ko ngayon kay sa kung anong bagay. Thank you." Wika ni Andrew na nagmamadali ng hinayon ang elevator.
Pagkasakay ni Andrew ng kotse niya, ay tinawagan niyang muli si Julz, pero hindi nito sinasagot ang tawag niya. Ring lang ng ring, hanggang na tingin ni Andrew ay pinatay na ni Julz ang cellphone nito. O kaya naman ay nalobat na.
"Fvck! Ano bang nangyayari sayo Julz. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama sayo. Sorry Julz, sana talaga hindi kita hinayaan na makaalis." Mariing wika ni Andrew sa sarili.
Lalo pang nainis ni Andrew ng maipit pa siya sa mahabang trapik bago makalabas ng Maynila. Ang ilang oras na pagkakaipit sa traffic ay pakiramdam ni Andrew ay mahigit ng isang araw dahil sa bagal ng usad. Hindi naman siya makapagmadali, baka lalong hindi umusad ang mga sasakyan sa mga oras na iyon. Naiinip man, pero pinipilit ikalma ni Andrew ang sarili.
Nang makalampas sa trapik saka lang nakahinga ng maluwag ni Andrew. Mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan niya, pero sumusunod pa rin siya sa speed limit. Hindi niya malaman kung ano ang madadatnan niya sa ospital pero hinihiling niya na sana ay nasa maayos na kalagayan ni Julz.
Kahit matagal ang byahe ay mabilis namang nahanap ni Andrew ang ospital sa lungsod. Maliit ito kung ikukumpara sa ibang ospital. Pero sabi nga ni Jelly ito ang pinakamalaking ospital sa bayan ng Santa Dolores.
Mabilis na lumapit si Andrew sa information desk, para itanong kung saang kwarto naroon si Julz. Agad namang sinabi ng mga tauhan sa information ang room number at hindi naman nag-aksaya ng oras si Andrew at tinungo na agad niya ang elevator. Pero sa halip na maghintay. Tinakbo na lang ni Andrew ang hagdanan para marating kaagad niya ang ikalawang palapag ng gusali. Mabilis niyang hinanap ang room number at hindi naman nagtagal ay nakita naman agad niya iyon. Huminga muna siya ng malalim, at inihahanda ang sarili sa kung ano ang pwede niyang makita sa loob ng kwarto.
Dahan-dahan naman niyang binuksan ang pintuan. Hiindi na rin siya nag-atubiling kumatok pa, gawa ng kaba na kanyang nararamdaman. Hanggang sa tumambad sa kanya ang ang babaeng kagabi pang laman ng kanyang isipan sa labis na pag-aalala.
"Julz."