Third Person's P.O.V
Napahawak si Ashanti sa kanyang dibdib ng maramdaman niya ang matinding pagkirot no'n. Nang makita siya ni Luis ay agad niya tinanong si Ashanti.
"Ashanti? Ayos ka lang ba? Anong nangyayari?" tanong niya sa dalaga. Hindi nakaimik si Ashanti patuloy ang pagkirot ng kanyang dibdib at sari saring imahe na nakikita niya.
Biglang nagliwanag ang mga mata ni Ashanti maging ang mga kamay nito ay nanginginig at nang sandaling huminto na ang panginginig ng kanyang katawan ay may iniwan itong salita bago mahimatay.
"Kamatayan,"
Agad nasalo ni Luis ang walang malay na si Ashanti, sa kabilang banda naman na kakapasok lang na si Sheherazade ay nagtatakang napatingin kay Ashanti at Luis.
"Anong nangyari jan?" takang tanong ni Sheherazade kay Luis.
"Nawalan siya ng malay," sagot sa kanya ni Luis.
"Dalhin mo na siya sa kwarto, isusunod ko na lamang ang gamot," presinta ni Sheherazade. Agad tumango si Luis at binuhat ang walang malay na si Ashanti. Isinunod naman ni Sheherazade ang gamot at ng sandaling ipahiga ni Luis si Ashanti ay sinabi ni Luis ang iniwang kataga ni Ashanti.
"Kamatayan," sambit ni Luis.
"Ha?" takang sambit ni Sheherazade.
"Iyon ang katagang iniwan ni Ashanti bago siya mawalan ng malay," sambit ni Luis. Napatingin naman si Sheherazade kay Ashanti.
"Hindi ko alam Luis kung ano ang mas nakakabuti, ang malapit sa'yo ang katotohan ko mas mabuti na lamang na nakakubli," ani ni Sheherazade at bumuntong hininga.
"Lumabas ka muna at papalitan ko siya ng kasuotan," ani muli ni Sheherazade at hindi na binigyan pa ng pagkakataon si Luis na makasagot.
Nang makalabas si Luis ay agad naming pialitan ng damit ni Sheherazade si Ashanti. Nagpunta naman si Luis sa kwarto ni Alyza upang tignan ang kalagayan nito ng maabutan niya itong sumusuka ng dugo kaya naman agad niya itong nilapitan at kinuha ang hawak hawak nitong bowl at siya na ang naghawak no'n para kay Alyza.
"Uminom ka ba ng gamot kanina?" tanong sa kanya ni Luis.
"Oo, u-uminom naman ako." sagot sa kanya ni Alyza at napatango naman si Luis. Ibinaba ni Luis ang bowl na may dugo ni Alyza at inalalayan niya si Alyza na makahiga.
"Tanggap ko naman na mamatay na ako," panimula ni ALyza.
"Ano bang sinasabi mo jan? Hindi matutuwa si lola sa sinasabi mo kung maririnig ka niya ngayon," ani ni Luis.
"Wala naman siya dito," sagot ni Alyza at tumawa. Napasimangot naman si Luis.
Natapos ang ginawang pagpapalit ni Sheherazade ng damit kay Ashanti at lumabas ito ng kwarto at nagtungo kay Alyza naabutan niya ang dalawa na nag u-usap ng mapansin ni Sheherazade ang dugo sa may bowl.
"Sumuka ka ng dugo Alyza?" tanong ni Sheherazade sa kanya upang makumpirma ito.
"Hmm," sagot sa kanya ni Alyza. Hindi umimik si Sheherazade sa sagot niya at lumabas ng kwarto kaya muling naiwan si Alyza at Luis sa loob.
Pagkalabas ni Sheherazade ay nagulat siya ng may maramdamang mga enerhiya sa paligid. Madaming enerhiya. Pumasok siya sa loob at isinarado ang mga pinto.
"Luis! Kailangan na nating umalis dito! Natunton na nila tayo!" pagtawag ni Sheherazade kay Luis.
"Ako na ng bahala kay Ashanti," ani ni Sheherazade.
"Paano si lola? Hindi pa ito nakakauwi?" tanong niya sa akin.
"Babalikan natin siya dito, she will survive you know that, kailangan na nating mag madali Luis," tarantang sambit ni Sheherazade. Halos murahin narin niya sa kanyang isipan kung nasaan na ba ang iba nilang kasama dahil maging siya ay hindi niya alam kung ano ba ang gagawin.
Pumasok si Sheherazade sa loob ng kwarto ni Ashanti at nakita niyang nag a-ayos na ng gamit si Ashanti.
"Nagka-malay ka na pala?" sambit ni Sheherazade.
"Naramdaman ko sila, papalapit na sila, samahan mo si Luis at isasama ko sa akin si Alyza." sambit ni Ashanti na nagpataas ng kilay ni Sheherazade.
"Bakit kita susundin?"
"Dahil nakikita ko ang hinaharap," sagot ni Ashanti sa kanya. Nang matapos ni Ashanti ang pag a-ayos ng gamit ay nag punta siya kay Alyza at inalalayan itong makatayo.
"Mauna na kayong lumabas ni Luis Sheherazade, huwag kayong pupunta ng gubat, sa bayan o sa mga mataong lugar kayo magpunta," ani ni Ashanti at nagulat naman si Sheherazde dahil balak niyang sa gubat magtungo.
"Mag-iingat kayo," ani ni Luis at tumango si Ashanti at si Alyza.
"Mag iingat din kayo,"
Lumabas na si Luis at Shehrazade at dumaan sila sa likod upang hindi nila makasalubong ang mga paparating na kawal.
Sumunod naman si Alyza at Ashanti sa kanila palabas at naghiwalay sila ng daan.
"Kaya mo pa bang maglakad?" tanong ni Ashanti kay Alyza ng mapahinto ito sa paglalakad.
"Kaya ko pa naman Ashanti," sagot ni Alyza sa kanya. Muli silang nag patuloy sa paglalakad. Nakakaramdam narin ng pagod si Ashanti ngunit hindi niya rin alam kung saan siya pupunta.
Gustuhin man niyang magpunta sa bayan ng siorsoro ngunit ayaw niya ring mapahamak ang mga kanyang teshni at ang kanyang kapatid.
"Magpahinga muna tayo dito," sambit ni Ashanti ng makakita sila ng parke.
"Ilagay mo ito sa iyong ulo, baka may makakilala sa'yo," ani ni Ashanti mulo at ini-abot kay Alyza ang pantakip upang hindi siya makilala ng sinu-man.
"Pasensya na kung nagiging pabigat pa ako sainyo," sambit ni Alyza at agad namang napailing si Ashanti sa narinig mula sa kanya.
"Huwag kang mag isip ng ganyan Alyza ano ka ba? Hindinka nagiging pabigat, you still can help me." sagot sa kanya ni Ashanti at ngumit sakanya ng malawak.
"My power is weak now, kung may kakalaban man sa ating ngayon hindi kita matutulungan," sagot sa kanya ni Alyza. Umiling si Ashanti.
"Your power is weak but not your mind," sagot ni Ashanti sa kanya at parehas silang natawa.
Muli silang nagpatuloy sa paglalakad, hindi na rin nila alam kung nasaan si Sheherazade at Luis ang plano lamang nilang dalawa ngayon ay makalayo-layo pa at makahanap ng matitirahan pansamantala.
Mula sa malayo ay agad nahili ni Ashanti si Alyza ng may maramdamang papalapit na dagger sa kanila. Agad siyang na-alerto at pilit pino-protektahan si Alyza.
"Nasa puno siya Ashanti," bulong ni Alyza sa kanya. Naglabas si Ashanti ng isang malaking tubig at itinama sa direksyon doon. Nahulog naman ang babaeng nasa puno at agad nagsilabasan ang mga kawal ng Ardelaine sa kung saan.
"Sumama na lamang kayo sa amin para hindi na kayo masaktan pa," sambit ng Heroir ng Aredelaine.
"Hindi kami sasama sa mga katulad niyo!" ani ni Alyza na nasa likuran ni Ashanti. Ikinumpas naman ng Heroir ang kanyang kamay at umatake ang mga kawal ng Ardelaine.
Naglabas si Ashanti ng sandata at piliz niyang pinrotektahan si Alyza. Kapag iikot ay kasabay niya ring i-ikot si Alyza.
Sinapa ni Ashanti ang babaeng papalapit sa kanya at napaluhod ito ng masugatan siya sa kanyang tuhod ngunit agad siyang tumayo.
"Ashanti, tumakbo ka na." ani ni Alyza. Umiling naman si Ashanti sa kanya.
"Hindi kita i-iwan dito Alyza." sagot sa kanya ni Ashanti habang nakikipaglaban.
Muling nasugatn si Ashanti sa kanyang binti. Napasigaw naman si Alyza ng makita niyang may sasaksak kay Ashanti kaya namn buong lakas niyang ginamit ang kanyang kapangyarihan at tumalsik sa kung saan ang kawal na iyon.
Agad napaupo si Alyza dahil mas lalo siyang nanghina. Tumayo kaagad si Ashanti at lumapit kay Alyza.
"Tumakbo ka na Ashanti, hindi na ako magtatagal pa. Mas mangnganib ka kung uunahin mo ang kapakanan ko." sambit ni Alyza kay Ashanti. Umiling si Ashanti. Tumayo si Alyza at buong pwersa niyang pinagsama ang kanyang kapangyarihan.
Malakas na humangin sa kanilang kapaligiran halos magtalsikan ang mga kawal na papalapit sa kanya nagtatakang tinignan siya ni Ashanti at nagsalita.
"Anong ginagawa mo Alyza?!" sigaw ni Ashanti at lalapit na sana sa kanya si Ashanti ng mapa-atras siya sa lakas ng pwersa ng kapagyarihang inilalabas ngayon ni Alyza.
"Dadalhin ka ng kapangyarihan ko sa lugar kung saan mahihirapan silang mahanap ka, doon maninirahan ka ng ilang taon. Tanging ang itinadhana lamang ang makakakita sa'yo. Ashanti... Pakiusap pakisabi kay Kyle na-- na mahal ko siya," sambit ni Alyza kasabay ng pagtulo ng kanyang luha. Ang matagal ng minimithi ng kanyang puso.
Ang malaman ang totoong nararamdaman nito.
Kasabay ng malakas na hangin ay ang pagkahulog ni Alyza sa lupa at ang paglalakbay ni Ashanti sa lugar kung saan ang itinakdang prinsesa lamang ang makaka-kita sa kanya.