What they were thinking
Kyoko's PoV :
I am so nervous right now! I feel like i'm gonna throw up all the food I ate earlier because of this freaking nervousness i'm feeling. I volunteered myself to take the first obstacle course but I don't know if I can do it. This could be harmful for me. I could hold my breath under the water but I can do that for just a minute or two.
I wish I can talk to my honey, but we're not allowed to talk to the other team until the training program is over for today.
All I can do is to look at him and wished that he would be here with me, supporting me, like he always do everytime we're on a mission together.
I sighed. Someone tapped my braso so I automatically look who did that. I saw CJ-niichan smiling wide at me.
CJ: "Relax ka lang, Sakura. You can do this. We're here to cheer for you. Especially our teammates. And your ate Trigger."
Now that he mentions her, I started to look at ate Belle's direction and got surprised when our eyes met. She gave me a slight twitched on the side of her lips, her version of smile, then back to being poker-faced.
CJ: "See that? Bihira lang ngumiti si Trigger kaya isipin mo nalang iyon. Pero infairness sa kanya, nakakakilabot kapag ngumingiti siya ng ganoon. Hahaha!"
Kyoko: "Salamat po, Kuya Blaze."
CJ: "Oh, straight tagalog! Umaasenso ka na, bunso."
Kyoko: "Umaa--naniyou?" {Ano iyon?}
CJ: "Umaasenso iyon. It means you're doing great. Keep learning tagalog, Sakura. Magpaturo ka sa boyfriend mo."
Kyoko: "Ahh.. so that's what it means. I will do my best to learn and my Honey taught me some words so it really helped me alot."
Nagsabi pa ulit ito na galingan ko bago pumunta sa third course kung saan siya nakatoka. Si ate Belle nasa dulo at pangalawa si kuya Ely at ang pang-apat ay si kuya Knight. Naka-ready na kaming lima habang nasa gilid ang team 2 na manunuod sa amin.
Boss: "Ready?..............GO!" (Red flag down)
I started running and lock myself inside the cage with so many keys under my feet and It's so hard to move inside because it's just a small cage so it's really challenging. I need to move faster now. I started finding the right key to the cage's pad lock. But since there were so many keys, I couldn't help but to get irritated when I got the wrong ones. On my 16th key, I finally unlock the cage and I run faster to the red button and pushed it. The second agent will start on the second course now, which is kuya Ely.
Because of so much relief, I sat down on the floor and I'm looking for my Honey. I found him and I saw him smiling at me, and he mouthed me those three words and eight letters. Just like that and I regain my energy.
Kyoko: "Kore wa totemo tsukaremasu." {This is so tiring.}
End of PoV
Alchris's PoV :
Natapos na ang Team 1 kaya kami naman ang pumunta sa obstacle course para mag-train. I went to the third course, which is about balancing my body. Saan? Sa isang tulay na kasing nipis lang ng isang mahabang wood. I need to cross the 2 meter-long thin bridge without any harness but if I slip down, may malalaking foam naman sa ilalim kaya hindi na rin masama.
Hindi naman ako kinakabahan ngayon, pero parang nanghihina lang ako. Nagamit ng husto ang lakas ko kanina noong nakasalang sa first course si Kyoko, sobra ang kaba ko. Hindi na nga ako nagsasalita at pinapanuod ko ng mabuti si Honey ko. Kahit na inaasar na ako ni Demi at Ela ay hindi ko nalang sila pinansin. Nakahinga lang ako ng maluwag noong natapos niya ang course na iyon.
Sa aming team naman, sa unang course si Nicole, tapos si Ela sa pangalawa tapos ako sa pangatlo, pang-apat si Therbie at sa huli si Demi, na bigla nalang naging active at pinili niya ang huling course na iyon na alam kong sa unang tingin palang, mahirap talaga iyon. Nakita ko nga kanina kung paanong nahirapan si Belle pero nakakahanga talaga siya dahil ang kalmado niya lang habang tinatapos ang buwis-buhay na last course.
Boss: "Ready, team 2?"
Team2: "Yes, Boss!"
Boss: "Like what I did earlier, when I pulled this red flag down, ready or not, we'll start with the first course."
Natahimik na kaming lahat at hinihintay ang 'go signal' ni Boss. Alam kong lahat kami kinakabahan at tensyonado ngayon dahil nakikita ko sa mga hitsura nila iyon. Ako naman ay napatingala sa gawi ni Kyoko at nakita ko siyang bumubuka ang bibig na ang sinabi niya ay 'Gambatte!', na ang ibig-sabihin sa tagalog ay galingan ko raw.
Boss: ".................GO!"
I saw Nicole and she's so fast because she's already inside the cage and already locked by sub-agents who were helping in this training. Kinabahan ako noong mapalubog na ang cage at nasa loob pa si Nicole pero bago pa umabot sa ulo niya ang tubig ay nabuksan na niya ang cage kaya itinaas na ito at lumabas agad si Nicole at pinindot ang red button. Sumunod nang kumilos si Ela na ang kalmado lang rin habang ginagawa ang course niya. At dahil kalmado lang siya ay natapos niya ang course. Kinabahan ako habang hinahanda ang sarili ko sa pangatlong course.
When it is my turn, I tried to clear off my mind para hindi ako malito o ma-distract, at pinakalma ko ang sarili ko habang tumutulay ako sa thin boulder na iyon. Mas lalong humirap noong may mga lumilipad na bola sa direksyon ko na kailangan kong ilagan habang binabalanse ko ang sarili ko.
I thank heavens above when I finished my course and now it is Therbie's turn.
End of PoV
Demi's PoV :
After the training...
We'll gonna win this! I knew it. I am sure of my hunch. I calculated the time of Belle's team and I knew that we were faster than them, although natagalan ng kaunti sa course one pero alam ko mabilis pa kami kesa sa kanila.
At alam kong mas mabilis pa ako kay Belle.
Lumapit kaming lahat sa harap ng maliit ng platform na kinatatayuan ni Boss at katabi niya si Ara na secretary niya. He will announce the winning team on the first training program. I'm so excited for this!
Therbie: "Nice team play, everyone."
Nicolet: "E, natagalan kaya ako sa unang course! Kaasar."
Micaela: "Ok lang iyan, Angel. You still did great."
Nicolet: "You think?"
Micaela: "I'm sure!"
Demi: "You know, Angel dear, don't be so negative. We'll gonna win this one. Trust me."
Alchris: "Ang confident natin, ah."
Demi: "Because my instinct says so, Chris."
Therbie: "But Trigger did great, too."
Demi: "Shut up, lover boy."
Inirapan ko pa si Therbie. If I know, gusto niyang manalo si Belle kasi nga bias siya pero hindi iyon mangyayari. I trust my instinct because it never failed me once.
Boss: "Ok, guys. I'll announce the winning team for the first program. Para may suspense, sasabihin ko muna ang time ng dalawang team."
OH-MY-GOSH!!! This is so nerve-wracking for me. But I'm confident we will win. Tiningnan ko si Belle na nasa bandang kanan namin at kalmado lang naman siyang nakatayo roon. Iyong totoo, ano kayang nararamdaman niya? I can't really tell what's on her mind. Well, lagi naman.
Boss: "The first I'll announce got the time of 17-minutes 28-seconds. The second one got 17-minutes 18-seconds. So nagkakatalo lang dito sa nine-second difference. Just wow, guys. Pinabibilib niyo pa lalo ako habang tumatagal."
Nine-second difference, huh? I'm pretty sure na ang pinaka-maikli ang nakuha namin.
Boss: "Ngayon, ang team na nakakuha ng pinaka-maikling oras sa obstacle course na ito ay ang...."
End of PoV
Belle's PoV :
It's already evening at kakatapos lang naming lahat kumain ng dinner. Hindi ko lang alam kung matutunawan ako, lalo na kung alam kong natalo kami ng mga kasama ko sa unang training program. It's pissing me off until now.
Lalo akong naiinis kapag nakikita ko si Demi na binibigyan ako ng ngising pang-asar. Parang gusto ko siyang i-ngudngud sa swimming pool na tinatambayan ko ngayon. Pero unang training palang naman ito. Marami pang program para makabawi. Huwag muna siyang magpakasaya dahil pinagbigyan ko lang siya sa una pero sa pangalawa hanggang sa huling program, hindi na ako magiging mabait.
I will really do my best.
Kahit papaano ay nare-relax ako sa pagbabad ng paa ko sa pool habang nasa ilalim ako ng maraming bituin na sobrang nagpapaganda sa langit ngayon.
Hindi ko maiwasang isipin si Papa. Isa siguro siya sa mga stars na nasa langit ngayon at nakamasid sa akin. I smiled at the thought.
I was enjoying star-gazing, when someone sat beside me. It's Therbie.
Wala naman siyang sinasabi kaya hindi na rin ako nagsasalita. Pero hindi rin nagtagal ay nagsalita ito.
Therbie: "What are you thinking? If you don't mind me asking."
Belle: "I don't mind. What am I thinking? I'm thinking about Papa. Iniisip ko na isa si Papa sa mga stars na nakikita ko sa taas."
Therbie: "I'm sure your Dad's in there, watching you and your family."
Belle: "I know. Pero, Therbie.."
Therbie: "Hm?"
Belle: "Umm, totoo ba talagang Ramos at hindi Salcedo ang apelyido ni Joseph?"
Tumango ito. Napahinga naman ako ng malalim. Mag-sisimula na naman pala ako sa umpisa nito. Maghahanap na naman ako ng lead para mahanap si Jerome Salcedo.
Therbie: "Belle, umm.. I just wanna ask... about Joseph.."
Belle: "What about him?"
Therbie: "Ah..nevermind. Sige mauna na ako sa loob. You too, maaga tayo bukas."
Mabilis itong tumayo at umalis. I was just staring at him until he's out of my sight. Hindi ko maiwasang magtanong sa sarili ko kung ano kaya iyong itatanong niya sana na hindi niya masabi sa akin.
Maybe it's about the mission.
Tumayo na ako at nag-inat-inat pa habang naghihikab.
Belle: "I'll go to bed now. Maaga pa pala bukas."
And I hope it will be a good day tomorrow.
End of PoV
Micaela's PoV :
Dahil nalulungkot ako mag-isa sa room ko ay pumunta ako dito sa room ni Demi, mabuti nalang at gising pa siya. Tuwang-tuwa nga ang gaga e. Malamang natalo niya si Belle kaya ganyan nalang ang saya niya.
Talagang noon pa man lagi nang nagkakaroon ng sariling kumpetisyon ang dalawa at alam naman namin na friendly-competition lang ang sa kanila pero alam kong para kay Demi, may iba pang rason kung bakit gusto niyang natatalo si Belle.
Demi: "Oh, why so serious? What are you thinking, dearest?"
Micaela: "Wala naman. Naiisip ko lang, Demi.. kapag nananalo ka sa laban niyo ni Belle, talaga bang masaya ka?"
Bigla itong napatahimik at naramdaman ko ang pagka-tense niya dahil magkatabi kami sa kama.
Demi: "Oo naman masaya ako. I'm super duper happy."
Micaela: "Liar."
Demi: "Yah! I'm not a liar. I'm sexy and gorgeous as hell!"
Micaela: "So boastful, Demi. Pero seriously. Hindi ka naman talaga masaya dahil kahit nanalo ka sa laban niyo ni Belle, parang mas panalo pa rin siya kasi sa kanya pa rin may gusto si crush mo, 'di ba?"
Dahil sa sinabi ko ay bigla ako nitong pinalo sa braso na sobrang nakapag-pasigaw sa akin.
Micaela: "Yaah! It hurts!"
Demi: "Eh kasi ipinamumukha mo pa sa akin na ni-katiting walang feelings sa akin si Therbie dahil si Belle ang mahal niya. Pero iyong totoo, Elang? I'm happy talaga. Kasi, through winning over Belle, nakakaganti na rin ako sa kanya kahit hindi niya naman alam iyon. Hahaha ang gulo ko. Gosh!"
Micaela: "Bakit kasi hindi mo sinabi kay Therbie iyang feelings mo sa kanya?"
Demi: "Kasi crush lang naman ito. I believe in the saying na 'prevention is better than cure' kaya hangga't iyon palang ang nararamdaman ko, hindi ko na ni-push. Ayokong masaktan, dearest. At iyong pagiging magka-kumpitensya namin ni Belle ay kapag may training lang naman na ganito. outside of this training program, we're friends. We all are. I'm even rooting for the both of them to be together e. Nakakainis lang kasi ang torpe ni Therbie. Hmp!"
Napabunghalit ako ng tawa sa sinabi niyang iyon. Totoo naman kasi at isa iyon sa known fact sa lahat ng top agents pati si Boss alam.
Pero in a way, I understand him. Pinagdadaanan ko rin kasi ang pinagdadaanan niya e. I also love someone from afar. I couldn't express my feelings kasi bukod sa nahihiya ako, hindi ko naman alam kung may nararamdaman rin ba siya sa akin.
At tsaka ang pilyo ng lalaking iyon kaya baka hindi niya pa naiisip ang mga seryosong bagay katulad ng love and relationships.
Demi: "You're thinking of 'him' no?"
Micaela: "Hindi ah."
Demi: "Kotjimal." {Liar}
Micaela: "Aniyo." {Hindi}
Demi: "Ok I wouldn't ask about it. Dito ka na matulog ha? Alam ko namang ayaw mong mag-isa."
Micaela: "Yes! Thank you bestie!"
Demi: "Maliit na bagay. Good night, Bestie."
Micaela: "Good night."
And we're off to dream land.