Author’s Note
This novel was originally written before I developed the habit of proofreading and editing my work. As a result, some chapters may still contain grammatical errors, typos, or awkward phrasing.
I am gradually revising and editing the story, but it has not yet been fully updated. Thank you for your patience, understanding, and continued support. I hope you enjoy the journey despite its imperfections.
Nicole
Masasabi kong nasa akin na ang lahat. Mula nang isilang ako sa mundong ito, walang bagay na hindi ko nakuha.
Nag-iisang anak ako nina Angelica De Guzman at Nicolas Valdez. Sobrang sipag ng mga magulang ko, sila ang nagpatakbo at nagpalago sa Nick’s Clothing Line, isang sikat na fashion brand na ipinangalan nila sa akin. Sinuwerte na daw kasi kami simula nang ipanganak ako hanggang sa naging sunod-sunod na.
Hindi naman galing sa mayaman na pamilya si Mommy. Nagmula lang daw sila sa isang malayong probinsya. Nawento rin niyang mayroon daw siyang kapatid na babae pero hindi ko pa ito kailanman nakikilala, dahil namumundok daw kasi ito’t ayaw sa magulong buhay sa siyudad. Mga bata pa lang daw sila nang pumanaw ang kanilang mga magulang kaya ‘di ko na rin naman sila nakilala pa.
Ang pamilya naman ni Daddy ang mas naka-aangat sa buhay. Noong namatay ang Lolo, sa kaniya ipinamana ang lahat ng ari-arian. May step-mother at step-brother si Daddy, pero kahit ganoon ang set-up ng pamilya nila, nagsikap pa rin sila ni Mommy na magpalago ng sarili nilang negosyo hanggang sa tuluyan silang yumaman. Isang sikat na fashion designer si Mommy, habang isang mahusay na architect naman si Daddy. Kung paano nagtagpo ang mga landas nila? Mahabang kwento ayon sa kanila.
Maayos, marangya, at masaya ang buhay ko hanggang sa aksidente ang nagpabago ng akala kong walang katapusang saya nang labing-limang taon gulang ako. Tuluyan akong naulila.
Dalawang taon na ang nakalilipas mula nang mawala sila, pero hanggang ngayon ay sariwa at sobrang sakit pa rin sa akin. Doon tuluyang nagbago ang takbo ng mundo ko. Ipinamana nila sa akin ang lahat ng kayamanan at ari-arian, at dahil wala pa ako sa tamang edad, kailangan ko ng isang legal guardian.
Inaasahan kong ang Step-Lola ko at ang step-brother ni Daddy na si Tito Romano ang magiging guardian ko. Ngunit hindi ko alam kung anong nangyari at kung bakit sa ibang tao ako napunta kay Uncle Art.
Ayon kay Uncle Art, wala raw akong maaasahan kina Lola at Tito Romano dahil hindi ko naman daw sila kadugo. Nakasaad din daw sa Last Will and Testament ng mga magulang ko na si Uncle Art ang mamamahala sa lahat ng iniwan nilang ari-arian habang bata pa ako at siya itong naging legal guardian ko..
Ang totoo, wala akong kahit anong ugnayan sa dugo kay Uncle Art. Tinatawag ko lang siyang 'Uncle' dahil siya ang matalik na kaibigan ni Daddy noong nabubuhay pa ito. At ngayon, narito ako... nakatira sa ilalim ng puder ni Uncle Art, o sa totoong buhay ay si Arturo Simon Mendez Jr. Isang sikat at magaling na Arkitekto sa loob at labas ng bansa.
Sabi ng mga kasambahay niya, sobrang pihikan daw sa babae ni Uncle kaya hanggang ngayon ay wala pa siyang asawa sa edad niya. Sabi naman ng iba, may hinihintay lang daw siyang babae. Kung sino 'yon? Walang may alam.
Mabait naman si Uncle Art sa akin, pero madalas... natatakot ako sa kaniya dahil sa pagiging misteryoso. Minsan, nakararamdam ako ng kilabot. Kinikilabutan ako sa tuwing tinititigan niya ako nang matagal. Ilang beses ko na siyang nahuhuli na kakaiba kung tumingin, 'yong tipong tumatayo ang lahat ng balahibo ko sa katawan kapag dumadapo ang mga mata niya sa akin.
Gwapo siya, may manipis na balbas, matangkad, at sa tingin ko ay mas matanda lang si Daddy sa kaniya ng limang taon. May taas siyang 6'2, maganda ang pangangatawan, at isa sa pinakasikat at tinitingalang arkitekto sa buong bansa. Bukod doon, may sarili pa siyang naglalakihang kumpanya.
Todo-iwas ako kay Uncle Art dahil deep inside, may takot talaga ako sa kaniya. Sa loob ng dalawang taon na pananatili ko sa mansyon niya, bihira lang naman kaming magkita. Palagi kasi siyang nasa ibang bansa para sa mga malalaking international projects niya. Laking pasasalamat ko nga dahil doon ko nagagawang makaiwas sa presensya niya.
Pero ang ikinatatakot ko ngayon... patapos na raw ang kontrata niya sa labas ng bansa. Ibig sabihin, palagi na siyang mamamalagi rito sa bahay.
Hindi ko alam kung paano pa ako makakaiwas sa kaniya ngayon? Malapit na rin akong mag-labing-walo kaya lalo akong kinakabahan. May importante raw siyang announcement na sasabihin sa mismong araw ng kaarawan ko.
Kung ano man ang anunsiyong 'yon... sana naman, walang kinalaman sa akin.