Chapter 16

2154 Words
Mula ng makita ni Andrew si Anna ay hindi na niya ito pinaalis pa sa poder niya. Kasama niya si Julz, sa pagtingin kay Anna. Pero sa ilang linggo na kasama nila si Anna, nababahala din sila sa pagiging tahimik nito. Noong una pag-umaalis si Andrew dahil sa trabaho niya sa kompanya. Aalis siyang may luto ng pagkain, para kay Anna. Pero uuwi siyang halos hindi man lang nagalaw ang mga niluto niya. Minsan tanghali na siyang aalis para tingnan ang ginagawa nito. Pero hindi man lang siya napapansin ni Anna na pinagmamasdan siya ni Andrew. Habang tumatagal ay parang naaalarma na siya sa kalagayan ni Anna. Lalo na at palagi na lang itong tulala, at wala ng napapansin sa paligid. Nagkausap din sila ni Julz tungkol sa kalagayan ni Anna. Dahil pag-wala siya si Julz ang tumingin dito. Ilang beses na nakita ni Julz na nagsusuka si Anna at palaging nahihilo kaya naman kinausap ni Julz si Andrew na dalahin nila sa ob-gyne si Anna. Hindi naman komontra si Andrew lalo na at nag-aalala din siya sa kalagayan ni Anna. Doon nga nila nalaman ang sitwasyon nito. Nagdadalangtao si Anna, pero sobra silang nag-aalala sa kalagayan nito. Halos hindi kumakain si Anna. Gayong may sanggol na umaasa dito. Kaya naman nagpasya na rin silang puntahan ang mga magulang ni Anna. Para malaman ang kalagayan ng dalaga. Noong una ay ayaw ni Anna na ipaalam sa mga magulang niya ang kalagayan niya, pero hindi naman pumayag si Julz at Andrew. Higit sa lahat, sa mga oras na iyon. Pamilya mismo ni Anna ng kailangan nito. Kalinga at buong pusong pagmamahal at pag-aalaga ang kailangan ni Anna. Masakit para sa isang magulang na malaman ang nangyari sa kanilang anak. Pero hindi nagtanong ang mga ito ng kung anu-ano. Lalo na at nakiusap si Anna na wag sabihin sa pamilya nito, kung ano ang nangyari sa kanya. Kaya wala silang sinabi kundi, kaibigan sila ni Anna, at sila ang nag-alaga sa dalaga. Alam nilang dalawa ni Julz na sobrang nasasaktan ang mga magulang ni Anna sa nangyayari sa kanilang panganay. Pero nandoon pa rin ang buong suporta nga mga ito sa anak. Hanggang sa nalaman ni Andrew na nakahiram si Anna ng pera sa pamilya ni Lucas. Dahil na rin nais makabayad agad ng pamilya ni Anna. Hinayaang bilihin ni Andrew ng higit na halaga ang sakahan ng mga ito. Nais lang sana niyang ipahiram ang pera sa pamilya ni Anna. Pero hindi naman pumayag ang tatay nito. Na kahit mahirap lang daw sila, ay hindi nila sasamantalahin ang pagkakataon. Kung may magagawa naman silang paraan. Lalo na at may sakahan naman daw na pwedeng ibenta. Bakit hahayaan pang umutang. Noon lang, naaksidente si Tatay Noel ay biglaang kailangan ng pera at walang mapagbebentahan ng agaran kaya naman, nagastos ang perang ipinahiram daw ni Lyka. Si Lyka ang kasama lang noon ni Anna sa bahay ng mga De La Costa. Kaya ito ang nag-abot ng pera kay Anna. Nang malaman nito ang sitwasyon ng ama dalaga. Nang gumaling na Tatay Noel, na ama ni Anna, ay nagpresenta naman si Anna na siya na daw ang magbabayad ng nautang niya sa mga De La Costa. Kaya naman pinilit ni Anna ang Nanay Anastacia niya at si Tatay Noel na payagan na siya ng mga ito. Dahil sa tiwala na ibinigay ni Tatay Noel kay Andrew at Julz ay naisama nila pabalik si Anna. Pauwi ng Maynila. Habang nasa Maynila naman sila ay bumalik na naman ang pagiging tahimik ni Anna. Palagi lang itong nakatingin sa labas ng glasswall sa condo ni Andrew. Magsasalita kung tatanungin mo. Pero kung pwedeng iling at tango lang ang sagot sa tanong mo. Iyon lamang ang isasagot nito sayo. "Okey ka lang Anna? Gusto mong pauwiin ko na si Andrew? Nagugutom ka na ba? Magluluto na ako." Pukaw atensyon ni Julz kay Anna. Si Julz ang nag-aalaga ngayon kay Anna lalo na at madalas sa kompanya si Andrew. Hindi na muna pumasok si Julz sa clinic nito. Dahil may nakuha naman siyang substitute sa kanya. Si Dra. Cruz, na nag-eenjoy sa pagpapalipat-lipat ng clinic. Hindi ito nag-stay sa ospital. Sa mga medical missions lang ito sumasama. Pero dahil wala itong schedule, ito muna ang tumingin sa mga pasyente niya. Tinitigan lang siya ni Anna, at umiling ito sa kanya. Ramdam niyang nahihirapan si Anna sa sitwasyon nito. Nais man nilang ipagamot si Anna sa psychiatrist hindi naman ito pumayag. Lalo na at tuwing papayuhan nila si Anna umiiyak lang ito. Kaya wala silang magawa ni Andrew kundi, kausapin at bantay na lang si Anna. Ayaw nilang pwersahin ito sa ayaw nito. "Anna, kailangan mong maging malakas. Mahirap man ang pinagdaanan mo, pero isipin mo ang magandang side. Nandyan ang baby mo. Siya ang gamitin mong lakas para lumaban sa buhay. Para lumaban sa araw-araw. Isipin mo kung magpapatalo ka sa depression papaano na ang batang nasa sinapupunan mo. Nandito lang naman ako pati si Andrew para sayo. Pati ang pamilya mo. Si Nanay Anastacia at si Tatay Noel. Nandyan pa ang mga kapatid mo. Si Noriel at Aira. Nakita ko kong gaano sila nag-aalala sayo. Nararamdaman ko din kong gaano ka nila kamahal. Hindi lang basta mahal. Mahal na mahal ka nila. Kaya palagi mo silang iisipin, ang mga taong nagmamahal sayo. Wag kang magpapatalo sa depression mo. Nandito lang kami para sayo. Hmmmm." Malambing na wika ni Julz. Habang tango lang ang sagot ni Anna sa kanya. Isang buntong hininga lang ang pinakawalan ni Julz, at mahigpit na niyakap si Anna. Nang malapit na ang oras ng pag-inom ni Anna ng vitamins ay pinagluto niya ito ng lugaw na maraming gulay lalo na at ayaw nitong kumain ng madami. Mas okey na kasi ang lugaw. Lalo na at pag lugaw ay nakakain naman nito. Siya din ang nagbibigay dito ng mga vitamins nito, para masigurado na maiinom ni Anna at hindi makakaligtaan. Sapagkat kailangan ni Anna iyon, lalo na at may baby sa sinapupunan nito. Matapos mapakain si Anna ay dinala na ulit ni Julz si Anna sa kwarto ni Andrew na inuukupa nito. Hindi na nila inilipat si Anna sa guest room lalo na at pinaliguan ni Andrew ng brand ng perfume ni Lucas ang buong kwarto nito. May hinahanap daw kasi si Anna na amoy na hindi nito maipaliwanag kaya naman iyon ang naisip ni Andrew. Hindi nga ito nagkamali dahil nakakatulog ng maayos si Anna sa kwarto nito. Kaya naman kahit hindi maganda ang nangyari sa dalawa. Si Lucas pa rin talaga ang hinahanap ni Anna. Nang mapansing tulog na si Anna ay lumabas na ng kwarto si Julz. Nakaupo lang si Julz, at umiinom ng alak. Wala namang masama, lalo na at hindi naman siya napasok sa clinic ngayon. Gusto lang talaga niyang umimon. Nagseselos siya sa pagiging maalaga at sa pag-aalala ni Andrew kay Anna. Nag-aalala din naman siya kay Anna. Pero hindi niya mapigilan ang pag-usbong ng selos sa puso niya, kahit wala siyang karapatan dito. Lalo na at magpinsan sila. Mauubos na niya ang isang bote ng alak ng pumasok si Andrew ng condo nito. Napatingin naman si Andrew sa babaeng hanggang ngayon ay tumutungga pa rin ng alak. "Usapan natin, babantayan mo si Anna? Bakit umiinom ka na naman? Paano mo maaalagaan ni Anna kung lasing ka na naman. Paano kung mamaya pa ako umuwi? Di baka lango ka na naman. Tapos hindi mo pa mapakain si Anna. Julz, akala ko ba dalawa tayong nagmamalasakit sa kanya. Pero bakit ganyan ka?" Inis na singhal sa kanya ni Andrew. "Isang bote lang naman ito ang damot mo. At isa pa hindi ko pinapabayaan si Anna. Natutulog si Anna ngayon, kasi ipinagluto ko si Anna ng lugaw na maraming gulay para may sustansya pa rin ang kakainin niya. Pinakain at pinainom ko si Anna ng vitamins. Binantayan ko din siya hanggang sa makatulog! Tapos para sayo, pinababayaan ko si Anna. Kung hindi naman pala nakakatulong sayo ang pananatili ko dito aalis na ako. Madami ka namang pera. Maghired ka ng pwedeng magbantay sa kanya!" May hinanakit na sagot ni Julz. Bigla din siyang tumayo para hayunin ang pintuan. "Julz!" Pigil ni Andrew sa kanya habang madiing hawak ang palapulsuhan niya. "Julz lasing ka lang. Wala akong masamang ibig sabihin sa sinabi ko. Magpahinga ka na." "Uuwi na ako. Hindi pa ako lasing at kaya ko ang sarili ko!" Pagmamatigas pa ni Julz, habang pinipilit kumawala sa pagkakahawak sa kamay ni Andrew. "Ano ba Andrew!? Bitawan mo ako! Uuwi na ako. Kaya please lang. Bitaw!" May diing wika ni Julz. Kahit magsigawan naman silang dalawa ay hindi naman maririnig ni Anna iyon. Soundproof ang dalawang kwarto ng condo ni Andrew. Kaya naman sure silang hindi sila makakaabala sa natutulog na si Anna. "Anong nangyayari sayo? Julz wala akong sinabi na masama, bakit ka nagkakaganyan? Lasing ka lang, matulog ka na sa kwarto mo." Wika ni Andrew lalo na at nahihiwagaan siya sa ikinikilos ni Julz. Napansin na lang ni Andrew ang pamumula ng mga mata nito. Hindi niya maunawaan kung bakit biglang nagkaganito ni Julz. "Julz." "Julz! Julz! Julz! Palagi na lang Julz! Hindi ka ba nagsasawa? Iniintindi naman kita. Inaalagaan ko naman si Anna. Hindi ko pinababayaan si Anna. Uminom lang ako ng alak mo! Sinabihan mo na agad ako na pinababayaan ko si Anna! Bakit nakita mo bang pinabayaan ko si Anna? Ha! Nakita mo? Babayaran ko sayo ang mga alak na nainom ko! Kung iyan lang din ang ipinuputok ng butsi mo!" May diing wika ni Julz, na halatang pinipigilan ang mga luha sa mata. "Julz ano ba?! Wala akong sinabi na bayaran mo. Hindi kita sinisingil! Kahit ubusin mo ang lahat ng alak ko dito! Wala akong pakialam!" Paangil ang boses ni Andrew. Hindi man niya sinasadya na mapasigaw. Nagawa na niya. Kitang-kita niya ang mga luhang pinipigilan ni Julz ay nag-uunahan ng magsibagsakan. "Sorry. Hindi ko sinasadya na sigawan ka. Nabigla ako. Ano bang problema?" Biglang lumamlam ang mukha ni Andrew at naging malumanay ang pagsasalita, iniharap ni Andrew si Julz sa kanya at niyakap. "Bitaw! Bitawan mo ako Andrew! Hayaan mo na akong umalis! Pabayaan mo na ako. Gusto kong mapag-isa!" Sigaw ni Julz. Pero sa halip na bitawan ay mas lalong hinigpitan ni Andrew ang pagkakayakap dito. "Ano bang problema mo? Hindi ko gustong umiiyak ka. Nasasaktan ako pag napupuno ng mga luha ang iyong mga mata. Julz, tahan na. Ano bang nagawa ko at nagkakaganyan ka?" Malumanay na tanong ni Andrew habang ang isang kamay ay nasa beywang ni Julz at ang isang kamay ay pinapahid ang mga luhang patuloy na bumabagsak sa pisngi ni Julz. Nakatingin naman si Julz sa mukha ni Andrew. Hindi na ito galit at mababanaag mo ang labis na pag-aalala. Hindi naman malaman ni Julz ang dahilan kung bakit siya nagkakaganoon. Siguro napuno na rin siya ng kung anu-anong emosyon ang kanyang pagtitimpi. Tumikhim muna siya para maalis ang bara sa kanyang lalamunan, bago tuluyang magsalita. "N-nag. N-nagseselos ako." Nauutal na wika ni Julz sa kanya, habang namamangha na nakatingin sa magandang mukha ni Julz. "Bakit ka magseselos? Kanino ka nagseselos?" Takang tanong ni Andrew. "Hindi ko alam. Alam kong mali, pero Andrew. Alam kong isusumpa ako ni mommy at daddy. Pero hindi ko na kaya. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na alam ang nangyayari sa akin. Hindi ko alam kung kailan nagsimula. Hindi ko alam kung paano nangyari. Pagtawanan mo na ako, kung ayan ang nais mo. Iwasan mo ako. Layuan mo ako. Iwan mo ako. Pero hindi ko na kaya." Mahabang wika ni Julz habang patuloy pa rin na umiiyak. "Mahal kita Andrew. Hindi lang dahil lasing ako kaya ko ito sinasabi. Pero Andrew. Mahal kita mahal na mahal kita. Gawin ko mang makipagdate sa iba. Hindi ko magawang ibaling sa kanila ang nararamdaman ko. Mali. Maling-mali. Pero sinasabi ng puso ko na tama lang na mahalin ka." Saad ni Julz at wala pa ring ampat ang mga luha sa kanyang mga mata. Lumuwag naman ang pagkakayakap sa kanya ni Andrew. Halata din dito ang pagkabigla sa kanyang mga sinabi. Kaya naman nakalayo siya dito. Inilang hakbang lang ni Julz ang pintuan ng condo ni Andrew, at tuluyang nakalabas sa lugar na iyon. Hindi niya alam kung paano pa niya haharapin si Andrew dahil sa pag-amin niya. Sa ngayon kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwag dahil sa tagal ng panahon na kinikimkim niya ang nararamdaman niyang iyon kay Andrew, ay nasabi at naamin na niya dito ang lahat. Hindi naman siya humihingi ng katugon sa nararamdaman niya. Alam niyang walang tugon si Andrew sa kanyang nararamdaman. Sa ngayon ang nais lang muna niya ay ang makalayo kay Andrew, ayaw niya itong makita. Nahihiya siya. Dahil saan man daanin. Kahihiyan siya sa buong pamilya. Lalo na hindi niya alam kung galit ba si Andrew sa kanya, o nandidiri sa kanya dahil sa pag-amin niyang mahal niya ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD