Humahangos pa ako at halos naghahabol ng hininga nang lumabas ako sa lift, nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang bag at coat nya na nakakalat sa sala,naisip kong baka may nangyaring masama sa kanya, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nagkataon agad ko syang hinanap sa kwarto at banyo pero hindi ko sya nakita, halos mapako ako sa kinatatayuan ko nang paglabas ko ng kwarto ay nakita ko si Irene papunta sa sala at may hawak na plato na may pagkain. Nanlaki rin ang mata nya sa pagkabigla nang makita nya ako, at napaawang pa ang bibig. “Mr. President? Anong ginagawa mo dito?” Sambit nito, agad kong inayos ang coat ko at dumeretso sa pagkakatayo. “E-Ella said that.. that you’re sick, so I came here to check my employee.” I said, it’s convincing.. right? She titled her head, and

