Nang kumalma na si Aerielle, saka namin siya kinausap ni Rusty. Gusto ko rin kasing malaman ang buong kuwento kung ano pang pinaggagagawa ni Arianne sa bata, noong mga panahong nasa poder nito ang bata. Hindi naman nagdalawang isip si Aerielle at nagkuwento siya sa amin. “When we fly out of the country, I was so sad because you’re not with us Mommy. I don’t talk to anyone but Dad. And then one day, while Dad is not around, my real Mom scolded at me. Sabi niya sa akin na malas daw ako sa buhay niya. Simula raw nang isilang niya ako, hindi na naging maganda ang takbo ng buhay niya.” Napatingin siya sa amin saka malungkot ang mga matang tila nagtatanong. “Totoo ba iyon Mommy, Daddy? Malas ba talaga ako?” naluluhang muling tanong niya sa amin. “Of course not baby! Hindi totoo iyan, isa kang

