The revelation
Belle's PoV :
Dumiretso agad ako sa clinic ng BDA at pinatingin ko ang braso kong nagka-pasa dahil sa tama ng bala sa vest ko kanina. Agad naman tiningnan ng nurse ang pasa at nilapatan niya ng cold compress ang pasa ko at kahit papaano ay nawawala naman ang pananakit.
Selene: "Akin na. Ako na hahawak mangangalay ka e."
Belle: "Nagpaalam ka na ba sa parents mo, Selene? Sa bahay ka matutulog."
Selene: "Oo ginawa ko na iyon kanina pa bago ako pumasok. Sabi pa nga ni Momma, she trust you naman raw kaya agad siyang pumayag."
Tumango nalang ako at nanahimik. Biglang pumasok sa isip ko ang mga nalaman ko kanina kay Mamita Rosa. Si Jerome pala ang gustong magpapatay sa akin. Hindi ko man gusto pero talagang nagagalit ako sa taong iyon. Pinatay niya na ang Papa ko, tapos ako naman? Pati pa mga mahal ko sa buhay idadamay niya? Hindi ko alam kung anong mapapala niya sa ginagawa niya at kung dahil pa rin iyon sa inggit? Haha, siya nalang ang magpakamatay.
Hinding-hindi ko siya aatrasan. If he wants to kill me, do it on his own.
Napaangat ako ng ulo noong marinig ko ang mahinang pag-click sa pinto at noong bumukas iyon ay si Therbie ang pumasok. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at narinig ko si Selene ang bumati sa kanya.
Therbie: "Maayos ka na ba, Belle?"
Selene: "Ay naku! Iyong pasa niya nag-swell pero nilapatan na ng nurse kanina kaya medyo umo-OK na rin siya."
Therbie: "That's good to hear."
Naramdaman kong naupo siya sa kabilang side ng hinihigaan kong gurney at dahil nakatalikod ako sa kanya kaya hindi ko siya makita. But I can feel it, he's staring at my back, nagtatayuan kasi ang mga balahibo ko sa likuran.
Belle: "Why're you here?"
Therbie: "Ang sabi mo mag-uusap tayo after ng training mo? By the way, congrats sa pagkapanalo mo."
Belle: "Hmm. Hindi ko dala ang kotse ko."
I heard him chuckling softly.
Therbie: "I know, Belle. Ihahatid ko kayo ni Selene, don't worry. Sa bahay mo siya matutulog, right?"
Marahan akong tumango at alam ko namang naintindihan niya na iyon. Noong namanhid na ang pasa ko sa lamig ng cold compress, pinaalis ko na iyon kay Selene at naghanda na rin para umalis. Gusto ko nang magpahinga at talagang hinihila na ako ng antok ko. Mabuti na nga rin siguro na wala akong dalang kotse dahil baka mapahamak kami kung mag-d-drive pa ako.
Therbie: "Alis na tayo."
Selene: (Yawns) "...mabuti pa nga. Hinihila na ako ng kama e."
Belle: "Psh."
Naglakad na nga kaming tatlo papunta sa exit na diretso rin sa parking lot, kung nasaan ang kotse ni Therbie. Sumakay ako sa passenger seat at sa back seat si Selene. Mabilis lang naman at nag-b-byahe na kami sa daan.
Therbie: "Oh, s**t!"
Belle: "Why?"
Therbie: "Belle, pwede bang pumunta muna tayo sa bahay namin? May nakalimutan akong kunin doon e. Sa condo ako uuwi ngayon."
Belle: "Tsk. 'Geh na."
Therbie: "Thanks Belle! Promise mabilis lang tayo."
Tumango nalang ako at ipinikit ang mga mata ko habang nakayuko. Inaantok na talaga ako e. Si Selene nga nawala na ang pagka-madaldal at nakatulala lang sa bintana ng kotse.
End of PoV
Joseph's PoV :
Medyo natagalan pa kaming makarating sa bahay ni Renz dahil sa katangahan ko, nakalimutan ko ang exact address nila. Ang naalala ko lang na alam ko ay iyong subdivision kung saan sila nakatira. Mabuti nalang at noong nagtanong kami sa security guard ay agad naman nitong nakilala ang pangalan ni Renz at itinuro niya sa amin ang isang malaking bahay. Iyon ata ang pinakamalaking bahay sa buong subdivision dito.
Pero hindi kami kumatok o nag-doorbell sa gate, nandito kami sa tagong lugar na saktong nakaharap sa bahay nila Renz at kung may mag-uusap ay maririnig talaga namin.
Pete: "Ayos ka lang ba, Jo?"
Joseph: "Oo naman. Bakit mo natanong?"
Pete: "Wala naman. Baka lang kasi gusto mo nang umuwi ayos lang naman sa akin na mag-isa dito. Nagpasama lang naman talaga ako dahil hindi ko alam dito."
Umiling-iling lang ako at nanatili sa kinauupuan namin, kahit pa nga medyo malamok.
Joseph: "Ayos lang naman na samahan ka dito, pare. Tsaka paano kung magkasapakan na naman? I can't miss out the fun part."
Napangisi ito sa sinabi ko.
Pete: "Haha, gago. Pero kung hindi magsasalita ang Therbie na iyon, baka nga mangyari iyang sinabi mo."
Joseph: "Pero sa nakita ko naman kay Therbie, mukha naman iyong mabait."
Kumunot ang noo nito at parang pinagsisihan ko ang sinabi dahil baka pati ako masapak nito. Pero kitang-kita ko talaga ang galit niya sa lalaking iyon at isa lang ang masasabi ko kay Therbie, sana hindi niya na tinago si Belle dahil iba magalit si Pete.
Ako man ang leader ng Red Eagles, pero natatakot pa rin ako kay Pete.
Pete: "Kung mabait ang lalaking iyon, he would tell us my sister's whereabouts kanina pa lang. Pero hindi niya ginawa iyon. What kind of a person is he? Alam niyang nag-aalala tayo."
I looked at him suddenly, confusion is visible on my face.
Joseph: "Tayo?"
Pete: "Hindi ba? Pare, kilala na kita, matagal na. Alam na alam ko kung may itinatago ka o wala. Napansin ko ito noong isang araw na kasama natin ang kapatid ko at kung tingnan mo siya, kakaiba e."
Noong una nagtataka pa ako sa sinasabi niya dahil hindi ko naintindihan. Pero noong maalala ko ang mapupulang labi at ang lungkot sa mga mata ni Belle, bigla akong nagka-ideya kung ano ang ibig sabihin niya.
Pete: "Did I hit the bull's eye?"
Sa sobrang pagkapahiya ay napayuko nalang ako. Narinig kong tumawa si Pete kaya naiinis ako sa kanya at alam kong kahit madilim sa lugar namin ngayon ay alam kong mapula na ang mukha at leeg ko.
Pete: "Iniisip mo no?"
Joseph: "Shut it, Pete."
Pete: "Anong masama? Hindi naman ako magagalit kung nagugustuhan mo si Belle. Mas gusto na nga kita kesa sa Therbie na iyon e. Atleast ikaw kilala na kita, tiwala akong hindi mo sasaktan ang kapatid ko at sa totoo lang, bagay rin kayo."
Joseph: "Nirereto mo ba kapatid mo sa 'kin?"
Pete: "Hindi ba halata? Haha."
Joseph: "Hoy, hindi ako mang-aagaw ng girlfriend ng iba no! Hindi ko gawain iyan."
Pete: "Alam ko iyon, ulol. Pero seryoso ako pare, I like you for Belle. Kung sana pala sinet-up ko na kayong dalawa e 'di sana walang problema ngayon."
Napapailing nalang ako sa pinag-sasabi niya. Oo nga gusto ko si Belle pero kung may boyfriend na iyong tao, hindi ko gagawin ang mang-agaw, kahit pa nga galit at selos rin ako kay Therbie.
Pete: "Pero pakiramdam ko hindi pa syota ng kapatid ko ang gagong iyon."
Joseph: "Huh? Bakit naman?"
Pete: "Kasi, kung tutuusin, parang wala naman sa hitsura ng kapatid kong may boyfriend e. She looks tough and sometimes, a bit scary. I don't think may lalaking maglalakas-loob lumapit sa kapatid ko ngayon."
Ngayong nasabi niya iyan, napaisip naman ako at may tama rin naman ang sinabi niya. Maaaring nagsinungaling si Therbie noong kinausap niya ako sa bar ni CJ.
Speaking of bar, hindi ko pa nasasabi kay Pete na nagka-inuman kami ng kapatid niya sa bar ni Carmona. Sasabihin ko pa ba? Wala namang sinabing importante si Belle, except sa sinabi niyang iyong taong kinagagalitan niya ay may koneksyon sa akin, wala na namang kasunod iyon.
Pero wala namang masama kung sabihin ko 'di ba?
Pete: "Oh? Natahimik ka?"
Joseph: "Ah, w-wala naman. Wala pa rin ba?"
Pete: "Wala pa nga rin--s**t! may kotseng parating!"
Agad na umayos kami ng pagkakaupo at tatayo na sana kami para harapin si Therbie pero pareho kaming natigilan ni Pete noong lumabas sa passenger seat si Belle. Panay ang hawak nito sa kaliwang braso na parang may iniindang sakit.
At hindi lang si Belle ang kasama nila, pati si Selene ay lumabas sa back seat at mukhang inaantok na nga ito.
Pete: "Tara."
Bago pa makaalis si Pete ay mabilis akong humawak sa braso niya para pigilan siya. Tiningnan naman ako nito ng masama.
Pete: (bulong) "Bitawan mo 'ko! Ano ba?!"
Joseph: (bulong) "Sa tingin ko, makinig lang muna tayo dito. Huwag masyadong mainit ang ulo pare ha?"
Pete: (bulong) "Tsk."
Noong makaupo na siya ng maayos ay tiningnan ulit namin sina Belle. Silang dalawa nalang ni Selene ang nakasandal sa hood ng kotse ni Therbie at dahil malapit kami sa kinaroroonan nila kaya naririnig namin ang pinag-uusapan nila.
Selene: "Masakit pa rin ba?"
Belle: "What do you think?"
Selene: "Masakit! Alam ko naman iyon. Tsk sungit."
Belle: "I can hear you, Selene."
Selene: "Alam ko hindi naman iyon pabulong. Talagang pinaririnig ko sa'yo ang sinasabi ko."
Belle: "Tsk, daldal."
Ano kayang pinag-uusapan nila? Ano iyong masakit? Ang hirap naman nito hindi namin alam kung anong pinag-uusapan nila.
Narinig kong bumuntong-hininga si Pete kaya napalingon ako sa kanya.
Joseph: "May problema ba?"
Pete: "Wala naman. Hindi lang ako makapaniwalang may alam si Selene dito. Ibig sabihin lang kasi noon na totoong inutusan sila ni Belle na huwag ipaalam kung nasaan siya. May tiwala naman ako sa kapatid ko, pero gusto ko pa ring malaman kung saan siya nakatira, kung anong ginagawa niya. Kasi sa totoo lang parang hindi ko na talaga siya kilala. Minsan nga, inisip ko baka hindi siya si Belle na kapatid ko e. Baka ka-mukha lang."
Joseph: "Haha imposible naman atang sobrang magkamukha ang dalawang tao? Wala namang kakambal ang kapatid mo 'di ba? Tss. 'Wag ka ngang mag-isip masyado dyan. Gusto mong malaman ang ginagawa ng kapatid mo? Now's the chance."
Pete: "You're right. I'm just really worried, kaya ako nag-iisip ng ganito."
Tumahimik na ulit kami at noong mapatingin kami kila Belle, kasama na nila si Therbie.
Therbie: "Sorry natagalan."
Belle: "Ano bang kinuha mo?"
Selene: "Nasaan iyong kinuha mo?"
Therbie: "Haha, curious kayo ha? Eto lang naman iyong kinuha ko."
May pinakitang bagay si Therbie pero hindi na namin nakita dahil iyong likod nila Belle ang nakaharap sa amin at si Therbie ang nakaharap sa direksyon namin.
Selene: "Rubix cube? Naglalaro ka niyan?"
Therbie: "Oo."
Selene: "Ako din e! Ang pinaka-fastest time ko ay one hour. Hahaha oo, isang oras talaga at pinakamabilis ko na iyon."
Nagtawanan pa ang dalawa pero si Belle nakatahimik lang. Tumahimik lang ang dalawa sa kakatawa noong nagsalita si Belle.
Belle: "JT, we have visitors."
JT? Sino iyon? Tinawag niyang JT si Therbie? Ah, nickname niya siguro iyon. Grabe, nasa ganoong level na sila ha? Kakainggit naman.
Pero anong sinabi nila? Visitor? Kami ata iyon. Baka nahuli na kami.
Tatayo na sana ako para magpakita pero pinigilan ako ni Pete at ini-nguso niya ang direksyon nila Belle kaya napatingin ako doon. Nanlaki ang mga mata ko noong may limang lalaking naka-maskara ang nakapalibot kila Belle.
Pete: "s**t! They're doing something! I need to save my sister--"
Joseph: "Sa tingin ko hindi na kailangan, pare."
Pete: "Ano?! Hoy kapatid ko ang pinag-uusapan dito tapos gusto mong baliwalain ko?!"
Joseph: "Tingnan mo kasi muna."
Sumunod si Pete sa sinabi ko at alam kong nagulat rin siya sa nakita. Iyong limang lalaking iyon ay nakatumba na ngayon at dahil iyon kay Therbie. I couldn't believe it either! He's f*****g strong! I underestimated him before because he looked weak, pero parang nasa ibang lebel ang lakas niya.
Pete: "He did that?!"
Joseph: "Yeah.."
Pete: "He knows how to fight?! Damn! I thought he's just a weakling when I punched him earlier. I shouldn't underestimated him."
Pareho pa pala kami ng iniisip. Tumahimik na kami at nakinig sa usapan nila.
Therbie: "Tita Brenda's advise really helped me a lot."
Belle: "She really did. And she's great, too."
Selene: "Ayos ka lang ba kuya?"
Therbie: "Hehe, ayos lang."
Belle: "Kuya?"
Selene: "Ihh, future brother-in-law ko nga siya 'de va?!"
Belle: "Psh. Ewan ko sa'yo."
Brother-in-law?! s**t! Ang bilis naman ata ng progress ng relasyon nila? Ibig sabihin kasi noon hindi nalang sila simpleng boyfriend-girlfriend.
Pete: "What does that mean?! f**k!"
Joseph: "Pete! M-may taong.. may baril.."
Agad na napatigil sa paghuhurumentado si Pete sa sinabi ko at sinundan niya ang itinuro kong lalaki na tumayo bigla at naglabas ng baril at nakatutok iyon kay Belle.
Pero mas nagulat ako noong wala pang ilang minuto ay tumumba na ang lalaki at nakita ko si Belle na may hawak na baril at nakatutok sa direksyon ng lalaking tumumba. Parang wala lang na itinago niya ang baril sa gilid ng beywang niya.
Anong ibig sabihin ng nakita namin?
Therbie: "Paano mo nalaman iyon?"
Selene: "B-belle.. p-pinatay mo ba.."
Belle: "I felt someone staring at me from the back. And no, hindi ko siya pinatay. Pinatamaan ko lang ang pulso niya. You should call to BDA to clean up this mess. Baka may makakitang iba."
Nakita kong nagmamadaling nag-labas ng phone si Therbie at ang seryoso ng mga ito, lalo na si Belle.
I look at Pete beside me, and he's still in shock from what he saw. Kung ako nga rin tulala pa, siya pa kaya? Nakita niya ang kapatid niyang may hawak na baril at parang ekperstong-eksperto itong bumaril dahil tinamaan talaga niya ang pulso ng lalaki dahil nakikita namin mula dito.
Selene: "Nakakatakot.."
Belle: "This is a normal sight to see so you need to get used to it. This is just the beginning."
Selene: "Oo na, sasanayin ko na nga ang sarili ko. Pero ang galing mo talaga doon Trigger ah."
Therbie: "She's the one and only Princess Trigger of BDA. That explains it all."
Belle: "Tss."
Princess Trigger? BDA? Anong mga pinagsasabi nila? Hindi ko maintindihan.
Pete: "Tara na, umalis na tayo. Aalamin ko ang lahat ng ito, Jo. Hindi ko matatanggap na ganitong buhay ang kinahantungan ng kapatid ko. I still don't know what she's doing but I hope and pray that she's not doing what I think she do. Sana talaga hindi ganoon."
Joseph: "Tutulungan kita kung kailangan mo ako, Pare. Nakabuti na rin ang pagpunta natin dito."
Pete: "Oo nga e. Mabuti talaga at nagpunta tayo."