Storm
*
*
" Kinasa ko ang baril ko walang pagdadalawang isip na pinapuntokan ko sa binti ang Ama ng Ex girlfriend ko.
" Putanginang mo! Nagpadala ka ng Iba't ibang babae sa bahay ko. Hindi ba sapat na Ang puta mong anak ang nagtaksil saakin? Ngayon iniwan ako ng Asawa ko dahil sainyo Sisiguradohin ko na walang matitirang buhay sa Angkan nyo. " Galit na galit na wika ko
Tumingin ako kay Agatha
Nanginginig sa takot
" Isang maling sagot papatayin kita! Sino ang nagdala sayo?" Walang Emosyon tanong ko
" Hindi ko kilala, Basta may dumokot saakin, Binigyan ako ng sampong million Kapalit ng panggugulo ko sainyong mag-asawa. Banyaga ang mga armadong dumukot saakin. Hindi kona sila nakita pagkatapos non! Huling narinig ko kailangan mahanap ang isang babae na Nakatakas. Yon lang ." Takot na nginginig ang boses nito habang Nagpapaliwanag
Gustong-gusto ko na sila patayin pero sa tuwing naaalala ko si Lyra natitigilan ako.
" Umalis na kayo at huwag nang magpapakita saakin. Huwag nyo sayangin ang pangalawang pagkakataon ng buhay nyo. Kahit Anong gawin nyo Hindi kayo magtatagumpay. Iisang babae lang ang gusto ko makasama. " Mahinahon na sabi ko
Naglakad ako palabas ng Abandonadong Bahay
" Maghintay ka lang Mahal ko. Aalamin ko kung sino ang gustong pumatay sayo. Sisiguradohin ko ang kaligtasan mo kahit na hindi ka bumalik saakin. Basta masilayan lang kita masaya at ligtas sapat na saakin. " Piping sambit ko
Noong unang taon ng pagsasama namin okay naman ang lahat walang banta tahimik lang kami. Pero Simula ng maibalita sa National TV ang pagpapakasal ko kay Lyra nagsimula ang banta. Akala ko isa sa ex girlfriend ko ang may kagagawan pero naubos ko na lahat ng mga naging babae ko Lahat sila walang alam. May ilan na binayaran sila para masira ang relasyon namin ni Lyra. Ang layunin nila maghiwalay kami. Ibig Sabihin takot sila sa Angkan ng Shoun hindi sila magtatagumpay kung kabilang sa Angkan ko si Lyra. Ngayon hiniwalayan ko siya malalaman ko Kung Ano talaga ang kailangan nila kay Lyra. Mabait si Lyra walang kaaway may mabuti siyang puso ayaw nang nakakasakit ng kapwa.
Hindi ko naman totoong hiniwalayan si Lyra, Hindi ko siya hihiwalayan Gusto ko siya Alagaan, Sa lahat ng babaeng nakilala ko si Lyra ang kakaiba. Wala siyang pakiramdam sa kayamanan, Hindi katulad ng mga Asawa ng ibang kamag-anak ko. Lahat mayayaman mukhang pera, Pero si Lyra hindi mahalaga ang pera, Semple lang ang kanyang nais. Totoong taong magpapahalaga sakanya. Magmamahal sakanya ng tapat pipiliin siya palagi. Balang araw kung sakaling hindi na niya ako kayang tanggapin muli. ibibigay ko sakanya ang kanyang kalayaan. Hahayaan ko siya tuparin ang nais niya sa buhay.
" I know she loves me! Maraming akong paraan para mapaibig siya, Ihahanda ko ang Hacienda na magiging tahanan namin balang araw. I want more kids magpapagawa ako ng maraming kwarto. " Napapangiti na kausap ko sa aking sarili habang nagmamaniho
" Yes Sir." Bungad na sagot ng Secretary ko
" Bilhin mo ang katabing lupain ng Asawa ko. Magpapagawa kadin ng bahay with Swimming pool and Garden." Magiliw na utos ko
Hindi ko na hinintay na makasagot ang kausap ko
*
*
Lyra
*
*
" Napataas kilay ako napansin ko na nagmamadali ata sa pagpapagawa ang bagong kapitbahay ko. 24 hours ang trabaho ang ingay Hindi ako makatulog ng maayos.
" Two months na Wala parin akong balita sa unknown brother ko Kung Kapatid ko nga siya Hindi naman kasi nagpakilala. Hindi na ako natuloy sa pagsampa ng barko dahil hinihintay ko ang Poseble Kapatid ko. Nawalan ako ng contact ang magagawa ko lang ang maghintay sa kanyang Pagdating.
Napabuntong hininga ako tumunog ang Cellphone ko
" Good evening honey. Miss me?" Bungad na tanong ni Storm
Pinatayan ko siya ng tawag napailing ako. Nakipag hiwalay saakin pero araw-araw tumatawag at nangungulit. Pakiramdam ko hindi kami naghiwalay.
" Naku hindi After signing a divorce agreement, the document must be submitted to the court, If the agreement is not filed with the court and approved, it may not be legally enforceable " Bulalas ko
Napamulat ako pinirmahan ko lang ang Divorce agreement pero hindi kami pumunta sa court for finalize.
" Oh God! Naloko na." Bulalas ko
Napabuntong hininga ako kaya pala ang bilis niya ako payagan. Pinapirma ako Yun pala pinagloloko ako. Hindi manlang ako nagtaka na pumayag siya Agad.
Lumabas ako ng bahay gusto ko magpahangin nakatayo ako sa harapan ng bahay nakatingala sa mga bituin sa langit.
Nagulat ako may biglang Yumakap saakin sabay halik sa pisngi ko. Napamura ako
" Tangna." Mura ko
" I miss you! Payakap lang, Aalis din ako pagkatapos." Malambing na wika ni Storm
" Pinagloloko mo ba ako?" Tanong ko
" Nope." Tugon niya
Huminga ako ng malalim naiinis ako pero hindi ko magawang tanggalin ang pagkakayakap niya saakin. Aaminin ko namiss ko din kasi siya. Nahihirapan ako Kalimutan siya dahil araw-araw siya nagpaparamdam saakin. Kaya pakiramdam ko long distance relationship lang kami.
" Kasal pa tayo, Pumayag lang ako lumayo ka saakin pansamantala. Pwede mong gawin lahat ng naisin mo maliban sa paghahanap ng Kapalit ko. Isipin mo nalang may kasintahan ka." Magiliw na wika ni Storm
Nakayakap siya saakin mula sa likuran. Pumikit ako hinayaan ko siya Yakapin ako ng ilang minuto
" Maghihintay ako sa pauwi mo Honey. Huwag mo ako Kalilimutan hihintayin ko ang pagbabalik mo Hon." Malambing na wika ni Storm
Dahan-dahan lumuwag ang kanyang Yakap hanggang sa tuloyan siyang bumitaw sa pagkakayakap saakin.. Hindi ako nagsalita hindi ako lumingon. Nakatayo lang ako tahimik na tumulo ang masama luha sa aking mga mata. Pinipigilan ko ang aking sarili na huwag Humarap sakanya. Dahil baka paghumarap ako sakanya Hindi ko na kayanin lumayo sakanya.
" Paalam mag-iingat ka." Pabulong na sabi ni Storm sabay halik sa Ulo ko
Narinig ko ang papalayo na mga yabag niya.
Dahan-dahan ako naglakad papasok sa bahay hindi ko siya liningon. Hinayaan ko siya makaalis
Hinayaan ko ang sarili ko na umiyak hindi ko alam kung bakit parang dinudurog ang puso ko.. Nasasaktan ako sa Hindi ko malamang dahilan
Nilock ko ang lahat ng pinto at bintana habang nakahiga ako sa kama naiisip ko si Storm kung saan siya matutulog gabi na
Napatingin ako sa Cellphone ko may nagtext
" Honey! I'm here outside your house. "
Napabalikwas ako ng bangon agad na kumabog ang dibdib ko. Namalayan ko nalang binibuksan ko na ang pinto
Bumungad saakin si Storm nakapamulsa
Pagbubukas ko ng pinto agad niya ako sinunggaban ng halik sa labi. Namalayan ko nalang nakahiga na kami sa kama Hubot-hubad umungol pinagsasaluhan ang tamis ng pagmamahalan.
Tulala ako Pagkatapos namin magtalik nakatitig ako sa kisame. Nakayakap saakin si Storm humihilik.
" Talagang bang mahal mo ako? Talagang bang pagmamahal ang nararamdaman ko sayo? Nagugulohan ako hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula na wala ka. Dati buong buo ang pasya ko. Sasampa ako ng barko at mamumuhay ng masaya. Pero ngayon para bang nakatali ako sayo sa loob ng dalawang taon na magkasama tayo nasanay ako na kasama ka. " Malungkot na wika ko
Dahan-dahan ako bumangon sinagot ko ang Overseas call lumabas ako ng bahay para sagutin ang tawag
" It's me Ravi, I'm hiding, I can't go there in the Philippines. Go to this address and I'll wait. Both of our lives are in danger. Please, we'll only be safe if we're together." Paliwanag niya
" I'll be there as soon as possible. I need a complete explanation when I get there. For now, I'll trust you." Seryoso na tugon ko
" Thanks and be safe please." huling will ng nagpakilala na Ravi
Bumalik ako sa loob ng bahay nahiga ako sa tabi ni Storm niyakap ko siya. Agad ako nakatulog Paggising ko wala na si Storm tanging puting rosas ang naiwan. Agad ako nagligpit ng mga gamit ko pagkatapos ko nag-almusal agad ako Umalis dala ko ang malita ko at mahalagang papeles
Sakay ako ng bus pabalik ng manila.
Pagdating sa manila agad ko nilakad ang mga papeles ko
" Resident visas can take 2–7 months. Most visitor visas are completed within 3 weeks. " Sambit ko
Pinili ko ang Visitor Visa para makaalis agad ako. Sa hotel ako pansamantala tumuloy.
Habang naghihintay ako ng Visa ko nagpaalam ako ng maayos sa aking pamilya. Kahit anong pagtutol nila wala silang nagawa. Hindi ko rin sinabi kung saan bansa ako pupunta.
Nang matanggap ko ang Visa ko at ilang araw bago ako Umalis. Nagtext ako kay Storm
Naghanda ako ng Romantic Dinner Date sa isang private beach resort.
Kinabahan ako habang hinihintay siya. Nakaupo ako sa table malapit sa baybayin. Sinabi ko sa text na dapat dumaan siya ng before 9PM pero 10:30 na wala pa siya
Sinubukan ko siya tawagan pero Hindi siya sumagot.
Umiiyak ako habang tahimik na kumakain mag-isa. 10:30 hanggang sa sumapit ang 11: 30 wala pa din. Kaya bitbit ang red wine naglakad-lakad ako sa tabing Dagat mag-isa umiinum
" Gusto lang naman kita makita sa huling pagkakataon. Hindi ko alam kung makakabalik ako, Kung totoo nasa panganib ang buhay ko at totoong kapatid ko si Ravi baka magbago ang takbo ng buhay ko. Pwede ako mamatay o makapatay. Pero kailangan ko alamin ang katutohanan para matahimik ang kalooban ko. " Umiiyak na kausap ko saakin Sarili habang umiinum
Magdamag ako maghintay sa Pagdating ni Storm pero kahit text o tawag wala akong natanggap.
Sumapit ang Umaga tahimik ako Umalis ng Resort. Bumalik ako sa Hotel hinanda ko ang lahat ng gamit ko sa pag-alis ko
New zealand pupuntahan ko
Sakay ako ng taxi nagpadala ako ng mensahe kay Storm
" Goodbye Storm. I'm leaving, I'm currently in a taxi going to the Airport. I don't know if I'll be able to come back alive. So don't look for me anymore. Don't wait for me anymore. Forget about me. Thank you very much for everything. I will remember you for the rest of my life."
E off ko ang Cellphone ko
" Gagawin ko ang lahat para mabuhay at maging ligtas. Pangako babalik ako kahit anong Mangyari. Kahit na magkaroon ka ng pamilya babalikan parin kita. Kung sakaling may pamilyar kana sa pagbabalik ko. Pagmamasdan lang kita sa malayo. Sana maging ligtas ako sa lahat ng pupuntahan ko. Gabayan sana ako ng Diyos.."