“Irene.” Baritonong boses ng isang lalaki. Napalingon ako sa lalaking papalapit sa akin habang hawak ang dalawang baso ng wine. Ngumiti ako ng Makita ko si Troy. Napaawang pa ang labi ko, nakalimutan ko sya, marahil ay kanina pa ako hinahanap nito. “Kadarating mo lang ba? Ngayon lang kita nakita.” Sambit nito nang makalapit sa akin. Sabay abot ng isang baso ng wine. “Thank you, kausap ko kasi si Mrs. Zhuo kanina, hindi na kita natawagan.” Tugon ko sabay abot ng wine. “It’s okay, by the way. You look gorgeous tonight.” Sambit nito, napangiti naman ako at saka sumagot. “Thank you.” Tinaas nya ang wine glass na hawak at nakipag-cheers sa akin, saka sabay naming ininom ang laman nito. Nang matikman ko ang wine ay tiningnan ko si Troy. “Gawa rin bang company nyo ito?” Sambit ko. “Y

