Chapter 2

1675 Words
Chapter 2 Simula nang dumating si Uncle Art, walang araw na hindi ko nakita ang pagmumukha ng fiancée niya. Nakakairita na dahil sobrang arte talaga. Katulad na lang ngayon habang nag-aagahan kami. Panay ang haplos at hawak niya sa mga braso ni Uncle, na halos ingudngod na niya ang dibdib sa harap nito habang naglalambing. Si Uncle naman ay panay lang ang ngisi, mukhang tuwang-tuwa pa sa ginagawa ng babae. Nasusuka na ako sa eksena nilang dalawa kaya minadali ko na ang pagkain ko. "Aalis na po ako," paalam ko sa kanilang dalawa habang pinupunasan ang labi ko. Tumango lang si Uncle, pero ang malanding fiancée niya ang sumagot. "Take care, Nicks! Oh, by the way... bukas ay darating na rito ang party organizer para sa debut mo. I am so excited! Dahil sa wakas, kapag nag-eighteen ka na, malaya na kami ni Simon at matutuloy na rin ang wedding namin. Isn't it exciting, Hon?" malanding sabi ni Anicka habang nakasabit sa leeg ni Uncle. Walang sumagot sa kanya. Nanatili lang ang tingin ni Uncle Art sa akin, tila ba binabantayan niya kung ano ang magiging reaksyon ko. "Wow... at last po. Two months na lang pala at makakalaya na kayo sa akin. Congratulations in advance po, Miss Anicka at Uncle Art," mabuti na lang at nasabi ko 'yon nang hindi nauutal. Nakangiti ako sa kanila, pero deep inside, may kung anong mabigat na lungkot ang dumurog sa puso ko. Umiwas na ako ng tingin kay Uncle at tuluyan nang tumayo para umalis. Nag-taxi na naman ako dahil hindi pa rin magaling si Mang Berting. Pagkaupo ko sa loob ng taxi, doon na tuluyang naglaglagan ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan sa harap nila. Dapat naman talaga akong maging masaya para sa kanya, 'di ba? Tumatanda na rin si Uncle at normal lang na mag-asawa siya. Pero naiiyak ako dahil paano na ako? Mag-isa na naman ako sa buhay. Ayaw ko namang mapunta kina Lola at Tito Romano dahil alam kong mas aapihin lang nila ako. Ang tanging habol lang ng mga 'yon ay ang kayamanang iniwan ni Papa. Nasubukan ko na ang ugali nila noong unang ilang buwan pagkatapos mamatay ng mga magulang ko. Sila ang unang naging guardian ko dahil nasa ibang bansa pa noon si Uncle Art. Noong una, napakaganda ng pakikitungo nila sa akin, iyon pala ay hinuhuli lang nila ang loob ko. Mayroon silang ipinapapirmahang dokumento sa akin noon. Hindi naman ako mangmang para hindi maintindihan ang nakapaloob doon—nakasaad sa kasulatan na sila ang mamamahala ng lahat ng iniwan sa akin nina Papa, at kahit sumapit ako sa edad na labing-walo ay magpapatuloy pa rin ang kapangyarihan nila sa mga ari-arian ko kung wala pa akong alam sa negosyo. Mabuti na lang talaga at dumating si Attorney kasama si Uncle Art sa tamang oras. Walang nagawa ang mag-ina kundi ang umatras. Doon ko nalaman na kay Uncle Art talaga ako ibinilin nina Papa habang menor de edad pa ako. "Miss ganda, nandito na po tayo. Huwag ka nang umiyak, mahal ka niyon," biglang nagsalita si manong driver na nagpabalik sa akin sa realidad. Nandito na pala kami sa tapat ng unibersidad. Hindi ko man lang napansin ang biyahe dahil sa lalim ng iniisip ko. "Naku, hindi po, manong. May naalala lang po ako. Ito po ang bayad, keep the change na po," nakangiti kong sabi sa kanya para itago ang lungkot ko. "Salamat, iha. Kung ano man 'yang pinagdaraanan mo, lagi mong tatandaan na may dahilan ang Diyos kung bakit tayo dumarating sa mga pagsubok," nakangiting payo sa akin ng matanda bago ako bumaba. Tama si Manong. May dahilan ang lahat ng ito. "Hi, Nicks!" bati ng ilang mga kalalakihan na nadadaanan ko sa hallway. Binabati ko rin naman sila nang may ngiti. Hindi naman ako suplada, basta ba wala silang ginagawang masama sa akin. "Hi, Babe," isang pamilyar na boses ang sumalubong sa akin. Si Enzo. Mas mataas ang level niya sa amin ni Beatrice dahil second year college na siya sa Engineering department. Medyo malayo ang gusali nila sa amin, pero araw-araw ay walang palya ang pagsalubong at pagbati niya sa akin tuwing umaga. "Hi," bati ko rin sa kanya. Agad naman niyang kinuha ang bitbit kong bag para siya na ang magdala. Ganito kami araw-araw, kaya naman ang akala ng iba ay boyfriend ko na siya. "Babe, bakit parang malungkot ka? Umiyak ka ba?" nag-aalalang tanong ni Enzo nang mapansin ang mga mata ko. "Wala... namiss ko lang sina Mommy at Daddy," tiningnan ko siya at ngumiti nang tipid. "Sige, para sumaya ka naman, mamaya pagkatapos ng klase niyo ay pupunta tayo sa paborito nating lugar noong mga bata pa tayo. Okay ba 'yon?" pagpapagaan niya sa loob ko. "Sige... pero hindi ako pwedeng magtagal, eh. Alam mo naman, nandoon si Uncle Art." "Oo, saglit lang tayo, pangako." Nagpaalam na si Enzo nang maihatid niya ako sa tapat ng classroom. Maingay ang mga kaklase ko pero mababait naman sila sa akin. "Hey, beshy! Anong ganap niyo ni Enzo? Sinagot mo na ba, ha?" usisa agad ni Trice pagkaupo ko. Pero biglang nagbago ang mukha niya. "Wait... umiyak ka ba?" Hindi ko na nagawang magkuwento sa kanya dahil biglang pumasok ang propesor namin para sa unang asignatura. Discuss. Discuss. Breaktime. Discuss. Discuss. Dumating ang lunch break at nasa canteen na kami ngayon ni Beshy. Doon ko na sa kanya naikwento ang lahat ng nangyayari sa bahay simula nang dumating si Uncle Art, hanggang sa usapan tungkol sa nalalapit kong debut. "Beshy, huwag kang mag-alala. Nandito naman kami nina Mommy, pwede kang tumira sa amin pagkatapos ng debut mo. Alam mo naman 'yan, 'di ba?" pag-aalok niya. Oo, matagal na nila akong inaalok na sa kanila na lang tumira. Kaya lang, nahihiya rin ako dahil iba pa rin kapag pamilya ang kasama mo, at ayaw ko namang madamay sila kina Lola at Tito Romano kapag nalaman ng mga ito kung nasaan ako. Tanging kay Uncle Art lang naman natatakot at tumitiklop ang dalawang 'yon. Nang sumapit ang uwian, nauna nang umuwi si Trice dahil biglang dumating ang daddy niya mula sa ibang bansa kaya hindi na siya nakasama sa amin ni Enzo. Isang nakangiting Enzo naman ang sumalubong sa akin sa may gate. Ang gwapo niyang tingnan dahil nakapagpalit na siya ng uniform. Paglapit ko ay may iniabot siyang paperbag sa akin. "Here. Bumili muna ako ng pamalit nating dalawa," aniya. "Nag-abala ka pa, pero salamat." Nagbihis muna ako sa banyo ng campus bago kami tuluyang umalis. Dinala ako ni Enzo sa Enchanted Kingdom. Lahat ng rides ay sinakyan namin—mula sa Disk-O-Magic, EKstreme Tower, Anchors Away, ang nakakabasang Jungle Log Jam, at siyempre, ang nakakahilong Space Shuttle. Literal na nagsuka talaga si Enzo pagkababa namin sa Space Shuttle kaya naman tawa ako nang tawa habang hinahaplos ang likod niya. "Oh, ayan... napatawa rin kita nang totoo. Kaya kahit mahilo-hilo ako nang paulit-ulit, ayos lang, basta mapaligaya lang kita," seryoso ngunit nakangiti niyang sabi. Hinawakan niya ang kamay ko, pero marahan ko ring binitawan 'yon. Nagkunwari na lang ako na nagugutom para mailihis sa iba ang usapan. Ayaw ko munang pumasok kami sa seryosong usapan. Pagkatapos naming kumain ay niyaya niya akong sumakay sa Ferris Wheel. Ito na ang huling sasakyan namin bago umuwi. Sumakay kami hanggang sa makarating ang cart namin sa pinakatuktok. Medyo nagdidilim na kaya naman kitang-kita mula sa itaas ang napakagandang paglubog ng araw. Nakatitig ako sa langit habang nakangiti. "Ang ganda..." "Yeah... you're beautiful," malalim na sagot ni Enzo. Nang ibaling ko ang tingin ko sa kanya, napansin kong sa akin pala siya nakatitig at hindi sa sunset. "I love you, Nicole. Alam mo 'yan. At handa naman akong maghintay sa 'yo... pero maaari bang humingi kahit konting kasiguruhan na may hihintayin ako?" Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Napakabait ni Enzo at ayaw ko siyang saktan. Kung mayroon man akong gustong maging boyfriend sa school, siya na 'yon at wala nang iba. Kaya naman nginitian ko siya at dahan-dahang tumango. "Can you wait until I reach my debut?" Nanlaki ang mga mata niya sa tuwa at bigla akong niyakap nang mahigpit. "Of course, Babe! Maghihintay ako." Kumalas siya sa yakap at tinitigan ako sa mga mata. "But can I request something too? Please, huwag mong isiping pinagsasamantalahan kita," nahihiya niyang sabi. "Hmmm, ano 'yon?" nakapamewang kong tanong na may halong biro. "Can I... can I kiss you?" halos pabulong niyang hiling habang namumula ang mga pisngi. Sandali akong natigilan bago dahan-dahang tumango. "Saglit lang, ha? Isang segundo lang." "Five seconds," hirit pa niya. "Three seconds. Deal or no deal?" ani ko habang pinipigilan ang tawa. "Deal." Hinawakan niya ang magkabilang gilid ng mukha ko habang nakatitig pa rin sa akin. Sobrang gwapo niya... pero bakit ganoon? Bakit parang hindi bumibilis ang t***k ng puso ko katulad ng nararamdaman ko kapag malapit si Uncle? Pumikit na lang ako at hinintay ang paglapat ng mga labi niya sa akin. Ngunit isang milimetro na lang ang agwat ng mga mukha namin nang biglang mag-ring nang napakalakas ang cellphone ko sa loob ng bag. Napamulat ako agad at dali-daling kinuha ang telepono. Napakamot naman ng ulo si Enzo sa tindi ng bad timing. Sinagot ko ang tawag. "Hello?" sabi ko. "Where the hell are you, young lady?!" Napapikit ako sa tindi ng bulyaw at galit sa boses ni Uncle Art mula sa kabilang linya. "H-hello po, Uncle Art. I'm on my way na po, pauwi na," nanginginig kong sagot. Binaba na niya ang tawag. Lumingon ako kay Enzo na halatang dismayado pero pilit pa ring nagpapakita ng pag-unawa. "Sorry, Enzo... kailangan ko na talagang umuwi. Pasensya ka na talaga." Napakamot muli siya sa ulo at ngumiti nang pilit. "It's okay... baka sa susunod na lang." Shocks. Muntik na akong mawalan ng first kiss... pero parang nakahinga rin ako ng maluwag dahil tumawag si Uncle. Speaking of Uncle... lagot na naman ako nito pag-uwi. Bahala na nga. Total, ilang buwan na lang naman at aalis na rin ako sa puder niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD