Chapter 23 Nanlalaki ang mata kong nakatingin kay Jared habang nakatulala pa rin. Nanatili lang na nakapoker face ang mukha pagkatapos ng halik na ginawa niya sa akin! Na para bang wala lang sa kanya ang halikan ako sa loob ng campus! Kaagad akong napatingin sa mga estudyanteng nakapaligid sa amin. Kahit sila ay nagulat din sa ginawa ni Jared dahil sa bulungang ginawa nila. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Tuluyan nang nagkandahalo-halo ang emosyon sa aking puso pero alam ko sa sarili ko na nangingibabaw doon ang saya na nararamdaman ko ngayon. Who wouldn’t be happy if the guy that you like kissed you inside your school campus? “Dionne,” tawag sa akin ni Jared dahilan para mapatingin ako sa kanya. Nauna na pala siyang naglakad sa akin kaya ganoon na lang ang kunot n

