bc

(Filipino) Silang, the Fierce Warrior Completed

book_age0+
981
FOLLOW
4.0K
READ
adventure
alpha
kidnap
opposites attract
aloof
kickass heroine
drama
bxg
like
intro-logo
Blurb

Sa palagay ni Aiesha ay nasa kanya na ang lahat. Kabilang siya sa mayamang pamilya at nakatakda na siyang ikasal sa boyfriend niya na nagmula sa isang sikat na angkan ng mga pulitiko.

Subalit nagbago ang buhay niya nang malamang niloloko lang siya nito. Saka niya nakilala si Silang Aladeo-ang guwapong miyembro ng tribo ng Gangan.. Misyon nitong ibalik ang nawawalang mummies na pinaniniwalaang ninakaw ng pamilya ng boyfriend niya. Kailangan nitong ibalik ang mummies para mawala ang sumpa sa tribo nito.

“Isa lang naiisip kong solusyon para matulungan ang tribo mo at matuloy ang kasal namin ng boyfriend ko,” sabi niya.

Kumislap ang interes sa mga mata nito. “Paano?”

“Kidnap me.”

Adapted on TV by ABS-CBN as Hiyas

Published by Precious Hearts Romances

Hello, everyone! This is a VIP story. You can read the first five chapters for free but you have to use coins to read the other chapters until the end.

There are two ways to get coins:

1. Free coins - Go to Earn Rewards and do the tasks to get coins.

Go to Youtube and search Dreame Free coins if you want to watch the tutorial on how to get free coins.

2. Buy coins - go to Store and buy coins via load (Smart or Globe billing), Paypal, Gcash, credit card. This varies on the phone model and country.

Go to Youtube and search Dreame Buy Coins if you want to watch the video tutorials and read this story hassle-free.

Thank you and happy reading!

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Ginising si Silang ng malamig na simoy ng hanging-amihan. Pumuputok pa lang ang araw sa Silangan ngunit handa na siya para sa unang pagtatanim o chinacon. Kabilang siya sa tribo ng Gangan na matatagpuan sa kabundukan ng Cordillera. At lubhang napakalamig sa lugar tuwing buwan ng Pebrero. Nilingon niya ang mga kasamang natutulog sa ato, isang lugar kung saan magkakasamang natutulog ang mga binatilyo, binata at mga biyudo. Nahihimbing pa rin ang mga ito dahil sa lamig ng panahon. Niyugyog niya ang matalik na kaibigang si Langkawan na naghihilik pa. “Langkawan, gumising ka! Hinahanap ka ni Inana.” Naalimpungatan itong bumalikwas ng bangon at tumakbo sa pinto. “Inana, anong kailangan mo…” Natigilan ito nang walang Inana na nakita sa labas. Sa halip ay sinalubong ito ng kadiliman at ng malamig na hangin. Nanginginig itong bumalik sa loob ng ato nang kinukusot ang mga mata. “Silang, ang aga-aga mo namang magbiro.” Tumawa siya. “Hanggang ngayon mahal mo pa rin si Inana,” biro niya. Sa sobrang antok ay nakalimutan nitong bawal dumalaw ang mga kadalagahan sa ato. “Siyempre naman. Alam mo namang siya ang pinakamagandang dalaga sa tribo natin. Bakit ba napakaaga mong gumising?” “Gusto kong panoorin ang pagsikat ng araw,” aniya. Mamaya pa iyon tuluyang sisikat subalit gusto niyang panoorin ang pag-aagaw ng dilim at liwanag. “Kung ganoon, matutulog muna ako,” anito at bumalik muli sa higaan. Akmang magtatalukbong ito ng kumot nang agawin niya ang kumot mula dito. “Huwag ka nang matulog. Marami tayong gagawin ngayon.” “Anong oras na?” tanong nito kasabay ng paghikab. “Ang dilim pa.” “Sanay akong gumising ng ganitong oras.” Nag-resign siya bilang researcher sa Philippine Rice Institute upang bumalik sa tribo. Nagtapos siya ng Agricultural Engineering sa UP Los Baños at alam niyang magagamit niya ang mga natutunan sa sariling agrikultura ng kanyang tribo. Bukod pa sa inaalok siyang magturo sa ilang kolehiyo na sakop ng Cordillera. Subalit pinag-iisipan pa niya iyon. Sa ngayon ay itinutuon muna niya ang isip sa gaganaping ap-pey, isang pista ng chinacon. Isasagawa ang ritwal na tatagal ng ilang araw para maghanda sa pagtatanim ng palay. Ito ay upang hilingin ang masaganang ani at panalangin upang itaboy ang mga peste sa pananim. Hindi maaring simulan ang chinacon hangga’t hindi naisasagawa ang ritwal. Gusto rin niyang ibahagi sa mga katribo ang mga makabagong ideya sa pagtatanim upang dumami ang ani ng kanilang tribo. “Kahit naman noong nandito ka pa, maaga ka talagang gumising.” Kinuha niya ang jacket na maong na nakasabit sa dingding. Sa ato lang sila natutulog ngunit bumabalik din sila sa bahay ng kanilang pamilya o afong. “Uuwi na ako. Inaasahan ako ni Ina nang maaga ngayon. Sasama ako sa pag-aani ng tubo.” Kasabay ng pagtatanim ng palay ay ang pag-ani nila ng tubo. Kadalasan ay ginagawa itong alak o fayas na idinudulot kapag pista o may ritwal. Bumangon na rin ito. “Uuwi na rin ako sa amin. Gusto mo bang sunduin kita para sabay na tayong pumunta sa bukid?” “Sige. Omeyak-et,” paalam niya dito. Patungo sa afong o bahay ng kanyang pamilya ay napansin na niya ang ilang kabahayan na may nakabukas na ilaw. Ibig sabihin ay naghahanda na rin ang mga ito sa pagpunta sa bukid. Hindi niya napansin ang lamig na nanunuot sa balat niya. Dahil mas gusto niyang langhapin ang amoy ng pine trees na sumasama sa malamig na hangin. Iyon ang hinahanap niya noong nasa lungsod siya. Ang lamig at ang puno ng pino. Humalo ang amoy niyon sa bango ng nilalagang kape habang papalapit siya sa sariling tahanan. Ibig sabihin ay gising na rin ang pamilya niya. “Gawis ay agew yo,” bati niya ng magandang umaga sa mga magulang. Naabutan niya ang nanay na si Negay na nagsasalin ng nilagang kape sa tasa. Habang ang ama niyang si Kabuguias ay ihinahanda ang gosi o banga na imbakan ng fayas. Nagpasalin-salin na ang bangang iyon mula pa sa kanilang ninuno. Isa iyong mahalagang pamana sa tribo nila. Ang mga banga ay nagmula pa sa pakikipag-kalakalan ng mga ninuno nila sa mga Intsik nang di pa dumarating ang mga Kastila. “Dumulog ka na, Silang,” yaya ng ama niyang si Kabuguias. “May pulong sa ato ang intugtukon para sa ap-pey.” Hindi lang tulugan ng kabinataan ang ato. Dito rin ginaganap ang pagtitipon at seremonya na may kinalaman sa paglilitis, relihiyon, sosyal at pulitika ng tribo. Ang intugtukon o kalipunan ng nakatatanda ang namumuno sa kanilang tribo. Ang mga ito ang nagdedesisyon at nagsasagawa ng batas sa tribo nila. Kabilang ang ama niya sa mga intugtukon dahil sa angkin nitong talino at lakas. Napangiti siya nang matikman ang kape. Arabica ang kape nila. Isa iyon sa pangunahin nilang produkto bukod sa palay. Walang sinabi ang instant coffee na pinagtitiisan niya noong nasa Manila siya. Kahit sabihin pang may ganoong ding kape sa mga coffee shop, iba pa rin ang kape na mismong itinanim sa tribo nila. “Ano ba ang plano mo ngayon?” tanong ni Inang Negay. “Pupunta po kami ni Langkawan sa tubuhan para mag-ani at tutuloy po kami sa payew pagkatapos. Gusto kong makita ang sitwasyon ng bukid.” Payew ang tawag sa hagdan-hagdang palayan na inukit sa gilid ng bundok. Isa iyon sa ipinagmamalaki ng kanilang tribo na gawa pa ng kanilang ninuno. Kaya matindi ang pagpapahalaga nila sa lupa bukod pa sa doon sila kumukuha ng ikabubuhay. “Ni hindi ka pa nagpapahinga, magtatrabaho ka na agad,” anang si Kabuguias. “Dito ka na ba mananatili?” tanong ni Inang Negay at sumalo sa kanila. “Wen, Ina,” aniya at tumango. Napilitan lang siyang manatili sa lungsod upang kumuha ng kaalaman. Para rin sa tribo nila ang ginagawa niya. “Huwag mong kalilimutang mag-asawa,” ngingiti-ngiting sabi ni Kabuguias. “Bilang papalit sa akin sa ato, kailangan mong magkaroon ng asawa at anak.” Sa tribo nila, importante ang pag-aasawa. Tradisyon na rin nila na kapag hindi nakapag-asawa ang isang anak, hindi ito maaring magmana ng lupain. “Tama. Malapit ka nang magtalumpu pero wala ka pa ring naiku-kwentong babaeng napupusuan mo. Maraming magagandang kadalagahan sa atin. Naghihintay na nga lang silang dalawin mo sila sa olog nila.” Olog ang nagsisilbing dormitoryo ng mga kadalagahan. Dito nangyayari ang pagliligawan ayon na rin sa kanilang tradisyon. “Pwede po bang saka ko na po iisipin iyon. Mas importante sa akin ang pag-papakilala ng bagong binhi ng palay sa mga katribo natin para mas lumaki ang ani. Sa palagay po ba ninyo, pwede ninyo iyong sabihin sa pulong ng intugtukon mamaya?” Konserbatibo ang kanyang katribo niya at ilang beses nang binalewala ang mga proyekto ng gobyerno sa makabagong teknolohiya at mga binhi na mas marami ang ani. Subalit naniniwala siya na pwede pa rin nilang I-akma ang ilang makabagong ideya sa kanilang tribo nang hindi kailangang sirain ang nakagawiang tradisyon. “Huwag kang mag-alala. Sasabihin ko sa pulong mamaya.” “Babalik ba si Salinga dito bago ang ap-pey?” tukoy niya sa nakababatang kapatid na babae. Nasa kabisera ito at sabay na nag-aaral. Karamihan sa mga kabataan sa kanila ay nag-aaral sa Baguio o sa Manila. Subalit lahat ay bumabalik sa kanilang tribo upang maglingkod at ipagpatuloy ang mga tradisyon. “Sa tingin ko naman makakarating siya,” kwento ni Negay. “Wala akong nababalitaang dumadalaw sa kanya sa olog,” komento niya. “May nobyo na ba siya?” “Subsob sa pag-aaral. Pero ang alam ko may nanliligaw sa kanya.” Bumuntong-hininga si Kabuguias. “Sinabihan ko na siyang huwag magkipag-mabutihan sa hindi natin katribo.” Istrikto sila sa pag-aasawa. Kung hindi katribo ang pakakasalan dapat ay mga taga-ibang tribo kung saan wala silang kasaysayan ng sigalot. Magiging outcast lang ang sinumang tagalabas na makakapag-asawa ng isang miyembro ng tribo nila. Mas mahalaga sa kanila ang kinabukasan ng kanilang tribo kung saan maipapasa sa susunod na salinlahi ang kultura at kaalaman ng kanilang lahi. “Gawis ay agew nyo!” bati ni Langkawan pagkatapos kumatok. “Sumkhep ka, Langkawan.” Pinapasok ito ni Inang Negay. “Gusto mo ng kape?” “Salamat po, Inang Negay,” sabi nito at umupo sa bangkito sa tabi niya. Anak na rin ang turing ng mga magulang niya dito dahil mula pagkabata ay magkaibigan na sila. “Sabihan mo nga itong kaibigan mo na humanap na ng nobya,” anang si Kabuguias kay Langkawan. “Wala nang inatupag kundi pag-aralan ang mga palay.” “Huwag po kayong mag-alala, Lakay. Isasama ko siya mamaya kapag dumalaw kami sa olog,” sabi nito at kinindatan siya. MAY bahagya nang liwanag nang makarating sina Silang at Langkawan sa tubuhan. Ilang mga kadalagahan ang naabutan nilang nag-aani din. Magiliw niyang nginitian ang mga ito bilang sagot sa bati sa kanya. Ilan sa mga ito ay sumusulyap nang may kiming ngiti sa kanya at pagkatapos ay magbubulungan. Tinapik siya ni Langkawan sa balikat. “Matagal na silang nagtatanong-tanong kung kailan ang balik mo dito. Sino ba sa kanila ang dadalawin mo sa olog mamaya?” Nagbigay siya ng isang sulyap sa mga kadalagahan na wala pang nobyo. Pawang magaganda ang mga ito. Ngunit walang nakakuha ng atensiyon niya kahit isa. Muli niyang ibinalik sa pagtatabas ng tubo ang atensiyon. “Saka mo na isipin ang panliligaw kapag tapos na natin ang trabaho. Baka sa halip na tubo ang matagpas mo, kamay mo pa ang madali,” paalala niya. “Gawis ay agew yo,” magalang na bati ng kababata niyang si Inana. “Mas maganda ka pa sa umaga, Inana,” sagot naman ni Langkawan na hanggang tainga ang ngiti. Si Inana ang babaeng niligawan nito. Mula pagkabata pa ay mahal na nito ang dalaga. Hindi kataka-taka dahil masasabing si Inana ang isa sa pinakamaganda sa mga kadalagahan sa kanilang tribo. Malamlam ang mga mata nito na may malalantik na pilik-mata. Matangos ang ilong at mamula-mula ang kutis dahil na rin sa malamig na klima sa kanilang lugar at paminsan-minsang pagtatrabaho sa bukid. Katulad ng kanyang kapatid na si Sakinga ay nag-aaral din ito sa kabisera. Umuuwi lang sa tribo nila kapag may mahalagang okasyon tulad ng pagtatanim at pag-aani ng mga pananim. Hindi nito pinansin si Langkawan. Sa halip ay matamis siyang nginitian. “Silang, nabalitaan kong dumating ka kagabi. Akala ko hindi ka na babalik. Baka kasi may nobya ka na sa Maynila,” anito at bahagyang pinatulis ang nguso. Tumawa lang siya. “Wala pa iyon sa isip ko.” Saglit na nabakas ang lungkot sa mga mata nito. Maya maya’y ngumiti rin. “Kailan ka nga pala dadalaw sa olog?” Inakbayan siya ni Langkawan. “Huwag kang mag-alala. Isasama ko si Silang pagdalaw ko sa iyo mamaya.” Ngumiti ulit ito. “Aasahan kita mamaya, Silang,” malambing nitong sabi at bumalik sa kasamahang mga kadalagahan. Hindi man niya naririnig ang usapan, alam niyang siya ang paksa ng mga ito. “Akala ko ba magpapakasal na kayo pagbalik ko?” pabiro niyang tanong. Napakamot ito sa ulo. “Hindi pa kasi ako sinasagot. Pero matiyaga naman ako. Handa akong maghintay sa kanya,” anito at nagsimulang kumanta habang paminsan-minsang sinusulyapan si Inana sa pagitan ng pagtatabas ng tubo. Nakadama siya ng lungkot para dito. Mula pagkabata, alam niyang siya ang totoong gusto ni Inana. Subalit dahil alam niyang gusto ito ni Langkawan kaya hindi niya pinansin. Bukod pa sa hindi naman niya gusto si Inana kahit gaano pa ito kaganda. “Badagam kad sak-en! Badagam kad sak-en!” sigaw ng isang katribo nilang humihingi ng tulong. “Anong problema, Gusaran?” tanong niya kung ano ang problema nito. “Halika, tingnan mo!” humihingal nitong sabi at hinila ang kamay niya “Ano ba ang nangyari?” hindi rin mapigil na usisa ni Langkawan at sumunod sa kanila dala ang gamit sa pagtagpas ng tubo. “Sinugod tayo ng peste!” nahihintatakutang bulalas ni Gusaran nang makarating sila sa bukid nito. Itinuro nito ang lupa na may naglalabasang malalaking bulate. “Ngam na?” tanong ni Langkawan kung ano iyon. “Hindi ko rin alam kung ano iyan,” usal niya at pinag-aralan ang mga iyon. Hindi iyon karaniwang bulate lang. Sa tagal niya ng pag-aaral tungkol sa mga peste ng palay, ngayon lang siya nakakita ng ganoon. Tiningala niya si Gusaran. “Kailan mo pa natuklasan ang tungkol dito?” “Kanina lang dahil ihahanda ko nga ang bukid ko para sa chinacon. Ngayon lang naman nangyari sa bukid ko ang ganito.” Napaluhod si Gusaran sa lupa na mangiyak-ngiyak. Importante sa tribo nila ang bukid dahil naroon ang kanilang kabuhayan at kinabukasan ng kanilang magiging mga anak. “Hindi kaya nagalit ang mga anito sa akin? Bakit kailangan nila akong parusahan nang ganito samantalang hindi naman ako nagkukulang sa pag-aalay at pagdadasal sa kanila?” “Masisira ba ang bukid? Maaapektuhan ba ang ibang taniman?” tanong ni Langkawan na naalarma na rin. “Kailangang gumawa agad tayo ng paraan.” Tumayo siya at pinagpag ang kamay. Hindi rin niya kayang sagutin ang mga tanong nito. “Ipaalam natin ito sa mga intugtukon.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Dangerously In Love

read
44.3K
bc

THE FAT SECRETARY

read
168.0K
bc

A night with Mr. CEO

read
177.8K
bc

WAYNE CORDOVA

read
484.1K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

Mistaken Identity Tagalog Story

read
69.6K
bc

The Cold Husband-SPG

read
4.7M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook