Chapter 1

1647 Words
Nicole pov "Hi, Nicole!" "Akin ka na lang, Angela." "Please, be mine." "I love you, Nicole!" Ilan lang ‘yan sa mga naririnig ko. Nandito kami ngayon sa Volleyball Court. Varsity player ako. Grade-12 student ng Ateneo de Manila. Hindi naman ako ang pinakamagaling na player pero masasabi kong isa ako sa dahilan kaya napapanalo namin ang team. "Hoy! Nicks pansinin mo naman mga fans, ayan oh." Turo sa akin ni Beatrice, ang bff ko since elementary. Volleyball player din siya. "We need to focus, Trice," sabi ko sa kanya. Kilala ko tinutukoy niya, ang kaninang sumigaw ng I love you, Nicole ay walang iba kundi si Enzo or Lorenzo Dela Vega. Varsity player din siya ng basketball. Guapo naman siya kaso parang walang spark. Matagal na siyang may gusto sa akin since elementary at tumindi lang nitong high School na kami. "Congrats, to us," sigaw ng mga kasama ko. Kami ang nag-Champion at ako din ang nag-MVP. "Congratulations , Babe." Pagbati sa akin ni Enzo. "Thanks, sa pagbati mo but hindi sa babe, pwede tigilan mo ako sa kaka-babe mo." "Eh, ikaw naman talaga ang Babe ko eh," pa-cute na sabi ni Enzo. "Whatever!" sabi ko nalang sa kanya. May konting salo-salo kami as a Team, kasama ang mga Basketball Team. Kasi nanalo rin sila. Si Enzo rin ang nag-MVP kaya nga lalo kaming tinukso sa school. Alam nilang nililigawan ako ni Enzo. Napuno ng tuksuan ang naging pagsasalo-salo namin. Pauwi na ako ngayon, nag-aabang ako ng taxi, hindi kasi ako masusundo ni Mang Berting. Nagkasakit kasi siya bigla. 7-pm na rin kaya mahirap sumakay at mag-abang. Uulan na rin yata kasi kumukulog na. May humintong sasakyan, nang tiningnan ko si Enzo pala. "Hop in, hatid na kita, alam kong wala kang sundo." s**t paano niya nalaman? "Ha, Enzo hindi na mag-aabang na lang ako ng taxi," tanggi ko sa kanya. "Mahihirapan ka at tingnan mo, uulan na." Tama siya kumukulog na nga kaya no choice ako kundi makisakay sa kanya. Magkalapit lang naman ang subdivision namin. Habang nasa byahe panay ang kwentuhan namin ni Enzo. Ito ang gusto ko sa kanya hindi siya nagte-take advantage pag kaming dalawa lang. Umuulan na nang dumating kami sa bahay, medyo natagalan pa ako bumaba sa kotse niya kasi hinanap pa namin ang payong niya. Nagkauntugan pa nga kami kaya ang ending tawa lang kami nang tawa. Natigil ang pagtatawanan namin ng biglang may malakas na kumakatok sa bintana. Pag tingin ko si Uncle Art pala na salubong ang kilay. "Why are you late, young lady? Don't you want to go inside?” sabi nito. Binuksan niya ang pinto at hinila niya ako palabas, may payong siyang dala dala. "And you, young man umuwi kana,” salubong na kilay nitong sabi kay Enzo Magpapasalamat pa sana ako kay Enzo pero hinila na ako ni Uncle, papasok na bahay. Hila-hila pa rin niya ako paakyat sa taas at wala siyang balak na bitawan ang mga kamay ko. Napatingin ako kay Yaya, para humingi ng tulong pero yumoko lang siya. Takot sila sa kanya. Huminto kami sa pinto at binuksan niya, pagpasok namin ay sinandal niya ako sa may pintuan. Ang dalawang mga kamay niya ay nasa magkabilaan ng ulo ko, ang lapit ng mukha niya sa akin. Tinitigan niya ang mga mata ko, papunta sa labi ko. Kumakabog ang puso ko, parang hindi ako makahinga "Saan ka galing Angela at bakit ginabi ka ng uwi, hmm? tanong niya sa akin. Naiilang ako’t naamoy ko na ang mabangong hininga niya. Nagtitimpi siya ng galit, hindi ako naka sagot agad. Yumoko ako para makalabas at makaalis sa tabi niya, saka ako sumagot "Ha, Uncle Championship po namin kanina," nagkanda utal-utal kong paliwanag sa kanya. "Is that it? At sino ‘yong kasama mo? Boyfriend mo?" galit niyang sigaw sa akin. Hinawakan niya ang panga ko at tiningnan ako sa mukha. "Hindi ba sinabi ko sa ‘yo, bawal ka pa mag boyfriend,” mariin nitong tanong. "Ha? Uncle hindi ko siya boyfriend kaibigan ko lang po siya." Naiiyak na ako at nanunubig na ang mga mata ko. Biglang umamo ang mukha niya at niyakap ako. "Shhhh, stop crying hindi ako galit, sa akin ka iniwan ng parents mo kaya ayaw kong mapahamak ka. Pagpapatahan niyang paliwanag sa akin. Na-miss ko tuloy bigla si Daddy, ganito din siya sa akin pagnapagalitan niya ako. Niyakap ko din siya dahil parang feeling ko siya si Daddy. Kumalas siya sa akin at pinunasan niya ang luha ko "Tahan na, sige akyat ka na sa room mo." Pagsabi niya n’on ay hinalikan niya ako sa noo. Pagpasok ko sa kwarto’y napahawak ako sa aking dibdib at pinakiramdaman ang puso ko. Bigla siyang tumibok nang mabilis nang halikan ako ni Uncle sa noo. "Ano kaya ‘yon? Siguro dahil lang sa takot ko, tama dahil lang d’on." Kinabukasan ay late na akong gumising, weekend naman ngayon kaya okay lang. Medyo nakabawi na rin ako ng tulog kaya naibsan ang pagod at pananakit ng katawan ko dahil sa laro. Ginawa ko na ang morning routines ko, naligo na rin ako at nagbihis ng pambahay, pekpek short at loose white t-shirt ang suot ko, saka lumabas na ako ng room. "Good morning po, Yaya, si Uncle po?" Pagbati ko kay yaya. 10:30 pa naman kaya morning pa. "Good morning hija, umalis ng maaga ang Uncle mo, may pupuntahan yatang lote, hindi ka na niya pinagising dahil alam naming pagod ka kahapon." "Gano’n po ba, ano pong almusal? Hmmm parang masarap ah." Umupo ako sa mesa, nakahain ang mga favorite kong pagkain, syempre hindi mawawala ang oatmeal ko with milk at hard boiled egg, para hindi ako manghina araw-araw kahit may biglang laro kami. Pagtapos ko kumain tumambay ako sa pool area, may payong naman kaya hindi mainit, gumagawa ako ng assignment, syempre ‘di ko rin naman pinapabayaan ang academics ko. Actually nasa top-2 pa nga ako. Habang busy ako sa aking ginagawa ay bigla namang may nambulabog na ingay ng nakakairitang boses ng babae. "Where is Simon?" dinig kong sigaw niya sa may sala. "Miss Anicka wala po dito si Ser Arturo," sabi naman ng isang katulong na si Minda. "Saan siya nag punta? Kelan pa siya dumating? ‘bat ‘di siya nagpakita sa akin? Gosh ang lalaking talagang ‘yon kainis!” arte niyang magsalita. Napunta siya sa may gawi ko at tinaasan ako ng kilay "And you? Hanggang ngayon nandito ka pa rin?" "Bakit ba, you always making siksik here ha? Nang dahil sa ‘yo di matuloy ang kasal namin ni Simon. Until you reach-18 pa raw and it's so tagal, gosh." Tinaasan ko lang siya ng kilay at hindi pinansin, nagpatuloy na lang ako sa aking ginagawa. "Hey, kid I’m talking to you, don't you have manners, ? Gosh pinalaki ka sigurong bastos ng mga magulang mo kaya ganyan ka." Nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya. "Excuse, me po ha, anong kinalaman ng parents ko dito? Porke hindi po kita sinagot ay idadamay mo na ang parents kong matagal ng wala." Naiiyak na ako habang sinasabi ko ‘yon. Sasagot pa sana siya nang may nagsalitang baritinong boses. "Anicka, what are you doing here?" Nilapitan niya ako at tumingin sa malanding babae na ito ng masama. "Ano ginawa mo sa bata ha?" nakakunot na noo na tanong ni Uncle. "Gosh, kakampihan mo pa ba ang batang ‘yan over me na fiancee mo? Nag-iinarte lang ‘yan wala naman ako sinabi my gosh." Sabay flip ng hair. Ang arte niya talaga. Tinawag ni Uncle Art si Yaya at kinaladkad ang maarteng babaeng ‘yon sa kung saan. "Pagpasensiyahan mona hija si Miss Anicka mabait naman ‘yon, maarte lang talaga," ani ni Yaya. Pinunasan ko ang mga luha ko at ngumiti na lang sa kanya. Isang oras na ang nakakaraan simula kanina, natapos na rin ako sa homework ko. Wala pa akong naririnig na ingay ng Fiancee ni Uncle Art. Nagkibit balikat na lamang ako marahil ay umuwi na siguro. Nagpaalam ako kay Yaya na akyat muna ako sa room ko, medyo sumakit ang ulo ko kaya magpapahinga muna ako. Bago ko marating ang room ko ay madadaanan ko muna ang room ni Uncle. Medyo naka awang kaya na curious ako hindi pa ako nakakapasok dito siguro ngayon pa lang, sisilipin ko lang naman. Dahan-dahan ako sa aking paglalakad para hindi makalikha ng ingay, pinagmasdan ko ang kwarto niya, malinis ito at naka-arrange lahat. White and gray lang ang kulay na makikita mo dito, sinilip ko ang closet niya maayos ang pagkaka-arrange ng kurbata niya ang polo niya ay puros white at itim. May mga collection din siya ng iba’t ibang brand ng watch. Paalis na sana ako ng may napansin akong picture frame medyo familyar sa akin. “ Wait Mommy at Daddy to ha kasama ako.” Siguro nasa 2-years old pa lang ako dito nakakalung ako sa guapong lalake kamukha ni Uncle Art na younger version "Hmmm" "Ai, Kabayo!" sigaw ko. Napahawak ako sa aking dibdib at paglingon ko si Uncle Art na nakatapis lang ng towel, walang suot sa pang itaas, tumalikod ako agad at namula yata ang pisngi ko. "Sorry po, Uncle nakialam ako sa gamit mo at pumasok sige po lalabas na ako.” Dali-dali akong dumiretso sa pinto at palabas na sana ako nang biglang lumabas din ng banyo ang Fiancee niya, naka towel lang din siya. "Sino yan, Hon?" arte niyang sabi, "It's just a cute kitten, lumabas na," sagot niya. Nakapa ko ang puso ko, ang bilis ng t***k nito kanina nang makita ko ang katawan ni Uncle pero ng malaman kong kasama niya ang fiancee niya parang may kumirot sa puso ko. Bakit kaya ganito ang nararamdaman ko, siguro dahil alam kong mag-aasawa na siya pagsapit ko ng-18. Dalawang buwan na lang birthday ko na. Saan na kaya ako pupunta? Kaya ko kaya mag-isa?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD