Chapter 1

1201 Words
Sunny Monroe 's POV ๐ŸŽถ๐ŸŽถ๐ŸŽถ๐ŸŽถ๐ŸŽถ๐ŸŽถ๐ŸŽถ๐ŸŽถ๐ŸŽถ๐ŸŽถ Masasayang mga araw na kasama kita Paglalambing at kulit mo na hindi nakakasawa Punong-puno ng ligaya ang ating pagsasama Na parang wala nang sisira ng lahat Bakit pa dumating ang oras na ito? Nabalitaan ko na wala ka na Hindi ba't sabi mo hindi mo ko iiwan? Hindi papabayaan na ako'y mag-isa Hindi ba't sabi mo sabay tayong tatanda? Bakit bigla ka na lang nandiyan sa kabilang buhay? Paano na ang lahat? Paano na ako, tayo? Hindi ba't sinabi mo sa akin na sabay tayong mangangarap? Bakit bigla kang lumisan nang hindi man lang nagpaalam? Isang malamig na hangin ang yumakap sa akin Parang isang pahiwatig na magpapaalam ka na Hindi ba't sabi mo hindi mo ako iiwan? Hindi papabayaan na ako'y mag-isa Hindi ba't sabi mo sabay tayong tatanda? Bakit bigla ka na lang nandiyan sa kabilang buhay? Hindi ba't sabi mo hindi mo ako iiwan? (Sa kabilang buhay) Hindi papabayaan na ako'y mag-isa (sa kabilang buhay) Hindi ba't sabi mo sabay tayong tatanda? (Sa kabilang buhay) Bakit bigla ka na lang nandiyan sa kabilang buhay? Whoa Sa kabilang buhay ๐ŸŽถ๐ŸŽถ๐ŸŽถ๐ŸŽถ๐ŸŽถ๐ŸŽถ๐ŸŽถ๐ŸŽถ๐ŸŽถ Bet na bet ko talaga ang maglinis ng bahay kapag may music.Mas napapabilis at nagaganahan ako sa pagkilos habang nakikinig ng musika. Araw ng sabado ngayon at wala akong pasok sa eskwelahan.Magkakatulong kaming lahat sa paglilinis ng bago naming bahay. Yes....Tama kayo...bagong bahay..Sinuwerte lang naman si Papa si casino. Hindi ko alam kung kailan pa nahilig si papa sa casino ,nalaman ko na lamang ay nung may bitbit na siyang bag na naglalaman ng pera nagkakahalaga ng 1 milyong piso. Sobrang gulat naming lahat ng makita ang pera. Halos mag-away pa si mama at papa.Hindi kasi maniwala si mama na amin yung pera baka daw kung saan kinuha ,baka daw galing sa masama. Bagaman malaki ang aming pamilya,pito kaming magkakapatid tapos si mama at papa lang nagtaguyod saming lahat.Kailanman ay hindi gumawa ng masama ang aking mga magulang para lang mabuhay kami at mapagaral. Si papa ay nagkakarpentero ,minsan nagttricycle driver at si mama ay nagtitinda ng lutong pagkain. Ako ay labing-walong taong gulang at bilang panganay sa magkakapatid ay nagsumikap tumulong sa aking mga magulang.Ako ang nagiintindi sa aking mga maliliit na kapatid kapag wala sina mama at papa sa bahay.Pito kaming magkakapatid ,si Rina ang sumunod sa akin labing pitong taon,si Meynard labing-anim na taon,si Mardon labing -apat na taon,si Princess sampung taon, si Analyn na limang taon at ang bunso ay si Elle na tatlong taon. Maibalik ko lamang yung tungkol doon sa pera,siguro isang buwan nakastock iyon sa tukador ng aking mga magulang.Kahit kailangan namin ng pera ay hindi iyon ipinagalaw ni mama.Si Papa naman simula noon ay hindi ko na din napapansin na umaalis ng matagal para pumunta sa casino. Makalipas ang isang buwan ay nakumbinsi din naman ni Papa si mama na gamitin ang pera sa pagpapagawa ng aming tahanan. Isang bungalow house pinatayo ni Papa.Yung pangarap na bahay namin ay natupad dahil kay Papa. Napagalaman namin na ang puhunan lang daw pala ni Papa doon ay 500 pesos lamang.Sobrang sinuwerte daw siya ng oras na yoon.Hindi Naman daw siya naglalaro talaga sa casino kapag malakihan na ang taya, talagang kahit daw si Papa ay nagulat ng oras na siya ay sunod sunod na manalo sa casino. Nakabayad din kami sa mga utang.Nangako naman si Papa na hindi muna muli pupunta ng casino. Sa madaling sabi gumaan-gaan kahit paano ang buhay namin simula noon hanggang ngayon. Ngayon ay naideretso ko na ang pag-aaral ko sa kolehiyo.Pangarap ko ang makatapos ng kursong Business Administration kaya naman sobrang tuwa ko nang makabalik ako sa pag-aaral ngayon.Dalawang taon na lamang at gagaraduate na ako ng kolehiyo .Napatigil Kasi ako ng isang taon dahil wala maipang-paaral sa akin sina mama at papa.Wala akong nagawa kung hindi pumayag na lang at nangako sa sarili na babalik din sa pagaaral kapag nakaipon na ako ng pera.Kaya salamat sa Panginoon sa at nakakapag-aral na akong muli. "Ate Sunny!!!!Ate Sunny!!!!"sigaw ni Rina sa akin.Naiinis Kong itinigil ang aking paglilinis at mabilis pa akong tumakbo sa aking kapatid. "Bakit ba!!!!!!Naglilinis ako !!Pang-abala ka!!"inis kong tugon sa kapatid ko habang papalapit ako sa kaniya. "Si mama Kasi bigla na lang natumba.Dalhin natin siya sa ospital.."tarantang sambit ng kapatid ko ng makalapit na ako sa kaniya. "Mama!!Mama!!!Ano bang nangyari sayo ?Rina bakit ba natumba si mama?"taranta ko ding tanong sa kapatid ko. "Hindi ko alam ate.Narinig ko na lang bumagsak siya." "Sige na tawagin mo na si Meynard at Mardon para tulungan tayo magbuhat kay mama.Dalhin natin siya sa ospital."sambit ko kay Rina at mabilis akong kumuha ng ilang gamit na madadala sa ospital. Pinagtulong-tulungan namin na mabuhat si mama hanggang sa maisakay namin sa tricycle.Sa tricycle na din ni Papa namin siya naisakay.Mabuti na lamang at nakontak kaagad namin si Papa dahil nasa pilahan pa lang siya ng toda. Mabilis namang inintindi si mama sa emergency.Nilapatan ng mga pangunang lunas bago nagsagawa ng mga test ang doktor. Nasa labas kaming magkakapatid pati si papa at sobra ang pag-aalala naming lahat dahil sa naging kalagayan ni Mama. Sinabihan ko na umuwi na lang muna sina Mardon at Rina para may magiintindi sa mga kapatid pa namin na naiwan sa bahay.Ako ,si Meynard at si Papa na lang muna naiwan sa ospital. "Rina ,Mardon umuwi na lang muna kayo sa bahay .Kayo na muna bahala sa mga naiwan doon.Magluto kayo para may pagkain kayo."utos ko sa dalawa. "Sige ate.Kami na muna bahala sa atin at sa mga kapatid natin ."tugon ni Rina sa akin. "Sige mag-iingat kayo.Magpaalam kayo kay Papa bago umalis at humingi na din kayo ng pamasahe at pambili ng pangulam ." Tumalikod na ang dalawa at lumapit kay Papa na prenteng nakaupo lamang at mababakas sa mukha nito ang sobrang pagkabalisa dahil sa pag-aaalala kay mama. Nagpaalam na ang dalawa at nakita Kong inabutan na din ng pera ni Papa ang mga ito. Nang makaalis na ang dalawa ,tumabi na din ako kay Papa at Meynard sa upuan dahil nangangalay na ding akong nakatayo. Nagdadasal ako sa isip ko na sana ay maging maayos ang resulta ng test ni mama at dala lamang ng pagod kung bakit nahimatay ito. Ilang oras din kami naghintay bago kami kinausap ng doktor. Hindi ko masyado naintindihan ang sinabi ng doktor pero ang malinaw sa akin ay may bato daw kidney si mama at kailangan ng operasyon. .Tila ako nanlamig ng marinig ko yoon.Ooperahan si mama at natatakot ako sa maaaring masamang kahihinatnan ng operasyon. Malakas si mama pero bigla siyang nanghina ngayon at di ko alam kung kakayanin ng katawan niya ang nasabing operasyon. Maging si tatay at si Meynard ay halos maiyak-iyak na din sa balita ng doktor. Dinala muna si Mama sa ward dahil kailangan siya iadmit dahil sa mga gamot na kailangang iturok sa kaniya. Pinauwi ko muna si Papa at Meynard para kumuha ng mga gamit na kailangan sa ospital. Habang pinagmamasdan ko ang mama ko na Hindi pa din nagigising ay hindi ko maiwasan ang mapaiyak dahil sa kalagayan nito.Naaawa ako para sa mama ko. Hindi siya dapat nagssuffer ng ganito dahil mabuti siyang ina.Pinahid ko ang sunod -sunod na luhang dumaloy sa aking pisngi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD