The truth
Ely's PoV :
Ang bilis talaga lumipas ng araw. It's been two-weeks already since we've been here in Boss's resort na sobrang presko at sobrang nakaka-relaxed talaga. Sa sobrang relaxed namin ay halos isang linggo lang ata kami nag-training. Una, iyong extreme physical training, dalawang araw naging on-going iyon at sa pangalawang araw ang team 1 na ang nanalo, kaya naiinis na naman si labs--este si Demi.
Then, the very next day after the second physical training, we undergone mental training. May pinanood sa aming more than one-hour video na about sa isang crime scene. Ang challenge ay kailangan naming mahanap ang totoong suspect sa limang potential suspects na nandoon. It was so hard because of so minimal evidences, the obvious clues na hindi nakatulong, at halos lahat ng limang tao sa video may mga alibi.
Mahirap kung kami lang ni Carmona ang magkasama, good thing we have Belle in our team. Ang team ulit namin ang nanalo kaya lalo nang namula si Demi sa sobrang inis. Naiinis siya at medyo dispirited ang mga ka-teammates niya pero ako nakangisi at masayang-masaya. Masaya hindi dahil sa pagkapanalo namin, pero masaya ako dahil nakikita ko ang cute face ni lalabs ko. Aba, sobrang pula kaya ng pisngi niya na umaabot pa nga minsan sa leeg, which I find so cute.
I am really into her, as time passes by. I don't know if that's a good thing or not. I know she likes Therbie. Maybe she even loves him. Maisip ko palang na silang dalawa, masakit. Mabuti nalang kilala talaga kami ni parekoy CJ bilang mga pilyo sa grupo, kaya walang nakakahalata sa mga tunay na nararamdaman namin.
Speaking of CJ, nandito kami ngayon sa isang swimming pool, nakalubog ang paa at pareho nananahimik. Mukhang pareho lang kami ng iniisip. Iyong mga taong ginugulo ang isip at puso namin.
Ely: "Kamusta, pare, iyong puso mo? Buhay pa ba?"
CJ: "E iyong sa'yo? Ako kasi parang wala naman umaaligid sa mahal ko, pero ikaw, may inaaligiran si lalabs mo. Kaya pa ba?"
Ely: "Ouch! Sapul talaga e! Hindi ka man lang nag-filter sa sinabi mo, gago ka."
CJ: "Mas gago ka! Hindi ko na nga diniretsa sa'yo e. Talagang affected ka lang masyado."
Ely: "E 'di wow! Hahaha!"
CJ: "Tss.. baliw."
Tumawa nalang ako pero sa loob-loob ko ay iniisip kong halata na nga ang pagiging masyado kong apektado.
Bakit nga ba may nabuong salitang 'torpe'? Kung malaman ko lang kung sinong poncio-pilatong nagpauso ng word na iyon, naku! Ilulubog ko sa pinaka-ilalim ng lupa ang pagmumukha.
Nauna na akong tumayo at sumunod na rin si CJ at papalakad na sana kami pabalik sa room namin pero biglang may tumawag sa amin.
Knight: "CJ, Ely!"
Ely: "Oh, Knight, bakit tinatawag mo ang mga gwapo?"
CJ: "May kailangan ka? Tips? Advice sa inyo ni Nicole--"
Knight: "Sira-ulo! Kayo ang may kailangan ng advice 'wag niyo 'ko idamay."
CJ: "E bakit nga?"
Knight: "Sumunod kayo sa 'kin. Bilis."
Nagkatinginan kami ni CJ at pareho pa kaming nakakunot-noo. Ano kayang kailangan ni Knight? Hindi nga ba advice o tips ang kailangan niya sa 'min?
End of PoV
Belle's PoV :
Buong araw nandito lang ako sa loob ng kwarto ko sa hotel ni Boss at naiinip na ako dahil ang tagal na noong last training program namin. Isang linggo na at mahigit.
I was pacing back and forth, I'm making a decision if I will talk to Boss and ask him or I'll just stay in this four-cornered room and do nothing but wait. I'm bored and I am getting anxious because i am used to moving around.
As I've waited, i'm getting more and more anxious. I should take a med to calm my nerves.
I decided to stop walking around and was about to go to the bathroom to take a quick shower, when suddenly, I heard the door making a 'knock-knock' sound. Agad akong pumunta sa pinto at binuksan ito at nagulat ako dahil si Boss ang nasa kabila noon.
Boss: "Oh? Bakit parang gulat na gulat ka naman? Nakakagulat ba talagang kumakatok ako sa'yo sa ganitong oras?"
Belle: ".....No. Come in, Boss."
Pumasok ito at dumiretso sa sofa na nasa gilid ng malaking kama. Umupo ako sa kaharap niya at habang nakatahimik siya, pinagmamasdan ko siya. Para siyang may sasabihin pero hindi niya alam kung paano ito sasabihin.
Belle: "Spill it."
Boss: "Huh?"
Belle: "Halata ka masyado, Boss. May sasabihin ka."
Tinitigan ako nito ng maigi at hindi ko maiwasang mailang sa klase ng titig niya. Para bang transfixed siya sa akin sa hindi ko malamang kadahilanan.
Kalaunan ay bigla itong tumayo at dire-diretsong lumabas ng kwarto. Saglit lang ay pumasok ulit ito na may dalang isang box na pamilyar sa akin. Isa itong case na lalagyanan ng baril.
Boss: "Belle, umupo ka please. May sasabihin ako sa'yo at sana.. sana hindi ka muna magsalita hangga't nagpapaliwanag ako."
Belle: "Ano ba iyon, boss? Sana lang ay hindi iyan kalokohan kundi magpapa-putok ako ng baril. Nasa ilalim lang ng damit ko ang baril."
Biglang nanlaki ang mga mata nito at napataas ang mga kamay.
Boss: "Woah, woah wait a second, Trigger. Hindi naman ako nagbibiro pero makinig ka lang. Promise! Seryoso ito."
Belle: "Ok. I'll listen carefully."
Boss: "It's about your... father, Belle."
Nangunot ang noo ko pagkarinig palang na tungkol sa ama ko ang sasabihin niya.
Boss: "First of all, I knew your father. I've personally known Johanne ever since college."
Belle: "W-what..?"
Boss: "Alam kong ganyan ang magiging reaksyon mo. I'm sorry if I told you this just now. Palagi kasing nawawala ang tiyempo kong sabihin lalo na kapag nakikita ko ang matinding galit mo sa perpetrators ng Papa mo. I can't tell you this easily especially when another friend of mine is also involved."
Belle: "Si-sino ang kaibigan niyong isa?"
Boss: (sighs) "It's none of other than, Jerome Salcedo."
When I heard that name from him and thought of what he said that he's also a friend of Boss, bumangon ang galit ko at parang hindi ko na kayang i-suppress ang nararamdaman ko, pero pinipilit ko pa rin.
I inhaled and exhaled so many times until I am calm. I looked at him in the eye.
Belle: "K-kung ganoon.. s-sinasabi mo bang.. mag-kaibigan... kaibigan ni Papa si Jerome Salcedo? K-kasi kaibigan mo silang pareho. So that means.. they.."
Boss: "Oo, Belle. Matalik kong kaibigan ang dalawang iyon kahit na mas ahead ako ng isang taon sa kanila. I was also one of your godfather, but I wasn't able to attend your christening because I was busy with the agency, at that time. Kukunin ko nga sanang isa sa ahente ng BDA si Johanne pero tumanggi siya. Gusto niya lang ng tahimik na buhay kasama kayong pamilya niya kaya hindi ko na siya pinilit pa."
Dahil sa sobrang kaba, galit, at kabiglaan sa nalaman ko ay napaupo na ako sa sofa at tulala pa rin. I don't know what to think. I don't know if I can think straight from now on.
A part of me is being angry because I felt betrayed by Boss but a part of me still wanna hear all of he has to say. So I stayed silent and let him speak.
Boss: "Belle, gusto kong sabihin ito sa'yo dahil apparently, may isang tao na malakas mangunsensya at minu-minuto talaga niya akong kinukulit na sabihin ko ang mga nalalaman ko sa'yo."
Belle: "Sino naman?"
Boss: "Si Therbie. Ang batang iyon, hindi ko alam kung paano niya nalaman ang koneksyon ko sa ama mo pero isang araw bigla nalang niyang sinabi ang nalalaman niya. I was surprised by that and I was afraid that he would tell you the truth, kaya pinagsabihan ko siya na 'wag sabihin ang kahit anong nalalaman niya."
Belle: "And now is the time to spill the beans? OK. Ngayong alam ko na iyan, Boss, gusto kong magpasalamat sa'yo."
Boss: "Hah? Bakit ka naman magpapasalamat sa'kin?"
Belle: "Nagpapasalamat ako kasi kinuha mo ako bilang agent sa BDA at tinutulungan mo ako sa paghihiganti ko. I am thankful, Boss."
Parang hindi ito makapaniwala sa sinasabi ko at bumubuka ang bibig nito na parang may sasabihin pero hindi naman niya itinutuloy. Tumayo ito at nagpunta sa bandang bintana kung saan nakikita ang kabuuan ng Diaz's Hotel and Resort.
Boss: "You must be mistaken, Hija. Kinuha kita bilang agent sa BDA dahil gusto kong tulungan mo ako sa pag-resolba ng maliit na hindi pagkakaintindihan nina Johanne at Jerome. Kagaya ng sinabi ko kanina, Matalik kong kaibigan ang dalawa at nasaktan ako noong malaman kong umabot na sa pagpatay ni Jerome sa kaibigan niya ang galit niyang inalagaan niya. Kaya kita kinuha bilang agent dahil ikaw ang nakikita kong makakatapos ng kadilimang nararamdaman ni Jerome."
Napatayo rin ako sa sinabi ni Boss at napapaiyak na ako sa mga sinasabi niya. Hindi ko iyon matatanggap.
Belle: "No...no, no no.. hindi ko gagawin iyon, Boss. Hindi! Galit ako sa taong iyon na sinasabi mong kaibigan ng papa ko! Pinatay niya ang Papa ko! Halang na ang kaluluwa ng demonyong iyon dahil sarili niya pang kaibigan ang pinatay niya?! There's no good in that man's heart. He's a bastard! He's a f*****g jerk for making my family suffer! I hate him! I hate him to the core! I hate him with all my life!!"
I was crying so hard. Iyon siguro ang dahilan kaya biglang bumukas ang pinto at pumasok si Therbie, kasunod niya ang lahat ng agents. Ayokong makikita nila akong ganito, vulnerable and weak. Pero hindi ko mapigilan ang luha ko sa sobrang galit na nararamdaman ko.
Hindi ko tutulungan ang lalaking iyon. Kinasusuklaman ko siya!
Lumapit si Boss sa akin pero hindi ako nito mahawakan para aluin. Si Therbie ang lumapit sa akin at pinatatahan ako pero hindi ko talaga magawa.
Belle: That killer.. a-anong dahilan niya at pinatay niya ang papa ko ng ganoon lang kadali..? Anong dahilan niya..?"
Boss: "Inggit. Nagsimula ang lahat ng ito dahil sa inggit. He's envious of Johanne's achievements during our college days. Matalino si Jerome, pero matalino rin ang Papa mo, Belle. Naiinggit si Jerome sa lahat ng karangalang nakukuha ni Johanne, at pati na rin ang atensyon ng lahat ng tao. Mabait at masipag si Johanne, alam mo naman siguro iyon. Nakikita mo naman siguro ang kumpanya ninyo hindi ba? Iyon ang pundasyon ng kanyang hirap at pagod at pagsisikap. Dahil sa mga bagay na iyon umusbong ang galit ni Jerome."
Belle: "That's bullshit. That's a lame reason to kill my father. Dahil lang sa putang inang inggit kaya siya pumatay ng isang taong nananahimik at may pamilya?! He's a selfish jerk!"
Boss: "Belle, Kumalma ka nga! Tsk, nagkalintek-lintek na. Ang Jerome na alam mong pumatay sa papa mo ay hindi naman ganoon ang orihinal na ugali. Mabait si Jerome at matalik silang magkaibigan ng papa mo noong bago ko pa sila makilala. Sinamantala lang ng panahon ang inosente niyang damdamin kaya niya nagawa ang mga bagay na iyon. Kung nandito si Johanne, I'm sure that he would agree with me."
Belle: "H-he's my Papa's killer.. d-dapat hindi pa patay si Papa kung hindi sa kanya e! Hindi sana ako nasa ganitong sitwasyon at masaya at kumpleto pa sana ang pamilya ko kung hindi dahil sa lintek niyang inggit na iyan e! Papa...."
Naramdaman kong niyakap ako ni Therbie but that doesn't calm me down.
Therbie: "Shh.. Belle, everything's gonna be Ok.."
Belle: "No! Hindi ako magiging maayos hangga't hindi ako nakakapaghiganti sa Jerome na iyon!"
Akmang aalis ako palabas ng kwarto pero mahigpit na hinawakan ni Boss ang braso ko para pigilan ako. I looked at him, I know that I am emotionless even before, but I know that it's worst by now.
Boss: "Sa tingin mo ba kapag napatay mo si Jerome ay nakaganti ka na? Hindi mo ba alam na kapag ginawa mo iyon ay para mo na ring ginaya ang ginawa ni Jerome sa Papa mo? Isa ka na ring 'killer' kapag ginawa mo iyon."
Dahil sa sinabi niya ay bigla akong kumalma at napaisip. May tama si Boss. Naging sarado ang isip ko sa mga possibilities o mga consequences ng mga inisip kong plano. Ang iniisip ko lang ay ang makapaghiganti kay Jerome at makuha ang hustisya na nararapat kay Papa, not knowing what will happen after that.
Umupo na ulit si Boss at hinila naman ako ni Therbie paupo, hindi siya umalis sa gilid ko at kahit na sa dami ng emosyong nararamdaman ko ngayon, napapagaan niya pa rin ang loob ko at sa totoo lang kay Therbie ako kumukuha ng lakas sa lahat ng mga kaalaman ngayon.
Matagal kaming naging tahimik at kahit isa sa mga agent ay walang imik. It was cut short when Boss suddenly pushed towards me that gun case. I look at him with a confused look in my eyes.
Boss: "Gusto kong ibigay ito sa'yo, Trigger, because this one belongs to you. It was just a caliber 45, but that is an important memorabilia because it was from your father."
I look intently at that case and I felt my tears were flowing nonstop. I get a hold of the case with so much care as if it was a delicate thing. I hugged that case while crying so hard like a kid.
Boss: "Iyan ay binili ni Johanne noong unang sweldo niya sa iba-ibang trabahong pinasok niya. When I asked him why he bought that, he said that one of his dreams is to be a police to protect the people important to him. I want you to take it because it's rightfully yours to begin with. Ikaw na ang bahala kung gusto mong gamitin iyan o itabi, it's up to you because it's yours."
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay naglakad na siya palabas. Sumunod na rin ang lahat ng agents, pati si Therbie. To give me some time alone, I think. Noong ako nalang mag-isa ay mas lalo akong naiyak habang inaalala ang ngiti ni Papa na hindi ko makakalimutan.
I was holding the case until I fell asleep.
End of PoV
Third person's PoV :
There are so many people around the NAIA but a mere presence of a man in his 40's could still have an effect to all of them as they look at him with awe in their eyes. The guy was just smiling sinisterly while holding a brown envelope in his hand.
Noong nakalabas siya ng airport at sandaling huminto siya sa harapan at tiningnan ang buong paligid. Again, he smiled.
Inilabas niya ang isang litrato sa envelope na hawak niya at bigla itong napatawa na parang may masamang binabalak.
Someone: "That little girl will be with you soon, Johanne. Hindi ka na malulungkot. Hahaha!"