Physically and mentally
Joseph's PoV :
Right after the fight..
Pete: "GAGONG IYON!?"
Joseph: "Hoy, Pete! Kumalma ka nga muna."
Pete: "Hindi mo 'ko naiintindihan pare kasi wala ka namang kapatid! f**k!"
Renz: "P-pete--"
Tiningnan ni Pete ng masama si Renz at nabigla kami ni Xander noong kinuwelyuhan niya si Renz at nanlilisik na tinitigan ito.
Pete: "Kapag hindi ibinalik ng kapatid mo ang kapatid ko, putang ina! Magkakawatak-watak ang pagkakaibigan natin. Sinasabi ko sa'yo Renz!"
Hindi naman lumalaban si Renz at nakatulala lang ito kanina pa. Bago pa namin maawat ang dalawa, malakas na itinulak ni Pete si Renz, dahilan para mapaupo ito sa sahig. Agad lumapit si Xander kay Renz at nilapitan ko naman ang isa, dahil baka magkasakitan pa lalo kapag pinabayaan ko. Sa totoo lang ay nagagalit rin ako kay Therbie dahil sa hindi niya pagsabi kung nasaan si Belle, samantalang BOYFRIEND lang naman siya, e kapatid si Pete. Hindi niya ba naiisip na kung sa kanya mangyari iyong nangyari sa pamilya ni Pete, na nawala ang kapatid niya ng apat na taon tapos noong biglang nagpakita, akala niya mananatili na sa kanila. Pero mawawala rin naman pala sa isang iglap lang.
Sana man lang isipin niya iyon. At kung si Belle man ang nag-utos sa kanya, katulad ng sinabi niya kanina, sana sinabi niya pa rin iyong totoo dahil nag-aalala ang pamilya ng babaeng itinatago niya. And Belle is still a minor, for god's sake!
Xander: "Dude, Mauna na muna kami."
Tumango nalang ako kay Xander at nakita ko ngang inaalalayan niya si Renz na tumayo at sabay na silang naglakad. Nakabukas na ang pinto pero biglang huminto si Renz at tumingin sa direksyon namin, kay Pete.
Renz: "Pete, pare. Hayaan mong ako ang kumausap sa kapatid ko. Alam kong may rason siya kung bakit niya ginagawa ito. And in behalf of him, I want to say sorry."
Wala namang imik si Pete hanggang sa nakaalis na iyong dalawa ay tahimik pa rin ito. Ako naman ay pumunta muna sa kusina para kumuha ng maiinom na beer at pagbalik ko sa salas, seryoso pa rin siya at parang ang lalim ng iniisip.
Inilapag ko ang beer-in-can sa harap niya, parang doon naman siya nagkamalay at napatingin sa beer tapos sa akin. He gets the can and drink the beer from it.
Joseph: ""Ok ka na, pare?"
Pete: "I don't think I can be fuckin' Ok, dude. Knowing na alam ko kung kanino makikita ang kapatid ko, hindi ako matatahimik. Alam mo ba kung saan nakatira si Renz?"
Bigla akong napalingon sa kanya at alam ko kung bakit niya itinatanong iyan. Tango lang ang naisagot ko. Maya-maya, tumayo siya sa kinauupuan kaya napatayo rin ako.
Pete: "Tara, samahan mo 'ko sa bahay nila. Baka doon ko makita ang kapatid ko. I don't like that guy, therefore, I don't trust him, too. Baka mamaya walang iniutos si Belle sa kanya at nagsisinungaling lang ang gagong iyon e."
Joseph: "Sige, tara."
Pagkasabi noon ay naglakad na kami papunta sa parking lot, kung nasaan ang kotse ni Pete, na gagamitin namin.
I hope we get to see Belle, para magkaalaman na.
End of PoV
Therbie's PoV :
Napabahing ako ng malakas kaya't lahat ng mga agents na katabi ko ay napatingin sa akin. Sina CJ at Ely pinagtawanan ako habang napapailing iyong mga babae, pati si Mamita Rosa.
CJ: "Grabe ka naman bumahing, pare! Daig mo pa iyong Papa ko ah?"
Ely: "Oo nga naman, p're. Ayos ka lang ba?"
Therbie: "Oo maayos ako kaya 'wag niyo ko pagtawanan mga ulol."
Ely: "E masyadong agaw-eksena iyang bahing mo kaya tuloy napatingin lahat. Biruin mo, pati mga sub-agents na nasa labas ng Training center nagpunta pa dito? Hahaha!"
Therbie: "Sige tawa pa, sasabihin ko kay Demi iyong---"
Biglang tinakpan ni Ely ang bibig ko at parang nahihiyang tumingin kay Demi, na naka-kunot lang naman ang noo habang tinitingnan kami. Noong hindi na ako makahinga ay inalis ko ang kamay niya at napangisi ako sa pagtingin niya ng masama sa akin.
Therbie: (bulong) "Don't make me pissed, kung ayaw niyong magka-bulgaran ng sikreto dito."
CJ: "So, Ok lang sa'yo kapag may sinabi kami kay Belle?"
Doon ako natahimik. s**t! May alas rin sa akin ang mga ito. Bakit hindi ko iyon naalala? Ang tanga mo talaga, Therbie!
Bago pa ako makapagsalita, ay napatingin kami kay Kyoko noong itinuro niya ang Gigantic ring.
Kyoko: "Oh-em! Guys, look!"
Lahat kami ay bumaling ang tingin sa Gigantic ring at mula doon nakita namin si Miss Brenda na parang may dinadaing. Natamaan na ata nina Nicolet at Micaela. Ibig-sabihin tagumpay ang team play nang dalawa?
Pero unti-unting nangunot ang noo namin ng may ibang nangyari.
End of PoV
Third person's PoV :
Napasigaw bigla si Brenda pero ang pagsigaw niyang iyon ay naging halakhak na siyang ikinakunot-noo ng lahat ng mga nakakita, pati na rin nina Nicolet at Micaela na tumigil na sa pag-atake.
Pero iyon ang pagkakamaling nagawa nila dahil ang ginawang pag-sigaw ni Brenda ay isang distraction lang. Bago pa ma-realize nina Nicolet at Micaela ang pagkakamaling ginawa, mabilis ang galaw ni Brenda papunta sa likuran ng dalawa at noong gagalaw na ang mga ito ay naitutok na ni Brenda ang double-bladed sword ni Micaela, na nakuha niya kanina, sa pagitan ng dalawa.
Brenda: "Don't lose focus and always be on guard, Angel and Snow. Remember that you're in a middle of a fight so you shouldn't think of anything rather than winning. Tama ba?"
Pareho namang napayuko ang dalawa sa sinabi ni Brenda kaya't napangiti nalang siya sa mga ito. Halatang-halata kasing tama ang mga sinabi niya sa mga ito.
Nicolet: "Hehe, tama po kayo, Miss Brenda. Medyo hindi po ako sanay lumaban ng mag-isa at lagi akong naka-depende sa kung sinong makakasama ko sa missions."
Brenda: "I saw that earlier, when you talked to Micaela to be a team with you."
Micaela: "You saw that, even though you're fighting Demi earlier?"
Brenda: "Yes, I did. I multi-task."
Micaela: "Daebak! You're so, so, so great, Miss Brenda!"
Brenda: "Now i'm embarrassed."
Nagtawanan ang tatlong babae, kalaunan ay lumabas na rin ang dalawa at sinalubong naman agad sila ng mga kapwa-agents, sa pangunguna ni Knight. Agad nitong niyakap ang kasintahan na ginantihan rin naman siya.
Knight: "I was so worried, Momo."
Nicolet: "I can see that. Pero Dada, natalo ako."
Nginitian siya nito at hinaplos ang mukha niya na puno ng pagmamahal sa mga mata.
Knight: "It doesn't matter, Momo. Para sa akin ikaw ang pinaka-magaling. Tandaan mo iyan."
Nicolet: "Thank you."
Habang nag-uusap-usap ang ibang mga agents, nakatingin lang sina Micaela at CJ sa isa't-isa, waring hindi alam kung mag-uusap o hindi. Pero parang tumigil ang pag-ikot ng mundo ni Micaela noong nilapitan siya ni CJ at binigyan siya ng ngiti nitong talagang nakapagpa-t***k ng puso niya.
CJ: "You did great there."
Micaela: "N-nanuod ka ba talaga?"
CJ: "O-oo naman. I wouldn't miss it for the world."
Micaela: "Ah-ah, ganoon.."
Pagkatapos ng maliit na usapang iyon ay pareho silang nawalan ng imik at nanahimik nalang. Hindi makaisip ng sasabihin si Micaela, pero gusto niyang kausapin ng kausapin ito dahil minsan lang silang nakakapag-usap ng silang dalawa lang at wala ang mga asungot na agents sa paligid. Lalo na si Ely.
Pero hanggang sa hinila nalang siya ni Demi ay wala pa rin siyang naisip gawin o sabihin. Laging napapatameme siya kapag si CJ na ang kaharap at gusto niyang magwala at sabunutan ang sarili sa inis na nadarama.
***
After 30 minutes break, the training resumes. This time, ang mga boys naman ang nasa loob ng Gigantic ring at sasabak kay Brenda na prenteng nakatayo lang at hinihintay ang mga ito. Ang unang lumapit kay Brenda ay si Alchris na tahimik lang at walang mababakas na takot o kaba sa mukha nito.
Brenda: "The observant, I see."
Alchris: "I've observed your moves earlier, Miss Brenda. That gave me a little idea of what you can do."
Brenda: "Let's see if you can defeat me with that little idea of yours."
Nagtataka naman si Brenda kung bakit hindi gumagalaw sa kinatatayuan nito si Chris pero may narinig siyang mahinang kalansing ng bakal at noong ilabas nito ang kamay mula sa bulsa ay nakita niya ang bakal na nakapalibot sa mga daliri nito. A brass knuckle.
Brenda just smirk at what she just saw and she readied herself.
Unang sumugod si Alchris at nagpakawala ng isang malakas na suntok pero mabilis na iniwasan lang ito ni Brenda. Paulit-ulit itong nangyari at nakikita niya na ang pagbabago sa ekspresyon ni Alchris na kung kanina ay kalmado, ngayon ay mababakas na ang pagkainis nito kaya't mabilis nalang itong nagpapakawala ng suntok ng walang pag-iisip.
Sa ginagawang pagsuntok ni Chris, hindi niya namamalayan na nakalapit na sa kanya si Brenda at bago pa ulit siya makasuntok ay napuruhan niya ang bandang tiyan nito, dahilan para bigla itong mapaupo at manghina sa ginawa ni Brenda.
Brenda: "I didn't hit you hard, dahil kung ginawa ko iyon malamang tulog ka na ngayon. The problem with you, Max, is your temper. Mabilis kang magalit at dahil doon ay talagang matatalo ka."
Hindi nakasagot si Alchris sa mga sinabi ni Brenda dahil aminado siyang tama ang sinabi nito. Mabilis nga siyang magalit o mainis at iyon rin ang eksaktong nangyari sa kanya noong may nakalaban silang mga nakamaskarang lalaki. Nakita niyang nasaktan si Kyoko kaya't mabilis na uminit ang ulo niya at hindi na siya nakapag-isip ng estratehiya at basta nalang sumuntok at sumugod siya noon.
Brenda: "Don't make your emotions lead you, Max. Let your emotions follow your lead."
Alchris: "Thanks, Miss Brenda. I will never forget that."
Lumabas na rin agad si Chris habang iniisip ang mga pagkakamaling ginawa niya sa mga past missions niya. Maaaring nagtatagumpay nga siya sa mga misyon na iyon pero lagi namang napupuruhan o nasasaktan siya bago mangyari iyon.
Pagkalabas niya sa ring ay sinalubong siya ng nakangiting si Kyoko at agad na niyakap niya ito. Si Kyoko lang ang tanging babaeng makakapag-pakalma sa kanya ng ganito.
Sa loob naman ay agad na sumugod ng sabay sina CJ at Ely, dala ang mga sandata nila. Kay Cj ay ang spear na talagang ginagamit niya sa mga laban niya dahil ayaw niya ng maingay katulad ng baril. Kay Ely naman ay dalawang dagger na nasa magkabilaan niyang kamay.
Mabilis naman na nakaiwas si Brenda sa pagsugod ng dalawa at kinuha niya ang isang espada at ipinanlaban sa mga sandata ng mga ito. Ang tanging maririnig lang sa loob ng gigantic ring ay mga kalansingan ng mga patalim na naglalaban at sobrang bilis ng mga galaw nito kaya't halos hindi na makita kung may mga matatamaan o wala.
Habang nag-eespadahan ay naisipan guluhin ni Brenda ang dalawa.
Brenda: "Kamusta ang mga puso ninyo, boys?"
CJ: "Is that a diversion you're doing?"
Ely: "Sorry, Miss Brenda. Hindi iyan gagana sa amin. Pero kung sasagutin ko po ang tanong niyo, maayos naman ang puso ko. Buong-buo pa naman po."
CJ: "Same here."
Napangisi lang si Brenda sa sinabi ng dalawa. Nagtaka naman ang dalawa sa tinuran ng babae pero hindi nila inaalis ang konsentrasyon sa laban.
Brenda: "Good concentration, boys. Pero long overdue na ito kaya tatapusin ko na."
Napamulagat ang dalawa, kasabay ng biglang pagtalsik ng mga sandata nila sa mga kamay nila at natagpuan nalang nila ang mga sariling tinututukan ng espada sa leeg ni CJ at sa likuran naman ni Ely, gamit ang dagger na nasalo niya noong humagis kanina.
CJ: "Wow! I am defeated, just like that?"
Ely: "E ba't parang tuwang-tuwa ka pa dyan?"
CJ: "Hindi ah!"
Natawa si Brenda sa usapan ng dalawa at binawi na rin niya ang mga nakatutok na sandata at mataman na tiningnan ang dalawa.
Ely: "Ano ang final say mo, Miss Brenda?"
Brenda: "Hahaha, maloko ka talaga. Anyway, ang final say ko ay.. you have a great concentration and I was impressed by that. Pero dahil masyado kayong concentrated sa pagtalo sa akin, nakalimutan ninyong mag-isip ng ibang strategy. Naiintindihan niyo ba?"
CJ: "Yes po, Miss Brenda."
Ely: "Naiintindihan ko na. Thanks Miss Brends."
Brenda: "Good. Sana ay lagi kayong concentrated sa mga kalaban pero kailangan rin na ginagamitan ng utak. Multitasking, guys."
Sabay na tumango ang dalawa at tumakbo na ito palabas, kung saan naghihintay ang mga babaeng agent, maliban kay Belle at kay Selene.
Napalingon naman si Brenda kay Therbie at nginitian niya ito.
Brenda: "Alam ko ang expertise mo, JT. Bukod kay Trigger ay magaling ka rin sa long-range 'di ba? So you're good at shooting from afar."
Nagtataka man pero tumango nalang si Therbie sa sinabi ni Brenda. Iniisip ni Therbie na mag-uumpisa na silang maglaban kaya't mabilis siyang tumayo at lumapit kay Brenda ngunit napatigil siya sa paglakad noong may binigay ito sa kanya. Isang bow and arrow.
Mukhang iba ang magiging training niya sa iba.
Brenda: "Alam mo na siguro kung anong gagawin natin 'di ba?"
Therbie: "I have an idea. But it'll be clear if you'll explain further, Miss Brenda."
Brenda: "You're right. Anyway, JT, Archery ang paglalabanan natin. Three bull's eye on the red dot, means victory. Are you ready?"
Therbie: "After five minutes, maybe?"
Mabilis na kumilos si Therbie para ayusin ang mga gagamitin sa archery at katulad ng sinabi niya kay Brenda, makalipas ang limang minuto handang-handa na siya at pareho na silang naka-posisyon.
Si Dominic ang siyang mediator nila.
Boss: "First arrow."
Sabay na nagpakawala ng arrow ang dalawa at parehong pasok iyon sa red dot. Ganoon rin ang nangyari sa pangalawa at ngayon nga ay nasa pangatlo na sila.
Brenda: "You're doing great."
Therbie: "Thanks, Miss Brenda. You're not so bad yourself."
Brenda: "I know. Pero maiba tayo,"
Boss: "Third Arrow."
Magpapakawala na sana ng arrow si Therbie pero natigilan siya sa huling sinabi ni Brenda at nagpa-gulo iyon sa konsentrasyon niya.
Brenda: (bulong) "..kailan ka magtatapat kay Belle?"
Dahil sa nangyari, tumabingi ang arrow at hindi iyon tumama sa red dot. Nanalo si Brenda at nginisihan nito si Therbie, na nakanguso sa kanya na parang nagtatampo.
Therbie: "Ang daya mo, Tita!"
Brenda: "That's what you lacked, Therbie. Focus. Noong nilabanan mo ang mga nakamaskarang lalaki ay magaling ka naman, mabilis ang mga galaw mo at kalkulado. Pero halatang may iniisip ka kaya't nakaapekto iyon sa konsentrasyon mo kaya ka napuruhan sa tagiliran. Iyon ang na-obserba namin ni Mama sa'yo."
Walang nasabi si Therbie at napakamot nalang ng ulo. Tama kasi ang sinabi ni Brenda, talagang magulo ang pag-iisip niya noon at tungkol iyon sa iisang tao lang. Si Belle Clementine Meyer.
Noong lumabas siya sa Gigantic ring, laking gulat niya ng makita si Belle na naka-abang sa labas at walang emosyong mababakas sa mukha nito.
Belle: "We'll talk later."
Therbie: "Hmm."
Pumasok na ito sa loob ng Gigantic ring.
Si Belle na ang susunod na lalaban kay Brenda at iyon ang pinakahinihintay ng lahat ng mga agents, pati ni Selene, dahil ngayon niya lang makikitang lumaban ang kaibigan niya. Pati si Brenda ay nasisiyahan rin pagkat alam niyang talagang mapapalaban siya kay Belle.
Dahil ito si Princess Trigger ng Black Diamond Agency.