Chapter 15

2527 Words
Napabuntong hininga si Andrew ng makitang muli ang napakadaming tambak na papels sa kanyang mesa. Kailangan niyang ireview muli ang mga ito lalo na at nagkaroon ng problema sa kompanya niya. Hindi niya malaman kung paanong may nakalabas na malaking halaga na pirmado niya. Nakalagay doon sa pinirmahan niya, na nagbigay siya ng twenty five million sa isang charity. Pero ang charity na nakasulat doon sa pinirmahan niya ay hindi naman totoo. Peke lahat ng impormasyon maliban sa pirma niyang totoong totoo. Kaya naman nawalan siya ng nasa dalawampo at limang milyong halaga ng kita ng kompanya. Noong una ay hindi niya malaman kung paano mababawi ang pera hanggang sa isa sa empleyado niya sa finance ang naglakas loob na lapitan siya at sabihin ang nalalaman nito. Nabawi naman ang kalahati ng halagang nawala sa kanyang kompanya, pero ang kalahati ay hindi na. Lalo na at nagastos na ito. Nabigyan na rin ng pangalan ang mga taong sangkot sa anomalyang naganap. Nais man niyang ipakulong ang mga ito, pero hindi niya kayang makita ang pamilya ng mga ito na naghihirap dahil nakakulong ang haligi ng tahanan. Kaya naman, binigyan niya ng isa pang pagkakataon ang mga ito para magbagong buhay. Iyon nga lamang ay inalis niya ang mga ito sa kompanya at nakaban din sa iba pa. Iyon na lang ang parusang kanyang ginawa. Mas ok pa rin kaysa ipakulong niya ang mga sangkot. Na nangako naman na ibabalik ang mga ninakaw ng mga ito. Hindi siya umaasa. Sa kanya sapat ng maranasan ng mga ito kung gaano kalaki ang pagkakataon na sinayang ng mga ito. Matapos mabasa lahat ng documents ay napapikit naman si Andrew dahil need niyang magrelax. "Aist! Gusto kong mag-chill, gusto ko ding uminom. Nakakapagod din ang ginawa ng mga iyon sa company ko. Hay, t*ngna!" Reklamo ni Andrew, ng biglang bumukas ang pintuan ng opisina niya. "Okey ka lang sir? May kaaway ka?" Nag-aalalang tanong ni Sunshine habang nakatingin sa kanya. "Ah wala naman. Tapos ko ng basahin at pirmahan. Okey na itong lahat. Naayos ko na rin naman. Maaga akong aalis. Need kong magrelax." Sagot lang ni Andrew dito. "Ah okey po sir. Nagsasalita po kasi kayo ng mag-isa. Kaya akala ko, may kaaway po kayo." Sagot ni Sunshine ng akma itong lalabas ng opisina niya, pero bumalik na wari mo ay may nakalimutan. "One more thing sir. Pwede na rin ba akong lumabas? Pagkaalis mo?" Nahihiyang tanong pa nito. "Wala ka namang gagawin pag-alis ko. Kaya pwede ka na ring umalis." "Thank you sir." Masayang wika ni Sunshine na ikinalabas na nito sa opisina niya. Napailing na lang si Andrew dahil para itong bata na tuwang-tuwa. Binabagtas ni Andrew ang daan patungo sa bahay nina Lucas. Nais sana niyang uminom para magrelax at magtungo sa bar. Iyon nga lamang ay mas masarap pa din ang may kasama. Kaya naman naisipan niyang puntahan si Lucas. Lalo na at alam niya kailangan din nitong magchill at magrelax. Sa sobrang busy nito sa pamamalakad ng kompanya at mall, wala na itong panahon para sa sarili. Nakapasok na siya ng subdivision ng mapansin niya ang isang babae na mabilis na naglalakad. Hindi na lang niya sana papansinin ng ito ng maalala niya ang mukha ng babae. Higit sa lahat, napansin niya na parang umiiyak ito. Bigla naman siyang nag-u turn at sinundan ang babae. Nang nasa malapit na siya nito ay mabilis siyang bumaba. Nais sana niyang kausapin ito ng bigla na lang itong mawalan ng malay. Nagpapasalamat pa rin si Andrew na mabilis ang kilos niya. Dahil kung hindi. Maaaring bumagsak sa semento si Anna. Pinagmasdan muna ni Andrew ang mukha ni Anna. Hindi maiipagkaila na napakaganda pa rin nito. Ipinagtaka lang niya ay ang makitang pamamaga ng mata nito na sa tingin niya galing sa matagal na pag-iyak. Mabilis namang isinakay ni Andrew ang walang malay na si Anna sa kotse niya. Hindi na niya naisip na dalahin ito sa ospital. Kaya naman sa condo na lang niya ito dinala. Pinagtinginan man siya ng mga nakasalubong niya at mga guwardiya, pero sinabi na lang niyang girlfriend niya ito, at nakatulog lang. Nang makarating siya sa loob ng condo niya ay inihiga na lang niya si Anna sa kama niya. Naramdaman niya ang panginginig ng katawan nito. Hindi niya tuloy malaman kung ano ang gagawin kaya naman walang pag-aalinlangan na tinawagan niya si Julz. Samantala, nag-aayos naman si Julz para sa date niya at ni Mico. Ilang beses pa siyang pinilit ni Jelly na makipagkita sa dating professor nito. Hindi naman maipagkakaila na gwapo ito. Lalo na at hindi ito mukhang professor. Mas bagay na sabihing modelo ito. Kaya hindi niya masisisi si Jelly na maging crush ito. Pero aayaw sana siya sa nais ni Jelly. Hanggang sa ipakita sa kanya ni Jelly ang chat ng professor nito ay napa-oo na lang siya. Ipinakita kasi ni Jelly dito ang picture niya at walang pag-aatubiling sumagot ito. Lalo na at interesado talaga itong magkagirlfriend na, kung papalarin, baka si Julz na iyon. Napabuntong hininga si Julz habang nasa harap ng salamin. Pinagmasdan pa niya ang sarili, kung pantay na ba ang make-up niya. Kung hindi naman masasabing pinaghandaan talaga niya ang araw na iyon. "Hay, getting to know each other lang naman di ba? Hindi naman basta nakipagkita ako, girlfriend na niya ako kaagad. Tama, first date pa lang naman namin. Si Carl nga, twice kong napagbigyan. Si Mico pa na crush noon ni Jelly." Why not, coconut di ba?" Nakangiting pagkausap pa ni Julz sa sarili ng biglang tumunog ang cellphone niya. Huminga muna siya ng malalim, para irelax ang sarili. Para naman hindi magmukhang kinakabahan. Hindi kasi niya malaman ang pakiramdam, niya ng mga oras na iyon. Nang mapakunot ang noo niya na hindi si Mico ang tumatawag sa kanya kundi si Andrew. "Hey, couz. Ano at---." Hindi natapos ni Julz ang sasabihin ng putulin ito ni Andrew. (I need you here Julz. In my condo now. ASAP!) May diing wika ni Andrew. "Hey, wait lang may date ak---." (Ipagpaliban mo muna ang gagawin mo. It's an emergency. Please Julz. Puntahan mo ako dito. Now na!) Hindi na nakasagot pa si Julz dahil pinagbabaan na siya ng tawag. "Grabe ang lalaking iyon. Hay kung hindi lang niya bigay ang clinic ko. Hindi ko siya sisiputin. Sure na babae na naman ang dahilan kaya pinapapunta ako nun. Hay talaga. Paano pa ako magkakaboyfriend, kung tuwing may date ako, may nangyayari. Pag iyong ka basted basted natutuloy ang date namin pero binabasted ko naman. Pag-iyong maayos naman may emergency. Hay Juliana Zusanna, mukhang tatanda kang dalaga. Haist!" Angal pa ni Julz sa sarili at tinawagan na lang niya si Jelly. Matapos makausap si Jelly na hindi siya makakatuloy sa date nila ni Mico may emergency na nangyari ay hindi naman ito nagtampo. Si Jelly na rin daw ang kakausap sa dating prof nito, about sa emergency na nangyari kaya hindi siya makakasipot. Habang nasa daan ay iniisip na naman ni Julz kung ano ang kanyang madadatnan aa condo ni Andrew. Mapait pa siyang napangiti, na natatawag lang niya si Andrew sa iba't ibang endearment pag may tinatakasan itong babae. Ilang beses pa siyang bumuntong hininga bago pinindot ang doorbell ng condo ni Andrew. Napatawa pa si Julz sa isipan ng makitang parang nakahinga ng maluwag si Andrew ng makita siya nito. Tsk! Ang babaero talaga ng lalaking ito. Aniya pa sa isipan. "I miss you babe." Malakas ni wika ni Julz, sa pag-aakalang may babae na naman siyang dapat paalisin. "Walang babaeng flirt dito sa condo ko. Kaya tama na muna ang pagpapanggap." Wika naman ni Andrew na ipinagtaka niya. Wala naman palang babaeng flirt. Ano naman kayang emergency ngayon? Tanong pa ni Julz sa isipan. "So? Why you call me? May date ako ngayon sana eh. Kaso dahil sayo nagcancel ako." Reklmo pa ni Julz sa kanya na ikinanguso pa nito. Hay Julian Zusainne, wag nguso ng nguso, hahalikan na talaga kitang babae ka. Date? Tama ang narinig ko di ba? May date s'ya. Mabuti na lang. Date my a*s. Inis na wika pa ng isipan ni Andrew. "May kasama ako dito, babae pero wag kang blue ang utak. Nilalagnat s'ya. Hindi ko alam ang gagawin. Kaya tinawagan kita." Paliwanag ni Andrew na mababakas ang gulat sa mukha ni Julz. Matapos malaman ang dahilan ng pagpapapunta sa kanya ni Andrew ay napailing na lang din si Julz. Biniro pa niya ito na ikinamura ni Andrew. Nagpasalamat na lang din si Julz dahil hindi niya naiiwan ang clinic niya saan man siya magpunta. Palagi niyang dala ang kanyang bag na kinalalagyan niya ng pang first aid kit at mga gamot. Palagi din siyang may bitbit na stethoscope. Nang makita naman ni Julz ang kalagayan ng babae ay agad siyang nagulat. Maganda ito, pero namamaga ang mga mata dahil sa sobrang pag-iyak. Isama pa ang pasa nito sa palapulsuhan gawa sa mahigpit na pagkakahawak. May ilan pa itong pasa sa braso at sigurado siyang gawa ng pagtama sa matigas na bagay. Ayaw iyang mag-alala si Andrew kaya nais niyang gumaan ang presensyang nakapaligid sa kanila. Pinapanood kasi ni Andrew ang ginagawa niya. "Couz, anong ginawa mo sa kanya? You two have s*x?" Tanong ni Julz, na sure naman siyang hindi gagawin ni Andrew ang bagay na iyon sa babaeng hanggang ngayon ay wala pa ring malay. "No! Wala akong ginawa sa kanya." Tanggi pa ni Andrew sa kanya. Naiintindihan naman niya gusto lang talaga niyang ulit-ulitin kay Andrew ang tanong. Lalo na at nalaman nga niya na ang babae ay nakita lang daw ni Andrew na naglalakad sa may kalsada at nawalan ng malay. Pero kilala naman daw ito ni Andrew kaya dito na nito dinala sa condo. "Bakit? Anong nangyari?" "I think pwersahan siyang. Hay, hindi ko kayang ituloy ang sasabihin ko. Babae ako couz, alam mo ang ibig kung sabihin. Base sa kalagayan niya ngayon. Pagod na pagod siya sa pwersahang paggamit sa kanya." Wika ni Julz, na ikinatitig naman ni Andrew kay Anna. Wala siyang alam sa nangyari dito. Alam niyang may gusto si Lucas kay Anna. Pero clueless talaga siya sa nangyari dito. Lalo na at naging busy siya sa company niya. "By the way. Kilala mo ba talaga s'ya?" Tanong muli ni Julz, na nagpabalik sa kamalayan niya, mula sa pag-iisip. Sinabi ni Andrew na katulong ito sa bahay nina Lucas si Anna at ang kauna-unahang babae na niligawan niya. Pero ng malaman ni Andrew na gusto ito ni Lucas ay tinigilan na rin niya kaagad ang panliligaw dito. Nakaramdam naman ng pinong kirot sa puso si Julz dahil sa narinig, pero hinayaan na lang muna niya ang usaping iyon lalo na at wala siyang karapatang masaktan sa mga oras na iyon. Ang inaalala niya ngayon ang babaeng nagngangalang Anna na nasa kwarto ni Andrew. Dahil kahit saan man niya tingnana. Malaki ang magiging epekto ng pangyayaring iyon sa buhay nito. Ilang sandali pa at narinig nila ang mahinang ungol ni Anna na wari mo ay nagpapaliwanag. Naawa lalo si Julz ng makita niya ang mga luha sa mga mata nito. Hindi kayang titigan ni Julz ang mukha ng natatakot at umiiyak na si Anna, kaya naman nagpaalam muna siya kay Andrew na ipagluluto muna niya ito ng lugaw para naman makainom na rin ito ng gamot. Habang nasa kusina ay hindi maalis sa isipan ni Julz na may niligawan na si Andrew for the first time. Kaya lang bigo din ito at minamahal pala ni Lucas si Anna. Ang nakakapagtaka lang kung ano ang tunay na nangyari bakit hindi ito hinahanap ni Lucas. Lalo na sa sitwasyong ganito need ni Anna ang pamilya nito o kaya naman ang lalaking mahal nito. Ipinagpatuloy na lang ni Julz ang pagluluto. Nang makatapos siya ay nilagay na lang niya sa isang mangkok ang lugaw. Naglagay na rin siya ng isang basong tubig at gamot. Nang madala niya sa kwarto ni Andrew ay napansin niyang gising na si Anna. Nagpakilala naman siya dito. Pinakain lang din muna nila si Anna, at pinainom ng gamot. Hindi na lang siya umalis sa tabi nito hanggang sa makatulog na lang muli si Anna. Nang masigurado nilang mahimbing na ang tulog nito ay lumabas na sila sa kwarto ni Andrew. Hindi naman pinalampas ni Julz, ang pangyayari habang nagluluto siya. Kaya naman, pinilit niyang ikwento sa kanya ni Andrew ang lahat ng nalaman nito kay Anna. "Couz, ikukuwento mo. O pipilitin ko si Anna na ulitn niya sa akin ang sinabi niya sayo? Choose one?" Wala namang nagawa si Andrew kundi sabihin ang lahat ng sinabi ni Anna sa kanya. Hindi naman makapaniwala si Julz na magagawa iyon ni Lucas. Maliban kay Andrew. Si Lucas ang isa sa pinakamabait na may pagkamasungit na lalaki na nakilala niya noong nag-aaral pa lang sila. Kya naman hindi pa rin siya makapaniwala sa nagawa nito kay Anna. Pero mariing ipinagsisiksikan nilang dalawa na may malalim na dahilan si Lucas kung bakit nagawa nito ang bagay na iyon. Ang masakit lang, sa ginawa ni Lucas. Kung may problema dapat dinaan sa magandang usapan, at hindi sa ganoong paraan. Malalim na nag gabi ng maisipan nilang matulog sinilip pa muna nila si Anna sa kwarto ni Andrew. Pero ng makita nilang maayos lang ang pagtulog nito ay lumabas na silang muli. "Couz, tabi ka na sa akin, tulog na tayo." pag-aaya pa niya kay Andrew. "Matulog ka na Julz, dito na lang ako sa couch." "Binata ka na couz, ayaw mo ng makatabi ako sa higaan." Nagtatampong wika ni Julz. "Tigilan mo ako Juliana Zusanna. Hindi ka na bata, para tabihan ka pa pagtulog. Haist! Hay nakung babae ka. Matulog ka na, at wag mong susubukang nakawin ang mga alak dito. Bagong palit ko na ang lahat kaya biglang na bilang ko pa iyon. Ang isa pa, need kita para may mag-aalaga kay Anna. Wala akong alam sa pag-aalaga ng may sakit. Kaya wag kang iinom. Okey?" Mariing wika lang niya kay Julz. "Opo boss Andromeda." Sagot na lang ni Julz na, nalulungkot dahil hindi na talaga sila katulad noon ni Andrew. Habang ang nasa isip naman ni Andrew ay nahihirapan siyang makasama sa iisang kwarto si Julz, at baka hindi niya mapigil ang sarili dahil sa nararamdaman niya para dito. Napatingin pang muli si Julz kay Andrew na nakahiga na sa couch. Nakapikit na ito habang nakapatong ang mga braso sa noo. "Good night couz. I love you." And I mean it. Saad pa ni Julz pero sa isipan lang niya ang huling kataga. "Good night Julz. And I love you too." I love you more than anyone else. Sagot naman ni Andrew na hindi na sinabi pa ang huli at sa isipan na lang niya. Nahiga na lang si Julz sa kama. kahit papaano ay masaya na siya sa ganoong set up nila si Andrew. Habang si Andrew naman ay iniisip kung paano nagawa ni Lucas ang bagay na iyon kay Anna. Napabangon pa siya dahil hindi talaga siya dalawin ng antok. Kinuha na lang ni Andrew ang isang bote ng alak at mag-isang uminom. Napatingin na lang din siya sa kwartong inuukupa ni Julz, at malungkot na napabuntong hininga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD