CHAPTER 2

1346 Words
Inimbitahan sya ng school para maging Guest speaker para sa aming mga business majors. Hindi agad dumating yung kapalitan ko sa trabaho kaya tinext ko si Andrea na malalate ako,agad nya akong tinawagan na noon pala ay nasa theatre na sya kasama si Richard. "Nasan kana?malapit ng magumpisa".sambit nito. "Pasakay nako,isave mo nalang muna ako ng upuan jan ok?"sabay baba ng phone. Nagmamadali akong pumunta sa University Theatre para makaabot pa sa program. Nang makarating ako, Humahangos ako habang hinahanap sila Andrea,nagsisimula ng magsalita ang guest speaker,hindi ko agad nakita kung sino yung nagsasalita dahil abala ako sa paghanap kung nasan sila Andrea,narinig ko ang boses ni Richard na tinawag ako,ngumiti ako at bumuntong hininga ng makita ko rin sila sa wakas,papalapit na sana ako sa upuan nila ng mahagip ng mata ko ang lalaking nagsasalita sa gitna. Halos lumundag ang puso ko at muli akong nastock sa kinatatayuan ko,ang lalaking nakita ko sa cafe,ay nasa harapan ko ngayon at nagsspeach, Nagulantang ako at nagulo ang mundo ko ng marealize ko ang lahat. Sya nga!hindi ako pwedeng magkamali,namimilog at halos lumuwa ang mata ko na nagniningning habang titig na titig dito,ng bumalik ako sa ulirat ay nagmamadali akong pumunta sa pwesto nila Andrea at umupo na. "Ano bang nangyare sayo? At ang tagal mong nakatayo don."bungad nito sa akin. "Andrea, sino sya? Yang nasa harap,sino yan?"sunod sunod kong tanong. "Ah,yan yung guest ng school, si Mr. Dylan Montenegro."sabat ni Richard na kanina pa pala nakikinig sa amin,kumunot naman ang noo ko at naalala ko na Montenegro rin ang apelido ni Richard. "Ang galing no,magkaapelyido pa kayo,ric." Sambit ko,habang nakangiti at nakatitig parin sa lalaki sa harap. "What are you talking about? Hindi lang sila magkaapelyido,beshy kase yan ang oldest brother ni ric."nakangisi nitong sambit. Namilog ang mga mata ko at napstingin kay Andrea at Richard na halos hindi makapaniwala. "Teka nga,bakit ganyan yang reaksyon mo? May sakit kaba?" Tanong nito sa akin. "Wala akong sakit,Andrea,sya yun.. sya yung lalaki na nakita ko sa cafe"sambulat ko,napatakip ng labi si Andrea at halos hindi makapaniwala. "Really?? Sigurado ka? Sya tlga??" Sunod sunod na tanong nito. Habang si Ric ay natatawa na lamang sa aming dalawa. "Oo sigurado ako,hindi ako pwedeng magkamali."sambit ko. "Oh my God,beshy what a coincidence,baka sign na to! Talangang gumawa si Lord ng paraan para magkita kayo ulit,at kuya pa sya ni Richard."kinikilig nitong sambit sa akin. Kahit ako ay hindi makapaniwala na kapatid sya ni Richard,gwapo rin naman si Richard pero iba talaga ang dating ng kuya nya,mature syang tingnan at napakasupistikado ng awra nya,di gaya ni Richard na jolly at madaling makabiruan. Pagkatapos ng program ay lumapit si Richard sa kuya nya kasama si Andrea,habang hila hila naman ako nito,halos takpan ko na ang muka ko dahil sa kahihiyan,hindi ko alam pero sobrang bilis ng t***k ng puso lalo na ngayon na nasa mismong harapan ko na sya. "Mr. Dylan Montenegro,that was a long speech,kala ko di na matatapos."pabiro nitong sambit sa kuya nya habang nagtatawanan sila. "By the way,this is my friends,Andrea and Irene."pakilala nito sa amin. Halos sumabog ang dibdib ko ng tumama ang mga mata namin. "Hi Mr. Montenegro ,Im Andrea Delo Santos nice to meet you." Sabay abot ng kamay nito at nakipagshake hands sa lalaki. "Are you related to Mrs. Anne Delo Santos of ADS Construction?"nakangiti nitong tanong. "Yeah,Im her daughter." Lalong lumaki ang ngiti nito sa narinig nya. "Ah,and this is Irene Sandoval,my best friend."sabay tulak sa akin papalapit kay Dylan. Muli nya akong tinitigan,hindi ko alam kung anong itsura ko ng mga oras na iyon pero malamang ay nangangamatis ang mga pisngi ko dahil sa hiya at nerbyos. "H-Hi.. Im Irene Sandoval,n-nice to meet you sir."utal utal kong tugon. "Nice to meet you ms. Sandoval by the way,i have to go,may meeting pako after this,ingat kayo sa paguwe,Richard."sambit nito habang papaalis. Sinundan ko lang sya ng tingin at napaupo ako ng makalayo na sya,para akong nanghina sa mga nagyari. "Beshy,are you ok?"tanong nito sa akin tumango lang ako. After a week,naging busy ako sa school at work,birthday ngayon ni Andrea kaya nagayos ako,at sinuot ko ang pinadala nyang gown para sa akin,masquerade ang theme ng party nya,ang ganda ng gown na pinadala nya,kulay white at may touch ng blue color sa dulo ng gown,masaya akong tumitig sa salamin at tiningnan ang sarili. Buong buhay ko ay hindi ako nagcecelebrate ng birthday ko,dahil bukod sa wala naman akong panghanda ay mas iniisip ko ang mga gastusin ko kinabukasan. Mas matanda ako ng 2 years kay Andrea,masaya ako dahil naging bahagi ako ng espesyal na araw nyang iyon. Namangha ako sa ganda ng set up na ginawa sa malawak nilang garden,nakasuot ng lahat ng magagandang damit,karamihan sa mga bisita ay mga matataas na tao,at ang iba ay mga business man,dahil masquerade ang theme ng party ang lahat ay nakasuot ng mask,naglakad lakad muna ako dahil hindi pa naman naguumpisa ang party at nasa loob pa si Andrea,nakita ko na kanina si Richard at naghi sa kanya,busy din kasi sya dahil kakilala nya ang ibang mga bisita na mga kaibigan din ng pamilya nya,naisip kong baka nandito rin si Dylan,kaya kunwari akong naglilibot libot pero ang totoo ay tinitiyak ko kung naroon nga sya,maya maya pa ay naganounce na ang m.c na nandito na ang debutante,agad na naagaw ang atensyon ng lahat ng bumaba sa staircase si Andrea,napakaganda nya sa red gown nya na kakulay ng wine,kumaway ako sa kanya ng makita nya ako. Naoverwhelmed ako sa mga tao kaya pumunta ako sa may sulok para kumuha ng makakain at inumin,abala ako sa pagpili ng pagkain ng may boses ng lalaki at babae akong naririnig na parang nagtatalo sa may sulok. Naagaw niyon ang atensyon ko at ewan ko ba kung bakit unti unti akong humakbang papalapit dito,siguro ay nacucurious ako dahil parang pamilyar ang boses ng lalaki na naririnig ko,nang makalapit ako ay halos mabitawan ko ang hawak kong plato sa nasaksihan ko,naghahalikan sila,hindi ko rin alam pero parang napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko at hindi ako makagalaw. Hindi ko maaninag ang kanilang muka dahil madilim sa bandang yon tanging mga suot lang nila ang nakita ko at ang hawak ng lalaki na mask. Nagulat ako at napatalikod ng makita ako ng lalaki na nakatingin sa kanila. Halos matisod ako dahil sa pagmamadali ko na makalayo. Sa dinami dami ng lugar don pa talaga nila napiling maglandian. Agad kong nakalimutan ang nakita ko dahil naaliw ako sa program at mga pagkain,makailang beses ding lumapit sa akin si Andrea para siguraduhin na ok lang ako. Mayat maya rin akong lumilingon sa paligid sa pagbabakasakaling makita ko si Dylan,hanggang sa mahagip ng paningin ko ang isang lalaki na nakaupo sa VIP table,nakatitig ito sa pwesto ko,lumingon ako sa likuran ko pero wala namang ibang tao at wala rin akong katabi sa table dahil halos lahat ay sumasayaw. Muli kong binaling ang tingin sa lalaking nakaupo sa VIP,nakatingin parin ito sa akin,ano kayang problema nya. Saka ko naalala yung mask na suot nya,at yung hawak na mask nung lalaki na nakikipaghalikan kanina ay iisa. Nanlaki ang mga mata ko at halos hindi ko alam kung saan ko ibabaling,tumayo na lamang ako at kunwaring kukuha ng pagkain,pero hindi ko inaasahan na lalapit sya sa akin. "Hi" maiksi nitong sambit,ngumiti lang ako ng bahagya at may pagaalangan saka naglakad muli palayo sa kanya,ngunit sinundan nya kong muli. "Hi,can we dance?" inilahad nya ang kanyang kamay at naghihintay na abutin ko,napatingin ako sa kanya at hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko,pero may kakaiba sa nararamdaman ko,bakit parang pamilyar ang boses ng lalaking ito sa akin,pumayag ako na isayaw nya ako. Habang sumasayaw ay nakatitig lamang sya sa akin,ako naman ay hindi malaman kung saan ibabaling ang tingin, "Ahm,hindi ko sinasadya,actually napadaan lang naman tlaga ako,di ko alam na may tao don."mabilis kong sambit habang nakatitig lang sya sa akin at walang reaksyon. "Ah,naalala ko na,alam ko na,ikaw yung nagtatrabaho sa cafe diba,kaya pala pamilyar ka" Sambit nito,napakunot naman ang aking noo at pinipilit na intindihin ang mga sinabi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD