Suna's POV: "Ano ang gusto mong kainin?" tanong niya. "Pwede bang ikaw na lang?" tanong ko naman. Nanlaki ang mata ko ng mapagtanto kong nasabi ko pala ng malakas ang naisip ko. Shete, nalintikan na! "Huh? What did you say? Mali yata ako ng pagkakarinig?" nakangisi niyang tanong. Wahh, nakakahiya. Shuta ka kasi, Zy. Ano ang gagawin kong alibi? Ano ang sasabihin ko sa kaniya? Nakakahiya talaga! "I mean kung pwede bang ikaw na lang ang pumili. Ikaw ha, iba nga yata ang pagkakarinig mo. Akala ko naman kung ano ang tinatanong mo. Sorry ngayon ko lang naisip na double meaning pala iyong sinabi ko," nahihiya kong sabi. Talagang nakahinga ako ng malalim. Buti na lang ay gumana ang utak ko! Baka kung hindi ay nilalamon na ako ngayon ng kahihiyan. "Oh, I'm sorry. My bad. Steak na lang ang a

