HFL3: THREE

931 Words
Marahas siya napabuga ng hangin. Napilitan siya umalis muna sa bahay nila dahiL nagtatalo ang kanya ama at ang pangalawa asawa nito dahil sa stepsister niya. Ilang buwan pa lamang siya rito sa bulacan nagpasya siya umuwi rito dahil hindi naman sya makapagtrabaho ng maayos sa Manila dahil sa kapansanan niya. Huminto siya sa mabagal na paglalakad gamit ang kanya saklay na isang taon na niya ginagamit mula noong maaksidente sila ng ina. Nabangga ang sinasakyan nila pampasaherong jeep at kagagaling lang nila noon sa simbahan. Nabangga ang jeep sa isang rumaragasang truck at dahil doon binawian ang kanya ina. Siya lang ang nabuhay at ng iba pang pasahero na sakay din doon. Nagising na lang siya na hindi na niya mailakad ang kaliwang paa ayon sa doktor nadurog daw ang buto niya sa may binti. Buo pa din naman ang binti at paa niya pero hindi na niya magamit iyun para ilakad dahil sa buto ng binti niya na nadurog. Hiwalay ang kanya ama at ina noong hayskul pa lang siya at nagpasya ang ina na isama siya sa Manila at iwan dito and kanya ama dahil sa bisyo nito sa alak hanggang sa mabalitaan na lamang nila na nag-asawa ito muli sa isang babae na tinakbuhan naman ng nakabuntis dito at ang kanya ama ang nakagisnan ama ng stepsister niya si Alena. Kumapit siya sa may nakausling sanga ng arateris at umupo sa isang malaking bato na nasa gilid lang ng kalsada. Isinandal niya ang kanya saklay sa gilid niya. Muli siya bumuga ng hangin. Kung hindi siya aalis muna sa bahay ng kanya ama sigurado madadamay na naman siya. Siya lagi sinisi ng mag-ina. Kesyo na lagi daw siya ang pinagtutuunan ng pansin ng kanya ama at pati daw kita ng ama sa kanya napupunta. Hindi naman niya kailangan ng pera mula sa mga ito dahil may naipon naman siya at ng kanya ina. Ngunit iniipit niya iyun dahiL kapag nakarecover na siya mula sa aksidente magsisimula muli siya ng buhay. Akala niya sa pagbabalik niya rito makakatulong ang mabilis na pagrekober niya pero puro sama lang ng loob ang nangyare dahil sa madrasta at sa anak nito. Kung gugustuhin niya gusto na lang niya bumalik ng maynila pero ayaw ng kanya ama dahil nga nag-aalala ito sa kanya at ngayon lamang sila ulit nagkasama. Hindi pa man nag-iinit ang puwet niya sa inuupuan bato nakita niya ang nagmamadali paglapit sa kanya ni Alena. Galit ang itsura nito at matalim ang mga mata na nakatingin sa kanya. Hindi pa man niya naaabot ang saklay niya hinablot na iyun ni Alena. "Buweset ka! Mula ng dumating ka dito lagi na lang ako kinukumpara ni papa sayo! Eh samantalang pilantod ka naman! Ano nakakaproud sayo!" nanggagalaiti nito singhal sa kanya. Hindi siya kumibo dahil kapag sinagot niya ito baka lalo lang lumala ang lahat. Matanda siya rito ng labinglima taon kaya iniisip na lamang niya na para itong isang batang paslit na naghahanap ng maaaway. Sinisisi siya nito dahiL palagi daw sila pinagkokompara ng kanila ama. Napailing na lang siya. "Kailan ka ba aalis dito ha?! Bakit pinipilit mo ang sarili mo sa pamilya namin eh hindi ka naman welcome samin!" galit na galit pa rin nito sigaw sa kanya. "Tama na...hindi naman ako nakikielam sa pamilya niyo.." malamig niya saad. "Ah ganun!" Napasinghap siya ng ihampas nito sa katawan ng puno ng arateris ang kanya saklay hindi niya maawat ito sa ginagawa pagputol sa saklay niya dahil hirap siya makatayo. "Tama na!!!"gulilat niya sigaw rito. Binalibag nito sa paanan niya ang naputol na niya saklay. May isang pickup truck ang huminto sa kabila gilid ng kalsadang lubak-lubak pero hindi nila iyun pinansin. Naikuyom niya ang mga palad sa galit dahil sa ginawa ni Alena sa saklay niya. "Nararapat lang sayo yan!" naggagalaiti nito singhal sa kanya. Hindi niya inaasahan ang sunod nito ginawa hinablot nito ang braso niya at tinulak siya kaya napasalampak siya sa maruming lupa kasama ang bali niya saklay. "Tama na yan!" anang ng isang baritonong boses ng lalaki. Mabilis na tumakbo si Alena sa pagsita ng lalaki lumapit sa kanila. "You okay,Miss?" pagdaluho sa kanya ng lalaki. Napaangat siya ng mukha sa lalaki na tinutulungan siya tumayo. Nagtama ang kanila mga mata. Kulay abuhin ang mga mata nito at tila kaylalim niyun tumingin. Natigilan din ito gaya niya. Parang may kung ano nakita mula sa kanya mga mata. "Vlad! Come on,baka hinihintay na tayo nina Tita Veron at Tito Gael!" pukaw ng isang boses ng babae. Doon siya natauhan at agad na nagbawi ng tingin rito. "Let me help you.."usal nito. Vlad? Parang narinig na niya binanggit ito ng kanya ama. Nang makatayo siya at iupo sa bato doon lang niya nasuri ang kabuoan nito. Malaking lalaki,moreno at gwapo. Abuhin ang mga mata. Halatadong isa ito anak ng isang mayaman na pamilya rito. Pinulot nito ang saklay niya. " Hindi ka nakakalakad?"maingat nito tanong. Tumango siya bilang sagot. "Saan ka nakatira? Ihahatid kita.." Napaangat siya ng mukha rito at matiim ito nakatingin sa kanya. "U-uhm,salamat na lang,mukha may naghihintay sa inyo eh," bahagya pagsulyap niya sa babaeng inip na inip na nakasakay sa unahan ng pickup truck nito. "It's okay..magdidilim na din kaya ihahatid na kita sa inyo.."giit nito. Hindi siya nakaimik,gusto niya pero hindi maganda ang pakiramdam niya sa babaeng kasama nito. She sighed. "Okay lang,maghihintay na lang ako ng may kakilala dadaan dito.." bahagya pagngiti niya rito. "No,I insist..stay here,ilalapit ko lang dito ang sasakyan.." Hindi na siya nakakontra na mabilis siya nito talikuran. Napabuga siya ng hangin. Ang bilis ng heartbeat niya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD