Chapter 24 Nagkakagulo ang mga estudyante pagdating ng lunes dahil sa darating na Music Fest sa Saubea. Ginagawa 'to taon-taon sa ibang lugar. Hindi na ulit ako nakakapunta sa Music Fest simula nang gabing 'yon. I'm planning to go this year with Jared if he's willing to go. Wala pa kaming maayos na date simula nang sabihin niya na gawin na namin official ang relasyon naming dalawa. Syempre noong araw na rin ‘yon ay nalaman ng buong kabarkada ni Jared ang estado ng relasyong naming dalawa. Halos mabulabog ang messenger ni Jared dahil sa mga chat ng kaibigan niya lalo na si Gunner. Kahit ako ay minessage niya. Muntik pa nga siyang i-block ni Jared sa account ko nang mag-chat siya sa akin na ‘huwag kalimutan bumili ng condom sa convenience store, bossing’ I swear to god, kasingpula ng kam

