Ashanti's P.O.V
"Ano na ang susunod nating hakbang?" tanong ni Lucianna sa amin. Walang umimik sa amin kaya naman nagsalita ako.
"We need to find Jayvee and Lethianne, pati narin si Alzea." sambit ko.
"Tama, kailangan natin silang mahanap." segunda naman ni Alyza.
"Let's divide our self. Lucianna Alyza and Kyle find Jayvee, Lethianne and Alzea. Sheherazade and Ashanti follow me." ani ni Prince Daniel.
"I want to go with them, gusto kong mahanap si Jayvee." sambit ko. Prince Daniel looked at me.
"They will find them," sagot nito.
"Pero--"
"Mahahanap namin sila." sambit ni Lucianna at tinitigan ako. Sa titig pa lamang niya ay nagkaroon na ako ng siguridad na mahahanap nga nila si Jayvee and I don't need to worry anymore.
Wala na akong nagawa pa at sumunod na ako kay Sheherazade at kay prince Daniel. Papunta kami ngayon sa Crestview Academy upang malaman ang kalagayan doon.
"Uzertopia and Ardelaine's body guard?" mahinang usal ni Sheherazade nakita namin ang nakakalat na body guards sa paligid.
"Kakampi sila ng Gershey? Tss." napapailing na wika ni Sheherazade.
"Mukhang hindi lang sila, maging ang steelfire ay nariyan din," sambit ko at itinuro ang mga nakita kong paparating na body guards ng steelfire.
"I think this is the reason why the war was ended. They nagotiated." ani ni prince Daniel at napatango-tango naman kami.
"Kailangan nating makausap si Mrs. Siorsogo." suhestiyon ko.
"Mrs. Siorsogo is the head here. Malamang ay siya ang unang unang nakipag usap sa kanila. Magkakampi sila hindi natin siyang pwedeng pagkatiwalaan." Sheherazade said.
"Maybe she has no other choice. Ganun ba ang pagkakakilala mo sa kanya?" tanong ko sa kanya.
"I get your point but we can't risk our lives. People change instant if their weakest point revealed. Hindi naman siya kakampi sa mga iyan kung hindi siya na blackmail diba?" giit ni Sheherazade kaya naman wala na akong nagawa at tumahimik na lamang.
"Go back to our headquarters, pupunta lang ako sa palasyo." sambit ni Prince Daniel.
"Let's go." ani ni Sheherazade at saglit pa akong napatingin kay Prince Daniel bago namin siya iwan doon.
Nakarating kami sa sinasabi nilang headquarters doon kami namamalagi ngayon kasama si Aling Rita at ang apo nito.
Pag dating namin ay sunalubong sa amin ang apo nito, wala pa rin sila Lucianna.
"Kumusta ang lakad niyo?" tanong nito sa amin habang inaayos ang mga potion sa lamesa.
"Nakakuha na kami ng sapat na impormasyon," sagot ni Sheherazade sa kanya at naupo sa mesa.
"Ano ang mga potion na ito?" I curiously asked him.
"Ah- Ah gamot ni lola Rita." sagot niya at agad umiwas ng tingin sa akin, nagtataka man ay tumango na lamang ako sakanya.
"Tutulog muna ako, gisingin mo na lang ako Ashanti kapag nandito na sina Lucianna," sambit ni Sheherazade, tumango naman ako sa kanya at pumunta na siya sa kwarto kaya naman naiwan ako ngayon dito sa lamesa kasama ng apo ni lola Rita.
"Bago ka lamang sa grupo nila hindi ba?" tanong nito sa akin. Tumingin ako sakanya at tumango.
"Ako nga pala si Luis. Nice to meet you." pagpapakilala niya sa akin.
"Ashanti Blood," pagpapakilala ko sa sarili ko. Inilahad naman niya ang kamay niya sa akin at malugod ko naman iyon na tinaggap.
"Huwag kang mahihiyang magsabi ng mga kailangan mo," sambit niya at tumango naman ako sa kanya bilang sagot.
"Pasensya ka na kung masyado akong madaldal, kukuha lang ako ng mga halamang gamot sa labas maiwan muna kita rito," I nodded. Naglakad na ito palabas at naiwan naman akong mag isa sa mesa at napabuntong hininga na lamang.
Maya maya pa ay dumating si Alyza agad akong napatayo ng makitang duguan ito. Agad akong lumapit sa kanya at inalalayan siya.
"Help us, hawakan nila ngayon si Lucianna at Kyle." sambit niya at nakita ko ang pagsuka niya ng dugo.
"Sheherazade! Gising! Gising!" pag gising ko sa kanya, gumising naman si Sheherazade at nagulat sa nakikita ngayon tinulungan niya akong buhatin si Alyza at i-upo sa kama.
"What the heck is happening, tatawagin ko lanh si Luis," sambit ni Sheherazade.
"Nasa labas siya," habol ko sakanya at tumango ito at agad tumakbo palabas. Napatingin ako sa dumudugo nitong tagiliran kumuha ako ng dahon na nakikita ko ngayon sa paligid at hinugasan ko iyon at inilagay sa tagiliran niya para mapahinto ang pag agos ng dugo sa kanyang tagiliran.
"Can you tell me if I'm going-- to die?" aniya at inilahad sa akin ang kanyang palad napatingin ako doon at napalunok.
"You will survive."
"I want to know, Ashanti. The truth." aniya. Muli akong tumingin sa kamay niya at dahan dahang inilapit ang kamay ko sa kanya at ng sandaling mahawakan ko ang kamay niya ay sari saring imahe ang nakita ko.
"Alyza! Wake up! No! No!"
Binitawan ko ang kamay niya ng makita ang imaheng iyon sa aking isipan. Saktong pagpasok ni Luis at Sheherazade ay ang pag iwas ko ng tingin kay Alyza at umatras ako uoang makalapit si Luis sa kanya.
Inumpisahan ng gamutin ni Luis si Alyza, napaupo ako sa upuan at nagsalita.
"She's-- She's going to die," nanginginig na sambit ko.
"What?" gulantang na sambit ni Sheherazade.
"Don't believe her Alyza, labanan mo lang 'to," pagpapa-gaan niya ng loob kay Alyza. Alyza started to cry.
"What have you done?!" inis na sambit ni Sheherazade sa akin.
"Don't. A-ayos rin na sinabi niya iyon sa akin Zade," wika ni Alyza at bakas sa boses niya ang panghihina.
"Maraming dugo ang nabawas sa iyo, Alyza." sambit ni Luis.
"Sobra mo ring nagamit ang kapangyarihan mo, ayoko man kumpirmahin ang sinabi ni Ashanti ngunit,"
"Stop it, Luis. Cure here." iritang sambit ni Sherazade at lumabas.
"Si Kyle at Lucianna... Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanila--"
"Huwag ka munang mag-salita, huwag mo munang abusuhin ang sarili mo," suway sa kanya ni Luis. Alyza nodded. Lumabas ako upang sundan si Sheherazade sa labas upang ipa-alam sa kanila na nag kawatak watak sila.
"Sheherazade," tawag ko sa kanya.
"Sinabi sa akin ni Alyza na nagkawatak sila, we should follow them baka nakuha na sila?" tanong ko sa kanya.
"Let them be, It's Kyle and Lucianna. They can handle their self." sagot niya sa akin.
LUCIANNA'S P.O.V
Napahawak ako sa braso ko ng makitang ang pagdurugo niyon, hindi pa naman ito ganoon kalalim pero kailangan itong matakpan para hindi umagos lalo ang dugo.
Nakita ko ang pagtingim sa akin ni Kyle at pinunit nito ang laylayan ng kanyang damit at ibinalot sa aking braso.
"Sa susunod mag ingat ka. Hmm?" sambit niya. Saglit pa akong napahinto at saka tumango sa kanya.
Nagtago kami ng maramdamang may papalapit sa amin, hindi nila kami mararamdaman dahil sa potion na ininum namin na dala-dala ko, na ginawa ni Luis.
"Mahigpit ang siguridad nila sa palasyo, kailangan nating malaman kung nasaa sila Jayvee kailangan nating mag hiwalay," suggest ko sa kanya.
"Guguluhin ko sila, find them here, kapag hindi mo sila mahanap magpunta ka kaagad ng basement at doon tayo magkita. Hindi tayo makakapag teleport kaagad Lucianna. " sagot niya sa akin. I nodded. Nagtago ako at nagumpisa ng maglakad palabas si Kyle habang nakikipaglaban siya sa mga kawal ay tumakbo ako upang magpunta sa Cell. Maaring dito nila ikinulong sina Jayvee.
Pagkapasok ko ng Cell ay marami akong nakitang studyante ng crestview na nakakulong doon. Tumingin sila sa akin.
"Princess Lucianna." pagtawag nila sa akin.
"Ginawa ito ni Ma'am Siorsogo?" I asked them. Tumango sila.
"Umalis ka na dito mahal na prinsesa! Hindi na siya ang alchemyst nakilala natin. Lahat ng lalabag sa utos nila ay ikinukuling nila at ipinapapatay. Hindi rin namin batid kung sino ang namumuno sa kanila ang kailangan niyo lang malaman ay kakampi nila si prinsesa Alzea." sabi sa akin ng isang alchemyst. Hindi ako nakapag salita.
"Kailangan kong hanapin si Jayvee at Lethianne," sambit ko.
"Nakakulong sila sa Steelfire mahala na prinsesa, kung maari ay huwag muna kayong mag punta doon o gumawa ng anumang kilos hangga't hindi pa bumabalik si prinsipe Ken," sagot niya. Kumunot ang noo ko.
"Paano mo nalamang--"
"Mahal na prinsesa kailangan mo ng umalis. Pakiusap, umalis ka na." sagot niya. Tumango ako at nagmadaling umalis at magtungo sa basement habang nasa isip ko parin ang sinabi ng alchemyst kanina. She knows something iyon ang importante.
Pagpunta ko ng basement ay halos mapa-atras ako ng makitang may tao roon.
"Sabi na nga ba at dito kayo pupunta, hindi niyo ba naisip na alam kong ganito ang magiging plano niyo?" sambit nito at lumingon sa akin.
"Bakit niyo 'to ginagawa?" tanong ko.
"Choose. Be part of us o mapasama sa mga nasa cell Miss Lucianna?" tanong ni Mrs. Siorsogo sa akin.
"What are you doing? Diba ang pangunahing rason natin ay mapanatili ang kapayapaan dito sa Gershey?" tanong ko sa kanyang muli. Umaasang baka magbago ang isip niya o mabigyan man lang niya ako ng sign na hindi talaga niya gusto ang kanyang ginagawa ngayon.
"Your time is running, miss Lucianna." sagot niya sa akin. Napatingin ako sa paligid. Sarado lahat silyado ang lahat tanging ang pintuan lamang na nasa likuran ni Mrs. Siorsogo ang maaring daan upang makalabas ako. I don't know what to do.
"I guess you already choose," sambit niya at bigla na lamang may bumagsak sa akin upang maikulong ako.
"Kyle! Huwag kang pupunta sa basement nag set sila ng trap! Don't ever try to rescue me at bumalik ka na kaagad sa headquarters para makahingi ng tulong ha?" sambit ko using mind link.
"Did they caught you?"
"They did!"
"Hang in there okay? sambit niya at hindi na ako umimik pa. Hindi na rin ako nag abala o nagtangkang tumakas pa. Alam ko naman na may mahika ito upang hindi ko magamit ang kapangyarihan ko upang makatakas.
Hindi lang ako makapaniwala na masyado kaming nagtiwala sa kanya. We did. Mula umpisa siya lamang ang pinagkakatiwalaan namin. Even Alzea I can't believe that she will be like that.
Maya maya pa ay naidala na nila ako sa cell gulat silang napatingin sa akin.
"Huwag kayong mag-alala makakalabas ako rito, makakalabas tayo dito." sambit ko sa kanila at itinulak naman ako ng isang tagapag bantay upang makapasok ng mabilis sa cell.
"Huwag niyo ng tangkaing tumakas dahil alam niyong hindi kayo makakatakas." ani ng kawal sa akin.
"Kung nagtangka akong tumakas baka kanina ka pa tulog," sagot ko sa kanya.
"Bakit hindi mo ginawa?" sagot pabalik nito sa akin na ikinangisi ko.
"Ayokong mag aksaya ng lakas. Someone will come and kill you all bastards!" malakas na sigaw ko sa kanya dahil sa pagkairita.
"Manahimik ka!" aniya at nakaramdam ako ng elektrisidad sa buong katawan ko kaya naman agad akong napaluhod ng maramdaman ko ang sakit nito sa aking katawan.
"Mahal na prinsesa!" sigaw ng mga alchemyst na studyante ng crestview.
"Magsitahimik rin kayo kung ayaw niyong mapagaya sa itinuturing ninyong prinsesa na hindi man lang kayo magawang iligtis. Sa tingin niyo ba mababago pa nila ang takbo ng mundo natin ngayon? Hindi na." ani nito.
Tumahimik ang mga alchemyst at napalunok naman ako at pinakiramdaman ang sarili dahil sa sakita nito ngunit pinilit ko paring tumayo at itapon sa mukha niya ang potion upang mabulag siya.
"Tutal bulag ka naman sa katotohanan iyan ang bagay sa'yo para tuluyan mo ng hindi makita ang totoo! You selfish jerk!" sigaw ko sa kanya at narinig ko naman ang malakas na sigaw niya sa buong cell dahil sa sakit niyon. Agad naman nagsipasok ang mga ibang kawal at itinutok sa amin ang espada nila. Itinaas ko lamang ang kilay ko at tinulungan nila ang isang kawal upang makalabas.
Lumabas na rin ang nga nagsipasok na kawal napaupo na lamang ako ng marinig kong kausapin ako ng isa sa mga alchemyst.
"You need to endure all of this your highness. Marami pang pagsubong ang darating sa inyo at sa buong Gershey huwag kayo sanang panghinaan ng loob," aniya at ngumiti.
"Siguro ay nababatid ninyong may alam ako sa nangyayari ngunit gaya niyo ay hindi ko rin alam. Nangyari ang bagay na ito sa panaginip ko mahal na prinsesa. Kung nagkatotoo ito maaring ang ibang panaginip ko ay magkatotoo rin. Kailangan ninyong iligtas ang Gershey mahal na prinsesa. Kailangan namin kayo." sambit niya at hindi ko na alam kung ano pa ang isasagot sa kanya.