Episode 4

2060 Words
May mangilan ngilan akong nakikita na mga empleyado na nakatingin sa akin, at tila ba mga nagbubulungan, hindi ko nalang iyon ininda at sumunod nalang kay Ms. Karen sa loob ng office nya. Umupo ako sa harapan ni Ms Karen,"Ahm, Ms Karen kayo po ba ang magiinterview sa akin?" tanong ko. "Actually, president wants to do the interview, this is a urgent hiring kaya gusto nyang sya ang maginterview sa mga applicant." Tugon nito habang parang may hinahanap na papers sa mga nakapatong sa lamesa nya. "Ok po." Maiksi kong sagot, habang iniikot ko ang paningin sa paligid ay saka ko naalala kung sino ang president na tinutukoy nito, wag nyang sabihing si Sir Dylan ang magiinterview sa akin? Agad akong namutla at lalong kinabahan. Tumayo si Ms. Karen ng makita nya ang hinahanap nya "Lets go?" Sambit nito agad naman akong sumunod dito. "Nasa 58 floor ang office ni President,at dun rin ang office mo,may kasama ka naman si Ms. Ella,sya ang magiging assistant mo,kapag may mga kailangan ka sabihan mo lang sya." Sambit nito habang nasa elevator kame. "Ok po Ms karen." Sagot ko,nang lumabas kame sa elevator sinalubong kame ni Ella,maganda sya,muka ring mabait at bata pa siguro ay halos kasing edad ko lang sya,"good afternoon ms Karen."bungad nito sa amin,nginitian nya ako at kumaway sa akin,jolly syang tao at pakiramdam ko ay magkakasundo kame. "Nandyan na ba si Mr. President?"tanong ni Ms. Karen habang nakatingin kay Ella. "Yes po,kanina pa sya naghihintay."tugon nito. Inikot ko ang buong paningin ko simula pa lang nung tumungtong kame sa 58th floor, there's a 2 table behind the elevator,isa kay Ella at siguro yung isa ay para sa magiging sekretarya,malinis at malawak ang tables at ang ganda rin ng view from the glass wall sa di kalayuan may isa pang elevator, ah. Yun siguro yung elevator na sinasakyan ng president,madalas akong makakita ng mga ganon kapag nagdedeliver ako ng coffee sa mga highend buildings malapit sa cafe. Pumukaw sa atensyon ko ang isang pinto,marahil ay ito na ang office ni Dylan. Sandali kong nalimutan ang kaba ko dahil nabaling ang atensyon ko sa ganda ng opisina pero nang nasa harapan na kame ng office ng president ay halos tumalon nanaman ang puso ko sa kaba lalo na at alam ko kung sino ang nandon sa loob. Kumatok si Ms Karen bago pumasok,isa namang boses ng lalaki ang narinig namin na nagpahintulot sa amin para tumuloy. Kung gaano kaganda ang mga nakita ko ay,mas doble pa ang ganda ng opisina ng president,mukang mamahalin ang mga furnitures at high tech ang mga gamit. "Mr. President,nandito na po si Ms Sandoval."tumayo ako ng tuwid ng marinig ko ang pagsambit ni Ms karen sa pangalan ko,nanliit ang mga mata ko dahil hindi ko maaninag kung sino ang nakaupo sa harap namin dahil narin sa linawag na nanggagaling sa labas,tumayo ang lalaki at humarap sa amin. Napaawang ng bahagya ang aking bibig ng makita ang isang napakagwapong muka,muli kong naramdaman ang pagkaba ng aking dibdib gaya nung unang beses ko sya makita sa cafe. "You may go Ms.Karen,ms Sandoval have a seat."nakangiti at buo nitong boses na lalong nagpatulala sa akin,bumalik ako sa ulirat ng dumaan si Ms karen at binulungan ako ng "goodluck." Sa puntong iyon,bigla akong natakot at namutla,isa ba yong babala? Umupo ako sa upuan na nasa harap ni Dylan. Hindi ako halos makatingin sa kanya dahil nakatitig lang sya sa akin,dapat ba akong magsalita?anong sasabihin ko? Ngumiti ito at binaling ang tingin sa resume na nilapag kanina ni Ms Karen sa table nya. "Are you nervous?" Tanong nito habang nakatingin sa akin. Sino ba naman ang hindi ninerbyosen,jusko. Muli nanamang bumilis ang t***k ng puso ko at hindi ako mapalagay sa mga titig nya na yon. "Did you meet your assistant? Sabihan mo lang sya kapag may hindi ka naiintindihan dito sa office,maaasahan yan si Ella."dugtong nito. "Here's the company portfolio,pagaralan mong maigi para mabilis kang makapagadjust dito sa office,at kailangan mong sumama sa akin sa lahat ng meetings ko,si Ms. Karen na ang magpapaliwanag sayo ng iba pa."sambit nito. Inabot ko ang portfolio na,binigay nya at tiningnan iyon ng bahagya Bago nagsalita. "Mr. President,ibig po bang sabihin tanggap nako?"nagaalangan kong sambit. Ngumiti lang ito at inabot ang isa nyang kamay para makipagshake hands."Welcome to Montenegro Enterprises"sambit nito,nagulat ako dahil hindi naman iyon ang inaasahan ko,akala ko ay kailangan ko pang dumaan sa interview pero laking tuwa ko rin dahil may trabaho na ako,inabot ko ang kamay nito,nagsimula namang mangamatis ang mga pisngi ko ng mahawakan ko ang kamay ni Dylan,napakalambot niyon at naiwan pa ang mabango nitong amoy sa kamay ko. Makaraan ng ilang araw,naging abala ako sa trabaho,marami akong papers na inaayos at mga proposals na sa akin pinaparevise ni Ms. Karen,mabait naman si Ella,lagi syang nagbibiro at masayahin kaya nageenjoy ako sa trabaho. Malimit ko namang makita si Dylan sa office nya,madalas syang nasa labas o di kaya ay nasa loob lang ng office at maghapong hindi lalabas,makikita ko lang sya saglit kapag nagpapakuha sya ng coffee o kaya may kailangan syang mga papel at ibibigay ko naman sa kanya. Bigla akong nalungkot sa parteng yon,magkasama nga kame sa office pero hindi ko naman sya laging nakikita. Ibang kaba at nerbyos ang nararamdaman ko kapag nanjan sya,mas lalo akong ginagahanan pumasok lalo na kapag naiisip kong makikita kong muli ang muka nya. Isang araw,habang abala ako sa computer. Bumukas ang elevator na ginagamit ng President,agad akong tumayo at lumiwanag ang muka ko sa pagaakalang si Dylan na iyon,dumilim ang muka ko nang isang maputing babae na mahaba ang buhok at nakadress na halos makita na ang kaluluwa ang iniluwal nito,nakangisi pa sya habang papalapit sa amin ni Ella,nagkatinginan naman kameng dalawa at napaawang ang bibig ni Ella na para bang naaasiwa sa babaeng papalapit sa kanya. "Nanjan na ba si Dylan?" tanong nito na may maarteng boses, sumagot naman si Ella dahil sa kanya ito nakatingin. "Wala pa po Ms. Ryna"sambit ng dalaga. Kilala nya ito marahil ay matagal na syang nagpupunta dito kaya nakilala na sya kaagad ni Ella. "Ok,i'll wait inside his office,please give me some juice. Thanks"muli nitong sambit. Papunta na sana sya sa office ni Dylan ng bumaling ang tingin nito sa akin. "You must be the new secretary."nakataas ang kilay nitong sambit,habang tinitingnan ako ulo hanggang paa,ako naman ay tumango sa kanya at nagpakilala. "Im Irene Sandoval."tugon ko. "Im Ryna,Girlfriend of Dylan. Cge,go back to work,don't forget my juice."sambit nito sabay talikod at naglakad na papasok ng office ni Dylan. Ako naman ay napako sa pagkakatayo at napanganga pa sa nangyare,may girlfriend na pala sya? Mabilis na nagbago ang ekspresyon ng muka ko,ngayon ay hindi na maipinta. Lumapit sa akin si Ella. "Ganun talaga yon,masanay kana kase madalas yang pumunta dito,minsan pa nga lumalabas yan sa loob ng office ni Mr. President na iba na ang damit nya,alam mo na,siguro dahil sa sobrang busy ni Mr president kaya di na sila nakakapaghotel at jan nalang nila sa office ginagawa."sambit nito,agad syang pumunta sa pantry. Naiwan naman akong nakatulala sa kawalan. Parang may kung anong masakit sa akin ng malaman kong may girlfriend na si Dylan at marinig ang kwento ni Ella. Ilang saglit lang ay muling nagbukas ang elevator at isang napakagwapong lalaki ang lumabas dito,napakatikas ng kanyang katawan sa suot nitong amerikana,halata rin ang build ng mga braso at balikat nito. Napakagwapo ni Dylan kahit saan mang anggulo,kaya hindi nako magtataka kung hindi makapagpigil ang girlfriend nya sa kanya. Sandali syang lumapit ng bahagya at nakatitig sa akin, "Ms. Sandoval,are you ok?" Nang makita nyang nakatulala ako sa kanya. Nakakahiya ka Irene! Kung anu anong pinagiisip mo! "Ah,yes Mr. President. May bisita nga po pala kayo."sambit ko. Kumunot naman ang noo nito at nagbago ng bahagya ang ekspresyon ng muka. "Sino?"tanong nito. "Si Ms.Ryna po,yung girlfriend nyo."Aminado ako pinagdiinan ko ang salitang 'girlfriend' hindi ko alam kung bakit,siguro dahil nagseselos ako,oo selos ang nararamdaman ko. Ngumisi lang sya ng bahagya saka dumeretso na sa office sya,narinig ko pa ang paglock nito ng pinto. Umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo ko,halos maputol ko pa ang ballpen na mahigpit kong hawak,hindi ko namalayan na nasa gilid ko na pala si Ella at nakatingin sa akin. "Ok ka lang ba Ms. Irene?" Tanong nito ng makita ang inis sa muka ko. Tumango lang ako bilang pag 'oo' at saka umupo na at pinagpatuloy ang ginagawa ko. Buong araw silang hindi lumabas ng office na yon,hindi ko alam kung anong ginagawa nila sa loob at buong maghapon silang nandon,buong maghapon rin akong hindi makapag focus sa ginagawa ko. Naunang umuwe si Ella kesa sa akin,dahil nasa office pa si Mr president ay hindi pako pwedeng umuwi hanggat hindi nya sinasabi,kaya tinapos ko nalang ang trabaho na dapat ay bukas ko pa gagawin. 6 pm na nang bumukas ang pinto ng office nito,naunas lumabas ang babae na halos abot tenga ang ngiti habang nakatingin kay Dylan,ang dalawang to. Hindi ko alam pero naiinis akong makita silang nagngingitian sa isat isa. "Call me ok?" Sambit nito saka humalik pa sa pisngi ni Dylan sa mismong harapan ko! Nananadya ba talaga sila? O wala lang talaga silang pakealam sa paligid nila. Nakangisi lang si Dylan habang sinusundan ito ng tingin papasok ng elevator ng magsara ito ay bumaling ang tingin nya sa akin kaya agad kong nilipat ang paningin ko sa computer na nasa harapan ko,muling bumiliscang t***k ng puso ko ng makita ko sa gilid ng aking mata na nakatayo parin sya doon at nakatitig sa akin. Pinilit kong hindi sya muling sulyapan ngunit hindi ko napigilan,muli ko syang tiningnan at tumayo sa kinauupuan ko. "You're still here?"sambit nito habang nakapasok ang dalawang kamay sa bulsa nya. "Yes Mr. President."sagot ko. Tumango lang sya at naglakad ng bahagya papalapit sa akin,lalong naghurementado ang puso ko sa kaba at napauwang pa ng kaunti ang aking labi ng makita sya ng malapitan. "Let's eat,Im hungry." Napakakaswal nya lang iyong sinabi, pero iba ang pumasok sa isip ko,iba ang tumakbo at rumehistro dito,agad na namula ang mga pisngi ko at halos hindi makatingin sa kanya ng tuwid.Hindi na nya hinintay pa ang sagot ko at naglakad na sya patungo sa office nito,maya maya lang ay lumabas din sya dala ang bag nya. "Lets go."sambit nito. Nauna syang sumakay ng elevator at nasa likod nya naman ako,tahimik lang ako habang nasa loob ng elevator,dahil nauna syang pumasok kaya nasa likuran ko na sya ngayon,nakaramdam ako ng pagkailang ramdam ko kasing nakatitig nanaman sya sa akin,kaya umatras ako ng konti at ngayon ay magkapantay na kame,nakapaloob ang dalawang kamay nya sa bulsa nya at nakikita ko pang ngumingisi ngisi sya,ako naman ay sobrang kinakabahan na hindi mo maintindihan,di ko rin alam bakit ganon nalang lagi ang nararamdaman ko kapag nasa tabi o harap ko sya. "Are you nervous?"Baritonong sambit nito habang nakatingin sa akin. Humarap lang ako sa kanya at alangan na ngumiti. Halos tumalon ako sa pagkagulat ganun din ang puso ko ng lumipat sya sa harapan ko,sobrang lapit ng muka nya sa akin at titig na titig sya,ako naman ay hindi malaman kung saan ko ipapaling ang paningin,nakayuko ako dahil ayokong makita nya na nangangamatis ang muka ko sa sobrang kaba at kilig na nararamdaman ko. "Do you like me Ms Sandoval?" sambit nito habang nakangiti ng bahagya na para bang basang basa nya ang laman ng puso ko. "H-ha?H-hindi po sir." Utal utal kong sambit at noon ay nakatingin parin sa sahig. Hinawakan nya ang baba ko at tinaas ang muka ko dahilan para mapatingin ako sa kanya nanghihina ako sa mga titig nya halos maubos ang natitirang enerhiya ko sa buong katawan,hindi ako makatingin ng deretcho sa kanya. "Really?"sambit nito. "Y-yes,w-wala akong gusto sa inyo sir..i mean Mr President."Utal ko paring sambit. Binitawan nya ang baba ko saka humarap sa pinto ng elevator at hindi na nagsalita pa. Doon ay medyo nakahinga ako ng maluwag,ngunit tumatumbling parin ang puso ko sa sobrang kaba. "Hows your work?"Tanong nito habang nakapako ang tingin sa kalsada at nagdadrive. Lumingon ako sa kanya at saka sumagot "Ok naman po Mr. President,nakakapagadjust nako kahit papano. Thank you."marahan kong sambit,sandaling katahimikan ang nangibabaw sa aming dalawa. Muli akong sumulyap sa kanya napakagwapo ng muka nito,ang ganda rin ng boses nito. Si Dylan ang tipo ng lalaki na magugustuhan ng kahit na sinong babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD