LORKAN
HAPON.
Pagkatapos ng mga kaganapan sa event nina Cirlyn, kung saan nagkagulo nga ang lahat dahil sa pagkaka-lason ng karamihan sa mga attendees ay agad akong nagpatawag ng biglaang meeting sa lahat ng empleyado ko sa Century Grill. Gusto kong makausap at tanungin silang lahat kung ano at kung bakit nangyare iyon. Kailangan kong malaman kung sino ang may gawa niyon.
Ayon kasi sa paunang findings ng mga doktor ay food poison ang dahilan kung bakit nagsuka, nahilo at sumakit ang tiyan ng karamihan na kumain ng pagkain. Pero sa ngayon ay wala pang resulta at hindi pa alam kung kontaminado ba 'yong pagkain o kung may nahalong iba sa pagkain kaya nangyare iyon. On-going pa rin ang ginagawang imbestigasyon do'n sa sample ng pagkain na binigay ko para malaman kung ano talaga ang sanhi. Inaalam pa rin ng mga awtoridad ang totoong dahilan. At iyon pa ang hinihintay ko ngayon.
Sobra talaga akong na-stress and still in-shock pa rin hanggang ngayon dahil do'n. Nanghihina pa rin ako sa tuwing naiisip ko. Marami ang napahamak dahil sa akin. Hindi ko inaasahan iyon. I was confident enough na maayos at okay ang naman lahat mula sa pamimili ng mga gagamitin, sa preparations, maging sa pagluluto at maging sa packing. Halos lahat ay naka-supervise ako para masiguro lang na walang makalusot pero nagkamali ako.
Hindi ko alam kung saang part ng proseso ang nagkaproblema. Palaisipan pa rin sa akin kung paano nagkagano'n. Sa tagal kong ginagawa iyon ay ito pa lang ang unang pagkakataon na nagkaganito. Parang hindi ko matanggap na sa isang iglap ay masisira ang pangalan at reputasyon ko dahil sa nangyare. Mabilis na kasing kumalat sa mga social media sites ang balita at for sure headlines na din iyon mamaya sa tv.
Kasalukuyang nasa function room ako kasama ang lahat ng mga staff ko. Wala na rin namang mga customer kami na pumasok simula kanina kaya agad ko na ring isinara ang resto ko. Marahil ay natakot na rin ang mga customer na kumain pa dahil nga sa nangyare kanina.
Nakaharap ako sa kanilang lahat at isa-isa ko silang tinitignan sa mga mukha nila. Hindi sa pinaghihinalaan ko sila na isa sa kanila ang may gawa niyon pero wala akong maisip na pwedeng sumabotahe sa akin dahil sa kilala ko na ang mga ito. Imposibleng mangyare iyon kung wala namang gagawa. Isa pa ay matagal ko na rin silang mga empleyado. Matagal ko na silang katrabaho at kasama. Ang iba pa nga ay taon na ring nagtatrabaho sa akin kaya naman ang hirap na magbintang at magturo nang wala naman akong matibay na ebidensya.
Pinilit ko pa ring maging kalmado kahit na ang totoo ay iba na ang pakiramdam ko. Hindi rin ako matatahimik kung hindi ko gagawin ito. Gusto kong malaman ang totoo. Gusto kong marinig sa kanila mismo. Kung isa ba sa kanila ang may gawa niyon. At kung bakit niya ginawa iyon. Nagtanggal na muna ako ng bara sa lalamunan ko para sana magsalita pero bigla namang nagsalita si Roland.
"Chef! Ano po ba ang totoong nangyare?" naguguluhang tanong nito.
Wala pa kasi silang masyadong alam tungkol sa totoong nangyare. Ang pagkakaalam lang nila ay nagkagulo do'n sa event dahil sa pagkain na inihanda at si-nerve namin doon.
"So, ayon nga. Na-food poison ang karamihan sa mga um-attend ng event dahil sa pagkain na kinain nila which is 'yong pagkain na niluto natin para sa kanila," paliwanag ko.
"Huh?" Halos sabay-sabay pang gulat na mga reaksyon ng mga ito. Kasunod niyon ay umugong na ang bulung-bulongan sa mga ito.Halatang hindi makapaniwala sa narinig. Kanya-kanya nang kuro-kuro sa nangyare.
"Talaga po?" saad muli ni Roland.
"Paano po nangyare, Chef?" singit rin ni Basti na isa rin sa mga nagluto ng pagkain.
"Hindi ko rin alam kung paano nangyare. Pero mukhang may sumabotahe sa atin kanina at hindi natin alam at napansin kung sino," sabi ko sa mga ito.
"Paanong sabotahe po?" tanong naman ni Nash.
"May naglagay po ba ng lason?" singit din ni Josh.
"Not sure. Hindi ko pa alam. Inaalam pa lang. Basta malakas ang kutob kong may inilagay o inihalo doon sa pagkain kaya nagsuka at nahilo ang mga kumain."
"Bakit naman niya gagawin iyon, Chef?"
"I don't know. Iniisip ko nga rin kung bakit. Maybe may lihim na galit siya sa akin?" pabirong tanong ko.
"Ang bait niyo kaya, Chef," sabi ni Nero.
"Ang cool at ang astig pa," dagdag pa ni Yula.
"Hindi na kami makakahanap pa nang katulad niyong boss."
Napangiti akong marinig ang mga iyon. 'Yon na nga mabait naman akong boss sa kanila. Hindi ako madaling magalit at hindi ako namamahiya ng mga empleyado ko. Hangga't maari ay kinakausap ko sila ng mahinahon. Iniintindi at pinapakinggan sa mga hinaing nila. Fair din ako sa lahat. Wala akong kinakampihan. Pinagbibigyan at wina-warningan ko rin sila 'pag nagkakamali sila pwera na lang 'pag sobrang lala na nang nagawa na kasalanan. Hindi talaga ako nagdadalawang-isip na magtanggal ng tauhan 'pag alam kong hindi ito magiging magandang empleyado sa negosyo ko.
"Naku, Chef! Sinasabi ko na po. Hindi ko po magagawa iyan sa inyo," depensa agad ni Roland sa sarili.
"Ako rin po, Chef," saad rin ni Basti.
"Mas lalo naman kami," sabay-sabay pang saad naman nina Nash, Josh at Niro.
"Takot lang din naming mawalan ng trabaho, no?" saad naman ng iba pa.
"Naku! Out na rin kaming mga taga-dining diyan. Hindi naman kami kasali sa preparations niyo kanina saka hindi rin magagawa iyan," ani Paul na team leader ng dining.
"Kami rin," singit din nina Rica at Ella na mga receptionist.
"Alam ko," sang-ayon ko sa mga ito. "Hindi niyo naman magagawa ito. Hindi ko rin kayo sinisisi. Kilala ko naman kayong lahat isa-isa. May tiwala naman ako sa inyo. Pero lahat tayo responsable sa mga nangyare. Kaya kung sino man ang may gustong sabihin sa inyo, you can talk to me in private kung nahihiya kayong aminin dito. Habang maaga pa," sabi ko at pinasadahan ko muli ng tingin ang mukha ng bawat isa.
"Oy! Umamin na kayo," saad ni Roland sa mga kasamahan.
"Oo, nga. Mahiya naman kayo," sabad naman ni Yula. Nagkanya-kanyang turuan pa ang mga ito.
"That's enough guys. Kung walang aamin, ayos lang. 'Wag nating pilitin at pressurin. Malalaman ko rin naman 'yan. Basta 'wag mahihiya at matakot na kausapin ako kapag handa na kayo," paalala ko.
"Sige, Chef."
"Okay po, Chef."
"Sige na. Maglinis na muna kayo bago kayo umuwi. Hanggang dito na lang muna sa ngayon," sabi ko sa mga ito at saka ako lumabas ng function room at iniwanan ang mga ito.
MATAPOS na magsi-alisan ang lahat ng mga empleyado ko ay naiwan na rin akong mag-isa rito. Halos buong maghapon akong tumambay at nagkulong dito sa loob ng opisina ko. Hindi ako lumabas. At hindi ko namalayan na mag-a-alas sais na pala ng gabi. Naubos lang ang oras ko na nakaupo lang ako rito habang nakatitig sa pinto. Kahit na wala naman talagang kakaiba roon.
Iniisip ko pa rin kasi ang buong pangyayare. Kanina pa paulit-ulit ang lahat sa utak ko. Pinipilit kong i-analyze ang mga bagay-bagay simula ng umpisa hanggang sa tuluyang nangyare na ang hindi dapat mangyare. Gusto ko rin sanang tawagan si Cirlyn pero hindi ko rin alam ang sasabihin ko. Alam ko ay badtrip at galit pa ito sa akin. Kaya malamang hindi niya rin ako kakausapin. Sobra akong nahihiya rito dahil sa nangyareng kapalpakan.
I was waiting also na may biglang kumatok sa pinto ng opisina ko para umamin sa nangyareng insidente. Pero ni isa ay walang sumulpot para kausapin ako. Mukhang wala talaga sa kanila ang aamin. O baka sadyang wala naman talaga sa kanila ang may gawa niyon. Alam ko namang loyal ang mga ito at subok ko na rin namang ang mga katapatan. Hindi ko lang alam kung takot lang ba ito kaya ayaw nitong lumapit at aminin sa akin ang nagawa. Hindi ko pa rin naman alam pa ang gagawin ko kung sakaling may umamin nga sa mga ito. Sa ngayon kasi ay gusto ko lang malaman ang gumawa niyon at kung bakit nito ginawa iyon. Sumasakit na rin ang ulo kakaisip pero wala talaga.
Katatapos ko lang din kausapin ang in-assign kong tao para mag-ayos at mag-asikaso sa expenses ng mga na-ospital. Ang sabi nito sa akin ay i-a-update na lang daw niya ako sa total bill. Inako ko na rin kasi ang buong hospitalization ng lahat ng mga na-ospital dahil sa nangyare. Since responsibilidad ko naman iyon kasi ako naman ang puno't dulo ng lahat kung bakit sila naroon at naranasan iyon. Wala namang isyu sa akin ang pera. Ang importante sa akin ay ang kalagayan ng mga ito.
Napatigil ako sa malalim na pag-iisip ko nang biglang tumunog ang cellphone ko na nasa ibabaw ng lamesa. Nakita kong si Evander ang tumatawag. Pero sa halip na sagutin ito ay kinansel ko iyon. Wala pa talaga ako sa mood na makipag-usap sa ngayon. Simula kanina ay nakailang miscalled na rin sina Kim, Wookie, Robin pati na sina Lorenzo Clyde at Jiggen na nagbabakasyon sa ibang bansa pero ni isa sa mga ito ay hindi ko sinagot. Siguro ay nakikibalita ang mga ito tungkol sa kaguluhan kanina. Alam kong nag-aalala rin ang mga ito sa akin.
Ilang saglit pa ay muling tumunog iyon at si Evander ulit ang tumatawag pero kinansel ko ulit iyon. Pero tumawag ulit ito at ayaw talagang tumigil. May pagkamakulit din kasi ang isang ito. Kaya napilitan na rin akong damputin at kausapin ito.
"Brad, nasaan ka?" bungad agad nito sa akin na may pag-aalala sa boses nito.
"Bakit?" tugon ko sa kanya sa halip na sagutin ang tanong nito.
"Anong bakit ka diyan? Ba't ayaw mong sagutin ang tawag ko?"
"Kausap na nga kita 'di ba?"
"Nasaan ka nga? Nag-aalala na kami sa iyo. Kanina ka pang walang paramdam. Hindi ka rin sumasagot sa mga tawag ng ibang mga braders natin," anito.
"Ayos lang ako. 'Wag kayong mag-alala."
"Brad, alam ko malaki ang kinakaharap mong problema ngayon pero huwag mong solohin. Andito kami para damayan ka. Andito kami kapag kailangan mo ng tulong. You can talk to us. Makikinig kami. Ano ka ba?!"
"Salamat, brader. Don't worry kaya ko pa naman. I can handle this. Kinailangan ko lang talaga na mapag-isa muna saglit para makapag-isip. But I'm okay now."
"Nasaan ka ba, ha? Puntahan kita diyan. Pag-usapan natin 'yan."
"Andito lang ako sa opisina ko sa Century Grill."
"'Wag kang aalis diyan. Papunta na ako."
"'Wag na!" tanggi ko.
"G*go! Tumigil ka diyan. Basta pupuntahan kita. "
"Bahala ka," sabi ko na lang.
Ayaw naman nitong paawat. At tuluyan na ngang naputol ang tawag. Naibaba ko na lamang ulit ang cellphone ko sa lamesa saka ako nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga.
Ilang saglit pa ay sunod-sunod na mga katok ang narinig ko sa pinto ng opisina ko. Malamang ay si Evander na ito. Hindi ako nag-abalang tumayo para pagbuksan ito. Hindi naman kasi naka-lock iyon. Hanggang sa kusang bumukas na nga iyon at iniluwa si Evander na hingal na hingal. Halos naghahabol pa ito ng hininga nang makapasok.
"Oh! Anyare sa 'yo?" tanong ko sa kanya.
Sumenyas pa muna ito gamit ang kamay nito na ang ibig sabihin niya ay saglit muna. Hindi pa kasi ito nakabawi sa pinagagawa nito.
"Tumakbo kasi ako," sagot nito nang medyo kumalma na ito. Agad itong lumapit sa harap ng lamesa ko at naupo sa isa sa dalawang upuan na naroon.
"Bakit?" nagtatakang tanong ko.
"Kasi nga naisip ko baka kung may ano nang nagyayare sa 'yo rito. Buong maghapon kang walang paramdam. Ayaw mong sumagot. Akala ko umalis ka na ng hotel," aniya.
"At sa'n naman ako pupunta? Ano namang gagawin ko? Magbibigti? Tatalon? Magpapakamatay?"
"Oo!"
"Ungas! Hindi pa naman ako nasisiraan ng bait no?"
"Masyado mo naman kasi kaming pinakaba, eh. Hindi ka pa sumasagot sa mga tawag. Natural na mag-iisip kami ng kung anu-ano."
"Pasensya na kayo. Don't worry ako nang bahalang tumawag sa kanila mamaya."
"Dapat lang kasi kanina pang nag-aalala ang mga iyon," tukoy nito sa iba pa naming mga braders. "Oo, nga pala. Ano na palang balita sa nangyare kanina? Bakit daw na-food poison?"
"Wala pang resulta kung ano talaga ang sanhi. Wala pa akong natatanggap mula sa mga nag-iimbestiga at nagsagawa ng examine sa pagkain," sagot ko.
"Sino naman kaya ang gagawa no'n?"
"Hindi ko rin alam. Wala talaga akong ideya."
"May naiisip ka bang posibleng may kagagawan niyon? Hindi kaya isa sa mga empleyado mo?"
"Tinanong ko na silang lahat kanina pero walang gustong umamin."
"Malamang. Talagang walang aamin sa kanila. Sino naman ang matinong aamin ng ginawa niya, aber?"
Kung sabagay may point naman si Evander sa sinabi nito. Totoo naman iyon. Pero hangga't maari ay ayoko sanang isipin na may sumabotahe nga sa akin na empleyado ko. At wala rin akong maisip na makakagawa niyon sa kanila.
"Hindi ko na nga alam, eh," sabi ko.
"Hindi naman mangyayare iyon kung walang gagawa 'di ba?"
"'Yon nga, eh. Ang malaking tanong ay kung sino?"
"May ibang tao pa ba maliban sa inyo ang narito kanina na pumasok sa kusina niyo?" tanong ni Evander.
Napaisip ako saglit kung meron nga ba. Halos naka-concentrate kasi kaming lahat sa kanya-kanyang naming ginawa. Tapos tinao pa kami kaninang umaga kaya sobrang naging busy talaga ang lahat. Nagsabay-sabay pa.
"Parang wala naman. Wala akong matandaan," sagot ko.
"'Di ba may cctv camera na naka-set up ang kitchen mo. Na-check mo na ba?"
Dahil sa sinabi nito ay naalala ko tuloy bigla iyon. Oo, nga pala. Nawala sa isip ko ang tungkol do'n. May nakakabit pa lang secret cctv camera sa kitchen at tanging ako lang ang nakakaalam niyon para ma-monitor ko ang mga empleyado ko. Wala silang kaalam-alam tungkol do'n. Na pinapanood ko sila mula rito sa opisina ko kapag wala ako ro'n sa kitchen. Kaya alam ko kung anong nangyayare sa kanila. Kung pumepetiks ba sila o hindi.
"Hindi pa. Nakalimutan ko," sabi ko.
"I-check mo na para malaman natin kung sino ang salarin."
"Okay, sige," sang-ayon ko. At hindi na nga ako nag-aksaya pa ng sandali para i-check ang mga recordings na kuha ng cctv camera.