Episode 3

1203 Words
Six years ago... Ngayong araw na ito ayokong magbukas ng mga social media ko. E paano ba naman, insulto sa akin ang mga posts na mababasa ko. Maiinggit lang ako. Hindi Valentine's day dahil hindi naman ako bitter at may natatanggap naman ako chocolates at flowers. Siyempre ang ganda ko e! Confidence to the highest level. Today is Father's day. Yes. Ayoko ng araw na ito. Paano ba ako magcecelebrate e wala naman akong tatay. Ni Hindi ko nga alam ang itchura niya o kahit pangalan man lang niya. Ayoko magbukas ng sss, Twitter o ** dahil maiinggit lang ako sa kanila.  Ilang beses ko tinanong si Inay tungkol kay itay pero itong wala naman siyang maisagot sa akin. Kung patay na si tatay naman ay malabo na dahilan iyon dahil wala kaming dinadalaw na puntod maliban kina Lolo at Lola. Kaya malakas ang kutob ko na buhay pa si tatay. Ang iniisip ko ay baka naghiwalay sila at may iba na itong pamilya.  Pero kahit na. Sinong magulang ang natitiis ang anak? Kaya ba akong tiisin ni itay? Ayaw niya ba sa akin? Sana man lang nagpakilala siya sa akin o kinamusta man lang kami. Anong klasing tatay siya? Tinatakbuhan niya responsibilidad niya sa amin.  Naisip din niya kung nandiyan ang ama niya ay mas maayos sana ang buhay nila ngayon. Hindi sana siya nagwoworking student sa isang fast food chain para masuportahan ang pag-aaral niya. Hindi din sana nakikipaglabada si nanay.  Pero magkaganoon man, hindi ganoon ang galit ko sa kanya. Siguro ay may dahilan ito kaya niya kami iniwan. At umaasa pa rin ako na darating ang araw na makikita at makikilala ko din siya.  Alam ko din na mahal na mahal siya ni nanay. E paano ba naman? May nanliligaw kay nanay na byudo mabait siya tas mayaman pa. Kaso ayaw niya. Kaya tingin ko ay si tatay pa rin ang nagmamay-ari ng puso niya. HINDI ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Malamig na titig lang ang nagawa kong gawin sa taong kaharap ko. In the past years ng buhay ko, ito ang Isa sa pangarap ko. Ang makita at makilala ang tatay ko. And my dream came true. Nasa harap ko na siya. Siya daw ang tatay ko.  That's my dream. Until nalaman ko ang nakaraan nila ni Inay. That dream is no longer exist dahil sa nalaman ko ay isinumpa ko na siya. Masyado naman talaga mapaglaro ang tadhana sa buhay ko. Dati ay gustong gusto ko siyang makita pero di ko siya Makita. Ngayong ayaw ko na siyang makita ay saka pa siya nagpakita. "Gabriella, my daughter. I'm sorry for abandoning you and your mom." Napakurap lang ako ng muli siyang magsalita. Hindi ko alam kung ano ang itutugon ko. Parang lalong nadagdagan ang galit ko sa kanya ngayong nakaharap ko na siya. Ang gara gara kasi ng suot niya tas mamahalin din ang relo niya. Ang sarap sarap ng buhay niya ah. Samantalang sila ng nanay niya ay hindi magkakaugaga sa pagtatrabaho masuportahan lang ang isa't Isa. Naglakas loob itong magsalita sa harap ng matanda. "Ama kita? Siguro. At Kung totoo man po na ama kita, naging ama lang kita noong binuntis mo ang nanay ko. Pero the moment na tinakbuhan mo ang responsibilidad mo sa amin at iniwan kami. Hindi na kita ama." Gusto lumuha ni Ella. Nasa grocery store pa naman ito at may mga tao na nakatingin na sa kanila. Akmang aalis na siya ng pigilan siya ng matanda. "Wag kang umalis, Gabriella. Ihahatid na kita. Itong mga pinamili mo dalhin natin." Nilingon niya ito nang may panunumbat na tingin. "Wag na po. Hindi ko kailangan ng kahit anong galing sa inyo. Iuwi nyo nalang po yan sa pamilya niyo. Hindi po ako humihingi ng tulong galing sa iyo." "Please, dalhin mo na ito. Hindi na kita ihahatid kung ayaw mo. Just bring this. Alam ko at inaamin ko ang pagkakamali ko. Pero Sana hayahan mo naman ako na iexplain ang sarili ko." "Wala na po kayo dapat pang ipaliwanag dahil malinaw na tinakbuhan mo ang obligasyon mo sa amin." "No. Why would I? I love your mother. Kung alam ko na buntis siya noon ay hindi ko siya iiwan." Napatda ako sa narinig. Ano na naman sinasabi nito? Hindi niya alam na nabuntis niya sa Inay? Baka nagdadahilan lang ito sa kanya. "What are you saying? Hindi mo alam na nabuntis mo siya?" Gusto ko matawa. Ano na naman ito?  "What I say is true. I didn't know. Hindi niya sinabi sa akin." Pilit kong nilalabanan ang tindi ng emosyon na nararamdaman ko. Hindi ko na alam kung sino ang paniniwalaan ko sa kanilang dalawa ni nanay. "Wag mong isisi kay nanay ang lahat. E ano naman kung hindi niya sinabi sa iyo? In the first place bakit mo siya iniwan? Kung binalikan mo siya edi sana nalaman mo." Ang kanina na matapang kong pagsasalita sa harapan niya ay napalitan ng paghikbi. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko sa mata. Alam ko nakakahiya dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao sa gilid ng grocery store.  Niyakap ako ni itay. Gusto ko siyang itulak pero parang may pumipigil sa sarili ko. This is the first time na mayakap ko aking ama. Sa loob ng mahigit tatlong dekada ay ngayon ko lang naranasan ang ganito. Ganito pala ang pakiramdam ng magcocomfort sa iyo na isang ama. Naalala ko nung grade school ako. Binubully ako ng mga kaklase ko dahil wala ako ama. Pero buti nalang ay may nagtatanggol sa akin na lalaki noon. Di ko na maalala kung ano pangalan niya pero tandang tanda ko pa kung paano niya ako ipagtanggol at pasayahin kapag naiiyak na ako. "I'm sorry my princess. I explain to you and to your mom everything. Just let me." Tumango na lamang ako. Siguro naman ay wala naman masama kung pagbibigyan ko siya na iexplain ang side niya. I just hope na ganoon din si nanay.  Sumakay ako sa magarang sasakyan niya at binitbit ang mga pinamili ko. At habang nasa byahe kami ay tahimik lang ako dahil hindi pa ganoon kapalagay ang sarili ko sa kanya. Kaya mas pinili kong lumingin nalang sa bintana at tinitingnan ang mga nadadaanan namin. Napalingon ako sa kanya ng magsalita siya. "Para saan yung mga pinamili mo? May fiesta ba?" "Birthday ni Inay bukas Kaya ipaghahanda ko sana siya." Nagday off na din naman po ako sa trabaho ko bukas" Ngumiti siya ng mapakla. "Saan ka ba nagtatrabaho anak?" "Sa resto po sa Makati, waitress po ako dun." "Hindi ka nakapagtapos ng pag-aaral?" Malungkot lang na napatangi ako sa tatay ko. "I'm sorry, anak. Kung alam ko lang noon pa na may anak ako, hindi sana nangyari ito sa iyo." Hindi na ako tumugon sa sinabi niya. Hindi ko din kasi alam kung paano ko sasanihin sa kanya ang lahat ng nasa saloobin ko.  Ilang sandali lamang ay nandoon na kami sa bahay. Ang alam ko ay naglaba si nanay sa kabilang kanto Kaya wala ito malamang sa bahay. Sabay kami bumaba ng sasakyan ni tatay at hindi din maiiwasan na magbulungan ang mga kapitbahay namin ng makita kami dalawa. Bitbit ni tatay ang mga pinamili namin at papasok na sana sa bahay ng laking gulat ko ay nandoon pala si Inay  Sandali napatigil si Inay at nakita ko ang pagkagulat nito sa mapasulyap siya sa lalaking kasama ko.  "Anong ginagawa mo dito, walang hiya ka. Lumayas ka!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD