Chapter 3

2472 Words
“Mamayang gabi na ang engagement party mo, Ash,” puno ng energy na sabi ni Portia habang kausap ito sa cellphone. “Hindi ka ba kinakabahan?” Ngumiti siya at lumingon sa bintana ng kotse saka inayos ang headset na naka-konekta sa cellphone. Papasok na siya sa village kung nasaan ang mansion ng pamilya niya. Doon din gaganapin ang engagement party. Naroon rin si Aldrich dahil nag-uusap ang mga magulang nila para sa detalye ng kasal nila. Ngayon pa lang ay pinangungunahan na sila ng mga ito. “Hindi ako kinakabahan. I’m excited. I could hardly wait to wear my diamond ring,” nakangiti niyang sabi at tiningnan ang daliri na wala pang naka-adornong singsing. Sa susunod na taon gaganapin ang kasal. Kung siya ang masusunod, sana pagkatapos ng engagement party ay kasalan na. “Excited na akong isuot ang gown ko,” sabi naman nito. “Marami kayang guwapong bachelors doon? Ipakilala mo naman ako dahil gusto ko nang sumunod magpakasal sa iyo. Sawang-sawa na akong maging abay.” “Maraming guwapong kakilala si Aldrich. Baka mahilo ka sa kapipili.” “Gusto ko sana iyong guy na nakita ko sa office niya last time.” “Iyong nanghihingi ng donation?” paniniyak niya. “Sana sa akin na lang siya lumapit at ido-donate ko nang buong puso ang sarili ko.” Bumuntong-hininga ito. “Anything for that kind of man. He was earthy and manly. Masarap siguro siyang yumakap. Nakakakilig!” “Nakuha mo ba ang pangalan niya?” “Hmmm… Silang. Silang Aladeo.” Hindi niya maiwasang bumulanghit ng tawa. “Great! Bayani pala ng lahi ang type mo. Earthy and manly, huh! Alam ko sa mga bayani binabaril sa Luneta. Apo ba siya nina Gabriela at Diego Silang?” “First name niya ang Silang,” may halong iritasyong sabi nito. Hindi maatim na inaapi ang pangalan ng mahal nitong Silang. “So what kung bayani siya ng lahi? Mas lalo kong naramdamang safe ako.Bagay yata akong maging Mrs. Silang Aladeo.” Humigpit ang hawak niya sa manibela nang gumuhit sa isip niya ang guwapong mukha ni Silang. At parang tuksong paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip niya ang pangalang Mrs. Aiesha Aladeo. “No!” bulalas niya at biglang tinapakan ang preno. Muntik nang bumangag ang mukha niya sa manibela sa tindi ng impact. “Anong nangyari sa iyo?” nag-aalalang tanong nito. “Wala. May nakalimutan lang akong imbitahing kaibigan,” palusot niya. “Magagalit iyon kapag wala siya sa engagement party ko.” “Akala ko ba plantsado na lahat? May nakalimutan ka pa rin pala.” “Oo nga,” pilit niyang sagot habang kinakalma ang sarili. “Magkita na lang tayo mamaya. Make yourself beautiful.” “I’ll be the most beautiful girl in your party.” “Huwag naman. Gusto ko ako pa rin ang pinakamaganda. Baka bigla akong iwan ni Aldrich sa gitna ng party at sa iyo mag-propose ng kasal.” Tumawa ito. “Mas type ko pa rin si Silang Aladeo. Bye!” Huminga siya nang malalim bago muling pinaandar ang sasakyan. Bakit niya naisip na magiging Mrs. Aiesha Aladeo siya samantalang hindi naman niya kilala si Silang? Minsan lang niya ito nakita. Isa pa, engagement party na niya mamaya. She will be Mrs. Aiesha Dominicano. Ikakasal siya sa lalaking mahal niya at kilala niya. Hindi siya dapat nagpapadala sa kalokohan ng ilusyunada niyang kaibigan. Bumusina siya nang papasok sa gate. Napansin niya ang isang lalaki na nakikipag-usap sa guwardiya. Pamilyar sa kanya ang lalaki. May kahabaan ang buhok nito nakatali sa likuran. Kilala niya maging ang tindig nito. And the word earthy and manly flashed in her mind. Si Silang Aladeo. Bumaba siya sa sasakyan at napatigil ito sa pakikipagtalo sa guwardiya. “Mang Pablo, ano po ang problema dito?” tanong niya. Sinaluduhan siya ng guwardiya. “Ma’am, pasensiya na po. Makulit po kasi siya. Gustong pumasok at kausapin si Secretary Dominicano,” tukoy nito sa ama ni Aldrich. “Pero bilin po ni Sir Aldrich na huwag siyang papasukin.” “Gusto ko siyang makausap kahit sa telepono lang,” malumanay nitong sabi. “Ako na po ang bahala sa kanya, Mang Pablo. Kilala ko po siya,” nakangiti niyang sabi sa guwardiya na mukhang diskumpiyado pa rin. Lumingon siya sa dito. “You are Silang Aladeo, right?” Kumunot ang noo nito. Nagtaka marahil kung paano niya nakilala. “Yes,” anito. Isang salita lang iyon subalit hindi nagawang itago ang baritono nitong boses. Lalaking-lalaki. Nakarinig siya ng warning bells. Nasa loob lang ang nobyo niya pero naaakit na siya sa boses ng kaharap. “I’m Aiesha Wayne, Aldrich’s girlfriend. Kung may message ka, sabihin mo na lang sa akin. Importante kasi ang pinag-uusapan nila.” “Wala akong planong manggulo, Miss. Gusto ko lang makausap si Mr. Dominicano. Importante lang. Tapos aalis rin ako.” Naalala niya ang donation na hinihingi nito. “Pumunta ka sa office ko,” aniya at kumuha ng calling card sa bag. “Doon na lang tayo mag-usap. Busy si Aldrich sa trabaho. Ganoon din si Uncle Donato. Ako na lang ang bahala sa iyo.” Malamig ang mga mata nitong tiningnan ang calling card at hindi tinanggap. “Sila mismo ang gusto kong makausap,” pormal nitong sabi. “And my business is urgent, Miss Wayne.” Pinigil niya ang pagtaas ang kilay dahil may pagka-suplado ito. He might be one of those chauvinists who don’t want to deal with women. Pilit siyang ngumiti habang tinitimpi ang inis. Isa ito sa constituents ng future father-in-law niya. Kaya dapat ay maging mabuti pa rin ang pakikitungo niya dito. “Kung gusto mo silang makausap, pumunta ka dito mamayang gabi,” nakangiti niyang sabi at kumuha ng extra invitation sa bag niya. Ngumiti ang mga mata nito nang kunin ang imbitasyon subalit hindi kasama ang labi. Subalit sapat na iyon upang lumutang kaguwapuhan nito. “Thank you.” “So, I’ll see you tonight at the party, Mr. Aladeo.” Kinawayan pa niya ito nang pagbalik niya sa sasakyan. Hindi niya maintindihan pero mas excited pa siya ngayon. Hindi nawala ang ngiti niya. Pagka-park ng sasakyan sa harap ng mansion ay tinawagan agad niya si Portia. “Hey, girl! I got a surprise for you. Chance mo na ito para ikaw ang sumunod na ikasal sa akin.” “CONGRATULATIONS, hija,” bati ni Mrs. Felizia Dominicano kay Aiesha at hinalikan siya sa pisngi. “Bagay na bagay talaga kayo ng anak ko.” Katatapos lang ng formal announcement ng engagement nila. Hawak ni Aldrich ang kamay niya. Suot na niya ang solitaire diamond ring. Hindi pa man sila kasal pero pakiramdam niya ay siya na ang pinakamasayang babae sa mundo. Aldrich is every woman’s dream. A Prince Charming. Punong-puno ng tao ang garden. Pawang may sinasabi sa lipunan ang mga bisita-mula sa business sector at political arena ang naroon. Mayroon din mula sa entertainment industry. Sunud-sunod ang kislap ng mga camera dahil may media coverage ang okasyon. “Thank you, Aunt Feliz,” sabi niya at ngumiti. “Malapit ko na kayong maging Mama. Ready ba kayong mag-alaga ng maraming apo?” Sinapo nito ang noo. “Pwede ba ninyong ipagpaliban muna iyan? Hindi pa ako handa na may tumawag sa aking lola. Ayoko pang tumanda.” Nagtawanan sila. “Mama talaga, masyadong conscious sa edad. Kahit naman maging lola ka na, maganda ka pa rin,” sabi ni Aldrich. “I’m ready to be a grandfather anytime,” nakangiting sabi ni Donato. “Pareho kayong solong anak ni Aldrich. Kaya gusto ko namang kayo ang bumawi. Punuin ninyo ng apo ko ang villa na regalo ko.” “Walang problema doon, Pa,” sabi ni Aldrich. “Uncle Don, Aldrich, may bisita ako dito na gusto kayong makausap. Sa tingin ko importante po iyon. Kailangan niya ng tulong,” sabi niya. Umaliwalas ang mukha ni Donato. “Sure, hija. Handa akong tulungan ang sinumang nangangailangan,” anito sa magaang boses. Nang tingalain niya si Aldrich ay napilitan rin itong tumango. Hindi ito maaring tumanggi sa harap ng ibang tao. Hindi nito gagawin ang ginawa kay Silang nang nakaraan nang ipalabas ito sa guwardiya. Dapat ay malaman na nito kung paano makitungo sa mga nangangailangan lalo na’t tatakbo sa Senado ang ama nito. Kinawayan niya si Portia na katabi si Silang at sinenyasang lumapit. Binilinan niya ito na I-entertain si Silang para hindi mainip hanggang makakuha siya ng tiyempo na ipakausap ito kay Aldrich at sa ama nito. Abot-tainga ang ngiti ni Portia nang lumapit sa kanila. Hindi nito inaasahang si Silang ang magiging sorpresa niya dito. “Congrats, Aiesha, Aldrich!” bati nito sa kanila at umabrisyete kay Silang. “Good evening, Sir, Ma’am,” anito naman sa mga magulang ni Aldrich. “Good evening, hija,” bati ni Mr. Dominicano. “Siya ba ang boyfriend mo?” “Uncle, iyon nga po ang gusto kong sabihin sa inyo,” sabi niya. “I want you to meet Mr. Aladeo. Siya po ang sinasabi ko sa inyo na…” “Anong ginagawa mo dito?” galit na tanong ni Aldrich sa kanya at dinuro si Silang. “Hindi ba sinabi ko na sa iyong tigilan mo na kami!” “Aldrich, ano ba ang problema mo?” mahina subalit mariin niyang tanong. Akala niya ay magiging pormal ito sa harap ng ibang bisita. Hindi niya inaasahang mag-eeskandalo ito sa harap pa ng magulang nito. Hindi nito pinansin ang babala niya. “Guard!” tawag nito sa guwardiyang nakaantabay sa di kalayuan. “Guard!” “Aldrich, don’t!” babala niya dahil nahulaan na niya ang gagawin nito. Lumapit si Mang Pablo sa kanila. “Ano po ang problema, Sir?” “Itapon mo sa labas ang lalaking ito,” utos ni Aldrich kay Mang Pablo. “Hindi ko alam kung paano siya nakapasok pero ayoko siyang makita dito.” “Mang Pablo, huwag ninyo siyang sundin!” kontra niya.Hindi niya papayagang ipagtabuyan na naman si Silang palabas. Gusto lang nitong humingi ng tulong. “You don’t have to throw me out,” sabi ni Silang sa kalmadong tono. “I can find my own way out. And thank you for the invitation, Miss Wayne.” Umalis ito na parang walang nangyari. Ni wala siyang nakitang galit dito. Umakto itong disente kahit ipinagtabuyan ito ni Aldrich. Sinundan ito ni Portia. Na-frustrate siyang lalo. Ni wala siyang nagawa para ipagtanggol ito. Nagpupuyos niyang hinarap si Aldrich. “Bakit ginawa mo iyon? Bisita ko ang binastos mo!” galit niyang bulalas. Umamo ang mukha nito. “Mamaya na natin pag-usapan ito, Aiesha. Kanina pa ina-anticipate ng guests ang paglapit natin sa kanila,” malumanay nitong sabi. “And let you get away with what you did?” “You barely know the man. Hindi mo nga siya dapat binigyan ng imbitasyon.” “Gusto ko lang siyang tulungan. And why are you questioning me? Hindi kita inusisa sa mga binigyan mo ng imbitasyon. I barely know most of them.” Huminga siya nang malalim at uminom sa hawak na kopita ng champagne. Subalit hindi niyon naibsan ang inis niya. Galit na ibinato ang kopita sa paanan. Nagulat ang ilang bisitang nakakita sa inasal niya subalit wala siyang pakialam. Tinalikuran niya si Aldrich at pumasok sa loob ng bahay. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagalit siya dito. Ang pinakaayaw niya sa lahat ay napapahiya sa mga tao. Lalo na sa isang taong katulad ni Silang na walang ginawang masama. Nakasimangot pa rin siya nang makasalubong ang nakangiting mga magulang. Subalit hindi rin niya pinansin ang mga ito at nilagpasan lang. “Anong problema kay Aiesha, hijo?” tanong ng Mommy niya kay Aldrich na kasunod niya. “Nag-away ba kayo?” “It is nothing, Tita. Ako na po ang bahalang umayos,” magiliw nitong sabi. “Sige, kami na ang bahala sa mga bisita. Basta ayusin ninyo iyan.” Hinawakan siya sa balikat ni Aldrich nang maabutan siya. “Sweetie, huwag ka nang magalit,” malambing nitong sabi. Hindi pa rin maipinta ang mukha niya nang harapin ito. “Huwag magalit? He is my visitor and I wanted to help him. Pero ipinagtabuyan mo siyang parang hayop. You didn’t act like a civilized person!” sumbat niya. “You don’t understand.” Hinaplos nito ang sariling noo na parang nahihirapang magpaliwanag sa kanya. “Masama ba siyang tao? Kriminal ba siya? Ganyan ka ba tumulong sa tao?” Ni hindi nito ikinonsidera na bahagi ng voting public si Silang Aladeo. At kahit hindi pa eleksiyon, wala pa rin itong karapatan na tratuhin nang masama ang bisita niya. Lalo na sa isang sibilisadong tao na tulad nito. “Let’s leave the issue. Bumalik na tayo sa mga bisita,” pang-aamo nito. Humalukipkip siya at matapang itong tiningnan. “Hindi ako babalik sa kanila. Ikaw na lang kung gusto mo.” Kapag galit siya, ayaw niyang humarap sa ibang tao. Hindi kasi niya ugaling maging plastic. “Hindi yata ikaw ang masunuring Aiesha na kilala ko.” “At hindi rin ikaw ang Aldrich na kilala ko. Tuwing may hihingi ba ng tulong sa iyo, ipagtatabuyan mo ba at ipapakaladkad sa guwardiya? Iniisip ko tuloy na matapobre ka. And you are not helping your father’s candidacy. How can he get a seat in the Senate if you are acting like a pompous ass?” That was the first time she called someone an ass. At sa lalaki pang pakakasalan niya at mahal niya. “Aiesha, stop it!” saway nito sa kanya. “Do we have to fight over that guy? And forget about my father’s candidacy for once. This our night.” “You ruined it!” Pwede naman nitong kausapin nang maayos si Silang. Kung bastos ito o kung hindi nila magugustuhan ang sasabihin, siya mismo ang magtataboy dito at magpapakaladkad sa guwardiya palabas. May kumurot sa puso niya nang maalala ang mukha ni Silang. Hindi ito ang tipo na nambabastos. May dignidad pa rin ito sa kabila ng panghihiya ni Aldrich. “Okay, I’m sorry. Walang justification ang ginawa ko sa bisita mo. Pero wala na siya. Pwede na ba tayong bumalik?” anito at iniyakap ang kamay sa baywang niya. “Let’s show them how happy we are.” Inisip niya kung masaya nga siya. Mula nang makilala niya ito, ngayon lang siya hindi naging masaya. Lalo na’t paulit-ulit na bumabalik sa kanya ang guwapong mukha ni Silang Aladeo. Isang misteryo ito sa kanya. What power does he have to bring out the worst in Aldrich?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD