CHAPTER 9

2312 Words
CIRLYN "Anong nangyare?  Agad kong nasambit pagkakita ko sa kaguluhan. Halos lahat ay nagkagulo na at na hindi alam kung anong gagawin. Mas dumami pa ang nagsuka at nagtumbahan. Ang iba ay napaupo na lang at nasapo ang mga tiyan. Halatang namimilipit sa sobrang sakit. Umiiyak at sumisigaw na rin ang iba. Napatulala na lang ako habang pinapanood ang mga nangyayare. Hindi ko alam kung anong nangyare sa mga ito. Hindi ko alam kung sino sa kanila ang uunahin kong lalapitan at tutulungan. Sobrang dami nila at halos sabay-sabay pa.  Napalingon ako kay Chef Lorkan na nasa tabi ko na halatang hindi rin makapaniwala sa mga nakikita. Hindi na rin maipinta ang mukha nito. Para bang na-shock ito. "Chef, anong nangyare?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.  "Hindi ko alam," tugon nito na hindi rin alam ang isasagot.  "Paanong hindi niyo alam?" tanong kong muli sa kanya.  "I really don't know." aniya na para bang gulong-gulo ito at hindi makapaniwala sa nangyayare. Natitigilan pa ito at nakatayo lang.  "Tumawag na kayo ng ambulansiya!" utos ko sa kanya. "Okay." Dinig kong tugon nito saka iniwanan ko na ito para lumapit sa ilan sa mga participants na nagsusuka pa rin. Tinulungan ko ang ilan sa mga ito at pinaupo na muna sa upuan.  "Anong nangyare?" tanong ko sa isang kasali na babae na nagsuka. Umiiyak na ito.  "'Yong pagkain po," mahinang tugon nito sa akin.  "Anong problema sa pagkain?" tanong ko muli pero hindi na ito sumagot pa. Siguro ay hindi na kaya dahil hinang-hina na rin dahil sa iniinda nito.  Natuon ang tingin ko mga tirang pagkain na nasa lagayan at nasa lamesa. Halos maubos na nila iyon. Napatingin din ako sa mga suka na nagkalat sa sahig. Nakita kong puro pagkain iyon na pawang kinain nila. Parang sinuka lang nila lahat iyon. Ang mga pagkain na inihanda at niluto ni Chef Lorkan para sa kanila.  Pero ang malaking tanong sa utak ko ay kung bakit? May problema ba sa pagkain na niluto nito? Gano'n ba kapanget ang lasa at nasuka silang lahat? Hindi ba masarap sa panlasa ng mga ito at kung gano'n na lang sila kung makasuka? Madaming tanong ang gumugulo sa akin pero wala akong makapang sagot. Ang tanging naiisip ko lang dahilan ay may mali do'n sa pagkaing kinain nila. May kakaiba roon kaya sila nagkaganito. At si Chef Lorkan ang dapat nakakaalam niyon pero hindi rin nito masagot kung bakit.  Napatingin din ako sa ilang mga kasamahan ko kasama na si Mary Grace, Virgie at Aiza na hindi na rin magkandaugaga sa pag-aasikaso sa iba pa. Mabuti na lang at hindi pa kami nakakakain sa pagkain binigay ni Chef Lorkan. Kung hindi ay baka pati kami ay nadamay at napasali na rin sa mga nagsuka at sumakit ang tiyan. Hindi rin sana kami nakaligtas kung nakakain din kami niyon.   Pero sobra akong naawa sa mga nakakain na mga participants. Nagi-guilty ako para sa kanila. Pakiramdam ko ay may kasalanan din ako rito. Ako kasi ang naghanap ng magpo-provide ng pagkain para sa event at si Chef Lorkan nga ang nakausap ko. Hindi na ako naghanap pa ng ibang option kasi kompyansa naman ako sa kanya. Isa pa ay narito na rin sa hotel mismo ang restaurant nito. Malapit at hindi hassle na puntahan kaya wala sa isip ko na ganito ang mangyayare.  Parang gusto ko na lang maiyak sa sitwasyong nakikita ko. Hindi ganito ang ine-expect kung mangyare. Excited pa naman ako sa pagkain na kakainin nila dahil sulit na sulit ang bayad ng mga ito. Tapos ganito lang pala ang kahihinatnan. Sobrang ingay at gulo na. Puro iyak at daing ang naririnig ko mula sa mga kasali na umattend. At nakakaawang pakinggan. Halo-halo na rin ang nararamdaman kong emosyon ng mga oras na ito. May takot, may pag-aalala, may awa at sobrang kaba na para bang sasabog na ang puso ko sa sobrang lakas ng kabog niyon.  Gulong-gulo na rin ang utak ko. Hindi ko inaasahan ito. Sa tagal na naming nag-o-organize ng event ay ngayon pa lang nangyare ito. Kaya sinong makakapag-isip na may ganito pa lang ganap. Nag-e-expect pa naman ako na magiging successful itong event at walang magiging aberya pero nagkamali ako. Isang malaking disaster pala ang magaganap.  Maya-maya ay lumapit na rin si Chef Lorkan sa kinaroroonan ko matapos nitong makipag-usap sa cellphone nito. Nasa mukha pa rin ang pag-aalala.  "Nakatawag ka na?" tanong ko sa kanya.  "Natawagan ko na. Paakyat na rin ang mga naka-standby na medic ng hotel. Tumawag na rin sila sa mga kalapit pang ospital na para magpa-back up. Parating na rin ang mga iyon," anito sa akin.  Hindi na ako nagsalita pa matapos na marinig iyon sa halip ay inintindi ko na ang iba pang mga attendees na nagsuka at sumasakit pa rin ang tiyan.  "Ayos lang ba kayo? Anong pakiramdam niyo?" Dinig kong nag-aalalang tanong ni Chef Lorkan sa mga ito. "Sa tingin mo, Chef?" tanong ko sa kanya at tinignan ito.  Hindi ko na napigilan pa na maging sarkastiko rito. At talagang iyon pa ang mga tanong nito gayong nakikita naman niyang halos namimilipit na at hindi na makausap ng maayos ang mga kasali sa event dahil sa sakit ng tiyan. Malamang, hindi. Gusto ko sanang sagutin iyon. Medyo nagsi-sink na rin kasi sa utak ko na kung may dapat mang sisihin dito sa lahat ng ito ay walang iba kundi siya. Ito ang naghanda at nagluto ng mga pagkain. Kahit na may mga kasama pa ito ay ito pa rin ang in-charge sa lahat. Kaya responsibilidad nitong siguraduhin na maayos at malinis ang niluluto nito lalo pa at hindi lang ito ang kakain. Marami sila. Kasama pa sana kami.  "I'm just asking. Concern lang ako sa kanila. Nag-aalala rin ako para sa kanila," sabi nito.  "Napaka-insensitive mo naman, Chef. Nakikita mo naman ang kalagayan nila, 'di ba? Sa tingin mo ba okay sila? Masaya ba sila? Natutuwa ba sila sa kalagayan nila?" sabi ko sa kanya.  Naiinis at nagagalit na kasi ako dahil isang malaking problema ang nangyareng ito. Kaya hindi na ako nakapagpigil pa na sabihin ang saloobin ko dala na rin ng emosyon kong nadarama ngayon. Gusto ko siyang makonsensya. Gusto ko siyang sisihin at sabihing napaka-iresponsable niya. Na kasalanan niya itong lahat.  "I'm sorry," nasabi nito. "Hindi ko naman alam na mangyayare ito." "Wala nang magagawa 'yang sorry mo. Wala na rin tayong magagawa pa dahil nangyare na ito." "I'm really sorry." Napayuko na lamang ito.  "Ipanalangin mo na lang na walang mangyareng masama sa kanila kung hindi pasensyahan na lamang tayo." "I understand. Kasalanan ko. Inaako ko ang buong responsibilidad dito. Ako ang dapat sisihin." "Dapat lang. Nasaan na ba 'yong medic na tinawag mo? Kailangan nang madala sila sa ospital." "Parating na ang mga iyon." "Tawagan mo uli. Maraming buhay ang nakasalalay dito. Hindi pwede na wala tayong gawin. Sayang ang oras. Ano ba?!" Hindi na ito sumagot pa at napilitan na tawagan muli ang tinawagan nito kanina. Pero hindi na rin nito natuloy pa iyon dahil tuluyan na ring bumukas ang pinto ng convention hall at nagsipasukan na rin ang mga medic na sinasabi nito pati na rin ang ilang mga doktor na galing mula sa ibang ospital para tulungan at i-check ang kalagayan ng lahat.  ISA-ISA nang dinala sa ospital para i-admit ang mga participants na mas grabe ang naranasan na mga pagsusuka, pagkahilo at p*******t ng tiyan dahil sa kinaing mga pagkain. Samantala ang iba naman na hindi naman masyadong seryoso ay agad na rin namang binigyan ng mga paunang lunas at gamot para um-okay ang pakiramdam. Sa ngayon ay isa-isa na ring pinauwi ang ilan para makapagpahinga na.  Sa kabuuan ay halos umabot sa nasa lagpas dalawampung mga katao ang kinailangang isugod at ipa-confine sa ospital dahil sa nangyare. Sila kasi ang mas may pinakamalala na naranasan at maraming nakain. The rest ay puro mild lang. 'Yong iba pa ay konti pa lang ang nakain kaya naman hindi pa nakaranas at nakaramdam ng mga naranasan ng katulad ng mga sa kasamahan nila. Pero pinayuhan pa rin ng mga doktor na agad na magpatingin if may kakaibang maramdaman.  Hindi na rin natuloy ang panghapon part ng event dahil sa nangyare. Kinailangan nang ipagpaliban ang mga activity na nakatakda pa sana. Hindi rin namin alam kung anong mangyayare pa. Kung tuloy pa ba o hindi na. Kung ire-reschedule pa ba sa ibang araw o tuluyang nang i-postponed at hindi na itutuloy pa. Expected ko na rin na dahil sa nangyare ay siguradong maraming magre-reklamo sa mga participants lalo na sa mga napuruhan talaga. Baka mag-demand din ng refund ang karamihan dahil sa mga naranasan.  TANGING kaming mga facilitator, ilang mga heads ng company namin at si Chef Lorkan na lamang ang natira rito sa loob ng convention hall. Lahat ng mga participants ay nakauwi na. Shocked pa rin ako sa mga naganap. Para akong nanghina nang humupa na ang kaguluhan. Napaupo na lamang ako sa isang upuan habang inaalala at iniisip kung ano nang mangyayare sa akin. Sobra akong nahihiya sa mga boss ko dahil do'n. Napakalaking aberya nito. At hindi ko na alam kung may trabaho pa ako pagkatapos nito. Kanina pang nag-uusap ang mga heads at wala akong ideya sa topic nila. Malamang ay nagde-desisyon na ang mga ito kung tatanggalin na ba ako sa trabaho ko. Kaya tuloy ay hindi ko rin mapigilang kabahan at mag-alala para sa sarili ko.  "Girl, okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Mary Grace sa akin.  "Hindi, Girl," malungkot kong sagot sa kanya. Sadyang nakakapanlumo lang kasi kung iisipin ang lahat.  "Okay lang 'yan, Girl. Pasalamat na lang tayo na walang mas malala pang nangyare," cheer up pa nito sa akin at hinagod ang likod ko.  "Hindi siya okay, Girl. Wala tayong dapat ipagpasalamat dahil hindi maganda iyon. Nakita mo naman ang mga nangyare 'di ba? Marami ang muntikang napahamak. Marami ang nalagay sa alanganin dahil sa pagkain na dapat ine-enjoy nila kaso ikakapahamak pa pala nila," diin ko pa sa sinabi ko.  Sinadya ko talagang nilakasan ang boses ko para marinig ni Chef Lorkan iyon na nasa may gilid lang at kanina pang may kinakausap sa cellphone nito. Panay tingin lang din ito sa amin lalo na sa akin. Kanina pa itong narito at hindi rin umalis noong kasagsagan ng kaguluhan. Nakita ko ring tumulong din ito kanina sa pag-aasikaso. Tiyak ko na apektado rin ito sa mga nangyare. Malamang ay sinisisi nito ang sarili kung bakit nangyare iyon. Sigurado rin na kabado at takot na takot din ito dahil siya ang responsable sa mga nagluto ng mga pagkain, na naging dahilan kaya na-food poison ang mga karamihan. Ayon na rin sa naging findings at obserbasyon ng mga medic at doktor na agad na rumesponde kanina. Hindi lang naman kasi isang simpleng insidente lang iyon. Marami ang nadamay sa kapalpakan nito. At super na-disappoint talaga ako sa kanya sa totoo lang.  Nakita kong napatingin pa si Chef Lorkan sa akin nang sabihin ko iyon. Mukhang narinig nito iyon kahit na may kausap ito sa cellphone nito. Pero sa halip na sumagot o kontrahin iyon ay hindi nito pinansin iyon. Nagpatauloy lang ito sa pakikipag-usap nito.  "Girl, 'wag mo namang sisihin si Chef Lorkan sa nangyare. Siguro naman hindi naman nito sinadya iyon," pagtatanggol ni Mary Grace.  "So, sino ang sisihin ko? Eh, siya lang naman ang responsable sa lahat. Siya ang dapat sisihin kasi trabaho niya 'yan. Dapat sinisigurado niya. Alam naman niyang marami ang kakain pero naging pabaya siya," litanya ko.  "Kalma lang muna, Girl!" ani Mary Grace sa akin. "Hindi pa natin alam kung siya nga talaga ang may gawa. Malay mo meron palang iba na sumabotahe sa kanya."  "Sumabotahe?" "Oo, sabotahe. May galit sa kanya at sinadyang na gawin iyon sa kanya para mapahamak at sisihin ito," paliwanag pa nito.  "At sino naman, aber?" "Hindi ko alam. Feeling ko kasi gano'n. Magkakaroon pa naman ng imbestigasyon kaya malalaman din natin ang totoo. Kaya relax ka lang muna." "Paano pa ako makakapag-relax, Girl? Kung matatanggal na ako sa trabaho ko dahil dito." "Ano ka ba?! Hangga't walang sinasabi sina Bossing you are still safe." "Eh, tignan mo nga." At tinuro ko ang mga heads na kanina pang masinsinan ang usapan. "Kanina pang nag-uusap ang mga 'yan pero hanggang ngayon hindi pa rin tapos." "Baka hindi naman ikaw o 'yong termination mo sa trabaho ang pinag-uusapan nila. Think positive lang, Girl," nasabi na lang ni Mary Grace.  Maya-maya pa ay nakita kong natapos na rin ang seryosong usapan ng mga heads kaya naman ay napatayo na rin ako sa kinauupuan ko. Mas lalo akong kinabahan. Unti-unting lumapit ang mga ito sa kinaroroonan namin. Gano'n din si Chef Lorkan na tapos na ring makipag-usap sa cellphone nito. Nagharap-harap kaming lahat.  "I'm really sorry, Sir, sa nangyare," hinging paumanhin ni Chef Lorkan sa mga heads.  "No need to be sorry, Mr. Aguirre. The damage has been done. Mapipilitan kaming magsampa ng reklamo sa 'yo dahil dito," saad ng isa sa mga heads namin. "I understand, Sir. Inaako ko po ang sole responsibility regarding this. Don't worry din po, sasagutin ko rin po ang lahat ng expenses ng ng mga nasa ospital. Tatanggapin at haharapin ko rin po ang ipa-file niyong complaint laban sa akin. Sorry, again, Sir," ani Chef Lorkan at yumuko pa sa harap ng mga ito. Talagang ina-admit nito na kasalanan nito ang lahat. Na walang dapat sisihin kundi siya lang.  Pero wala na akong narinig pang tugon mula sa mga boss ko sa halip ay nakita kong mabilis na ring tumalikod ang mga ito para lumabas. Kaya napilitan na rin kami ng mga kasamahan kong sumunod sa mga ito. Hindi na rin ako nag-abala pang tapunan pa ng tingin at pansin si Chef Lorkan. Naiwan ito roon. Sa ngayon kasi ay ayoko rin munang makausap pa ito. I'm still upset at disappointed to him dahil sa nangyare. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD