Genevieve's P.O.V
Kinabukasan nagising ako ng may maramdamang tumatapik sa balikat ko dahan dahan akong napabangon at ng sandaling imulat ko ang aking mata ay nakita ko si Ken na nag-a ayos na ng gamit.
Ngayon ang alis namin papunta sa 'so called mundo daw nila'
"Aalis na tayo as in ngayon na?" tanong ko sa kanya.
"Hindi pa naman. Kakain muna tayo." sagot niya at tumango naman ako sa kanya. He didn't sleep here in the room lumabas ito kagabi at hindi ko na siya pinilit pa na matulog dito sa kwarto hindi ko rin alam kung pumasok pa ba siya dito sa loob dahil maaga rin akong nakatulog.
"Saan ka natulog kagabi?" I asked him habang nagtatali ng aking buhok.
"Sa bahay kubo na naroon," sambit niya at itinuro ang bahay kubo kaya naman napatingin din ako doon.
"Pwede ka naman kasing matulog dito, bakit doon ka pa natulog?" tanong ko sa kanya at umiling-iling.
"I want you to sleep peacefully." sagot niya.
"Hinalikan mo ng ako agad agad ng walang pahintulot diba? Tas nahihiya ka pang matulog dito, hindi ka naman tatabi sa'kin tss." usal ko.
"Tara na, nagugutom na rin ako." dugtong ko pa. Tumingin ako sa kanya at nag sign gamit ang kamay ko na mauna siyang lumabas kaya naman tumango na lamang siya at lumabas na ng kwarto at sumunod naman ako sakanya.
Pagkalabas ay bumungad sa amin ang matandang nakausap namin kahapon ni Ken rather, sumulyap lang ako sandali sa kanya at tumingin sa lamesa kung nasaan nandoon ang mga pagkain. Hindi ko tuloy maiwasan mapangiti at matakam!
What the heck! Ang sasarap naman ng mga nakahain na pagkain ngayon!
"Kumain mun kayo," aya sa amin ng matanda.
"Salamat po!" pagpapasalamat ko at wala ng pahiya-hiyang umupo sa lamesa. Akmang kukuha na sana ako ng ulam ng maalala ko si mama at ate saglit akong napahinto at muli ring ipinagpatuloy ang pagkuha ng pagkain.
Nang makakuha ako ng ulam at kanin agad kong kinain iyon.
"Hmm! Ang sarap!" masayang sambit ko at napatingin sa nasa gilid ko.
"Kahapon ko pa napapasin ang pagiging tahimik mo? What happened?" hindi ko maiwasang tanong sa kanya gulat naman itong napatingin sa akin.
"Talaga? Gusto mo ba yung ganito ako?" wika niya at lumapit sa akin kaya naman agad ko siyang itinulak.
"Never mind." sambit ko at umirap. Pinagpatuloy naming ang pagkain ng tahimik. Natapos rin kami sa pagkain at nakapag ayos narin ako ng aking sarili. Nai-ayos narin ni Ken ang mga gamit kaya ngayon ay papunta daw kami sa underground.
"Hindi ba nakakatakot sa mundo niyo?" tanong ko sa kanya.
"They are all handsome, katulad ko." ngising sagot niya.
"Yabang!" sagot ko sa kanya. Nakita ko ang paghagalpak niya kaya naman di ko maiwasang mahawa rin sa pagtawa niya.
"Hindi ko na batid kung saang lugar kayo dadalhin ng lagusang ito," wika ng matanda ng makarating kami sa pinakadulo at tanging nakakasilaw lamang na liwanag ang nakikita ko.
"Para ba 'tong black hole? Tas lalabas tayo sa white hole? Time travel thingy?" usal ko.
"Hindi ko maunawaan ang sinasabi mo, pero ito ang magiging daan natin papunta sa mundo natin." sagot ni Ken sa akin at tumango naman ako.
"Mapayapang paglalakbay mahal na prinsipe at itinakda." wika ng matanda at napatitig sa mga mata ko. Ako ba ang sinabihan niyang itinakda?
Ken hold my wrist at at pumasok na kami ng tuluyan sa loob no'n. Napasigaw ako ng makaramdaman ng kakaibang enerhiya.
"OMG!!!" malakas na sigaw ko.
"Ayoko na!" dugtong ko pa ng naramdaman ko ang paghigit sa akin ni Ken at pagyakap nito sa akin.
--
"Na-nandito na ba tayo?" tanong ko sa kanya ng maramdaman ko ang paghinto ng kakaibang enerhiya sa katawan ko.
"You can open your eyes now." aniya. Dahan dahan kong binuksan ang mata ko at bumungad sa akin ang mga mata niyang mariing nakatitig sa akin. I looked at his eyes at napakurap.
"Hindi ko alam kung bakit ditto tayo napunta, but this place is one of the beautiful place here in Krezach too." sambit niya at napatingin naman ako sa paligid. Hindi ko maiwasang manlaki ang aking mga mata sa nakikita.
Like OMG! Totoo ba itong nakikita ko?
"Wow, ang ganda" manghang sambit ko habang pinagmamasdan ang kapaligiran.
"Do you like it here?" tanong niya sa akin at agad ko naman siyang binatukan.
"What?" taking tanong niya sa akin.
"Sobrang ganda! Punta tayo doon dali!" masayang sambit ko at kaagad ko siyang hinila upang Makita ang mga nagkalat na pwedeng bilhin.
"Is this real gold?" tanong ko ng makita ang mga alahas.
"Yes," sagot niya.
"Pautang muna ako, babayaran din kita hindi ko naman pwedeng ibili rito ang pera sa mundo naming diba?" tanong ko sa kanya.
"Saan ba diyan ang gusto mo?" sambit niya at ipinakita ko naman sa kanya ang gusto ko.
"I want this one," sagot ko sa kanya.
"Pamilyar ka sa akin iho ano ang iyong pangalan?" tanong ng babae sa kanya.
"Ken Nouvells," sagot sa kanya ni Ken at malawak na ngumit. Nagulat naman ang babae at agad yumuko.
"Mahal na prinsipe ng Gershey!" wika ng babae. I pouted mukhang totoo nga na prinsipe ito. Ganoon ba kakilala ang lugar nila maging sa ibang lugar ay kilala siya? .
"Ito ba ang bibilhin mo?"tanong sakanya ng ale. Siniko ko si Ken mula sa likuran upang konpirmahin na iyon ang kailangan niyang bilhin.
"Iyan nga ho," sagot sakanya ni Ken kaya ngumiti ako sa ale ng makita ko ang kakaibang tingin nito sa akin maging ang mga nasa paligid ay nag umpisang magbulungan.
"Sino ang babaeng kasama ng prinsipe? Sa pananamit niya ay isa siyang katulong,"
"Maganda siya, ngunit hindi niya dapat ginaganoon ang prinsipe kung wala silang relasyon,"
"Malabong magkaroon sila ng relasyon, katulong lamang ang babae at prinsipe ang lalaki,"
"Uso narin pala ang chimiss dito sa inyo no?" bulong ko kay Ken habang ang aleng pinagbibilhan namin ay abala sa pagbabalot ng kwintas.
Hindi umimik si Ken sa akin at ini-abot na ng ale sa kanya ang kwintas habang malawak ang ngiti. Nagbayad naman si Ken at ginawa niya ang 'Keep the change' thingy. Edi siya ng prinsipe! Siya ng mayaman.
"Let's go now, my future wife." malakas na sambit ni Ken at hinapit ako sa bewang kaya naman nagkadikit kaming dalawa.
"What?" gulat na sambit ko dahil sa sinabi niya.
"Future wife..." sambit niya at dahan dahang lumapit sa akin. "YOU. My wife."
"Baliw ka na," sagot ko sa kanya at napahinto kami ng may biglaang sumulpot sa harapan namin na babae. Muntik pa akong atakihin sa puso dahil sa gulat.
"Fvck! Muntik na akong atakihin sa puso!" gulat na sambit ko.
Agad yumuko ang babae.
"Paumanhin. Mahal na prinsepe. Maligayang pagbabalik. Ngunit hindi ka maaring magpunta ng Crestview sa ngayon o magpunta ng Gershey. Kailangan ninyong sumama sa akin," wika ng babae. Napatingin ako kay Ken at muling tumingin sa babaeng nakaluhod sakanya na mukhang wala atang balak si Ken na patayuin ang babae?
Jusme! Kung sa mundo namin 'to iisipin nila LQ sila o minamaltrato niya 'tong babae.
"Maari ka ng tumayo Sabrina," ani ni Ken na parang nabasa ang isip ko. May kakayahan din kaya siyang mag basa ng isip? OmG!
Tumayo ang babae at inilahad nito ang kamay sa amin.
"Are we going to teleport? Yung instant na makakapunta sa desired place? Wala na bang ibang option? Sasakyan? Hindi kasi maganda sa pakiramdam yung teleport thingy niyo," sambit ko.
"Paumanhin,"
WHAT THE HECK!
"Tae naman! Sabing masakita sa tiyan! Aray ampota! Ang sakit ng tiyan ko! Sino ba 'tong babae na 'to? Bakit bigla bigla mo akong hihigitin ha?" iritang sambit ko at napahawak sa ulo ko. Sa totoo lang yung hole na pinasukan namin kanina? Super sakit sa pakiramdam! As in!
"Don't scold her, iyon ang mas madaling paraan para makapunta tayo sa lugar na ito." sambit ni Ken at napataas naman ang kilay ko.
"And?" sambit ko at inirapan siya.
"Paumanhin. Sasamahan ka muna ni Eduard papunta sa kwarto o kung gusto mo na maglibot dito ay ayos lang, kailangan ko munang makausap ang prinsipe." wika ng babae. Sabrina ang pangalan niya sa pagkakatanda ko.
"Avelos Ascendo!" sambit noong lalaki mukhanh ito na ata yung Eduard.
"Ha? Anong Avelos nodi?"
"Speak to her in english Eduard. She can't understand Keshey language. Keep her and don't ever loose her, protect her." sambit ni Ken at agad namang yumuko ang nagnga-ngalang Eduard.
"Viye," sagot noong Eduard at tumingin sa akin. Mukhang yung lenguaweng ginamit nila ay lenguahe nila sa lugar na ito?
"I'll be back," bulong sa akin ni Ken.
"Kahit wag na." sagot ko sa kanya at napahalakhak naman siya.
Naglakad naman si Eduard at sumunod ako sa kanya.
"Do you want me to tour you here?" tanong sa akin ni Eduard.
"I just want to see our room first," sagot ko sa kanya.
"We'll go this way," sagot niya at sumunod naman ako sa kanya ng tahimik.
Kinuha ko ang cellphone sa bag ko at nagulat sa lakas ng signal. Bakit ganito kataas ang signal dito?
"What's that thing?" tanong sa akin ni Eduard. Ipinakita ko sa kanya ang cellphone ko.
"This? This is called cellphone. We are using this to communicate to people we want to talk with," sagot ko sa kanya.
"It same with mind link isn't?" he answered. Nagkibit balikat naman ako.
"Maybe," I simply answered hanggang sa makarating na kami sa magiging kwarto namin habang narito kami.
"What place here do you think i will like?" tanong ko sa kanyang n makita ko ang kwarto at mailagay doon ang mga gamit ko.
"The beach," sagot niya.
"Okay let's go there," I said and smiled to him. Nakita ko ang pagpula ng kanyang pisngi kaya naman napa iling na lang ako.
Sumunod ako sa kanya papuntang beach, malayo pa lang ay kita ko na ang ganda ng dagat at ang mga cottage na naroon. Hindi ko nga alam kung cottage ba yun o ano. It was hanging in the air. Really?
"Is that cottages?" I asked him. He nodded fast.
"Yes. In this area it's a cottage for those normal alchemyst and in the other side is for those special alchemyst and for this side is for royal alchemyst." paliwanag niya sa akin.
"What about me? I'm not-- I'm not alchemyst?" alangang sagot ko sa kanya.
"You are alchemyst," he answered.
"I don't have magics," I answered to him hanggang sa tuluyan na kaming makalapit sa dagat.
"Maybe you need to go through a ritual first for your power to come out," he answered.
"I never imagined that I'll have that kind of thing," sagot ko na lamang.
"You want to swim?" he asked.
"Let's just sit here," sambit ko at umupo sa may buhangin. It was white sand. Wala naman ng iba sa dagat na ito except sa mga nakalutang na cottage. Malinis rin ang dagat at wala akong nakikitang mga plastic o kung ano ano. Mukhang alagang alaga talaga nila ang dagat na ito ha?
Habang nakaupo kami ay may nakita akong batang kumakain ng pagkaing hindi pamilyar sa akin may ice cream ito sa itaas pero ang nasa loob ay hindi ko alam.
"Where can we buy that dessert?" tanong ko sa kanya at itinuro ang batanga kumakain no'n maging ang lalagyan ay napaka-cute tignan.
"You want that?"
"Hmm?" tangong sagot ko sa kanya. Tumayo siya at inilahad ang kamay sa akin. Tinaggap ko naman iyon upang makatayo. Pinagpagan ko ang sarili ko nang makatayo ako at sumunod sa kanya hanggang sa makarating ako kung saan binibili ang dessert na iyon.
"Avelos Ascendo!" bati ni Eduard sa kanila.
"Avelos Ascendoni Eduard!" bati sa kanya ng babaeng nagtitinda. Napatingin ito sa akin.
"Avelos!" bati niya. Ngumiti lang ako sa kanya.
"Moveron Avenoda ino dyeto," sambit ni Eduard na hindi ko na naman naintindihan.
Hinayaan ko silang mag usap na dalawa habang ngumingiti ngiti na lamang ako kapag tumatawa sila. Mukha tuloy akong tanga dito.
Maya maya pa ay ini-abot sa akin ni Eduard ang dessert.
"Omg! It looks delicious!" masayang sambit ko. Ini-abot sa akin ni Eduard ang disposable spoon at agad ko naman iyon tinikman.
"It's, It's so delicious! You're so good!" sambit ko at nag thumbs up pa doon sa babae at nakita ko naman ang pagtataka sa mukha niya nagsalita naman si Eduard na itinranslate ata ang sinabi ko upang maintindihan ng babae.
"Vamass," aniya na mukhang thank you ata sa kanila dahil malawak na ngayon ang ngito niya.
"Why didn't you buy one?" tanong ko kay Eduard habang nag lalakad papunta kung saan kami naka pwesto kanina.
"Hmm, nothing. I'm still full." sagot niya.
"Just take a bite, here." sambit ko at inilapit sa bibig niya ang kutsara nag aalangan pa ito kunh ibubuka niya ba ang bibigay niya ngunit sa huli ay ibinuka niya rin at umiwas ng tingin sa akin.
Natapon ko ang hawak hawak kong dessert ng may humila sa akin sa bewang.
"Yung dessert ko-- Ken?" sambit ko ng makitang si Ken pala ang humila sa akin.
"Your highness!" ani ni Eduard at yumuko.
"Get lost," seryosong sambit ni Ken kay Eduard.
"Ano bang sinasabi mo jan? Pwede mo naman sabihin ng ayos sa kanya hindi yung 'Get lost'." sambit ko.
"Yes your highness," wika ni Eduard.
"Thank you Eduard!" habol ko pa sa kanya at hindi na ako nito nilingon.
"Tapos na kayo mag usap noong Sabrina?" tanong ko sa kanya at napatingin sa natapon kanina.
"We're done."
"What will happen next? Ituturo mo na ba sa akin kung sino ang sumugod sa bahay? I want to know them. Gusto ko silang makilala." sambit ko.
"You still need to train, para mahasa ang kapangyarihan mo," sagot niya.
"You're going to teach me?" tanong ko sa kanya.
"I will," sagot niya at kinagat ang tenga ko kaya naman agad ko siyang itinulak.
"Bastos," sambit ko at inirapan siya.