HFL3: TWO

593 Words
Pinunasan niya ang pawis na tumutulo sa kanyang noo ng suot niya pantakip sa kanya ulo at ng kalahati niya mukha. Tumatagaktak ang kanya pawis sa ilalim ng tirik na araw kasama ang ilang magsasaka. Halos isang buwan na mula ng parusahan siya ng kanya ina. Imbes na nasa opisina siya at nakikipag-usap sa kanila mga investor kasama ng kanya ama heto siya isa sa mga trabahador nila. Ang sinasahod niya ay kapantay lang ng sinasahod ng mga trabahador nila. Hindi naman siya nagrereklamo dahil iyun ang paraan para madisiplina siya ng kanya ina sa pagiging agresibo niya. He sighed. Tinanaw niya ang maliit na kubo na tinutuluyan niya ngayon. Kasama iyun sa parusa ng kanya ina. Makakabalik lang siya sa mansion nila sa oras bawiin na ng kanya ina ang punishment niya. Pero nakakabalik naman siya doon kapag pinapupunta siya ng kanya ina. Gaya ngayon pinapupunta siya nito para doon na siya maghapunan. Minsan pinadadalhan na lang siya ng pagkain ng ina. "Sir Vlad!" pukaw ng isang magsasaka nila. "Ano ho yun,Mang Gorio?" baling niya rito. "Kami na ho tatapos dito,magpahinga na ho kayo," anito. Kahit na magkakasama sila hindi pa rin nagbago ang turing ng mga ito sa kanya. Siya pa rin ang boss ng mga ito. Pinasadahan niya ang mga natapos na nila. Malapit na rin matapos ang pagtatanim nila ng palay kaya tumango siya. "Sige ho,doon lang po ako lilim.." aniya. Tinungo niya ang isang puno ng bayabas at doon siya sumilong. "Vlad!!!" isang matinis na boses ang pumukaw sa kanya atensyon mula sa pagtanaw niya sa mga kasamahan niya na nasa sakahan pa. Bumuga siya ng malalim na hangin. Kababata niya ito,si Me-an. "Ugh! So hot here! Kung hindi lang kita namiss nunca pumunta ako dito!" nagrereklamo nito saad habang nakasunod rito ang yaya nito na hirap-hirap sa paghawak ng malaking payong. Lihim siya napailing ng makita ang kasuotan nito. Naka miniskirt ito at sleeveless na blusa. Me-an is pretty girl but not his type. Isa sa ayaw niya sa babae ay iyun maraming kaartehan sa katawan at pananalita. And he will never like her as a woman. Kaedaran lang niya ito pero kung umasta parang teenager pa rin. Galing ito sa America at doon nag-aral,hindi niya alam kung ano ang tinapos nito. Hindi siya enteresado malaman kung ano na ang mga nangyari rito sa mga nakalipas na taon hanggang sa magbalikbayan ito. "Sabay na tayo mag lunch,okay?" He sighed. "Hindi pa kami tapos..mauna ka na," casual niya saad at binalik ang atensyon sa unahan. "Hala,nagpaluto ako ng tanghalian natin kaya wait na kita,okay?"saad nito muli. " Sasabay ako sa kanila,Me-an.."baling niya rito. Ngumuso ito na parang inagawan ng pagkain. She's not cute,really. Nakakairita lang. Agad na inalis niya ang paningin rito. "Ano ba yan! Lagi mo na lang ako tinatanggihan mas pinipili mo pa sila,eh yun at yun pa rin naman ang kinakain niyo,hindi ka ba nagsasawa? Masarap ang pinaluto ko,Spanish food!" pangongosensya pa nito. Marahas siya napabuga ng hininga. Ang ayaw niya sa lahat ay iyung pinipilit siya sa ayaw niya at dahil kababata niya ito at may respeto siya sa isang babae kahit isip-bata tulad nito pilit niya nagkontrol na wag ito singhalan. "You know what,sumama ka na lang sakin mamaya,maghahapunan ako sa mansion.." aniya para matigil na ito. Kilala niya ito hindi siya nito titigilan. Lumiwanag ang mukha nito sa inbitasyon niya iyun. "Oh! Hindi ako tatanggi diyan! Gusto ko din makita sina Tita at Tito!"puno ng excitement nito bulalas. Tinanguan na lang niya ito. Mas masarap kumain sa dahon ng saging habang nakakamay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD