Trigger 29 - Strong vs strong

2329 Words
Strong vs strong Therbie's PoV : Ely: "Tingnan mo, CJ, oh." CJ: "s**t! Ako rin e tingnan mo itong braso ko." Knight: "Nag-t-tinginan palang sila niyan ah? Grabe." Hindi nalang ako kumibo sa usapan nila at nag-concentrate sa panunuod sa loob ng Gigantic ring. Talaga ngang nakakapagpataas-balahibo ang presensya ng bawat isa, paano pa kaya kung dalawa na silang magkasama? Baka kahit mga bouncer ay magtakbuhan palayo kapag nakita ang dalawang malalakas na babae. Kasi, kahit pinagmamasdan lang namin sila, ramdam na ramdam na agad namin ang intimidating and menacing aura nila. Partida, nagtitinginan palang sila niyan. Paano kung naglalaban na? Hindi ko nalang ma-imagine. Kasalukuyan akong katabi ni Selene at sa kabilang side niya ay si Kyoko at siyempre katabi nito si Alchris. Sa kabilang gilid ko naman ay sina Knight, CJ, Ely at Demi at Micaela. Lahat kami nakatutok sa magiging laban nina Belle at Tita Brenda. Nicolet: "Guys, I'm back! I brought some popcorn and drinks for us." Agad na tumalima si Knight at nilapitan ang girlfriend niya at tinulungan ito sa mga dala-dalang makakain. Ako naman ay napapailing at tiningnan sila ng mataman. Nicolet: "What, Therbie?" Therbie: "Anong tingin ninyo, nanunuod tayo ng movie? Popcorn and drinks? Really?" Demi: "dearest, don't get mad. Ikapapangit mo iyan sige aayawan na kita." Micaela: "As if naman may pakialam si Therbie kung ayaw mo sa kanya o hindi." Demi: "YA!! Micaela Jang, shut up!" Micaela: "Not gonna happen, b***h. Anyway, Therbie, huwag ka ngang ma-reklamo dyan. We should just enjoy the show." Mas lalong hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Micaela. Show? So, talagang pinanindigan nilang movie ang panunuorin, ha?  Selene: "Hayaan mo na kuya Therbie. Nagugutom ka na rin naman kunwari ka pa e. Naririnig ko kaya iyong tiyan mong naghuhurumentado na." Napapahiyang napahawak ako sa tiyan ko at napayuko habang naririnig ko silang tumatawa. Kanina pa nga ako nagugutom, dahil sa kaba noong training at iyong tensyong naramdaman ko kanina. Hindi ko naman akalain na maririnig ni Selene iyon samantalang mahina lang naman ang tumutunog sa tiyan ko. Tumikhim ako kaya't nanahimik na sila at naging seryoso na habang kumakain ng popcorn. Binigyan rin nila ako kaya't hindi na ako nag-reklamo at muling bumalik ang tingin ko sa one-way mirror wall ng Gigantic ring.  Medyo iba na ang hitsura sa loob ng gigantic ring. May mga boulders ng nakatayo dahil ang gagamiting armas nila Belle ay baril, kung saan sila pareho magaling. Sa aming lahat na agents, tanging si Belle at Nicolet ang talagang nagkukumpitensya sa pagiging sharp-shooter dahil parehong baril ang gamit nila.  Magaling rin naman kaming mamaril, pero iba ang lebel ng dalawa. Noong training days namin, madalas magkatapat sina Belle at Nicolet sa barilan pero kahit mahaba ang oras na inaabot, nananalo pa rin si Belle dahil kahit mas magaling silang dalawa, siyempre PINAKA magaling pa rin si Belle.  Hence, she's the top 1 of BDA, our one and only Princess Trigger. CJ: "s**t! Simula na." Knight: "Gago 'wag kang mag-sayang ng popcorn. Pinaghirapan kunin ng Momo ko iyan." Ely: "E nate-tensyon kami! Ikaw ba hindi?" Nicolet: "Dada tama na iyan. Manuod ka nalang, alam ko naman na tensyonado ka rin e." Nanahimik nalang si Knight pagkatapos pagsabihan. Tama si CJ, magsisimula na nga ang laban dahil pumuposisyon na iyong dalawa. End of PoV Third person's PoV : Nagtago na sa isang boulder si Belle at ganoon rin ang ginawa ni Brenda na nasa kabilang dulo ng ring. Isinuot na niya ang bulletproof vest dahil pwedeng magkatamaan sila sa mangyayaring labanan. Ang gagamitin niyang baril ay ang caliber 45 ng Papa niya at pinasakan niya lang ito ng tatlong bala sa loob.  Habang nag-iisip ng estratehiya ay bigla siyang nakarinig ng boses, si Dominic, na siyang mediator nila. Boss: "Here are the rules. Ang labanang ito ay may time-limit lang na limang minuto. Kung sino man ang mauna na mapatumba ang kalaban nila, ay siyang panalo. Pero kung ang mangyayari ay walang natalo at pareho pa ring malakas ang magkalaban, ang pipiliing panalo ay ang siyang mas kaunti ang injury na natamo sa limang minutong labanan. Are you ready, Trigger, Brenda?" Belle: "Yes!" Brenda: "Yes!" Nagkatinginan sila ni Brenda sa huling pagkakataon nang sabay silang sumagot, bago niya ilapat ang likod sa boulder na taguan niya. Naghihintay nalang sila sa 'go' signal ni Boss bago magsimula ang labanan. Boss: "Five minutes, time starts........NOW!" Naunang nagpaputok si Brenda sa boulder niya pero mabuti nalang at naihanda na rin niya ang sarili sa ingay na nilikha nito. Noong alam niyang tapos na ito ay siya naman ang lumabas sa pinagtataguan at siya naman ang nagpaputok sa boulder nito. Dalawang beses niyang ginawa iyon pagkatapos ay tumakbo siya sa kabilang boulder at tumayo lang doon habang nakatutok ang baril sa boulder na pinagtaguan ni Brenda. Pero nanlaki ang mata niya noong lumabas si Brenda sa ibang boulder at nagpaputok ito, naging mabilis ang reflexes niya at nakapag-tago agad pero natamaan siya sa braso kaya't mahina siyang napaigik. Nakita ito nina Therbie sa labas ng gigantic ring kaya't napatayo silang lahat at lumapit ng kaunti sa mirrored wall. Lahat na-t-tensyon sa nangyayaring pagpapalitan ng putok ng baril ng dalawa. Therbie: "Belle.." Nakikita niyang dinadaing ni Belle ang braso nitong natamaan ng bala at alam niya kung gaano kasakit iyon. Kahit na may bulletproof vest na suot ay magkakaroon pa rin sila ng pasa sa lakas ng impact ng bala. Kahit na nag-aalala, pinilit niya pa ring pakalmahin ang puso niyang mabilis ang pagtibok at matamang nanuod. Samantala sa loob ng ring, si Brenda ay nagtataka na dahil hindi na muling nagpaputok o lumalabas sa boulder si Belle. Nakita niya namang oportunidad ito para tapusin na ang laban, lalo na't nasa isang minuto nalang ang oras. Unti-unting lumapit si Brenda sa boulder na pinagtataguan ni Belle at noong nasa harap na siya ng mismong boulder, napangisi siya at alam niyang panalo na siya sa laban. Pero iyon ang malaki niyang pagkakamali. Nakarinig siya ng tunog ng pagkasa ng baril sa likuran hanggang sa maramdaman niya ang malamig na bagay na nakatutok sa batok niya kaya't awtomatikong napataas ang kamay niya. Unti-unti siyang lumingon sa likuran niya at ang walang emosyong mukha ni Trigger ang una niyang nakita at ang bunganga ng baril na nakatutok na ngayon sa leeg niya. Belle: "Confidence is a must, but not if it's too much." Napangiti siya sa sinabi nito. Brenda: "I forgot that but thanks for reminding me." Saktong pagkatapos magsalita ni Brenda ay tumunog na ang timer, hudyat na natapos na ang labanan at may nanalo na. End of PoV CJ's PoV : Goosebumps!! Grabe ang tensyong naramdaman ko. Isa lang ang masasabi ko. Kung makakasalubong niyo ang isa kina Belle at Tita Brends, huwag niyo nang tangkain na harangin sila kundi kayo ang malulumpo. Natapos na ang laban pero wala pa ring imik ang mga kasama ko. Lahat sila speechless. Natatawa nalang ako sa pag-nganga nila e. Mabilis rin naman kumilos si Tita Brends at talagang ang astig noon tingnan pero iyong bilis ni Belle sobrang mapapanindig-balahibo ka talaga. Akala ko kanina matatalo na si Belle kasi hindi na siya lumabas ng boulder niya, nakikita namin siya kasi iyong boulder niya ay naka-paharap sa amin, at dinadaing niya ang braso niyang natamaan ng baril kanina. Pero parang in a snap, nakalipat siya sa boulder na dalawang boulder pa ang pagitan mula sa pinanggalingan niya. Selene: "Waaahhh... i-is that really my best friend? Ang galing niya!!" Demi: "She really is, sweety. She's not our top one agent if she isn't the greatest." Micaela: "I agree, one-hundred percent agree!" Nicolet: "No one can surpassed her agility and fast movements talaga." Ely: "ASTIG!" CJ: "Agree." Kyoko: "That's my ate Belle! She really is kakkoii!" {Cool!} Napalingon ako kay Therbie dahil siya nalang ang hindi umiimik at nakita ko ang pag-ngiti niya, na parang alam niya nang mananalo si Belle sa labanan. Iba talaga kapag bias ka sa mahal mo e no? Agad kaming pumunta sa exit door ng ring nung bumukas ito at ang unang lumabas ay ang star of the day, si Belle. Lahat: "BELLE!" Belle: "Tsk." Nilagpasan lang kami nito kaya't pinabayaan na namin, pero si Selene ay sinundan ito. Muli kaming napaharap sa sunod na lumabas, sina Boss at tita Brends na magkahawak pa ang kamay. Nakalimutan kong mag-asawa nga pala sila. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na sa mahabang panahon, naniwala akong walang asawa si Boss pero it turns out, meron naman pala at may dalawa pang anak! Brenda: "That child had a long way to go, Doms." Boss: "Si Belle?" Brenda: "Yeah." Boss: "Akala ko nga matatalo mo siya e kasi hindi na siya nagpaputok pagkatapos ng dalawang nauna e." Misteryosong ngiti ang ibinigay ni Tita Brends kay Boss, at dahil nakatingin rin kami sa kanila ay nagtaka rin kami sa ginawa nito. Boss: "What does that smile mean, hon?" Knight: "Oo nga po, Tita?" Alchris: "Akala po namin kaya hindi na lumaban si Belle kasi natamaan niyo siya sa braso e." Umiling-iling si Tita at natatawa-tawa pa ito sa mga reaksyon namin. Hinihintay lang namin na sabihin niya ang nalalaman niya. Boss: "Brenda?" Brenda: "Haha! Hindi niyo talaga napansin iyon? Hindi ba't nakikita niyo si Belle mula dito?" CJ: "Ano po bang dapat naming napansin?" Brenda: "Ang rason kaya hindi na nagpaputok ng baril sa akin si Belle pagkatapos ng dalawang nauna, ay dahil tatlo lang ang balang nilagay niya sa baril." Nagulat kami sa sinabi nito.  Tatlo!? Tatlong bala lang?! Bakit naman ginawa iyon ni Belle, paano kung sa loob ng limang minuto na iyon ay nagamit niya iyong tatlong bala, paano pa siya lalaban? At tsaka bakit kaya tatlo lang? I'm really curious, and I can see the same reaction to agents. Brenda: "She's that confident. And she already had a plan in her head. She's really deserving of being the top one." Pagkatapos sabihin iyon ay naglakad na palayo si Tita sa amin, leaving us with our jaws' dropped. End of PoV : Jerome's PoV : Putang ina! Mga walang silbi ang mga tauhan ko! Iyong kaisa-isang babaeng iyon, hindi pa nila mapatay?! Sa sobrang galit ay naibato ko ang basong iniinuman ko ng whiskey sa sahig, dahilan para maglikha ito ng ingay at dahil doon ay biglang lumabas sa kwarto si Cassandra. Cassandra: "A-anong n-nangyayari..?" Jerome: "Wala kang paki! Get the f**k out of my sight, trash!" Imbes na umalis ito, katulad ng sinabi ko, ay nanatili itong nakatayo at mataman akong tinitingnan at iyon ang kinainis ko kaya't nilapitan ko siya at itinulak kaya't napahiga siya sa sahig. Pero hindi pa ako natuwa at pinagsisipa ko siya at wala akong pakialam kung nasasaktan siya. Ginagalit niya ako! Ang ayoko sa lahat ay tinitingnan ako ng ganoon, dahil naaalala ko ang pangma-mata ng mga tao sa akin noon. Iyong mga mapanghusga at mapangkutya nilang mga tingin kapag kasama ko si Johanne noon. Lahat ng mga tao ay nakangiti at magiliw na binabati ang dati kong kaibigan pero pagdating sa akin ay kung titigan nila ako at layuan, daig ko pa ang may ketong na nakakahawa. That was the worst moment of my life.  Hinayaan kong tapak-tapakan ako ng tao at magpakatanga't umasa na mapapansin rin ako pero ang totoo mananatili akong anino ni Johanne. Si Johanne na mabait, matalino, magalang at talagang sobrang mabuting kaibigan--BULLSHIT! Dahil sa naalala kong mapait na alaala, mas lalong uminit ang ulo ko at pinaghahagis ko lahat ng mga gamit na makita ko at noong mapalingon ako kay Cassandra ay sinuntok ko ito sa mukha, pumutok ang labi nito at naririnig ko ang iyak nito na nagpaparindi sa akin. Jerome: "SHUT UP!! SHUT THE f**k UP!!" Cassandra: "Tandaan mo ito, Jerome! Hinding-hindi ka magtatagumpay sa mga plano mo! Someday, you will rot in jail at kapag namatay ka sa impyerno ang bagsak mo hayop ka!!" Jerome: "TUMIGIL KA, BASURA!!" Sinikmuraan ko ito, dahilan para magduwal ito ng dugo pero wala akong pakialam ang mahalaga ay tahimik na ito. Lumabas nalang ako ng kwarto at pumunta ulit sa bar counter ng bahay at nagsalin ng alak sa baso at mabilis ko iyong ininom. Bago ko mainom ang pangalawang baso, tumunog ang cellphone ko kaya't sinagot ko ito agad. Jerome: "Yes, hello?" ???: *Boss Jerome.* Jerome: "Oh, yes, darling. Give me a good news now." ???: *Umm, kakatapos lang po ng panibagong training ng mga agents at ang nag-train sa kanila ay si Brenda Solis-Diaz. Ang asawa raw po ni Boss D.* Jerome: "Oh, really now? Brenda Solis. If i'm not mistaken, she's a retired Interpol agent." ???: *Opo, Boss. Nandito rin po si Miss Rosa Diaz--* Jerome: "Wow, si Tita? Oh, I missed her. How was she?" ???: *N-nakakatakot po siya, Boss.* Napahalakhak ako sa sinabi ng espiya ko sa BDA. Tama naman kasi ito. Tindig at tingin palang ni Tita Rosa, talagang kahit sino manginginig ang katawan sa takot. Kahit ako noon ay ganoon ang naramdaman ko sa kanya noong una ko siyang makilala.  And she's the one who trained Dominic, myself and also Johanne. Talagang napahanga ako sa matandang iyon.  Jerome: "Keep me updated on the happenings there and you will soon get your rewards, Doline." Pinatay ko na agad ang cellphone bago pa siya makasagot.  Kahit papaano ay napagaan ng tawag na iyon ang kalooban ko at napangiti ako sa ibinalita ni Doline. Ang akala ng mga batang iyon ay matatalo nila ako ng ganoon lang. Pero kahit ilang beses pa silang sumalang sa pagsasanay, mga pipitsuging bata lamang sila. Not worth of my time.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD