CIRLYN
AFTER TWO DAYS
MALUNGKOT akong lumabas ng opisina ng pinaka-boss namin. Pinatawag kasi nito ako para kausapin regarding sa events na in-organize namin at ginanap sa Hotel Trevino kung saan nagkagulo ang lahat matapos na ma-food poison ang karamihan sa mga participants. Expected ko nang ipapatawag ako para magpaliwanag tungkol sa nangyare. Ipinaliwanag ko naman ang side ko at lahat ng nalalaman ko. Sinabi ko na hindi ko inaasahan na magkakaganoon ang kalalabasan. At lalong hindi ko naman ginusto iyon.
Sinabi ko rin na sobra akong nalulungkot sa mga nadamay. At inako ko rin naman na may kasalanan din ako sa nangyare since ako nga ang naghanap ng food provider para sa event. Hindi ko naman akalain na magiging palpak at magkakaroon ng aberya ang mga niluto ni Chef Lorkan kasi nagtiwala naman ako rito. Saka ko lang din napag-alaman na kilalang chef pala ito. Kaya naman sobra akong umasa na walang magiging problema but it turn out worst.
Hindi ko namalayan na bigla na lamang pumatak ang isang butil ng luha mula sa mata ko. Kaya bago pa may makakita niyon ay agad ko nang pinunasan. Pakiramdam ko kasi ay napakamalas kong tao. Naaawa ako para sa sarili ko. Medyo masama rin ang kalooban ko sa kadahilang pinatawan ako ng isang buong linggong suspensyon dahil sa nangyare. At effective ito simula ngayong araw. Gusto ko mang magreklamo ay wala akong magagawa kundi ang tanggapin iyon. Kahit pa na labag sa kalooban ko. Iyon daw kasi ang napagdedisyon ng lahat ng mga heads. Kaya naman no choice kundi ang sumunod.
Kung tutuusin ay hindi ko naman kasalanan talaga iyon. Hindi naman ako ang nagluto ng mga pagkaing pinakain sa mga attendees. Ang tanging kasalanan ko lang naman ay mali ang nakuha kong gagawa niyon. Masyado akong naging kompiyansa. Hindi na ako naghanap ng iba pang options. Kasi sobra akong nagtiwala at umasa na okay.
Kaya tuloy namo-moroblema ako ngayon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kung isang linggo akong suspendido ay isang linggo rin akong walang sweldo. Inaasahan ko pa naman ang trabaho ko na 'to. Andami pa namang gastusin sa bahay ngayon at tanging ito lang trabaho ko ang inaasahan namin. Kaya naman nag-aalala ako kung saan ako maghahagilap ng extrang pagkakakitaan habang hindi ako pumapasok. Hindi rin ako pwedeng tumambay lang sa bahay dahil sigurong magugutom kaming buong pamilya na dilat ang mga mata.
Naglalakad na ako sa hallway para umalis at unuwi na nang biglang sumulpot si Mary Grace at sabay humawak pa sa braso ko. Nagulat pa ako dahil do'n sa ginawa nito. Sumabay ito sa paglalakad ko palabas.
"Anong balita, Girl? Anong sabi sa 'yo ni Bossing?" tanong nito sa akin. Nabanggit ko kasi rito kanina na pinapatawag ako ng pinaka-boss namin.
"Ayon, as expected," sagot ko.
"Expected na alin?"
"Ano pa? Eh, 'di suspended."
"Huh? Ilang araw?
"Hindi araw kundi linggo. Isang matinong buong linggo."
"Ay gano'n? Antagal naman. Sorry to hear that, Girl," ani Mary Grace na halatang nalungkot sa sitwasyon ko. "Pero okay lang 'yan."
Napatigil ako at hinarap ko siya dahil sa sinabi nito. "Anong okay 'ron? Hindi 'yon okay," sabi ko sa kanya.
"Girl, mas okay pa rin na suspension lang ang ipinataw sa 'yo kaysa naman tinanggal ka sa trabaho, no? Atleast, after one week ay may babalikan ka pa kaysa naman sa wala na. Maswerte ka pa rin nga kung tutuusin, eh, na 'yan lang ang inabot mo at hindi ka na pinagbayad sa mga humingi ng refund. Tiyak na mas malaking problema iyon," anito.
May point naman ito. Buti nga suspension lang pero ang hindi ko matanggap ay 'yong kaalaman na hindi dapat nangyare sa akin ito. Sa tingin ko ay hindi ko 'to deserve.
"Bakit? Ginusto ko ba ang nangayre? Kagustuhan ko bang ma-food poison ang mga participants natin? Hindi naman 'di ba?"
"Oo. Alam ko. Pero kung titignan saan mang anggulo ay may pananagutan ka pa rin. Gets mo naman ang gusto kong puntuhin 'di ba?"
Pero sa halip na sumang-ayon sa sinabi nito ay binalewala ko iyon.
"Ang dapat talagang sisihin dito ay ang Chef Lorkan na iyon. Kasalanan talaga niya ang lahat ito. Kung hindi dahil sa kanya hindi mangyayare ito. Hindi sana ako masususpendi ngayon at lalong hindi ako namomoroblema," paninisi ko.
Hindi ko na kasi mapigilan na hindi maglabas ng sama ng loob sa kasalanang hindi ko naman ginawa.
"Okay. Relax lang," pagpapakalma sa akin ni Mary Grace. Hinagod niya ang likod ko.
Pinilit kong maging kalmado kahit na para gusto ko nang tumumba sa lahat ng kamalasan na nangyayare sa akin. At halos sunod-sunod pa talaga. Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa ba kung sakaling may kasunod pa. Pakiramdam ko ay quotang-quota na ako sa dami. Nagpatuloy kami sa paglalakad.
"So, ano nang plano mo ngayon?" biglang tanong ni Mary Grace.
"Hindi ko pa nga alam, eh. Iniisip ko pa," malungkot kong sagot.
"Habang wala ka pang pasok, eh 'di magpahinga ka na muna. Sulitin mo na nang makabawi ka."
"Para naman magagawa ko iyon. Alam mo naman ang sitwasyon ko 'di ba? Ako lang ang bumubuhay sa pamilya namin. Ako lang ang inaasahan nilang lahat."
"Ewan ko nga ba sa 'yo at inako mo na lahat ng respondibilidad."
"Gano'n talaga, Girl. Hindi mo maiintindihan kasi hindi mo naman nararanasan ang pinagdadaanan ko. Hindi ka naman namomoroblema lagi kasi wala ka namang inaalala kundi sarili mo lang," sambit ko rito.
"So, bakit parang naging kasalanan ko?" aniya.
"G*ga! Hindi kita sinisisi. Ang ibig kong sabihin. Try mong lumugar sa sitwasyon ko. Subukan ang buhay ko. Maging katulad ko. Suotin ang sapatos ko. Baka hindi mo kayanin sa dami ng problema."
"Oo, na! Get's ko na. Ikaw na ang may mala-KMM na buhay. Try mo kayang ipadala ang kwento mo ro'n baka sakaling ma-feature. Sisikat ka pa," suhestyon pa nito.
"Baliw! Andami mong alam," saad ko sa kanya at saka tumawa.
"Totoo naman, eh."
"Saka na 'pag may lakas na ako ng loob na-ishare."
"So, kailan pala effective 'yang suspension mo?" muling tanong ni Mary Grace.
Dahil do'n ay muli akong nalungkot. Halos nawindang pa ako nang marinig ko iyon kanina nang sinabi sa akin. Naisip ko na ora-rada agad? Ni hindi man lang ako binigyan ng enough time. Agad-agad ang effectivity? Kahit na mga bukas man lang sana para alam ko na ang mga gagawin ko. Napag-isipan at napaghandaan ko na rin ang lahat-lahat bago ako umalis. Pero wala, eh. Binigla rin nila ako. Immediate daw ang desisyon sa akin. Kaya wala akong magagawa pa kundi ang sumunod na lamang.
"Ngayon na," tugon ko.
"Huwat?" eksaherada nitong reaksyon. "As in today? Not tomorrow?"
"Oo. Ngayon."
"Grabe naman 'yan," aniya na halatang disappointed din.
"Wala, eh. 'Yon ang sabi."
"Ay! Ano ba 'yan?! Last na pagkikita na pala natin ito," malungkot na saad ni Mary Grace.
"Gano'n na nga. Kaya goodluck sa iyo. See you after after a week. Tawagan mo na lang ako kapag may chika ka rito."
"Sige, Girl. Mami-miss kita." At niyakap niya ko. Mukhang nalungkot talaga ito.
"Sabi mo nga babalik pa naman ako. Isang linggo lang naman ito. Magkikita pa naman tayo. Kaya 'wag kang OA diyan na parang sobrang tagal ng one week."
"Seven days din 'yon, no?" aniya.
"Oh, uuwi na kayo?"
Napalingon pa kami ni Mary Grace nang marinig namin iyon. Nakita naming si Virgie iyon na kakarating lang din at galing sa labas.
"Ah, hindi. Si Cirlyn lang," sagot ni Mary Grace dito.
"Ah, gano'n ba?" aniya.
Tumango ako saka simpleng ngumiti rito.
"Sige. Pasok na ako," paalam nito sa amin at nilagpasan na kami.
Nasa labas na rin naman kasi kami ng building at hindi na namin namalayan pa iyon dahil sa haba ng usapan namin.
"Sige na, Girl. Update mo na lang ako sa mga happenings dito. Ikaw na lang din ang bahalang magsabi sa iba tungkol dito. Sabihin mo nakabakasyon ako. You know! Tiyak magtataka ang mga Marites kapag nawala ako," bilin ko rito.
"Sure, Girl. Ako na ang bahala. Mag-ingat ka pauwi."
"Okay, Girl. Salamat. Alis na ako." Saka ako nagmadali na makarating sa may kalsada para makasakay agad. May paparating na kasing jeep. Kinawayan ko na lamang ito nang makasakay na ako bilang paalam sa kanya na tinugon rin nito.
KAKABABA ko lang ng jeep sa may kanto. Medyo malayo pa ang bahay namin kaya naglakad na ako. Pero bago ako tuluyang dumiritso sa amin ay dumaan na muna ako sa isang karinderya na madadaanan ko na nagtitinda ng mga lutong ulam. Mag-a-alas onse y media na kasi ang oras at magta-tanghalian na rin. Ramdam ko na kasi ang sobrang gutom dahil hindi ako kumain kanina ng agahan bago umalis ng bahay. Nagkape lang ako saka pumasok sa trabaho.
Matapos kong makapili at makapagbayad ay agad na rin akong tumuloy pauwi sa amin. Isang order ng Pinakbet at isang pirasong Pritong Tilapia lang ang binili ko. Nag-iwan naman ako ng pera kanina kay nanay para sa tanghalian at hapunan nila pero naisip ko na baka wala na ring tirang ulam. Maaga kasi sila kumakain. At hindi na ako kasali ro'n. Kaya naman naninigurado lang ako ngayong pang gutom na gutom na ako.
Malayo-layo pa ako ako ay natanaw ko na ang nanay kong nasa harap ng bahay namin at naghuhugas na ng mga plato. Mukhang tapos na nga silang kumain. Saka naman lumabas mula sa loob ng bahay namin ang kapatid kong lalaki na si Conrad at tumigil sa harap ng nanay ko at kinausap ito. Wala itong pang-itaas na suot dahil naka-sukbit iyon sa balikat nito. Pagkakaalam ko ay ume-ekstra ito bilang construction worker ngayon. Wala kasi itong matinong trabaho kaya naman wala rin akong katulong sa mga gastusin namin. Buti na lang at naka-ekstra ito ngayon pang suspendido ako at wala akong sahod.
Kapwa pang napatigil sa pag-uusap ang dalawa nang tumigil ako sa harap ng mga ito. Halatang hindi nila inaasahan na makita ako. Ang pagkakaalam kasi nila ay mamayang hapon pa ang uwi ko kaya naman gulat na gulat ang mga reaksyon ng mga ito.
"Ate!" nasaad ng kapatid ko.
"Oh, anak! Ba't ang aga mo naman yata ngayon? 'Di ba mamayang hapon pa ang uwi mo," tanong ng nanay kong tumigil sa ginagawa nito.
"Pinauwi na kasi ako," sagot rito.
"Bakit? May sakit ka ba?"
"Wala po. Suspendido ako sa trabaho," sabi ko.
"Ha? Hala, Ate! Anong nangyare?" hindi makapaniwalang tanong ni Conrad.
"Oo, nga, anak. Anong nangyare? Ba't nasuspende ka?" nag-aalalang tanong naman ng nanay ko.
Pero sa halip na sumagot sa mga ito ay tumuloy ako sa loob ng maliit na bahay namin saka naupo sa lumang sofa na nasa maliit naming sala. Agad kong binitawan ang bitbit kong bag at ang supot ng lutong ulam saka sinunod na hinubad ang suot kong sapatos. Nakita kong nagsipasukan din ang dalawa.
"Oy, anak! Ano bang nangyare? May ginawa ka bang kalokohan kaya ka nasuspende?" tanong ng nanay ko na gustong malaman ang dahilan.
"Wala po."
"Kung wala, bakit nga?" pangungulit nito.
"Dahil nga po ro'n sa nangyare, 'Nay," sagot ko rito. Naikuwento ko na kasi sa mga ito ang nangyareng kaguluhan do'n sa event namin na ikinalason ng mga kasali dahil sa pagkain.
"Eh, 'di ba, ate, hindi mo naman kasalanan iyon?" tanong din ni Conrad. "Hindi naman ikaw ang nagluto o naglagay ng kung ano ro'n sa pagkain, ah."
"'Yon nga pero may mali pa rin ako sa nangyare kasi ako ang kumausap do'n sa nagluto ng pagkain," paliwanag ko sa mga ito.
"Kahit na, ano? Dapat hindi ka pa rin nila sinuspende. Hindi mo naman ginusto iyon. Hindi mo rin alam na mangyayare iyon. Napaka-unfair naman ng company niyo sa 'yo," anang nanay ko na halatang na-disappoint.
"'Yon kasi ang desisyon ng mga boss kaya wala akong magagawa kundi ang sumunod. Buti nga suspension lang, hindi ako tinanggal. Kung hindi wala na sana akong trabaho ngayon."
"Ilang araw ang suspension mo?"
"Isang linggo," sagot ko.
"Ba't ang tagal?" bulalas ng nanay ko
"Hindi ko rin po alam." Totoong hindi ko talaga alam kung bakit isang buong linggo ang pinataw sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay mawawala ako ng ilang buwan sa tagal.
"So, ano nang gagawin mo ng buong isang linggo?" Si Nanay.
"Hindi ko nga po alam pa. Baka maghanap na lang po muna ako ng sideline dito pansamantala para may income, habang andito ako sa bahay at walang pasok," sabi ko sa kanya.
"Gano'n ba?"
Tumango ako bilang sagot.
"Ikaw ang bahala," anito at lumabas muli ng bahay para ituloy ang ginagawa.
Napasandal na lang muna ako sa sofa at saka napa-pikit saglit ng mga mata. Pagod na ang utak at katawan ko. Nase-stress talaga ako sa mga nangyayare sa akin. Sumasakit rin ang ulo ko kapag naiisip ko ang mga problema.
"Alis na ako." Dinig kong sabi ni Conrad kaya napadilat ako ng mata. Katatapos lang nitong isuot ang damit nito at saka ito lumabas.
Agad na rin akong tumayo saka kinuha ang supot ng ulam at tumungo sa may lamesa. Chineck ko kung may tirang kanin pa sa kaldero. Meron pa namang laman kaya kumuha na ako ng plato para isalin ang mga ulam at saka ako sumandok ng kanin. Kinuha ko lang ang kalahati niyon at tinira ang kalahati para naman sa kapatid ko pang isa na si Christine o Tin-Tin. Tiyak ko kasing pauwi na rin iyon galing eskwelahan. Nasa senior high na rin ito at graduating na rin this year.
Nakaupo na rin ako sa lamesa at magsisimula na sanang kumain nang marinig kong biglang tumunog ang cellphone kong nasa bag ko. Kaya napilitan akong tumayo uli para tignan kung sino ang tumatawag. At nakita ko ngang si Chef Lorkan na naman iyon. Simula kanina pang umaga iyon tumatawag sa akin pero hindi ko sinasagot. Hindi ko alam kung ano pang kailangan nito. Sobrang kulit nito. Ayaw nitong tumigil. At wala na akong pakialam pa ro'n.
Ayoko nang makausap ito dahil naiinis pa rin ako sa kanya. Nasuspende ako sa trabaho ko dahil dito. Kaya no need at wala ng dahilan pa para kausapin ko pa ito. Tapos na koneksyon namin sa isa't-isa. Hanggang doon na lamang iyon. Kaya imbes na lalo pa akong mainis ay tuluyan ko nang pinatay ang cellphone ko para hindi na ito makatawag pa. Ipinagpatuloy ko ang naudlot kong pagkain.