Episode 2

1185 Words
Inabala ko ang sarili ko sa pagtatrabaho. Hindi pa rin talaga nag sisink in sa utak ko ang nangyari sa love story ng mga magulang ko. Love story nga ba talaga? O story lang? Katulad ng pagnanais ko na Hindi na makita pa si Dice ay ganoon din sa tatay ko. Ayoko nadin siyang makita o makilala man lang. Mabuti na lamang pa ay hindi nasabi ni nanay ang pangalan nito para wala talaga ako ideya kung sino siya at nasaan siya. Naiisip ko talaga bakit napakaunfair ng mundo. Lahat ata ng kamalasan ay nasa amin na. Malas ata talaga kami sa lovelife.  Nandiyan kaya si Carlo uy! Naisip ko bigla si Carlo. Ewan ko ba bakit Hindi ko siya mabigyan ng pagkakataon para patunayan ang sarili niya sa akin. Kahit todo kung effort siya ay wala pa rin ako maramdaman na espesyal sa kanya. Tanging kaibigan lang talaga ang maibibigay ko.  Ayoko siya paasahin. Madalas kong nasasabi sa kanya ito, na wala siyang maaasahan sa akin at sa iba na lamang niya ibaling ang pagmamahal niya. Pero mapilit siya. Handa daw siya maghintay hanggang sa dumating yung araw na mamahalin ko siya.  Ang unfair talaga. Meron na ngang tapat at masigasig na nagmamahal sa kanya pero wala naman siyang maramdaman. Samantalang yung minahal niya ay pinaasa lang naman siya. Sana kung magmamahal ako ulit ay hindi siya maging katulad ni Dice o ni tatay. Sisiguraduhin ko iyon. Ayokong magmahal sa taong mas mahal ang pera. Break time ko noong maisipan kong kalikutin ang aking cellphone. May message ako kaya binasa ko ito.  "Anong oras ang uwi mo Gab? Sunduin kita."   Si Carlo ang nagtext. Siya lang ang kaisa-isang tumatawag sa akin ng ganoon. Noong una ay nagtataas ako ng kilay pag tinatawag niya akong Gab. Feeling close agad? Pero di nagtagal ay hinayaan ko nalang. Nireplyan ko siya kaagad.  "Baka magovertime ako, wag na pahinga ka nalang after mo sa construction."  Mabilis siyang nakapagreply. "No. I fetch you." Nagtaas ang kilay ko sa nabasa ko. Ay wow ah. May paenglish english pang nalalaman. Sa totoo lang ay hindi bagay sa itchura niya ang pagcoconstruction worker. Kapag nga bumibisita siya sa bahay ay angat na angat ang kakisigan at kagwapuhan niya kahit simple lang siyang manamit.  Ano pa bang kulang sa kanya Ella? Siya na lang kaya? Nireplyan ko na lamang si Carlo ng oras ng uwi ko. Kahit ano namang tanggi ko ay magpupumulit lang ito. Madalas niya rin kasi akong ihatid sa tricycle niya. Lalo na kung nauuna siyang umuwi galing trabaho. Tuwing ako naman naman ang unang nakauwi ay pupuntahan nalang niya ako sa bahay. Ganoon siya katiyaga. Nakakalungkot lang. Baka masaktan ko lamang siya dahil di ko masusuklian ang pagmamahal niya sa akin.  Pasado ala una na ng madaling araw ng nakapag out sa trabaho. Di kasi pumasok yung kashift ko kaya naobliga pa akong saluhin ang oras ng trabaho niya. Pagkalabas sa resto ay agad ko ng nabungaran sa gilid ng kalsada ang tricycle ni Carlo at nakita ko pa na nasa loob siya nito at natutulog.  Napangiti ako. Ilang oras din siya naghintay. Nasabi ko na baka alas onse ay matatapos na kami pero ala una na ngayon palang kami nag out. Alam ko pagod din siya pero nagawa pa rin niya mag effort para sa akin. "Oy! Gising na." Napamulat siya ng mata at kaagad na ngumiti. "Pasensiya na Gab nakatulog ako. Ang tagal e." "Sorry, di ko Alam na aabot kami ng ganitong oras. Andami kasing tao ngayon e." Napatawa ito bigla na parang nakakaloko ang pagtawa niyang iyon. "Willing ako maghintay no. Nahintay na kita ng halos isang taon, e ito pa kayang ilang oras lang? "Ikaw talaga puru ka biro."  "Hindi ako nagbibiro. Tara na nga at sumakay ka na." Ilang minuto lang ay nakarating na din kami sa bahay.  "Salamat Carlo. Alam ko pagod ka din kaya magpahinga na tayo. May pasok ka din ng maaga di ba?" Tumango lamang ito. Ng akmang tatalikod na ako ay nagulat ako ng bigla niyang hinila ang braso ko. At mas nagulat ako sa kasunud niyang ginawa. Hinalikan niya ako sa labi ng mabilis. "Good night, my Gab." Pagkasabi niya noon ay mabilis siyang tumakbo palabas ng bahay at hinarurot ang kanyang tricycle. "Ang mokong na iyon. Inagawan pa ako ng halik.  Pero hindi siya nagalit sa ginawa ng binata. Ang totoo ay napangiti pa siya sa ginawa nito. Oh gosh Gabriella, nagkakagusto ka na ba kay Carlo? NAGHALF DAY lang ako sa trabaho ko dahil balak kong magrocery. Pinaghahandaan ko ang araw ng bukas dahil 50th birthday na ni inay. Nakapagday off na din ako para bukas. Ng mabili ko na ang lahat ng kailangan ko ay nasa pila na ako at naghihintay.  Ako na ang kasunud sa pila. Kinuha ko na ang wallet ko sa aking bag nang bigla akong pinagpawisan. Kinalkal ko ang laman ng bag ko pero hindi ko pa din makita ang wallet ko. Kinapkap ko ang bulsa Ng pantalon ko pero wala pa din.  Paano na ito? Seriously Gabriella Gorospe? Nawala mo ba ang wallet mo? Bakit ngayon pa? Nakakahiya naman kung ibabalik pa niya ang mga binili niya dahil naipunch na ng cashier.  "P3,694.75 po."  Hindi agad ako nakasagot sa cashier. At nakatitig lang sa akin dahil hinihintay ako magbayad sa kanya. "Miss pwedi ba na balikan ko nalang, nawawala kasi ang wallet ko. Babalikan ko lang tas babayaran ko mga binili ko." Halatang nagulat ang cashier sa sinabi ko at nagtaas pa ito ng isang kilay. "Hindi pwede miss, bakit kayo bumibili e wala ka naman palang pera. Ibalik mo nalang lahat ng yan sa pwesto nila. Marami pang nakapila. Kaya umalis ka na." Nainis ako sa asal ng cashier pero hindi ko nalang inintindi kaya akmang kukunin ko ang naibili ko na upang ibalik sana sa pwesto nila ng biglang magsalita ang nasa likuran ko na pila. "Miss, pakipunch ito kasama nung binili ng babae."  Napatingin kami pareho ng cashier sa lalaking nagsalita. He was still handsome kahit na may katandaan na ito. I think he's at early 50's.  "Naku sir, wag na po nakakahiya." "I insists." At hinarapan ang cashier. "Magkano lahat?" Hindi na ako tumanggi pa dahil sayang naman. Kinapalan ko na Lang ang mukha ko. Para naman ito sa nanay ko. Marami marami din iyon kaya may kabigatan din. " Maraming salamat po. Pwedi ko po bang makuha contact details niyo ng mabayaran ko naman po kayo pag nagkapera na po ako?" "It's okay. Di ko naman pinapabayad pa. Anyway, nawala wallet mo di ba? So wala ka pamasahi? What about if I gave you a ride?" Nagulat pa ako sa sinabi niya. Bigla tuluy ako kinabahan. Hahatid daw ako? Medyo kampante Naman kalooban ko sa kanya Kaya Lang nakakakaba din dahil di ko siya kilala. Baka kidnaper pa ito o kaya ay r****t. "Naku wag na po. Salamat na Lang po." "Natatakot ka ba sa akin? I knew you and your mother." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng matanda. Kilala niya daw ako pati si mama? Paano? E ngayon ko lang siya nakita.  "Where is your mom? Can I talk to her? Can I talk to Gina Gorospe and to you Gabriella Gorospe?" "Paano niyo po ako nakilala at ang nanay ko? Hindi ko po kasi kayo kilala." Sandali ako napatitig sa matanda. Nagbago ang ekspresyon ng mukha niya at ang mga mata niya ay nangungusap.  "I am your father."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD