Kinagabihan habang naghahapunan kami nagulat kami sa mga pulis na kumakatok sa aming bahay.Nakita ko kaagad ang pagkabalisa ni Papa.
Halos sabay sabay kaming napatayo at napalapit sa mga pulis na kumakatok sa may pintuan.
"A-anong maipaglingkod po namin sa inyo?"tila nauutal na tanong ni Papa sa mga pulis.
"Kayo po ba si Mr.Anthony Monroe?"balik na tanong ng mga pulis kay Papa.
"Opo .Bakit po?"Mapapansin ang kakaibang kaba sa tono ng boses ni Papa.
Wala kaming ideya sa mga nangyayari kaya nanonood lang kami kay Papa habang kinakausap ang mga pulis pero sa loob ko sobra na akong kinakabahan.
"May warrant of arrest po kami sa inyo dahil sa isang kasunduan na inyong pinirmahan dahil sa hindi pagbabayad ng utang sa isang casino na nagkakahalaga ng isang milyon."Saad ng pulis at inabot po kay Papa ang sobre na siyang binuksan Naman nito.
Napakunot ang noo ko at di ako makapaniwala sa narinig.
"B-baka naman po nagkakamali kayo Sir.Baka kapangalan lang ni Papa ang sinasabi niyo Anthony Monroe.Si Papa magkakautang ng isang milyon ,parang di naman po yata kapani-paniwala iyon."Sabat ko sa mga pulis habang nakatungo lang si Papa na tila mapapansin mong isa nga siyang guilty.
"Gagawan ko ng paraan to mga anak.Dito lang kayo .Sasama lang ako sa mga pulis."Sambit ni Papa.
"So totoo nga Mahal Tonio?"tanong ni mama na halos maiyak -iyak na sa tono ng boses nito.
"Pasensya na kayo.Dito na lang kayo.Ako nang bahala dito."Nahihiyang sambit sa Amin ni Papa bago kusang sumama sa mga pulis .
Sumunod pa din kami ni Meynard sa presinto para alamin ang mangyayari kay Papa.Si mama naman ay naiwan sa bahay dahil hindi pa naman ito pwedeng mapagod dahil kakaopera pa lamang.
At iyon nga kailangan daw masettle ang isang milyon na utang ni Papa na natalo sa casino ngayong gabi dahil kung hindi ay sa kulungan na ang bagsak nito.
Pero saan kami kukuha ng isang milyon sa isip -isip ko.
"Sir parang awa niyo na po wag niyo nang ipakulong ang Papa ko.Bigyan niyo na lamang po kami ng palugit para makabayad kami sa isang milyon na sinasabi niyo."Pakiusap ko sa lalaking nagsampa ng Kaso kay Papa na Bartolome daw ang pangalan.
"Pasensya ka na iha.Sumusunod lamang kami sa mga boss namin.Sana sa susunod Hindi pumapasok sa ganoong establisyemento ang iyong ama para hindi napapahamak."Saad ng lalaki na si Bartolome.
"Iha umuwi na kayo.Pabayaan niyo muna ako dito.Gabi na baka kung mapaano pa kayo sa daan.Puntahan niyo na ang mga kapatid at mama mo."Sambit Naman ni Papa sa akin.
"Papa naman Kasi eh bakit mo ba Kasi naisipan gawin ang bumalik sa casino na iyon at magpatalo pa ng isang milyon.Alam niyo ba ang halagang iyon ?San natin dadamputin iyon?"Nagtatampong sambit ko kay Papa.
"Anak pasensya na ...Desperado na Kasi ako nalalapit na ang pageenrol niyo .Nagbakasakali akong muli sa swerte pero hindi nangyari."
"Hindi ko magawang sumbatan si Papa dahil alam ko kung para saan ang motibo nito.Alam Kong ang iniisip ni Papa ay kapakanan namin ,iyon nga lamang nagkamali siya."
"Wala po kami magagawa ngayon para humanap ng isang milyon.Susubukan po naming gumawa ng paraan.Sa ngayon dito po muna kayo .Magiingat po kayo dito."Saad ko kay Papa.Hindi namin kayang tiisin si Papa dahil kahit kailan naman ay hindi siya nagpabaya sa amin.
Alam Kong Mali ang ginawa niya pero Hindi sapat iyon para hindi namin siya tulungan.Naiiyak ako na isipin na matutulog siya sa bilanguan ngayong gabi o maaaring sa susunod pang mga araw.
Wala kaming nagawa magdamag kung hindi tumunganga dahil hindi naman namin alam kung saan kami kukuha o hihiram ng pera sa halagang isang milyon.
Maging si mama ay iyak ng iyak dahil wala siyang magawa.Nakahiram kami ng pera sa ilang kamag-anak namin pero malaki pa din Ang kulang nito sa halagang kailangan na pambayad ni Papa.
Bagaman problemado kami dahil nasa kulungan si Papa pumasok pa din ako sa school ngayong araw.
Ikinagulat ko ang pagsulpot ni Bartolome sa labas ng aming school at lumapit pa ito sa akin.
"S-sir anong ginagawa niyo dito?"Nagtatakang tanong ko dito.
"Alam ko mahihirapan kayong makahanap ng isang milyon para makabayad ang iyong Papa.May iooffer sana ako sayo at kung papayag ka hindi mo na iisipin pa ang pambayad ng iyong Papa.Makakalaya din siya mismo ngayong gabi kung sakali."Usal ni Bartolome sa akin.Sa sinabi pa lang nito ay nakaramdam na ako ng matinding kaba pero gusto Kong magbakasali sa nais nitong ioffer.
"Maari ko bang malaman Sir kung ano ang offer na sinasabi mo?"Curious na tanong ko dito.
"Pwede bang wag natin dito pagusapan.Sumama ka sa akin kahit sa isang coffee shop lang na malapit dito."Pagyaya nito.
Luminga pa ako sa paligid .May ilan pang estudyante na naglalakad palabas ng pag-aralan namin.
"Paano ako makakasiguro na safe ako kung sasama ako sa inyo?"kinakabahang tanong ko pa dito.
Napatawa pa ito sa akin dahil sa sinabi ko
"Mukha ba akong criminal,drug addict or rapist?"natatawang tanong pa nito sa akin.Di ko alam bakit ginusto ko magtiwala dito sa oras na ito.
"Iyan ba ang sasakyan mo ?"tanong ko.
Tumango ito sa akin kaya naman palihim Kong kinuha ang plate number nito at isinend ko sa kaibigan ko.Nang Makita Kong Naseen ng kaibigan ko ay nagpasya akong sumama kay Bartolome.
Hindi naman ako binigo nito at sa isang malapit na coffee shop nga lamang kami nagpunta.
Nagorder pa ito ng ilang snacks namin bago nito dinetalyado sa akin ang pakay nito.
"Una maari ko bang malaman ang iyong pangalan ?"bungad niya sa nais niyang sabihin sa akin.
"Sunny Monroe po."tipid na sagot ko
"Ilang taon ka na?"Sunod na tanong niya bago humigop ng kape niya.
"Kakaeighteen lang po last two months."Tumango-tango pa siya.
"Deretsahin na kita tutal Sabi nga nila legal age labing walang taong gulang."Habang nagsasalita ito mabilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa kaba."Maganda ka at hindi malabo na magustuhan ka ng boss ko.One night stand sa halagang isang milyon piso."Pagderetso nito.
'Huh!!!!Di ko po magagawa ang sinasabi niyo.Pasensya na po pero Mauna na ako."Though medyo masama talaga ang kutob ko kanina pa lang sa nais ni Bartolome pero nagulat pa din talaga ako ng mismong marinig ko Mula dito ang pakay.
One night stand para sa isang milyong piso.Di ko kaya yatang Gawin iyon.Aakma na sana akong titindig para iwanan na si Bartolome nang magsalita pa ito.
"Actually Sunny maswerte ka kung magugustuhan ka ni Boss.Offer ko pa lang ito sayo at hindi pa sigurado kung papasa ka sa standard niya.Isang milyon wala ka ng problema.Pagisipan mo.Maaari ko bang makuha ang number mo.Tawagan kita once maipakita ko kay boss ang mga larawan mo."
"Pasensya na po pero Hindi na ako interesado."
"Sigurado ka ba?Sige Ikaw Ang bahala.Pero ito Ang calling card ko ...Message mo ako mamaya once magbago ang isip mo."Sambit nito bago inubos na ang huling lagok ng kape niya.
Inabot ko pa din Ang calling card niya at isinuot ko iyon sa bag ko bago walang paalam na tumayo na ako at nilisan ang Lugar.
Nagmadali akong umuwi ng bahay at naabutan ko dun si mama na umiiyak.
"Mama kamusta po?Anong balita?"tanong ko kay Mama.
"Wala pa din anak ako mahanap na pera.Naaawa na ako sa Papa mo dahil gagabi na naman dun na naman siya matutulog sa kulungan.Kung hindi sana ako nagpaopera hindi magagastos pangtuition niyo.Hindi sana namoreblema ang Papa niyo at hindi niya sana maiisipan ang magbakasakali muli sa casino."Hagulhol ni Mama.
"Mama wag na po kayo umiyak.May awa ang Diyos.Di niya po tayo pababayaan."halos maiyak -iyak na din ako kay Mama.
Nang maalo ko si mama dumeretso muna ako sa kwarto ko.
Namahinga lang ako at di din ako mapakali kaya naman nagmessage na ako kay Bartolome.
Nakatanggap naman kaagad ako ng mensahe Mula dito.May mga instructions din siyang pinasa sakin na kailangan ko daw Gawin.
Naligo ako ng mabilis saka nagpaalam kay Mama na aalis saglit baka sakali na malapitan at mahingian ako ng tulong.Hindi na ako pumayag na samahan ako ni Meynard dahil ayaw Kong malaman nila ang gagawin ko.
Pagkarating ko sa nasabing hotel ni Bartolome ay kaagad ako nitong sinalubong at dinala sa restaurant na malapit doon.
Iniabot niya sa akin ang mga papel ng kontrata.Binasa ko muna iyon bago ko nilagdaan.Halos manginig pa ang aking mga kamay ng pirmahan ko ang kontrata.
Pagkatapos ko mapirmahan ang kontrata ay ibinigay na sakin ni Bartolome ang numero ng unit ng lalaking makaka one night stand ko.