CHAPTER 1

1464 Words
One month ago.. I am Irene Sandoval, isang working student, nasa 3rd year college na ako ngayong taon, isang taon nalang at makakapagtapos na ako sa kurso kong Business Management. Nagtatrabaho ako bilang part timer sa isang coffee shop, dagdag income narin para sa akin bukod sa scholarship allowance na natatanggap ko buwan buwan, malaking tulong iyon sa akin lalo na kapag may mga projects at bayarin ako sa school. Magisa nalang akong namumuhay dito sa maynila, pitong taon palang ako ng mamatay ang nanay ko dahil sa atake sa puso at ilang buwan lang ay sumunod naman ang aking ama, mapagmahal at maasikaso ang aking ina at responsable naman ang aking ama, mahal na mahal nila ang isa't-isa kaya ng mamatay si nanay ay hindi iyon nakayanan ng aking ama. Nanghina sya at nawalan ng gana sa buhay, hanggang sa magkasakit sya at ilang buwan lang ay sinundan na nya si inay. Masakit para sa akin ang mawalan ng mga magulang sa murang edad. Kinupkop ako ng isang malayong kamaganak, nang makatapos ako ng highschool ay nagpasya akong lumuwas ng maynila para makipagsapalaran, nagtrabaho ako bilang isang crew sa isang fast food chain at makalipas ang isang taon ay pinagpatuloy ko ang pangarap kong makapag aral sa kolehiyo, maswerte naman ako at nakapasok ako sa scholarship program dito sa Unibersidad ng Maynila. Alam kong ito rin ang pangarap ng mga magulang ko para sa akin, ang makapagaral ako, makapagtapos at magkaroon ng magandang kinabukasan. Hindi madaling mamuhay magisa. Malungkot, pero pinipilit kong kayanin ang lahat. Kahit lumaki akong hindi kasama ang aking mga magulang ay baon baon ko ang mga pangaral at bilin nila sa akin noong nabubuhay pa sila, yun ay ang maging mabuting tao, at maging mapagkumbaba, kaya naman marami akong naging kaibigan sa skwela. Isa na doon si Andrea maganda, mabait at matalino sya. Madalas syang sumasali sa iba't-ibang patimpalak ng skwelahan kaya sikat na sikat sya sa amin. Kabaliktaran ng kapalaran ko mayaman si Andrea, abogado ang kanyang ama at business owner naman ang kanyang ina. Masasabi kong napakaswerte ni Andrea dahil napakabait ng mga magulang nya, kapag nandon ako sa bahay nila ay sila pa ang sumasalubong sa akin, tuwang-tuwa sila dahil may kaibigan daw ang anak nila na gaya ko. Ilang beses narin akong nagssleep over sa bahay nila kaya sanay nako sa pagaasikaso ng magasawa. Minsan hindi ko maiwasang mainggit sa kanila siguro kung buhay pa ang mga magulang ko ay ganito rin kame kasaya. Isang araw habang nasa school kame ni Andrea, nabanggit nya ang 18th birthday nya na magaganap sa susunod na linggo. Tumabi sya sa akin at inabot ang isang invitation card. "Wow, oo nga pala birthday mo na sa isang linggo" Bungad ko pagkaabot ko ng invitation card habang nakangiti. "Oo kaya dapat umattend ka ha? Magtatampo ako sayo kapag hindi ka pumunta." Sambit nito habang nakanguso. "Oo naman, aattend ako. Syempre birthday mo yon eh, hindi pwedeng hindi ako pumunta, diba?" Nakangiti kong sambit. Lumiwanag naman ang kanyang muka at tumayo. "Tara, nagugutom ako punta tayo ng canteen." Pag aaya nito sa akin. Maraming manliligaw si Andrea at isa na dito si Richard, anak sya ng isang may ari ng real state company. Highschool palang ay nanliligaw na ito dito, kaya ng malaman nito na dito sya sa Maynila mag-aaral ay lumipat din sya para makasama si Andrea, at syempre para bantayan. Mabait naman si Richard, mabait din sya saken, syempre dahil kung hindi ay hindi ko sya tutulungan kay Andrea. Sa totoo lang bagay silang dalawa, gwapo at maganda, pareho pang mayaman at may sinasabi ang mga angkan sa buhay. Hindi ko nga alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa nya sinasagot si Richard, eh alam ko naman na gusto nya rin ang binata. "Teka nga Andrea, bakit nga pala hindi mo pa sinasagot si Richard? Ok naman sya, mabait, gwapo, mayaman. Lumipat pa sya dito para lang makasama ka. Hindi pa ba sapat yon para malaman mong mahal ka ng isang tao?" Minsang naitanong ko sa kanya habang nakaupo kame sa may cafeteria. "Hay nako, Irene. Syempre, nanliligaw palang yan kaya magaganda pa ang pinapakita nyan, pero kapag sinagot mo na malamang magbabago na pakikitungo nyan." Sambit nito habang nakataas ang kilay,"Saka, ayoko pang magboyfriend hanggang hindi pa tayo graduate, promise ko yan kanila mommy at daddy." Dugtong pa nito. "Sus, alam ko namang gusto mo rin si Richard, hard to get ka lang." Pangaasar ko naman dito. "Hoy, hindi ah, saka teka nga bakit ako ang ginigisa mo. Bakit ikaw? Bakit hindi ka pa magboyfriend?" Aniya na may matatalas na tingin sa akin. "Wala akong time para sa mga ganyang bagay dba, oo nga pala anong oras na? Malalate nako sa trabaho." Natataranta kong sambit, siguradong kagagalitan nanaman ako ng manager ko kapag na-late pa ako ulit ng pasok sa cafe. Paalis nako ng dumating si Richard. "Hi girls, oh sa ka pupunta?" Tanong nito habang nakatingin sa akin na noon ay nagaayos ng mga gamit ko sa bag. "Malalate nako sa work eh, jan na muna kayo ah, bye!" Nagmamadali kong tugon. "Ingat ka beshy!!" Pahabol na sigaw ni Andrea. Sa totoo lang, masaya naman ako kahit hindi pa ako nakakaranas na magkanobyo, bukod sa wala pa sa isip ko yon at busy ako sa pagaaral at trabaho ay wala pa akong nakikitang lalaki na magugustuhan ko. Hindi naman sa pagmamayabang pero, may mga nanligaw din naman sa akin, kaya lang wala talaga eh, alam mo yun? Yung unang tingin mo palang... alam mo ng gusto mo sya dahil sa bilis ng t***k ng puso mo, at parang may kung ano sa tyan mo na hindi mo maintindihan, yung matutulala ka nalang bigla at para kang istatwa na hindi makagalaw, unang kita mo palang sa kanya ay kinikilig kana kahit wala pa syang ginagawa. "Miss..miss!" Baritonong boses ng isang lalake na nasa harapan ko, hindi ko namalayan na nakatulala pala ako sa kanya na halos tumulo ang laway ko dahil sa pagawang ng bibig ko. "I said one cappucino with mapple syrup.." Sambit nitong muli, agad kong ginawa ang order nya at humingi ng paumanhin dito. Kase naman, pano ka namang hindi matutulala, ang gwapo nyang tingnan sa suot nyang suit and tie, siguro ay nagtatrabaho sya sa isa sa mga kumpanya na malapit sa cafe namin. Halos mataranta ako habang ginagawa ang order nya, hindi ko rin mapigilang sumulyap sa kanya ng patago, napakakisig ng kanyang katawan, ang tangos ng ilong, mahabang pilik at makapal na kilay, ang mga labi nya ay halos kasing pula ng rosas, para nga syang nakalipgloss eh,base sa pananamit nya at relos ay muka syang mayaman. Agad kong inabot ang order nito pagkatapos, halos lumundag naman ang puso ko ng ngitian nya ako bago nya kunin ang kape nya. Irene,ano bang nangyayare sayo?! Nababaliw na ba ako?! Ilang oras din ako sa ganong kondisyon. In love na ba ako?pero isang beses ko palang syang nakita, inlove kaagad? Hindi, baliw na nga yata talaga ako. Pagkundina ko sa sarili. Kinabukasan, agad kong kinuwento kay Andrea ang nangyare at ang gaga, halos mapaos na kakatili,dahil kinikilig daw sya para sa akin. "OMG beshy, inlove kana! Congrats!! Parang kahapon pinaguusapan palang natin yan ah?" Sambit nito habang panay hampas sa braso ko. "Inlove ka jan! Hindi ba pwedeng namangha lang ako? Nastarstruck, yung kapag nakakakita ka ng artista.. Yung ganung pakiramdam" Sambit ko habang nakataas ang isang kilay. "Pero beshy, hindi naman sya artista, pero ganyan na naramdaman mo so it means, na love at first sight ang beshy ko!" Tuwang tuwa nitong sambit habang kinikilig. "Wow ha, Andrea kelan ka pa naging love guru jan." Sambit ko habang pinandidilatan sya ng mata. "Hay nako, basta ako alam ko yang nararamdaman mo, hindi mo pwedeng itanggi na nalove at first sight ka sa lalaking yon, teka, hindi mo man lang ba nahingi yung pangalan? Yung number?" Aniya. "Ano? Nakakhiya no, bakit ko naman hihingiin yung pangalan at number non eh non ko lang naman sya nakita, baka akalain pang baliw ako."Sambit ko habang nakakunot ang noo. "Ganito, kapag pumunta sya ulit sa cafe, hingin mo yung pangalan. Malay mo, sya na pala yung the one na hinihintay mo beshy!" Sambit nito at muling paghampas sa braso ko. Napapangiti na lamang ako kapag nasasagi sa isip ko na baka sya na nga, pero nalulungkot ako kapag nakikita ko ang realidad na malayong malayo ang estado nya sa akin. Ilang araw din akong naghintay at nagabang sa kanya sa cafe, pero ni anino nya ay hindi ko nakita. Isang araw, may anouncement sa school na may bibisita daw na isang business at finance tycoon sa school, isa daw yon sa pinakamayamang bachelor sa bansa, may ari ng isang real state company, restaurants at hotels.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD