Nang magising si mama ay sobrang tuwa ko kaya agad ko itong niyakap.Nagtaka pa ito kung bakit at paano daw siya ay napunta sa hospital.
"Anak ano bang nangyari sa akin ?Bakit ako nandito sa hospital?"tanong ni mama
"Ma nakita na lamang namin kayo na nag collapse.Kaya dinala namin kayo kaagad dito.Sobrang pag-aalala namin sa inyo mama,akala ko may masama nang mangyayari sa inyo.",maluha-luhang sambit ko kay mama.
"Ay ewan ko nga ba di ko din alam ang pakiramdam ko noon.Basta na lang ako nawala sa ulirat."kwento ni mama."Asan ang Papa mo?",pagkuway tanong nito.
"Umuwi po muna at kumuha ng mga gamit sa bahay kasama si Meynard."sagot ko kay mama.Di ko pa sinabi na ooperahan siya at baka biglang manghina ulit kaya hintayin muna naming lumakas ang katawan niya dahil ang sabi Naman ng doktor ay kailangan daw na kondisyon din ang katawan ng pasyente bago maoperahan.
"Ah ganun ba .Kamusta ang mga bata na naiwan sa atin?"Ganyan talaga si mama kahit may masama ng nararamdaman ay inaalala niya pa din Ang mga anak niya.
"Wag niyo muna sila isipin Mama dahil binilinan ko ng maayos si Rina.Siya muna bahala sa mga maliit naming kapatid."Sambit ko kay mama para di na muna siya mag-alala.
Ilang araw na kami sa ospital at naikondisyon na namin ang katawan ni mama.Nagnormal na din naman ang ibang resulta ng mga laboratory at pwede na siya isalang sa operation.Kaya naman sinabi na namin Nina Papa na ooperahan siya .
"Luisa ,mahal may sasabihin kami sa iyo ng mga anak mo?"Pagsisimula ni Papa.Si mama at Papa kahit matagal ng mag-asawa ay sweet pa din sa isat isa.Alam Kong kinakabahan din si Papa sa pagsasabi kay Mama na ooperahan ito.Dahil kahit siya mismo ay natatakot maoperahan si mama pero kailangan kaya wala siyang magagawa.
"Ano yun mahal Tonio?"nagtatakang tanong ni Mama na alam Kong kinakabahan na din.Maoverthink din Kasi si Mama.
"Sabi ng doktor ay may bato ka sa kidney at kailangan na operahan.Ikinondisyon lang ang katawan mo at ooperahan ka na."Pagderetso na ni Papa.
Nakatingin lang ako sa kanila at di ko mapigilan na maiyak dahil naaawa ako kay Mama.
"Kailangan ba daw talaga na operahan ako.?Kung pwede Naman na Hindi wag na lang Tonio."Saad ni Mama
"Kung hindi ka magpapaopera mas lalo lalala Ang sakit mo .Kaya mabuti pa magpaopera ka na."
"Pero wala tayong pera pangpaopera ko."
"May pera pa tayo.Gamitin muna natin yung natitirang pera natin."sambit ni Papa kay Mama.
"Pero mahal pang tuition iyon ng mga bata,lalo na ni Sunny dalawang taon na lang makakatapos na siya ng college."Saad ni mama na tumingin pa sa akin.
Lumapit ako kay mama at papa.Alam ko nag-aalala na ito sa pera at mas gugustuhin pa nito ang Hindi magpa-opera kaysa magastos ang perang nakalaan para sa amin ng mga kapatid ko.
"Ma kikitain pa naman po natin ang pera pero ang buhay niyo kapag nawala na ay hindi na.Kaya magpa-opera na kayo .Wag niyo na muna isipin ang pang tuition namin dahil may dalawang buwan pa para doon.Magagawan pa siguro iyon ng paraan.Unahin muna natin ang sa inyo dahil emergency ito."Explain ko kay Mama.
"Tama si Sunny mahal ..Hayaan mo't gagawan ko ng paraan ang pang tuition ng mga anak natin na nagkokolehiyo .May awa ang Panginoon sa atin."Pagpapalakas loob ni Papa kaya Mama.
Pumayag nang magpaopera si Mama matapos naming makumbinsi ito ni Papa.
Kabado kaming lahat habang nasa loob ng operating room si mama.Todo ang dasal ko sa Panginoon na sana ay maging successful ang operasyon niya.Bagaman alam Kong malakas ang loob ni Mama sa loob-loob nito ay natatakot din siya para sa sarili niya na which is naiintindihan ko dahil ganoon din ang pakiramdam ko sa oras na ito.
Pinapalakas ko ang loob Nina Papa at ng mga kapatid ko na magiging ok ang operasyon ni mama pero sa loob -loob ko sobrang kabado na ako at kung ano-ano na din ang naiisip ko.
Busy ang utak ko sa kung ano -anong isipin ng lumapit si Meynard at inabot sa akin ang dala nitong bote ng tubig.
"Salamat Meynard..Maupo ka nga muna .."Sambit ko sa kapatid ko na inabutan din si Papa ng tubig.
"Kinakabahan Kasi ako ate .Kamusta ka na kaya si Mama."Bakas din ang pag-aalala sa tono at mukha ng kapatid ko
"Wag Kang mag-aalala magiging okey din si mama."Pag-alo ko sa kaniya.
Naghintay kami ng kung ilan oras din bago lumabas ang doktor.Sabay -sabay pa kaming napatayong tatlo sa kinauupuan namin at sinalubong namin ang doktor
"Dok kamusta po ang asawa ko.?"kinakabahang tanong ni Papa
"Nasa recovery room pa po siya.Succesfull naman ang operation niya .Hintayin na lang natin siya mailipat sa ward bago ninyo makita."Saad ng doktor.
."Hays Salamat!! Salamat po Panginoon!!Salamat po dok!!"sambit ni Papa na nakahinga ng maluwag ng marinig sa doktor na successful ang operasyon.
"Salamat po dok!!!",Sambit ko din sa doktor.
"Salamat din po Dok !",pasalamat din ni Meynard.
"Walang anuman...Balikan ko na lang ulit kayo kapag nakalipat na siya sa ward "sagot naman ng doktor at nagpaalam na samin.
Nakalipas ang ilang araw na pamamalagi ni Mama sa ospital.Kailangan na lamang niya ang magpahinga at magpagaling ng sugat niya sa bahay.
"Oh Mama maupo na lamang kayo diyan kami na ni Rina muna dito sa kusina.Bawal pa daw kayo kumilos ng kumilos dahil baka bumukas ang tahi niyo."Sabi ko kay Mama na nagbabalak pang tulungan kami sa pagluluto.
"Mukhang kaya ko na naman mga anak.Masyado niyo akong minamahina."Pagmamayabang ni Mama.
"Ay opo nga Mama kaya niyo na pero di niyo alam minsan madaya ang pakiramdam ng katawan.Wag muna kayong sutil!"Sabat ni Rina na busy sa pag-aasikaso ng malunggay na ilalagay sa tinola.
"Siya sige kayo na bahala diyan.Dito muna ako sa Sala at manonood ng paborito Kong Family Feud."Pagsuko na lang ni Mama sa amin.
Minsan kasi di din paawat yang si Mama.Gusto palagi ay kumikilos at may ginagawa.
"Mama nagpaalam ba sa inyo si Papa na gagabihin ng uwi?",tanong ko kay mama.
"Hindi anak.Oo nga bat wala pa iyon."Napatanong na din si mama.
"Baka naman madami ang pasahero kaya napaovertime.Alam niyo naman kakayod na naman yun ng bonggang bongga gawa ng mga tuition natin."Sabat ni Rina na busy sa paghuhugas ng pinaggamitan sa pagluluto.Napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi nito.Sigurado akong tama ang sinabi ni Rina kaya naman naaawa ako para kay Papa.
Kumain na din kami pagkatapos magluto dahil hindi na namin mahintay si Papa.Nakatulog nga akong wala pa si Papa kaya naman paggising ko kinabukasan ay kaagad ko itong hinanap.
Hindi pa nga ako nakakapaghilamos ay pakinig ko na agad ang pag-andar ng tricycle nito.
"Papa aalis na po kayo agad?Di pa kayo nakakapag-almusal."tanong ko kay Papa.
"Di na anak .Mamaya na ako."Madaling -madali si Papa na pinaandar na Ang tricycle kaya naman di na ako nakasagot dito.
Hinatid ko na lang ng tanaw si Papa habang mimamaneho nito ang kaniyang tricycle.