Chapter 1 kailan nga ba ito nagsimula
Nagsimula ang Lahat Nung mag decide sila Mama at Papa pumunta sa America upang magtrabaho roon kaya naman napagdesisyunan nila kaming iwan kay lola.
Iyon yung mga oras na nakilala ni Kuya si Raven unang araw palang ay nagkapalagayan na agad sila ng loob Nag aaral kami sa iisang eskwelahan , nasanay nako andyan palagi si Raven saamin or si kuya naman ang nasa kanila Noon ay hindi ko sila pinagtutuunan ng pansin dahil wala pa noon sa isip ko ang magkaron ng crush at masyado pa akong bata at hindi na iba saamin si Raven . Hanggang sa isang araw ako ay tumuntong na ng grade 6 ng elementarya at sila naman ni kuya ay senior highschool na . Nagpaalam si Raven at kuya na dito ulit sya matutulog saamin dahil meron daw silang tinatapos na proyekto at kelangan na daw nila agad itong matapos.
Iritang irita ako kasi ang kwarto ni kuya ay katabi lang ng aking kwarto napaka ingay nila at dinig na dinig ko ang tunog ng ps4 na nilalaro nila habang nagtatawanan hindi ko alam kung totoo bang my proyekto sila tinatapos o isa na naman dahilan ito para makapag hang out ulit sila ni kuya
12am na ng madaling araw at ang ingay nila ay di parin nawawala ang lakas ng mga tawanan nila hindi ako makatulog kaya bumaba ako sa kusina para kumuha ng makakain at gatas para tulungan ako makatulog . Sa kasamaang palad hindi ko makita kung saan nilagay ni lola ang cookies na bake nya kaninang umaga dahil ako ay hndi katangkaran at kumuha ako ng silya para tungtungan at abutin ang mga cabinet ng kusina maya-maya nakita ko na ang cookies na ginawa ni lola pababa nako ng bigla ako mawala sa balanse at mahuhulog na sana ako pero naramdaman ko ang pagsalo sa akin naramdaman ko ang braso ni Raven nagulat ako dahil nandun sya . Iyon ang unang pagkakataon na makita ko sya ng malapitan nakita ko ang mga mata nya na kulay kape (brown) Pagtapos ay naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko para bang tumigil ang oras sa mga segundo na iyon hindi pa sana ako matatauhan dahil hawak hawak parin nya ako ng bigla syang magsalita kung okay lang ba ako ?
Raven: okay ka lang ba ? Ano ba ang ginagawa mo at muntikan kana mahulog ?
Ariana : ah! Eh! hinanap ko kasi ung gawa ni lola cookies bigla ako nagutom e salamat ah (nanginginig pang tugon ko kay Raven )
Papunta na sya sa ref para kumuha ng malamig na tubig at ininom sabay ,Ako naman ay tumakbo ng napakabilis papuntang kwarto .Hindi parin ako makapaniwala sa naramdaman ko kanina habang hawak ako ni Raven naisip ko kung bakit ba ngayon ko lang napansin ang napaka gwapo at amo nyang muka bata palang kami ay magkakasama na kami wala ako pakialam sa knila ni kuya halos sabaysabay kami kumain naglalaro sila palagi ni kuya dati rati sa bahay pero ni minsan hindi ko sya natitigan ng ganon katagal .
Hindi ako gaano nakatulog dahil sa mga naiisip ko kagabi 1st time kong humanga sa isang lalaki ngayon nga ay umaga na at papasok na ulit kami sa eskwelahan sabay sabay kami lumabas para sumakay sa school bus na nag aantay sa tapat ng bahay namin . Nagtabi ng upuan sila kuya at Raven habang ako ay nakaupo sa likuran nila nakita ko silang dalawa na nag- aasaran dahil andyan ang nililigawan ni Raven na si Rina . Si Rina ay isang 4th year highschool maganda ,maputi sexy at napakatalento magaling din sya sa akademya. Kaya halos lahat ng lalaki ng nabibighani sa kanya.
Nakarating na kami sa eskwelahan at maghihiwalay na dahil ako ay grade 6 palang at sila ay 4thyr highschool na iba ang kwarto ko sa kanila pero bago man ako makahiwalay sa kanila narinig kong tinawag ni Raven si Rina ,
Raven: Rina pwede ba tayong mag usap mamaya bago matapos ang lunchbreak naten akyat tayo sa rooftop .
Hindi ko na narinig ang sagot ni Rina kay raven pero medyo nalungkot ako sa mga narinig ko. At lumipas nga ang mga oras ay dumating na ang lunchbreak papunta sana ako ng library dahil hindi ko pa nararamdaman ang gutom kaya naisip ko magbasa ng libro ngunit bago pa man ako makapasok sa pinto nakita ko si Raven at Rina na magkasama paakyat sa rooftop . Kanina pako nagbabasa pero parang walang pumapasok sa utak ko hindi ko maalis sa isip ko ang nakita ko kanina iniisip ko kung bakit kailangan pa nila sa rooftop mag usap hindi matigil ang isip ko sa kakaisip sa kanilang dalawa natapos na nga ang break ng wala ako nakain at wala din laman ang utak ko parang hindi din ako nagbasa dahil hindi ko din naintindihan ang mga librong binabasa ko kanina
3pm na at pauwi na kami sa ulit natapos na ang klase inaayos ko na ang mga gamit ko upang makauwi ng tinawag ako ni Rachel kaklase ko
Rachel : ariana aatend kaba bukas sa Earthday Event ng ating school?
Ariana: salamat sa pag papa-alala pero mukhang hindi ako makakasama gusto ko mag aral mabuti at magfocus sa pagrereview sa darating na exam natin gusto ko kasi makakuha ng scholarship sa highschool upang mabawasan ang intindihin nila mama at papa sa bayarin gusto ko sila maging proud saakin .
Rachel: grabe ka naman ariana isang gabi lang naman yun at hindi yun magdamag hindi kakainin ang buong gabi mo kung aatend ka sa party at isa pa maraming juniors at seniors ang naroroon maraming pogi sa senior gusto ko sila makita lahat na naka suit palalagpasin mo ba ang pagkakataon na to?
Ariana: pag iisipan ko rachel pero hindi talaga ako naghanda para bukas kaya wala din ako isusuot kaya malamang talaga ay mag aaral nalang ako bukas.