Third Person's P.O.V
"I-ingatan mo siya," sambit ng babae habang mariin na nakatingin kay Ken hanggang sa mawalan ito ng hininga. Tumango si Ken kahit alam nito na hindi na niya makikita ang pagtango nito. Agad niyang kinuha si Genevieve at binubat hanggang sa maka-alis sila sa bahay na iyon.
Hindi rin alam ni Ken kung paano sila makakabalik ng Gershey. Alam niya rin na nasa kakaibang mundo siya ngayon. Hindi niya rin magamit ang kapangyarihan niya rito. Tanging sa gabi niya lamang ito nagagamit.
Pumunta sa kagubatan si Ken kung saan siya pansamantalang naninirahan. Pagkapasok doon ay inihiga niya sa kama si Genevieve na wala paring malay dahil sa pagkagulat sa nangyayari.
Kumuha si Ken ng mga halamang gamot sa labas at inilagay niya ito para maipainom kay Genevieve pag kagising nito. Habang natutulog pa ang dalaga ay kumuha si Ken ng mga panggatong at nanghuli ng isda na maari nilang kainin.
"Ma...Ma!" agad napabangon si Genevieve ng mapanaginipan niya ang pangyayari. Pawisan siyang gumising at napahilamos sa kanyang mukha at muling umiyak. Agad namang na alerto si Ken at lalapit na sana para hawakan ito ngunit hindi niya na ituloy ng i-angat ni Genevieve ang kanyang ulo at may kinuha sa kanyang bulsa.
"Sino ba ang lalaking it--" napatigil si Genevieve ng makita ang itsura ng lalaking nasa litrato. Nakita naman iyon ni Ken at napabuntong hininga.
"So, it was you?" sambit ni Genevieve at tuluyan ng lumingon kay Ken.
"Kumain muna tayo," aya ni Ken sa kanya at inalis ni Genevieve ang tingin niya kay Ken at tumayo.
Naglakad si Ken papuntang lamesa at sumunod naman sakanya si Genevieve.
Genevieve seated.
Kumuha si Ken ng isda at inilagay sa plato ni Genevieve nanatili namang hindi umiimik si Genevieve.
Genevieve and Ken started to eat the food habang hindi nag iimikan. Ken was out of words too hindi niya malaman kung paano mag uumpisa at kung paano kakausapin si Genevieve kaya nanatili rin itong tahimik.
"Niluto mo ito?" tanong ni Genevieve kay Ken. Nagulat si Ken ngunit hindi niya ito ipinahalata at sumagot kay Genevieve.
"Oo," sagot niya at tumango tango maman si Genevieve.
"Salamat dito, gusto ko muna mag pahinga," pa-alam ni Genevieve at tumayo na ito at muling pumunta kung saan ito nakahiga kanina.
Ken remained seated in the chair, hindi na rin niya itinuloy ang pagkain at iniligpit na lamang iyon ng maalala niya ang gamot na ginawa niya kaya naman kinuha niya ito sa isang lalagyan.
Lumapit si Ken kay Genevieve at nagsalita.
"Ginawa ko ang gamot na ito para mabawasan ang sakit ng ulo at pangangatawan mo." sambit ni Ken. Hindo naman umimik si Genevieve hindi rin mawari ni Ken kung tulog na ba ang dalaga dahil nakatalikod ito sa kanya.
"Ilalagay ko na lamang dito," dugtong ni Ken at inilagay sa tabi niya ang gamot na iyon at naglakad na palayo si Ken sa dalaga.
Iminulat ng dalaga ang kanyang mata at napatingin sa ini-abot sa kanya nh binata.
Kinuha niya ito at itinapon kung saan. Sinisisi niya ang lalaking ito sa mga nangyayari sa buhay niya ngayon. Dahil para sa kanya simula ng dumating ang lalaking 'to naging magulo na ang buhay niya.
KINABUKASAN nagising si Genevieve ng masikatan ito ng araw, dahan dahan siyang napabangon at nag unat ng katawan at ng makita ang paligid ay muli siyanh bumalik sa katotohanan na wala na ang mama at ate niya.
"Gising ka na pala, nagugutom ka ba?" tanong sa kanya ni Ken.
"May tooth-brush ka ba?" tanong sa kanya ni Genevieve.
"Tooth-brush? Hmm--" napakamot naman si Ken sa kanyang ulo dahil hindi niya alam kung saan makakabili no'n dito sa mundo ng mga tao lalo na at wala itong dalang pera at kung meron man hindi ang e-exist sa kanila ang ganoong pera tanging sa mundo lang nila maibibili ang nga iyon.
"Punta tayo ng bayan, bibili tayo." ani ni Genevieve. Ken nodded at tuluyan na silang lumabas sa maliit na kubong naroon sa malawak na kagubatan.
"Saang kagubatan ito?" tanong ni Genevieve sa kanyang sarili habang palabas sila, narinig naman iyon ni Ken kaya sumagot ito sa kanya.
"Pagkalabas natin dito ay nasa bayan na tayo, hindi ko rin alam kung saan ang lugar na ito." sambit ni Ken. Napakunot naman ang noo ni Genevieve.
"Hindi mo alam?" naguguluhang ani ni Genevieve.
"Hindi ka ba taga rito? Taga ibang bansa ka?" dugtong ni Genevieve umiling naman si Ken.
"Saan ka ba galing? Nararamdaman kong hindi ka nagmula sa mundong ito tama ba?" ani ni Genevieve.
"Krezach. Krezach ang pangalang ng mundo namin." sagot sakanya ni Ken malakas naman na natawa si Genevieve na nag echo pa sa buong kagubatan habang naglalakad sila pababa sa bayan.
Nakarating sila ng bayan, kumuha ng pera si Genevieve sa kanyang bulsa at nagsimula na itong bumili ng toothbrush at colgate na kailangan niya at maging extrang damit at underware ay bumili narin siya.
"Mas maganda 'tong pink sa green no?" tanong ni Genevieve sakanya habang ipinapakita ang underware sakanya. Hindi maiwasang matawa ni Genevieve sa reaction ng binatang kasama niya ngayon namumula ito.
"Hmm." sagot na lamang ni Ken ng mahagip ng mata ni Genevieve ang mga brief.
"Doon bili ka ng saiyo." sambit ni Genevieve at itinuro ang mga brief.
"Meron ako," Ken answered.
"Pink din ang kunin mo para parehas tayo?" natatawang ani ni Genevieve na para bang nawala na sa isip niya ang pagsisi sa binata dahil mas naaliw na itong asarin ang binata.
Tumango na lamang ang binata at pumunta doon upang kumuha ng brief at sundin ang dalaga ng makakuha siya ay lumapit ito sa dalaga at nagtungo na sila sa cashier upang magbayad.
"Hindi ka pa rin nagbabago, you're still giving me this stuffs," ani ni Ken sa kanyang isipan at napatingin sa dalaga.
"You are hurting because of me, you are hurt because of me. I don't want to hurt you anymore,"
Nakauwi sina Ken at Genevieve sa kubing tinitirhan nila sa kagubatan dahil kailangan na nilang makabalik muli sa Krezach ay naglakas ng loob si Ken na tanungin si Genevieve na kumakain.
"Alam mo ba kung saan ang lugar na ito?" tanong ni Ken sa kanya napatingin naman si Genevieve doon at tumango.
"Oo bakit?" tanong niya.
"Pupunta tayo dito," sagot sakanya ni Ken, tumango na lamang si Genevieve at agad namang nag ayos ng gamit si Ken para makapunta na sila doon. Gabi na rin naman he can use his power to teleport in this place naroon kasi ang daan papunta sa kanilang mundo. Naroon ang taong makaktulong sa kanila na makaounta sa mundong kinabibilangan nila.
Nang maayos ni Ken ang kanyang mga gamit ay humarap siya kay Genevieve upang ipa alam sa kanya na kailangan na nilang umalis. Hinawakan niya ang dalaga sa palapulsuhan nito at agad nag teleport.
"What the heck?!" gulat na sambit ni Genevieve.
"Yo-you paano mo nagawa yon? Did we really here? That instant?!" hindi makapaniwalang ani ni Genevieve at gulat na gulat sa nasaksihan at naranasan.
"Let's go." ani ni Ken at muling hinila ang dalaga upang makapunta sa pakay nila. Hindi naman na nahirap pa ang dalawang mahanap ang matandang iyon dahil nararamdaman na ito ni Ken. Pagkapasok nila sa loob ay sumalubong ang matanda sa kanila at yumuko ito.
"Magandang gabi prinsipe Ken." bati sa kanya ng matanda napataas naman ang kilay ni Genevieve.
"Prinsipe? Really?" napapailing na sambit ni Genevieve.
"Maari ka bang gumawa ng daan upang makabalik kami sa Krezach?" tanong ni Ken sa kanya.
"Maari prinsipe ngunit a-abutin pa ito ng kinabukasan," sagot sa kanya ng matanda.
"Ayos lamang iyon,"
"Maari kayong mag renta ng kwarto dito sa amin." ani ng matanda.
"Sa magkanong halaga?" tanong ni Ken.
"Hindi salapi kundi bulaklak na galing sainyong kapangyarihan mahal na prinsipe." sagot ng matanda.
"Kapangyarihan... tama ang hinala ko." mahinang usal ni Genevieve na nasa tabi ni Ken.
"Sige," ani ni Ken at naglapag naman ng paso ang matanda sa kanyang harapan at ikinumpas naman ni Ken ang kanyang palad upang makapag teleport ng halaman doon. Genevieve was shocked but she managed to remained silent.
"Ito ang susi ng kwarto iyon," ani ng matanda.
"Isang kwarto lang?" ani ni Genevieve.
"Isang kwarto lamang sa isang bisita, kahit sampo kayo ang isang kwarto lamang ang ibinibigay namin." sagot sa kanyang ng matanda. Napasimangot naman si Genevieve.
"Fine, by taeyon tss." sambit na lamang ni Genevieve at kinuha ang susi at naglakad na papunta sa kwartong itinuro ng matanda nabuksan naman ni Genevieve ang kwarto sa pamamagitan ng susi.
Malawak rin naman pala ang kwartong ito mukhang kakasya nga ang sampong tao gaya ng sabi ng matanda.
"Hindi ako naniniwala noong una dahil mahirap paniwalaan, pero dahil nakikita ko. I believe in you now. Can you explain to me what is happening? May kinalaman ba ang mundo niyo kung bakit namatay ang mama at ate ko?" tanong ni Genevieve sa kanya kinuha niyaa ang kanyang cellphone sa kanyang bag at maging ang charger bago niya ichinarge ang kaynag cellphone.
"They died because they want to get you."
"They? Kalaban niyo no? Kaaway niyo? Para sa pera at kapangyarihan? Omg hindi ko akalain na mag e-exist ang mga napapanood at nababasa ko." sagot sa kanya ni Genevieve tumango naman si Kem para kumpirmahin ang sinabi niya.
"Sabagay, maging dito naman sa mundo namin ay ganyang ang nagiging sanhi ng pinag mumulan ng away, inggit, kapangyarihan at pera." ani ni Genevieve.
"Prinsipe ka sa mundo ninyo?" tanong uli ni Genevieve sakanya tumango naman si Ken.
"Pero bakit ako? Bakit gusto akong kunin ng mga kaaway niyo?" tanong ni Genevieve sakanya.
"Naka saad ka sa propesiya. You can posses a power too Genevieve." sagot sakanya ni Ken.
"I can?" hindi makapaniwalang usal ni Genevieve.
"I can't believe this," dugtong ni Genevieve at napabuntong hininga na lamang.