Naalimpungatan si Aiesha nang may marinig na kaluskos. Dilim ang sumalubong sa kanya ngunit natitiyak niyang hindi siya mag-isa sa bodegang iyon. Imposibleng tauhan iyon ni Donato dahil sa likuran nanggaling ang tunog. Hindi kaya minumulto na siya? “Sino iyan?” lakas-loob niyang tanong. “Huwag kang maingay, Aiesha. Pakakawalan kita. Itatakas kita dito,” anang boses na kanina pa niya gustong marinig. “S-Silang?” anas niya. “Paano mo nalamang nandito ako? Paano mo nalusutan ang mga guwardiya?” sunud-sunod niyang tanong. Subalit mas gusto niyang makawala sa pagkakatali dahil gusto niya itong yakapin at halikan. Noon lang siya nakadama ng kapanatagan sa loob ng mahabang oras. “Sinabi agad sa akin ni Aldrich na natagpuan ang kotse mo. Ang hinala ay kinidnap ka. Saka naman tumawag ang Mama
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


