Episode 1

1208 Words
Naagaw ang atensyon ni Ella sa palabas sa telebisyon. Kasalukuyan niyang kinakalikot ang kanyang cellphone na nasa sala kasama ang nanay niya na nananahi habang nanonod ng tv. Hindi niya hilig ang panonood ng tv dahil mas lalo lamang siyang nabobored kaya mas gugustuhin pa niya ang matulog na lang lalo na pag day off niya sa trabaho.  Para kasi pamilyar sa kanya ang mga eksena sa palabas na ito. Muli ay may namuong kirot sa kanyang puso. "Hayaan na po ninyo kami ng anak niyo. Nakikiusap po ako. Mahal ko po siya at alam kong mahal niya din po ako. Hindi ko po kasalanan kung ipinanganak po akong mahirap at siya naman po ay mayaman. Ang tanging naging kasalanan ko lang po ay minahal ko siya kahit na magkaiba ang mundo namin." Nawala ang focus niya sa pagcecellphone at napatingin sa screen ng kanilang tv. Hindi niya alam kung maiiyak siya o matatawa. Halos kapareho ng sitwasyon ng bidang babae ang napagdaanan na niya. Langit ang buhay ng lalaki at siya naman ay lupa. Siyempre tutol ang mga magulang ng lalaki dahil iniisip na baka pineperaan lang ang kanilang anak. Katulad na katulad.  Mapait ang naging ngiti ko sa mga sumunud na senaryo ng palabas. Ipinaglaban ng bidang lalaki ang pagmamahalan nila. Handa siyang mawala ang lahat makasama lang ang babaeng mahal na mahal niya. Kaya alam ko na happy ending sila dahil pinanindigan nila ang pag-iibigan nila. Sana all!  Oo nga at may pagkakatulad sa simula pero hindi sa katapusan ng kwento. Ang istorya namin ni Dice nung simula ay maganda at masaya pero nagtapos sa trahedya. Iniwan ako sa ere ni Dice. Mas pinili niya ang mga magulang niya. Siguro nga ay hindi ganoon kalalim ang pagmamahal niya sa akin kaya hindi niya ako pinaglaban sa mga magulang niya.  It's been six years simula ng mangyari ang bangungot na iyon sa buhay ko. Alam kong kahit papaano ay nakalimot na ako. Pero ng dahil lang sa palabas na ito ay parang bumalik ulit ang sakit. Halos wala na akong nakikitang pag-asa sa buhay ko noon dahil sa pang-iiwan sa akin ni Dice ng bigla bigla. Ang sakit at ang hirap. Kaya ang hiling ko ay wag na muling magkrus ang landas namin dahil mapapatay ko siya sa pagpatay niya sa puso ko. Hinding-hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya sa akin. Mag-isa kong ibinangon ang sarili ko sa trahedyang iyon ng buhay ko. Kahit sa nanay ko ay inilihim ko. Ayoko ng dagdagan ang problema niya noong mga panahong iyon kaya ang tanging sandalan ko ay ang sarili ko lang din. Napatigil ako sa pag-iisip ng nakaraan ng bigla magsalita si nanay. "Mukhang nakarelate ka yata sa palabas ah? Ang seryoso mo kasi nanonood." Matipid ang ngiti ko. Ayokong magpahalata kay nanay. Wala na din siguro dahilan para sabihin pa sa kanya ang lahat ng iyon dahil masyado ng huli para ikwento ko pa sa kanya ang lahat. Baka makadagdag pa ako sa alalahanin niya.  "Ikaw naman ma. Paano ako makakarelate e wala naman akong boyfriend."  "Eh ang pihikan mo e. Ano pa ba ang gusto mo? Nandyan na si Carlo ayaw mo pa sa kanya. Baka tumanda ka dalaga sa ginagawa mo. Kung ako tatanungin, ok na si Carlo dahil mabait at magalang na bata. Sige ka baka tumanda Kang mag-isa" "Ma, Wala pa sa utak ko ang magkaboyfriend o mag-asawa. Bente singko anyos pa lamang ako. Kaya madami pa po akong oras diyan." Matagal na nagpaparamdam si Carlo sa akin. Sa kabilang kanto lang bahay niya. Construction worker ito sa kabilang bayan. Hindi din naikakaila na may kagwapuhan din taglay si Carlo. Kahit salat din sila sa pamumuhay tulad namin ay lagi lagi naman niyang pinapatunayan ang sariling niya.  Lagi siya may dala mga bulaklak kahit Isang piraso lang o kaya naman may dalang pagkain kapag pumupunta sa amin. Ramdam ko Ang sinseridad at effort niya sa panliligaw. Pero wala pa talaga sa isip ko ang magboyfriend. Busy ako sa pagtatrabaho bilang waitress sa isang sikat na restaurant sa Makati.  Nahihirapan ako minsan sa sitwasyon namin ni nanay. Tumatanggap ng labada si nanay. Naaawa ako sa kanya minsan. Kung may magagawa lang ako para wag na siyang pagtrabahuin ay ginawa ko na pero kulang din ang kinikita ko sa resto.  Naisip ko nga minsan kung bakit ba kase iniwan kami ni tatay. Edi sana may nagtatrabaho para sa amin. Edi sana nakapagtapos ako ng pag-aaral. Edi sana sa bahay lang si nanay at nag-aasikso lang dito. Ilang beses ko tinanong si nanay tungkol kay tatay pero ni minsan ay hindi siya sumagot. Kahit pangalan ay wala siya binaggit.  "E si tatay nay? Nasaan na ba talaga siya? Dapat nandito siya para may makasama din kayo pagtanda." Napasimangot si nanay. Mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. Sa totoo lang kahit forty nine years old na si nanay ay mukha lamang siyang nasa 30's. May nagtangka din manligaw sa kanya noon pero binabalewala lang niya. Kung hindi lang nga alam ng iba na mag-ina kame ay iisipin nila na magkapatid lang kame. Kahit babad sa araw sa paglalabada si inay ay maganda parin ito. Mana ako sa kanya.  "Bakit lagi mo tinatanong ang tungkol sa tatay mo? Sawa ka na ba sa buhay natin? Gusto mo ba sa kanya ka nalang?" "Ma, Hindi naman po yan ang ibig kong sabihin." "Wala ng pakialam sa atin ang ama mo. Halos tatlong dekada siyang hindi nagpaparamdam. Baka nga may iba na siyang pamilya. Iniwan niya ako ng mabuntis niya ako. Takot siya sa responsibilidad niya sa akin. O mas takot siya mawala ang lahat sa kanya pati ang mga magulang niya dahil ayaw nila sa akin dahil mahirap lang ako at mayaman sila." "Anoooo?" Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Totoo ba ito?  "Totoo po ba iyan, ma?" Bakit parang mapaglaro ang tadhana? Like mother like daughter lang ang peg namin. Parang gusto kong matawa dahil hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. May father is like Dice. Pera lang ang mahalaga sa kanila. Okay lang sa kanila ang makasakit ng mga inosente para lang makuha ang gusto nila. Nalulungkot ako para kay nanay. Ang sakit ng dinanas ko ng iwan ako sa ere ni Dice pero mas masakit ang dinanas ni nanay dahil nabuntis pa siya nito at basta basta na lamang iniwan. Ang pangungulila ko sa aking ama ay napalitan ng galit dahil sa nalaman ko. Wala siyang puso. Wala ba siyang pakealam sa anak niya? Ni hindi man lang niya ako kinamusta kung okay lang kami. Halus kumayud kalabaw kame ni nanay para matustusan ang pang-araw-araw na pangangailangan namin. Samantalang siya ay nagpapakasasa sa pera niya. Sa kanya na lahat ng pera niya. Hindi namin siya kailangan ni nanay. "Ayoko na sana malaman mo pa ito dahil ayoko magkaroon ka ng galit sa ama mo. Pero siguro dapat mo na malaman ang totoo para hindi kana umasa na darating pa siya sa buhay natin." Nakita ko ang mga namumuong luha sa gilid ng mata ni inay. Pero matamis na ngiti pa rin ang iginawad ni inay. Napakalakas talaga ni inay. Paano niya nakayanan ang lahat Ng sakit? Niyakap ko si inay. At tuluyan na akong napaluha. Ganoon din si inay, ang kanina pang luhang pinipigilan niya ay tuluyan ng umagos. "Wag po kayong mag-alala ma. Hindi ko na siya hahanapin pa kahit kailan. Iniwan na niya tayo at wala na siyang babalikan pa."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD