CHAPTER 5

2415 Words
LORKAN Kakalabas ko lang mula sa kusina ng restaurant kong Century Grill suot ang chef uniform ko. Katatapos ko lang din kasi magluto ng last dish para sa food tasting saka ako tumungo rito sa harap para tignan kung dumating na ba ang kanina ko pang mga hinihintay. Ready na kasi ang lahat ng mga pagkain na kakailanganin at titikman. Everything is set. Pero ang mga taster o taga-tikim na lang ang kulang. Wala pa kasi ang mga ito.  Ngayon kasi nakatakda ang food tasting ng mga pagkain na ise-serve ng restaurant ko para sa isang convention na gaganapin sa Hotel Trevino na inorganisa ng company nina Ms. Ramos. Medyo excited akong ipatikim at matikman nila ang mga niluto at inihanda kong mga pagkain. Siyempre naman sinarapan ko talaga ang mga luto ko. Gusto ko kasing magpa-impress sa mga ito. Gusto ko ring sabihin sa kanila na hindi sila nagkamali na ako ang kinuha nila bilang food provider para sa event nila.  Aside pa ro'n ay ito rin ang muli naming pagkikita ni Ms. Ramos simula no'ng nakaraan nang bigla itong sumulpot sa restaurant ko at hinahanap ako. Kaya naman medyo masaya na medyo kabado ako. Simula kasi no'ng una ko siyang nasilayan ay hindi na ito naalis sa utak ko. Palagi ko na siyang naiisip at naalala. Ewan ko ba. Na-love at first sight yata ako sa kanya. Kaya naman looking forward talaga ako sa araw na ito para sa food tasting. I can't wait to see her again.  Napalinga ako sa paligid para hanapin kung dumating na ba ang mga ito pero wala akong makita. Ang sabi ni Ms. Ramos ay may kasama raw itong isang katrabaho nito na titikim rin ng mga niluto ko. Napa-check tuloy ako ng oras sa cellphone kong nasa bulsa ng chef uniform ko. Pagtingin ko ay malapit nang mag-alas nuebe ng umaga. Alas nuebe kasi ang napagkasunduan naming oras. Hindi ko tuloy mapigilan na hindi mag-alala. Hindi naman siguro niya ako i-injanin.  Wala naman kasi itong text o tawag na nagsasabing postponed na muna ang food tasting dahil hindi makakarating ang mga ito. So, ibig sabihin lang tuloy ang napagkasunduan namin. Kaya sa halip na mag-isip pa ng kung anu-ano ay binalewala ko na lamang iyon. Think positive na lamang ako.  Naisip ko na baka nasa baba na ang mga ito at paakyat na. Ano ba naman ang ma-late ang mga ito ng ilang minuto? Willing naman akong maghintay. Saka ngayon pa ba ako panghihinaan kung saan antagal kong hinintay itong pagkakataon na magkita muli kami.  "Rica!" baling ko sa receptionist kong kakabalik lang sa pwesto nito na galing mula sa loob na nag-assist ng dalawang foreigner na customer.  "Yes po, Sir?" aniya. "Tawagan mo ako kapag dumating na iyong mga hinihintay ko. Sa opisina lang ako," sabi ko rito.  Nabanggit ko na kasi rito kanina ang tungkol sa pagdating nina Ms. Ramos. At sinabihan ko rin siyang tawagin ako kapag dumating na ang mga ito.  "Ah, okay po, Sir. Tatawagan ko po agad kayo kapag narito na sila," ani Rica.  Tatalikod na sana ako para pumasok sa loob nang biglang may tumawag na boses.  "Brad!" anang boses dahilan para mapatigil at mapalingon ako sa pinanggalingan niyon.  Nakita ko agad si Evander na paparating. Ito pala ang tumatawag. Pero mas natuon ang tingin ko sa dalawang babae na nasa likod nito. Lalo na sa isa na mas umagaw ng pansin ko dahil sa angking ganda nito. She's still beautiful as ever kahit sa simpleng office uniform na suot nito. Kung paano ko siya unang nakita ay ganoon pa rin ang epekto nito sa akin. At iyon ay walang iba kundi si Ms. Ramos. Napangiti agad ako nang makita ito. Natuwa ako na andito na ito. Parang gusto ko siyang salubungin ng yakap dahil dumating na ito pero pinigilan ko lang din ang sarili ko. Baka kung ano pang isipin nito kapag ginawa ko iyon. Sadyang masaya lang talaga ako na magkita muli kami.  "Brad!" muling saad ni Evander kaya napabaling muli ang mata at atensyon ko sa kanya. Lumapit pa ito sa akin at saka tinapik pa ako sa balikat ko.  "Oh, brad. May kailangan ka ba?" tanong ko rito.  "Wala naman. Actually kay Robin talaga ang sadya ko. Naka-break kasi ako at gusto kong magkape," ani Evander.  "Ah, gano'n ba?" wika ko. "Yup!" sagot nito. "Oo, nga pala. Nakasabay ko sila Ma'am, sa elevator at ang sabi nila ay dito raw ang sadya nila kaya naman nagmagandang loob na akong isabay sila at ihatid dito. Baka kasi hindi nila alam," paliwanag pa ni Evander.  "Ah, kanina ko pa nga sila hinihintay," sabi ko rito at bumaling naman kay Ms. Ramos. "Hi, Ms. Ramos," bati ko pa sa kanya.  Hindi ito sumagot pero nakita kong tumango lang ito para i-acknowledge ang pagbati ko sa kanya. Nadako rin ang tingin ko sa kasama nito na nasa tabi nito at kuntodo ngiti. Nginitian ko rin ito.  "So, ibig sabihin kilala mo na sila?" tanong ni Evander.  "Oo. Ine-expect ko na talaga sila," tugon ko.  "Ah, okay," nasabi na lamang nito. "Anyway, tutuloy na rin ako sa Rob's Cafe. Nice meeting with you mga, Miss. Sige, maiwan ko na kayo," paalam nito. "Thank you, Sir," saad pa ng kasama ni Ms. Ramos.  "No worries. Sige, brad!" anito pa sa akin.  Tumango lang ako. "Salamat," pahabol ko pa.   At saka tuluyan na itong umalis at naglakad palayo.  "Pasensya ka na, Chef. Na-late yata kami." Narinig kong saad ni Ms. Ramos sa akin.  "Naku! Ayos lang. Walang kaso," nakangiting saad ko. "Sakto lang din ang dating niyo. Kakatapos ko lang din magluto. Naka-ready na rin naman ang lahat. Kayo na lang talaga ang hinihintay ko." "Gano'n ba, Chef? Nakaka-excite naman. Ready na akong tikman ang mga niluto mo for us," biglang sabi ng kasama ni Ms. Ramos na halatang masiyahin dahil sa aura nito.  "Sana okay ang lasa sa inyo at sana masarapan din kayo," nahihiya kong sabi.  "For sure 'yan, Chef. Mukha rin kasing masarap ang nagluto," sabi nito at sabay tinignan pa ako ng kakaibang tingin.  Napangiti na lamang ako ng alanganin dahil do'n. Medyo naasiwa ako dahil do'n. Hindi ko kasi alam kung mahihiya o matutuwa ako sa sinabi nito. Hindi ko rin kasi alam kung joke lang ba iyon o compliment. Kung para ba sa pagkain na niluto ko iyon o para ba sa akin. Medyo may pagkamakulit at may pagka-naughty yata itong kasama ni Ms. Ramos. Dahil pa sa sinabi nito ay napansin ko pang pasimpleng siniko ni Ms. Ramos ang kaibigan para sawayin ito pero parang dedma lang dito.  "By the way, Chef. Mary Grace po pala. Kaibigan at katrabaho ni Cirlyn," pakilala pa nito sa sarili at ngumiti pa ng abot tenga.  "Hi, Mary Grace. Nice to meet you," bati ko rin sa kanya. "So, tara na sa loob! Para makapag-start na tayo," aya ko na sa mga ito.  "Mabuti pa nga," sang-ayon ni Cirlyn.  "Let's go!" saad naman ni Mary Grace na halatang excited na.  "Sunod na lang kayo sa akin," sabi ko sa mga ito at nagpatiuna na ako na pumasok sa loob.  "SO how's the taste?" Iyon ang tanong ko kina Cirlyn at Mary Grace pagkatapos nilang tikman ang Beef Misono na niluto ko na nasa lamesa. Kasalukuyan na kaming nasa function room at kaming tatlo lang ang andito sa loob para sa food tasting ng mga pagkain. Nagsimula na kasi silang tikman ang mga inihanda kong mga suggested menu na pasok sa alloted budget nila per person para sa event nila. At nag-umpisa sila roon sa protein dish. May dalawang dish akong niluto para ro'n na pagpipilian nila at kailangan nilang tikman pareho. Una na nga ay 'yong Beef Misono at ang pangalawa ay ang Chicken Teriyaki.  Halos pigil hininga pa ako habang hinihintay ang mga sasabihin ng mga ito. Gusto kong marinig ang mga opinyon nila. Kung okay ba o hindi. Pinapanood ko lang ang mga reaksyon ng mga mukha nilang dalawa habang ngumunguya. Medyo kompyansa naman ako na masarap at okay ang lasa niyon. Maging ang karne ay malambot din. Hindi ko rin tinipid ang mga ingredients at siyempre niluto ko iyon with passion and dedication.  "Huwaw! Ba't ganito?" biglang reaksyon ni Mary Grace matapos nitong tikman iyon.  Kinabahan ako. "Panget ang lasa?" tanong ko agad.  "Hindi," tanggi nito. "Kundi wow sa sobrang sarap," aniya at muli pang kumuha para tumikim ulit.  Napangiti ako sa sinabi nito. Pero mas gusto kong marinig ang sasabihin ni Cirlyn. Tahimik lang kasi ito habang kumakain. Halatang ine-enjoy at ninanamnam nito ang lasa.  "Kamusta ang lasa, Ms. Ramos?" tanong ko sa kanya.  "Masarap," simpleng sagot nito.  Mas lumiwanag ang mukha ko dahil sa sinabi nito. "Talaga?" Tumango ito.  "The best, Chef. Ang sarap talaga," muling saad naman ni Mary Grace. "Ito pa lang pero sobrang sarap na. Naku! Napaka-swerte ng mga participants namin ngayon dahil sulit na sulit ang ibinayad nila. Sa food pa lang solve na. 'Di ba, Girl?" tanong pa nito kay Cirlyn.   "Tama," sang-ayon naman ni Cirlyn.  "Salamat at nagustuhan niyo," medyo overwhelmed kong sabi.  "Chef?" "Yes?" "May kanin ba kayo diyan? Beke nemen," ani Mary Grace na tuloy pa rin ang subo sa pagkain.  "Hoy!" biglang sita ni Cirlyn sa kaibigan nito. "Itigil mo 'yan. Nakakahiya ka talaga." "Gusto mo ba? Magpapadala ako rito." "Yes, Chef. Please." Parang gusto kong matawa kay Mary Grace. Ang kulit talaga nito.  "Chef, 'wag na," awat ni Cirlyn. "Niloloko ka lang niya."  "Bakit ba? Ano bang masama?" kontra agad ni Mary Grace sa sinabi ni Cirlyn. "Sayang lang kung papapakin lang natin. Mas masarap pa rin 'pag may kanin para alam na natin kung ano ang lasa," dagdag pa nito.  "Girl, kaya nga tasting kasi tikim lang dapat hindi eating na literal na lamon," ani Cirlyn dito.  "Gano'n din 'yon, no?" giit pa rin ni Mary Grace.  Nakita kong napasimangot na lamang si Cirlyn. Siguro ay nahihiya ito sa para sa kaibigan kaso nga lang ayaw talaga nitong paawat.  "Pagpasensyahan mo na, Chef, ang kasama ko. Mukhang hindi yata nag-almusal sa kanila bago umalis kanina," aniya na parang nahihiya.  "Ayos lang," saad ko. "Mas okay naman kung may kanin." "True!" sang-ayon ni Mary Grace sa sinabi ko.  "Ikaw? Gusto mo rin ba?" tanong ko kay Cirlyn. "Magpapakuha ako." "'Wag na, Chef. Ayos lang ako." "Sure ka? Marami pa kayong titikman." "Ayos lang." "Okay," sabi ko at hindi ko na pinilit pa. "Padadamihan ko na lang 'yong kanin just incase na magbago isip mo. Sige, na. Try niyo na rin 'yang Chicken Teriyaki," sabi ko pa sa mga ito. "Thank you, Chef!" pahabol pa ni Mary Grace at saka ako lumabas saglit ng function room para magpakuha ng kanin sa kitchen.  "NABUSOG talaga ako!"  Dinig kong saad ni Mary Grace habang hinihimas pa nito ang tiyan. Katatapos lang nilang tikman ang lahat ng mga inihanda ko. At may desisyon na rin sila kung anong napili nilang pagkain na ise-serve as packed meals para sa event nila. Para sa lunch ay ang Beef Misono para sa protein dish, Chopsuey naman para sa vegetable dish, steamed rice at coffee jelly naman for dessert. Samantalang sa hapon para sa meryenda ay bibingka at baked mac naman. Final decision na raw iyon. At tinanggap ko na iyon ang lulutuin ko para sa kanila.  "Paanong hindi ka mabubusog? Eh, halos lahat wala kang patawad." Dinig kong sabi Cirlyn sa kaibigan. Nakarami kasi ito ng kain. Mabuti na lang at marami ang niluto ko.  "Anong magagawa ko? Eh, masarap talaga magluto si Chef," aniya at nginitian ako.  Natuwa naman akong marinig iyon. Sa dami ng kinain nito ay imposibleng hindi ito nasarapan.  "Sus! Tigilan mo nga ako." "Bakit? Hindi ba totoong masarap ang mga pinatikim sa atin ni Chef?" "Wala akong sinabi. Alam ko naman na magaling talagang magluto si Chef kaya no need na bolahin. Ang sabihin mo patay-gutom ka talaga." "Grabe ka naman, Girl, sa patay-gutom. Judgemental." "Bakit? Hindi ba?" "Hindi ba pwedeng nasarapan lang ako kaya hindi ko na napigilan?" ani Mary Grace.  "Ganoon din 'yon. Lumafang ka pa rin." Habang pinapanood at pinapakinggan ko ang dalawa ay parang gusto ko na lamang matawa sa mga ito. Kung si Mary Grace ay makulit at walang hiya-hiya. Si Cirlyn naman ang kabaliktaran naman nito. Kahit paano ay unti-unti kong nadi-discover ang ugali nito. At sa totoo lang ay gusto ko ang mga natuklasan ko. Ang pagiging prangka nito at ang pagiging taga-saway nito sa kaibigan. Nakakatuwa lang na malaman ang mga iyon.  "Gusto niyo bang mag-take out?" tanong ko sa mga ito. Madami pa kasi ang natira at sayang naman kung hindi mauubos.  "Pwede ba, Chef?" saad agad ni Mary Grace.  "Tumigil ka, Girl. Abusada ka na masyado. Lumamon ka nga, magte-take out ka pa. Chef, 'wag na. Ipakain mo na lang sa mga staff mo," sabi naman ni Cirlyn.  "Ano ba 'yan?!" reklamo ni mary Grace.  "Okay lang. Meron na sila ro'n. Tinirhan ko na sila. Saka may sarili rin silang nilutong ulam as employees meal kaya wala na ring ibang kakain pa nito." "'Yon naman pala, eh," biglang sabi ni Mary Grace. "Sayang naman kung itatapon lang. Iuwi na lang namin, Chef, ha?" "Go lang. Mamili ka na lang kung saan diyan ang gusto mo i-take out," sabi ko rito. "Teka lang kukuha lang ako ng paglalagyan niyo." "No need na, Chef. May dala po ako," saad ni Mary Grace at inilabas ang isang microwavable na lagayan mula sa bag nito.  Nagulat pa ako dahil do'n. Parang gusto kong matawa nang makita ang inilabas nitong lalagyan mula sa bag nito. Mukhang pinaghandaan talaga nito iyon. Napatingin rin ako sa naging reaksiyon ni Cirlyn. Nakita kong napatakip ito ng mukha dahil siguro sa sobrang hiya para sa kaibigan. Tatatlo lang kami rito pero sobrang hiyang-hiya ito. Maski ako ay hindi ko talaga inaasahan iyon. At hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Gusto ko na talaga tumawa pero pinipigilan ko lang. Ngayon lang ako naka-encounter ng katulad ni Mary Grace. But I like her confidence anyway. "Sige, maiwan ko na muna kayo. Kukuha lang ako ng lagayan mo, Ms. Ramos," sabi ko rito at saka ako tumalikod para lumabas.  Pagkalabas ko ay saka ko na pinakawalan ang kanina ko pang pinipigilan na tawa. Napatingin pa ang mga tauhan ko nang umalingawngaw ang tawa ko sa buong dining area. Mabuti na lang at konti lang ang mga customer. Hindi ko na kasi napigil pa ang sarili ko. Tumawa ako nang tumawa habang papuntang kusina dahil do'n. Ibang klase! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD