Epilogue
"G-get...M-married?.." Utal kong ulit sa huli nyang sinabi na para bang iyon lang ang rumehistro sa utak ko.
"Yes,marry me, Irene." Ulit nito.
Noon ay napanganga na ako at hindi makapaniwala sa mga narinig, napatayo pa ako sa upuan bago sumagot.
"You must be kidding me, Dylan.. Marriage? Kasal talaga?? Yun ba yung sinasabi mong solusyon?" Sunod-sunod kong pahayag, hindi ako mapalagay ng mga oras na iyon dahil sa bilis ng mga pangyayari, nakalimutan ko na rin yata na presidente ng kumpanya ang kaharap ko kaya nawala ang pagiging pormal sa pananalita ko.
Oo gusto ko si Dylan.
Parang inlove na nga ako sa kanya eh, pero ang magpakasal? Tingin ko masyado pa akong bata para don, ni sa panaginip ay hindi ko naimagine na mangyayari ito. Lumaki ako na nakikita ko kung paano magmahalan at irespeto nila tatay at nanay ang sagradong kasal, kaya gusto kong ganoon din ang mangyari sa akin, kung sakali mang ikasal ako sa taong mahal ko at mahal din ako..
"Calm down, pwede ba. Kumalma ka, umupo ka muna." Tugon nito na nakatingala sa akin, wala akong nakikitang pagaalala sa muka nya, parang napakasimple lang para sa kanya ang sabihin na magpakasal kame, bakit? Mahal din ba nya ako? Sigurado ba sya na gusto nya akong pakasalan at makasama habang buhay? Muli akong umupo at tumingin sa kanya ng deretso,
"Im sorry,Dylan pero hindi ako magpapakasal sayo."Sambit ko.
"Then, okay lang sayo that you'll be forever brand as a slut and a b***h?"Tugon nito na marahan pang ngumisi.
"What? Hindi ako ganong klaseng babae, maaga man akong naulila alam ko kung ano ang tama at mali." Mariin kong sambit.
"I know, I already know that, pero tingin mo paniniwalaan ka ng ibang tao at ng media?"Sambit nito, agad akong natigilan at napayuko,"They'll believe what they want and not the truth, wala silang pakealam kung totoo man o sa hindi ang lahat ng ito, gagawa at gagawa sila ng paraan para makahanap ng butas laban saken at ikaw ang nakita nila." Paliwanag nito.
"So, wala naba talagang ibang paraan? Tanging pagpapakasal nalang ang nagiisang solusyon para matapos nang lahat ng ito?"
"Just give me one year." Dugtong nito, napaangat ang ulo ko at tumingin sa maamo nitong muka.
"What do you mean?"tanong ko.
"Let just get married, then after a year kapag humupa na ang issue then lets file an annulment." He said with a calm voice, bakit ang dali lang para sa kanya na sabihin na magpakasal kame tapos after 1 year maghiwalay din? Kalokohan, isang malaking kalokohan ang lahat ng ito, simula palang nung una ko syang nakita, unang paghurementado ng puso ko, lahat yon isang malaking kalokohan na hindi ko alam kung pano ko malulusutan.
And here I am, walking in the aisle, wearing the most beautiful white gown that you can imagine, holding a pink rose mixed with smooth hydrangea and gysophila. Everything seems so perfect, wedding in a beautiful garden full of flowers and trees, a lot of red rose petals in every corner of the aisle, a altar full of flower décor and a handsome man standing there, wearing a black tuxedo and vest, white bow tie and tails and shirt with striped trousers. Waiting for me come, sa likod nya nakatayo si Richard na nagsisilbing bestman everyone is looking at me with a smile and amazement on their faces, nandon din ang bestfriend kong si Andrea at ang parents nito. Sa kabilang side ay ang daddy ni Dylan na nakangiti rin habang pinapanuod ako na naglalakad sa aisle, I've become a Cinderella in an instant dahil lang sa mga pictures na kumalat sa internet. Everyone is pleased to see me except one. The man in front of me, blangko at walang emosyon syang nakatingin sa akin habang naglalakad ako sa altar.
Isn't odd? Diba dapat ang groom at bride ang pinakamasaya sa lahat?
Sabagay this is not a real wedding, niloloko lang namin ang lahat ng tao, were just doing this para hindi masira ang image ng company ni Dylan at hindi ako mabansagang malandi at kaladkarin.
Inilahad nya ang kanyang kamay ng makalapit ako sa altar at kinuha ko iyon, nagsimula ang pari sa kanyang seremonya at natapos ito sa "I will pronounce you, husband and wife.. you may now kiss the bride." Just listening to that phrases, parang gustong kumawala ng puso ko, lalo pa ng nagsihiyawan ang mga tao ng "Kiss!! Kiss!!" hindi ko alam kung matutuwa ba ako o lulubog sa kinatatayuan ko dahil sa hiya.
Humarap sya sa akin, wala paring emosyon, tinaas nya ang veil ko at saka ako hinalikan. It was so sudden kaya nanlaki pa ang mga mata ko sa gulat, para akong poste na nakatayo lang don habang hawak nya ang dalawa kong braso at hinahalikan ako, seconds lang ang tinagal non pero feeling ko ilang minuto kame sa ganoong posisyon.
Natapos ang lahat sa reception, niregaluhan kame ng daddy ni Dylan ng trip to Paris para sa aming honeymoon, nagpaalam muna kame sa lahat bago kame ihatid ng driver papuntang airport.
"Beshy! Congratulations! Magiingat kayo ha,enjoy!"Sambit ni Andrea habang parang kinukurot nnaman sa tagiliran at kinikilig. "Thank you Andrea, babalik din kame kaagad."sambit ko pa.
"Why? Don't come back so soon, enjoyin nyo ang honeymoon nyo para naman pagbalik nyo rito ay may good news na kayong dala." Nakangiti at makabuluhang sabat ng daddy ni Dylan, napaawang ang gilid ng labi ko ng marealize ko kung ano ang ibig nitong sabihin.
"We have to go, baka malate pa kame sa flight."Sambit naman ni Dylan,
"Magingat kayo ha Irene." Tugon naman ng mommy ni Andrea, ngumiti ako at kumaway bago pa sumakay sa sasakyan.
Tahimik lang si Dylan sa buong byahe namin, hindi nya ako kinakausap, kung hindi sya nakatingin sa laptop nya at nakapikit naman sya at natutulog, hindi ako masyadong nakatulog sa flight namin dahil siguro kinakabahan ako at first time kong magtravel outside the country.