CHAPTER 6

2352 Words
CIRLYN KAKAALIS lang namin ni Mary Grace ng Hotel Trevino. Pagkatapos nang ginawa naming food tasting sa Century Grill at ma-finalize ang mga pagkain na ise-serve para sa event namin ay agad na rin kaming umalis doon para bumalik ng opisina. Pero bago pa iyon ay kinausap ko pa muna si Chef Lorkan. Humingi ako ng paumanhin dahil sa mga inasal ni Mary Grace. Sa totoo lang ay hiyang-hiya ako sa pinag-gagawa nito. Parang nagsisisi tuloy akong isinama ko pa ito.  Alam ko namang wala talagang hiya-hiya ang kaibigan kong ito pero this time kasi parang sumobra na yata ang kapal ng mukha. At sobra talaga akong nahihiya dahil do'n. Hindi ko tuloy alam kung anong iniisip ni Chef Lorkan. Pero ang sabi naman nito ay ayos lang daw iyon. Walang kaso sa kanya. Nakakatuwa nga raw si Mary Grace aniya pa. Pero para sa akin ay hindi talaga nakakatuwa iyon. Sobrang nakakahiya iyon. Wala na sa lugar at napaka-unprofessional. Lulan na kaming dalawa ni Mary Grace ng taxi para bumalik ng opisina. Magkatabi kaming dalawa na nakaupo sa likuran. Tahimik lang ako. Samantalang ito ay kanina pang panay salita pero hindi ko iniintindi. Sobra pa rin kasi akong disappointed dito. Hindi naman iyon ang unang beses na sinama ko siya pero ewan ko ba at kung anong nangyare at umabot ito sa gano'n.  "Ang bait talaga ni Chef Lorkan, no? May pa-take out pa tayo ng mga niluto niya," aniya na halatang tuwang-tuwa dahil sa mga naiuwing mga pagkain. Pero sa halip na tumugon ako sa sinabi nito ay hindi ako umimik. Wala talaga ako sa mood na kausapin ito.  "Hoy, Girl! Ayos ka lang ba?" tanong nito. "Kanina ka pang hindi nagsasalita diyan. Daldal ako nang daldal dito pero parang wala akong kausap." "'Wag mo muna akong kausapin," sabi ko sa kanya.  "Bakit ba? Galit ka ba dahil sa ginawa ko? Ayaw mo no'n may libre na tayong ulam mamaya." Napilitan akong tignan ito. "Sobrang nakakahiya ang pinaggagawa mo, Girl, kanina. Alam mo ba 'yon, ha? Grabe! Hindi ko lubos maisip na gano'n na kakapal ang mukha mo." "Ouch! Girl, kilala mo naman ako. Makapal na talaga ang mukha ko. Wala na talaga akong hiya. Dapat pa nga pasalamat ka, kung hindi dahil sa akin hindi tayo mabubusog do'n." "So? Utang na loob ko pa pala? Gano'n? Nakalimutan mong dalhin ang cellphone mo pero naalala mo pa talagang magbitbit ng lagayan. Ang tindi mo!" "May pagka-girl scout lang ako, Girl. Always ready. Saka ano bang ikinagagalit mo diyan? Eh, sabi naman ni Chef Lorkan ay ayos lang naman daw. Siya rin naman ang nag-alok sa atin kung gusto nating mag-take out 'di ba?" "Oo. Alam ko. Siya nga ang nag-alok pero sana man lang nagkaroon ka naman ng kahit konting hiya kahit na wala ka naman no'n. Ano na lamang ang iisipin niya. Do'n pa nga lang sa nanghingi ka ng kanin sobrang nakakahiya na tapos bigla ka pang naglabas ng lagayan. Ano 'yon?" "Advance lang ako mag-isip." Parang gusto kong sabunutan ito sa mga rason nito. Nakakapikon sa totoo lang.  "Mukha rin namang mabait si Chef, eh. Maiintindihan naman niya iyon." "Sana lang nga. Parang hindi ko na alam kung paano ko pa siya haharapin sa susunod. Parang wala na akong mukhang ihaharap pa sa kanya dahil sa 'yo." "Grabe ka naman. Parang ang laki ng kasalanan na nagawa ko." "Malaki talaga. Sobrang nakakahiya." "Kung nagi-guilty ka dahil sa ginawa ko. Pwes! Wala na akong magagawa pa roon. Isipin mo na lang na maswerte tayo ngayon at dahil iyon sa akin," ani Mary Grace.  Napabuntong hininga na lamang ako. "Ewan ko sa 'yo," nasabi ko na lamang.  Mukhang ako lang talaga ang apektado sa mga nangyare kanina pero samantalang ito parang wala lang dito. Chill-chill lang ang loka. Balewala lang sa kanya ang mga pinaggagawa nito. Na para bang achievement at proud pa ito dahil do'n.  "Pero infairness naman, aminin natin, ang pogi at ang yummy rin ni Chef Lorkan. Parang katulad ng mga niluto nito. Masarap. Seasoned well. Complete package na 'di ba?" muling saad ni Mary Grace. Hindi ako sumagot sa sinabi nito. Pero nagulat pa ako nang bigla niya akong siniko.  "Ano ba?!" reaksyon ko.  "Narinig mo ba ang sinabi ko?" tanong nito. "Oo. Narinig ko." "Narinig mo naman pala pero wala ka man lang reaksyon diyan. So, ano nga?" "Ano nga ang alin?" "Kung agree ka do'n sa sinabi ko tungkol kay Chef Lorkan," aniya. "Na pogi at yummy si Chef?" "Aha!" "Well, tama ka naman diyan. Package deal nga siya sabi mo." Bigla kong naalala muli ang una naming pagkikita no'ng nakaraan ni Chef Lorkan. Ayoko namang maging ipokrita at sasabihin kong hindi ako na-pogi-an sa kanya. Kitang-kita at wala namang duda na magandang lalaki ito plus magaling din itong chef at restaurant owner. Napaka-professional din at madali ring kausap. Siya ang pinakamabilis kong naging transaksyon sa lahat. Hindi na ako pinahirapan ng husto. At mabilis na umoo agad.  Dagdagan pang may pagka-concern at may pagka-gentleman pa ito no'ng ito pa mismo ang naglagay ng band-aid sa paa kong may paltos. Kung tutuusin ay hindi naman nito kailangang gawin iyon. Kaya ko namang gawin but he insisted. After no'n ay binigyan niya pa ako ng extrang band-aid. Just in case na kailangan ko raw ulit. At sa totoo lang, aamininin ko medyo kinilig naman ako ro'n deep inside. Pero siyempre hindi ko lang pinahalata. Gusto ko pa rin na maging okay sa harap nito. Pinilit ko pa rin ang sarili kong maging compose kahit na iba ang pakiramdam ko no'ng time na iyon. Ayokong mahalata nito.  "'Di ba? Single pa kaya siya?" natanong ni Mary Grace.  "'Wag mo sabihin type mo siya?" "Pasok naman siya sa standards ko pero..." At pinutol nito ang sasabihin. Talagang nambitin pa.  "Wow, ha? Maganda ka?" "Hindi!" "May pa pero-pero ka pang nalalaman diyan. Parang sobrang taas naman yata ng standard mo kung hindi pa siya pumasa sa 'yo. 'Wag maging ambisyosa, Girl." "Fine!  "Dapat lang. Umasta nang naaayon sa ganda, ano." "Oo na. Gusto ko lang naman sabihin na mas bet ko 'yong si Evander na nakasabay natin sa elevator," aniya na napapangiti pa. Halatang naalala nito ang lalaki at ang kalandian nito.  "Ah, 'yong minamanyak mo 'yong kamay?" "Grabe ka talaga sa akin, no? Manyak agad?" "Hoy! Parang hindi ko nakita kung paano mo himas-himasin 'yong kamay niya no'ng magkahawak kayo." "Parang tuwang-tuwa pa nga siya sa ginagawa ko, eh. Epal ka lang talaga." "Ang sabihin malandi ka talaga. Kung hindi pa kita kinurot para tumigil baka wala ka nang plano na bitawan pa ang kamay niya." "Wala talaga. Hays! Sana makita ko ulit siya sa convention natin," aniya. "Sa tingin ko kasi mukhang siya na ang soul mate ko. Siya na ang papalit kina Lee Sung Juk at Park Go Bum sa puso ko." At nangarap na nga nang gising ang g*ga. "Alam mo baka gutom ka pa kaya kung anu-ano na 'yang ini-imagine mo. Kain ka ulit do'n sa office pagbalik natin." "Busog na ako, Girl. Masakit na nga rin ang tiyan ko. Mukhang natatae na nga rin ako, eh." "Ano ba 'yan?! Kadiri ka. 'Yan ang napapala ng mga sugapa. Tasting lang, eh. Lumamon ka talaga," paninisi ko sa kanya.  "Manong, pakibilisan niyo naman po ng patakbo ng taxi niyo kung ayaw niyong magkalat ako rito," pakiusap ni Mary Grace sa driver.  Natawa na lamang ako dahil do'n.  "Ma'am, pasensya na po todo na po ito." Dinig kong sagot ng driver. Nakita kong halos hindi na rin maipinta ang mukha ni Mary Grace. Halatang nagpipigil at hindi na maganda ang pakiramdam nito. Natatawa na lamang ako sa halip na maawa rito.  "Sayang-saya, Girl?" nakasimangot nitong sabi sa akin. Halatang nainis na ito.  Pero sa halip na sumagot ako ay tumawa na lamang muli ako. Ang bilis talaga ng karma.  LORKAN ZOMBIE BAR Kinagabihan.  After ng kanya-kanya naming mga trabaho ay nagkasundo at nagkayayaan kami ng mga braders kong sina Kim, Wookie, Evander at Robin na mag-inuman. Medyo naging busy kasi kaming lahat nitong mga nakaraang linggo at wala ng time para makapag-relax. Kaya naman ngayon lang uli kami nagkaroon ng oras na magkakasama. Kaming lima lang muna ngayon dahil naka-bakasyon pa ang iba pa naming mga braders. Pero sinisigurado pa rin naman naming laging updated ang lahat sa nangyayare sa hotel. Medyo nakaka-miss na nga rin na kumpleto kami. Hindi ko na matandaan kung kailan pa ang huli na nabuo kami at andito ang lahat. Iba pa rin kapag magkakasama kami.  "Cheers!" saad ni Wookie sabay itinaas ang bote nitong hawak.  Dahil do'n ay nagkanya-kanyang angat na rin kami ng kanya-kanya naming mga bote para makipag-cheers dito.  "Cheers!" sabay-sabay pa naming tugon at saka pinagtungki ang mga bote. Kasunod niyon ay kanya-kanya na rin kaming lagok ng iniinom na alak.  "Kailan kaya tayo mabubuo ulit?" biglang tanong ni Kim matapos ilapag ang hawak na bote. "Nami-miss ko na rin sina Jiggen, Goemon at Joaquin," dagdag pa niya.  "Oo, nga, eh. Kahit ako rin," sang-ayon din ni Robin.  "Kaya nga. Tapos nadagdagan pa ni Lorenzo Clyde," sabi ko rin sa mga ito.  Kakaalis lang din kasi ni Lorenzo Clyde papuntang Canada para naman dalawin ang mga magulang nito na naroon naka-base. Matagal-tagal din itong mawawala.  "Kaya nga, eh. 'Di bale mga, brad, pasasaan ba't mabubuo rin tayong lahat soon. But for now let's enjoy na muna ng tayo-tayo lang," saad naman ni Wookie para i-cheer up ang mood ng usapan.  "Tama! Tama!" agree rin ni Robin at muling uminom sa bote nito.  "Oo, nga pala, brad," baling sa akin ni Evander. "Anong sadya ng dalawang chika babes na inihatid ko kanina sa restaurant mo?" tanong pa nito.  "Oy! Chika babes!" sabay pang sabi nina Kim at Robin na parang natuwa nang marinig ang sinabi ni Evander.  "Bakit hindi ko alam 'yan?" singit naman Wookie. "Buong araw naman akong nakatambay sa CCTV Room kanina, ah." "Baka naman kasi tutulog-tulog ka. Kaya hindi mo nakita sa monitor." Si Evander uli.  "Hoy!" sita nito. "Hindi ko gawain 'yon, no? Baka sa ibang monitor ako nakatingin kaya hindi ko napansin."  "Siguro nga. Iba lang talaga ang mino-monitor mo," saad ulit ni Evander at saka tumawa.  "G*go!" mura ni Wookie rito at saka sumimangot.  Agad din kaming nagtawanan nina Kim at Robin dahil do'n. Normal at natural na expression na kasi sa aming magbabarkada ang nagmumurahan kaya naman imbes na mapikon ay natatawa na lamang kami. Nasanay na rin naman kami sa gano'n. At hindi na big deal pa sa amin iyon.  "So, ano nga, brad?" pangungulit pa rin ni Evander. "Food tasting," sagot ko rito. Tiyak ko kasing kukulitin pa rin ako ng mga ito kapag hindi ko sinabi.  "Food tasting? As in tikiman?" Si Kim.  "Malamang. Tasting nga 'di ba? May iba pa ba aside ro'n?" sabi ko rito.  "Malay ko ba? Baka rin kasi may eating din." "Meron din. Actually, para 'yon sa event nila dito sa hotel. Ako kasi ang kinuha nilang food provider para mag-serve ng pagkain sa lahat ng participants," paliwanag ko sa mga ito at baka kung ano pang pumasok sa mga utak ng mga ito.  "Ah, okay," ani Evander na mukhang na-gets na nito. "Kaya pala kilala mo na sila." "Yup! I already meet them." "Wait a minute, brad," biglang singit ni Wookie. "'Yong isa ba do'n ay 'yong babaeng nakita ko sa monitor na nagpunta ng resto mo at niluhuran mo last time?"  "Linuhuran? Paanong linuhuran?" curious na tanong ni Kim.  "Malamang luhod. Ano pa?" tugon ni Wookie.  "Bakit? Paano? Bakit siya lumuhod? Kwento naman kayo. Brader, ha?" tukso pa ni Kim sa akin at nginitian ako ng nakakalokong ngiti.  Pero hindi ko pinansin iyon. Hindi ko kailangan mag-explain dito. Napainom na lamang ako sa boteng hawak ko.  "Ay, oo nga, no?" saad muli ni Evander na mukhang naalala na rin. Dahil nga do'n kaya nga rin napasugod pa ito sa opisina ko para lang magtanong at makibalita. "Pero sino ro'n sa dalawa?" aniya pa na parang naguluhan.  "Bahala ka diyan!" sagot ko sa kanya.  "'Yong Mary Grace ba o 'yong Cirlyn?" tanong pa rin nito.  Pero hindi na ako sumagot.  "Parang others naman 'to," sabi nito sa akin. "Pero infairness do'n sa dalawang chika babes, pareho silang maganda." "Talaga?" interesadong saad ni Robin.  "Oo. Pero parang bet ko 'yong Mary Grace mukhang palaban, eh. Iba makahawak," anito.  Medyo nakahinga ako nang maluwag pagkarinig ko sa sinabi ni Evander. Napanatag ang loob ko na malaman iyon. Akala ko kursunada niya rin si Cirlyn. Buti na lang at si Mary Grace ang tipo nito. Magiging karibal ko pa pala siya kapag nagkataon. At hindi ko kayang hayaan iyon. Wala pa kasing nakakaalam sa grupo na interesado ako sa dalaga. Sa ngayon kasi ay hindi pa ako nag-o-open up sa mga ito tungkol dito. Hindi sa wala akong tiwala sa mga braders ko pero hindi pa talaga ako handa na sabihin sa kanila. Gusto ko na sa akin na lang muna. Hindi sa hindi rin ako sigurado at ayaw kong malaman nila. Pero isa lang ang sigurado ako that I felt something for Cirlyn. At sobra akong masaya sa muli naming pagkikita kanina.  Nagpatuloy ang usapan nila at nakinig na lamang ako. Natatawa na lang din ako nang maalala ko ang mga ginawa ni Mary Grace kanina sa food tasting. Grabe ang tawa ko kanina.  "Talaga, brad? Hawak ng ano?" interesadong tanong ni Wookie.  "Ng kamay. May himas, eh." "Talaga?" Tumango si Evander bilang sagot. Maski ako ay napansin ko rin iyon kanina kay Mary Grace sa tingin at mga hirit naman nito sa akin. Ewan ko. Kung sadyang maloko at makulit lang talaga ito.  "Mukhang nacu-curious na akong makilala 'yang Mary Grace," ani Wookie.  "Ako rin," saad rin ni Kim.  "Brad, kailan ba 'yong event nila dito sa hotel?" tanong ni Robin.  "Five days from now," sagot ko sa kanya.  "Lapit na pala." "Oo," sagot ko. "Tiyak naroon din iyon sa event nila," ani Evander.  "For sure!" tugon ko.  "Oy! Inom pa tayo," ani Wookie sa aming lahat.  "Cheers!" sabay-sabay naming sabi at saka ko inubos ang natitirang laman ng bote ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD