Maaga ako nagising agad akong sumilip kung nakauwi na ba si kuya ngunit wala pa din tao sa kwarto nya halos di nagalaw ang bedsheet at maayos na maayos ang mga unan. Sunod na tinahak ko ang guest room at kumatok ng tatlong beses nung wala padin sumasagot saka ko binuksan ang pinto nakita ko si Raven na mahimbing padin ang pagtulog malamang masakit pa ang ulo neto mamaya pag gising ako naman ay bumaba at nagluto ng makakain ko sa agahan nagprito ako ng itlog at ham at tinusta ang aking tinapay. Pagtapos ay nagcheck ako ng ref kung ano ano ang pwedeng mailuto ko mamaya para sa kanila alam kong may hang over parehas at mas maganda kung may sabaw ang lulutuin ko pananghalian nila dahil wala ng laman ang ref ay dali dali ako umakyat saakin kwarto upang makaligo paalis na sana ako papuntang palengke ng narinig ko ang nagriring na cellphone at nanggangaling ito sa kwarto kung asan si Raven . Dali dali ako nagpunta sa kwarto ni Raven ng makita ko ang phone nya sa bulsa ay hinugot ko eto kaagad dahil baka nag aalala na sa kanya si tita madel naalala ko kasing hindi ko pala nasabi na andito sya saamin pagtingin ko sa phone nya si rina ang tumatawag,
Ariana: hello ah rina ako to yung kapatid ni jerome kung naalala mo ako na ang sumagot dahil tulog na tulog pa si raven . Kala ko kasi si tita madel na ang natawag kaya pinakelamanan ko muna
Rina: asan sya?
Ariana: andito sa bahay namin inuwi sya kagabi ni kuya lasing na lasing e .
Rina: puntahan ko sya jan okay lang ?
Ariana : oo naman tamang tama at mamimili kasi ako hintayin muna kita bago ako lumabas.
Rina : sige sige papunta nako
Mga 20minuto ang nakalipas ay dumating nga si Rina .
Ariana: andun sya sa taas leftside sa dulo mamimili muna ako ng lulutuin para makakain tayo ng tanghalian
Rina: salamat ah sige puntahan ko muna sya wala ka bang kasama ? Si kuya jerome mo asan?
Ariana : ah eh lumabas si kuya saglit pinuntahan lang yung girlfriend nya (pagsisinungaling ko dahil ayaw ko ng mag isip pa ng kung ano si Rina)
Paglabas ko ng bahay ay agad kong tinawagan si kuya jerome mabuti nalang at sumagot ito kaagad ..
Ariana: kuya si rina nasa bahay pauwi ka na ba?
Jerome: oo kakagising ko lang mag ayos nako para makauwi na dyan
Ariana: ang sabi ko kay Rina sa bahay ka natulog ah pumunta ka lng sa girlfriend mo kaya wala ka baka kasi mag isip ng kung ano kuya at lalo pa silang mag away.
Jerome: okay sige papunta nako
Natapos nadin ako mamili pag uwi ko ay andyan nadin si kuya jerome sa sala at nanunuod ng tv habang ang dalawa ay mukang nasa guest room padin . Nagluluto ako ngayon ng bulalo para sa hang over ng dalawa mahigit 4 na oras dahil mahigit 1pm nako natapos ng maluto eto buti nalang at walang nagrereklamo gutom na sila
Tinawag ko na si kuya na syang naliligo sa kanyang kwarto papunta nako sa kwarto nila raven hindi ko alam at bakit d nako kumatok at binuksan ang pinto ng mamataan ko ang dalawa magkahalikan nagulat ako sa mga nakita at medyo kumirot na naman ang dibdib ko akala ko ba okay nako at wala nakong pagtingin kay Raven ? Tila nakita ako ni Raven at nagkalas agad ang kanilang mga labi
Raven: Ariana?
Agad akong nagkamalay ng tawagin nya ko sakin pangalan
Ariana; ah! Eh! Sorry hindi ko sinasadyang makita tatawagin ko lang sana kayo para kumain sorry talaga at tumatakbo ako pababa pagtapos kong sabihin ang mga yun .
Tila nawalan ako ng gana kumain nakita ako ni kuya na parang wala sa sarili at umupo ng mesa
Jerome: oh rina ano natawag mo na ba sila? Ano nanyari at parang nakakita ka ng multo?
Ariana: oo kuya pababa na sila
Bumaba na nga ang dalawa mukang okay na ulit sila dahil halata sa ngiti at mata ni Raven di ako makatingin sa kanila dahil parang nawalan ako ng gana nag paalam ako kay kuya na aakyat muna ng kwarto.
Ariana: mauna na kayong kumain bigla sumama ang pakiramdam ko magpapahinga muna ako sa kwarto.
Nasa kwarto ako at nag iisip kailangan ko na ata magkaboyfriend para matigil ang kahibangan ko kay Raven .
Kumatok si kuya bandang 5pm paalis ndaw si Rina at Raven pero di ako sumagot kahit na gising pa naman talaga ako ..
Gabi na ng lumabas ako ng kwarto ko pero di padin ako nakakaramdam ng gutom si kuya ay sinalubong ako sa hagdan .
Jerome: mahal ko kapatid eto na yung pangako kong cheesecake salamat sa pag aalaga kay Raven at pagluluto ng masarap na tanghalian ,
Ariana : mahal na kapatid ah. Tss.!! Baka mahal na kapatid na Raven mas muka pa kayong magkapatid e nakahanap pa kayo ng alalay nyo tsk!
Jerome: oh wag ka na magalit kaya nga eto na nga yung cheesecake mo oh.
Nakita ko si Raven na galing sa banyo
Takang nag iisip ako hindi ko naman matanong akala ko kasi ay sabay sila umuwi ni Rina baka hinatid lang ang kanyang girlfriend !