bc

Herrera Clan Book 3: When I Met You (Tagalog)

book_age18+
219
FOLLOW
1.0K
READ
friends to lovers
playboy
goodgirl
independent
confident
inspirational
CEO
serious
friends
passionate
like
intro-logo
Blurb

Pumunta sa Macau si Kiara para maghanap ng trabaho at maiahon ang pamilya sa hirap ng buhay. Pero dahil pumasok siya sa Macau bilang turista at limitado lang ang pera, kailangan niyang dumiskarte gaya ng pagpunta sa mga casino para patagong mag-take out ng libreng sandwich at bottled water. Malas lang dahil isang guwapong lalaki ang nakahuli sa diskarte niya. He was Brix at gaya niya ay nakikipagsapalaran din ito sa Macau. Tinulungan pa niya ang lalaki at isinama sa paghahanap niya ng trabaho. Nagiging close na sila at malakas itong magpa-fall pero focus niya ang career at wala siyang oras magka-love life.

Matapos ang isang linggo, ‘di na nagpakita si Brix. Hanggang matapos ang pananatili niya sa Macau pero ‘di pa rin siya nakakahanap ng trabaho.

Umuwi siya sa Pilipinas at naging housekeeper sa isang hotel.

Laking gulat niya nang makita ang bagong may-ari niyon—si Brix, ang inakala niyang hampaslupa rin gaya niya.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Nakipagsipalaran si Kiara sa bansang Macau upang maghanap ng trabaho. Kahit na hindi niya inaasahan na ganoon pala kahirap maghanap ng trabaho doon ay tiniis niya para sa maalwang buhay na ipinangako niya sa kanyang sarili at sa naiwang ina sa Pilipinas. Silang dalawa na lamang ang magkasama sa buhay kaya kahit labag man sa loob niya na iwan itong mag-isa ay pinili niyang magsakripisyo para sa kanilang dalawa. Katatapos lang niyang maghulog ng resume sa mga drop boxes sa bawat mga hotel na in-apply-an niya ng mga sandaling iyon kaya naroon siya ngayon sa pinakapaborito niyang hotel na araw-araw niyang pinupuntahan dahil sa nakukuha niyang libreng tubig at pagkain sa naturang hotel na iyon. Pero bago siya tumuloy sa loob ng casino ay dumaan muna si Kiara sa comfort room para ayusin ang humulas na manipis na make-up na inilagay niya sa mukha niya. Ilang beses niyang sinipat ang sarili sa salamin upang masigurong maayos at hindi isang aplikante ang itsura niya. “Ayos na ‘to. Sino pa ba ang mag-aakalang naghahanap ako ng trabaho sa itsura kong ‘to?” ngingisi-ngising pagkausap ni Kiara sa sarili habang inaayos ang kanyang buhok sa harapan ng salamin. Nakasuot siya ng hanggang tuhod na dress at tinernuhan niya iyon ng puting flat sandal na mas nagpatingkad sa mahahaba at mapuputi niyang hita. Nagmukha tuloy siyang yayamanin na turista kahit ang totoo ay isa lang pala siyang mahirap na tao na nakipagsapalarang maghanap ng trabaho sa abroad. Bago siya lumabas ng banyo ay inayos muna niya ang kanyang pagkakatindig—tumayo siya nang tuwid bago siya nagsimulang humakbang palabas mula sa comfort room. Pagkatapos inspeksyunin ng guard ang kanyang passport ay deretso niyang tinungo ang pwesto ng mga slot machine. Doon kasi malapit ang pantry kung saan nakalagay ang mga meryenda ng mga guest na naglalaro sa casino. Nang may makita siyang magandang puwesto ay saka siya umupo at nagkunwaring naglalaro sa slot machine na nasa harapan niya saka siya pasimpleng sumulyap kung saan naroon ang pantry. At dahil doon ay lihim siyang napangisi sa nakita. “Tamang-tama ang dating ko,” mahinang bulong ni Kiara sa sarili na ang tinutukoy ay ang nakalagay na mga sandwich sa tray. Dahan-dahan siyang tumayo sa kinauupuan niya at tinungo ang direksiyon ng pantry. Pasimpleng nagpalinga-linga muna siya sa paligid bago siya dumampot ng tinapay saka niya mabilis na inilagay sa loob ng bag niya. Hindi pa siya nakuntento ay lumipat pa siya sa kabilang pantry at kumuha ulit ng tinapay. Hindi lang isa kundi dalawa, at dinagdagan pa niya ng bottled water. Inilibot niya ang kanyang paningin sa paligid para tiyakin kung may nakapansin ba sa ginagawa niya nang mapatigil ang mga mata niya sa isang lalaking matamang nakatitig sa kanya—nakangisi ito habang parang nakakaloko ang paraan ng tingin nito sa kanya. Biglang nag-init ang pakiramdam niya dahilan para mabilis siyang tumalilis ng alis upang iwasan ang lalaking halatang pinagtatawanan siya dahil sa nasaksihan nitong pagdekwat niya ng maraming tinapay at tubig sa casino na iyon. “Oh my god!” nahihiyang bulong niya sa sarili habang papalayo sa lugar na iyon. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman dahil sa sobrang kahihiyang inabot niya sa harapan ng lalaking iyon. “Ang guwapo pa naman,” napapailing na wika niya na tila may panghihinayang sa kanyang ginawa. Hindi na siya bumalik pa sa hotel na iyon dahil sa kahihiyang inabot niya. Hanggang pag-uwi sa tinutuluyan niyang bahay ay iyon pa rin ang laman ng isipan niya. Iyon kasi ang kauna-unahang pagkakataon na may nagmasid sa pagkuha niya ng pagkain sa hotel na iyon. Pakiramdam niya tuloy ay sobra siyang patay-gutom. “Ahg! Nakakahiya!” impit na sigaw niya para iwaksi sa sistema niya ang kahiya-hiyang eksenang iyon sa hotel. “Hoy! Kiara, anong nangyayari sa’yo? Nababaliw ka na yata diyan?” tanong ng kaibigan niyang si Faye na kararating lang galing trabaho. Bumangon siya sa pagkakahiga at hinarap ang kaibigan. “Wala. May nakakahiya lang kasing nangyari kanina sa Oceanus,” nakasimangot na paglalahad niya. Nagsalubong ang dalawang kilay nito. “Bakit ano’ng nangyari?” tanong nito. Hindi muna siya agad sumagot. Humugot muna siya nang malalim na hininga bago nagsalita. “Ahg! Nakakahiya!” hiyaw niya. “Hoy! Para kang baliw diyan! Ano bang problema?” tila naaalibadbaran nang tanong ni Faye. “Paano kasi kanina habang kumukuha ako ng tinapay at tubig sa Oceanus…” hindi niya maituloy-tuloy ang sasabihin dahil hindi pa rin siya maka-get over sa nangyari. “Ano nga?” naiinip nang tanong ulit ng kaibigan niya. “May nakatingin sa akin na lalaki,” mabilis na sagot niya saka nagtakip ng unan sa mukha niya. Napataas ang isang kilay ng kaibigan niya. “Eh, ano naman ngayon?” tila walang ganang reaksyon nito. “Paano kasi nakakaloko ‘yong tingin at ngiti niya habang nakatingin sa akin. Parang…parang pinanood niya ako habang dumedekwat ng tinapay at tubig,” wika niya saka nagpalahaw ng pekeng iyak sa harapan ng kaibigan. Humagalpak ito ng tawa kaya mas lalo pa niyang nilakasan ang pekeng pagpapalahaw niya ng iyak. “Napahiya ka kasi ang sosyal ng awra mo pero kung makakuha ng tinapay at tubig ay parang patay-gutom,” nagpupunas ng luha sa mga matang wika ng kanyang kaibigan. “Oo,” pagsang-ayon niya. Tumawa ulit ito. “Dapat nagpalipat-lipat ka ng pantry. Baka Instik pa ‘yong nakakita sa’yo mamaya niyan sasabihin patay-gutom ang mga Pilipino,” turan nito na mas lalo niyang ikinasimangot. “Pero hayaan mo na. Hindi mo na ‘yon makikita at saka natitiyak kong hindi ka no’n matatandaan sa dami ng tao sa casinong ‘yon,” pagpapalubag nito ng loob niya. “Pero hindi siya mukhang Intsik, eh. Para siyang Pilipinong nahaluan ng puti,” saad niya na pilit inaalala ang itsura ng lalaki. “Matanda o bata?” tanong nito. “Bata pa,” sagot niya. “Pangit o guwapo?” Napatikwas paitaas ang kanang bahagi ng labi niya dahil sa tanong na iyon ng kaibigan niya. “Ano’ng klaseng tanong ‘yan?” nawiwirduhang tanong niya sa kanyang kaibigan. “Pangit o guwapo? Sagutin mo na lang kasi ang tanong ko?” naiiritang tanong ulit nito. “Guwapo,” sagot niya na mas lalo niyang ipinagtaka ang naging reaksyon ng kaibigan niya. “Ah…kaya pala,” wika nito. “Kaya pala ano?” magkasalubong ang dalawang kilay na tanong niya. “Kaya pala ganyan ang reaksyon mo dahil guwapo at bata ang nakasaki sa pagdekwat mo ng maraming tinapay at tubig sa casino,” tatawa-tawang saad nito. “Tse! Sino bang hindi mapapahiya sa nangyari? Mabuti sana kung…kung…ah, basta nakakahiya talaga,” wika niya sabay higa sa kama at nagtalukbong ng kumot. Narinig na lang niyang tumawa ang kaibigan niya. “Matulog ka na at bukas makakalimutan mo na ‘yan,” saad nito bago pumasok sa banyo para maligo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
105.7K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
2.5K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.7M
bc

The Billionaire's Unwanted Bride And Her Secret Triplets

read
14.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook