Suna's POV: "Long time no see, Suna. Napadalaw ka yata. How have you been?" bati sa akin ni Zy. "Long time no see rin, Zy. Ayos naman, nakaconfine pa rin ang lola namin dito. Madalas pa rin akong napapadalaw, halos araw-araw. Ikaw kumusta na?" tanong ko. "I'm fine, umupo ka na muna. Come here, umupo ka rito sa tapat ko. Mangangalay ka kakatayo r'yan. Mabuti at na pa rito ka. I am bored," alok niya kaya agad naman akong sumunod. Nakatayo kasi ako malapit sa pinto. Hindi ako gumalaw roon dahil nahihiya naman akong kusa na umupo. Ayaw ko namang magmukhang makapal ang mukha. "Kumusta na?" tanong ko ulit matapos umupo. "I'm fine, naging abala lang. Ang akala ko nga ay iniiwasan mo ako matapos noong huling magdinner date tayo," pagbibida niya. "Ay, hindi ah. Naging abala lang din ako sa p

